Young Japanese officer ang role ni David: BARBIE, gaganap na vaudeville actress sa historical series na ‘Pulang Araw’
- Published on April 28, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLABAS na rin ng kanyang saloobin si former Senator Tito Sotto at nagpa-interview na siya tungkol pagkadismaya niya sa kontrobersiyang nangyayari sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na nasa 44th year na sila ngayon.
Isa nga rito ay ang usapin tungkol sa mga plano raw na pagbabago na gagawin sa show at ang gusot sa pamumuno ng TAPE, Inc.
“I am disappointed at the very least, I am disappointed of what is happening,” pag-amin ni Tito Sen kung sino talaga ang may-ari ng “Eat Bulaga.”
“If it is a copyright issue, definitely it is owned by Joey de Leon, the three of us, ni Vic (Sotto). Si Joey ang nag-imbento ng pangalan, copyrighted or not, may copyright sila ng merchandising ang TAPE, Inc.. meron din kaming mga naka-file, ask the lawyers,” sabi ni Tito Sen sa nag-interview sa kanyang si Nelson Canlas ng “Updated with Nelson Canlas.”
Ayon pa kay Tito Sen, kung pag-uusapan ang “EB,” it’s owned by Tito, Vic and Joey. Pero kung TAPE, Inc. ang tatanungin, it is owned by them (the corporation ng mga Jalosjos) na co-owner din si Tony Tuviera. Mali raw ang sinabi ni Mayor Bullet Jalosjos sa interview na tahimik lamang nilang pinangangasiwaan ang “Eat Bulaga.”
Natanong si Tito Sen kung saan hahantong ang usaping ito, dalawa raw lamang ang option na dapat gawin, “una, leave it as it is. Let sleeping dogs tie, ika nga. It’s doing well, leave it alone. The other road is, hindi na tayo pwedeng magsama kapag ganoon.
“In short, if you’re talking of the corporation TAPE and Eat Bulaga, my answer would be, let’s cross the bridge when we get there.”
Sa ngayon ay patuloy pa ring napapanood ang “Eat Bulaga,” 12NN daily and at 11:30 AM every Saturday.
***
MUKHANG sabik na sabik na ang mga followers nina Barbie Forteza at David Licauco na muling mapanood sa isang serye ang FiLay/BarDa loveteam.
Sila ang nagtu-tweet at nagpo-post sa kanilang mga social media accounts ng “Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza is set to star in GMA’s new historical series #PulangAraw, portraying the role of a vaudeville actress, who is a Filipino spy at the same time. Ang Pambansang Ginoo na si David Licauco will play a young Japanese officer. The upcoming historical series is set during the Japanese colonial period in the Philippines.
Sa pagtatanong-tanong, nalaman naming hindi pa raw kinakausap sina Barbie at David tungkol sa gagawin nilang GMA Teleserye, dahil may movie pa silang nasimulan nang gawin at sabi’y magsu-shoot pa ang production sa Vienna, Austria.
May balita ring may gagawin daw si Kathryn Bernardo na isang Japanese period movie, pero wala pang details kung sino ang makakatambal niya at kung ano ang character na kanyang gagampanan.
***
UNCONVENTIONAL love story ang “The Seed of Love,” na ibibigay ng GMA Network sa mga televiewers na muling pagtatambalan nina Sparkle prime actress Glaiza de Castro and her leading man Mike Tan.
Ang story ay tumatalakay tungkol sa in-vitro fertilization using the preserved sperm cell. Kaya natanong si Glaiza kung siya raw ba ay ready na ring magkaanak, dahil matagal-tagal na rin silang kasal ng husband niyang si David Rainey from Ireland.
Sagot ni Glaiza, kailangan daw niya munang maging prepared mentally, physically, spiritually, dahil nakikita naman niyang hindi madaling magkaroon ng anak. “Sa ngayon kasi, honestly, takot pa akong magkaanak.”
Ang “Seed of Love” ay mapapanood na GMA Afternoon Prime simula sa May 8, 4:05 PM sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!
Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila. Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay. Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng […]
-
PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore
NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore. Ang Singapore kasi ang itinuturing na “largest source of foreign investments” sa bansa. Sa isang roundtable discussion kasama ang mga Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para […]
-
UAAP crown sinakmal ng NU
NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament. Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. […]