Zarate, ginagamit di umano ang perang kinokolekta ng NPA para pag-aralin ang anak sa Europa
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa ibang bansa.
“Sinasabi mo na si Sandro, anak mo, ginagastusan ng lola. You know, baka sabi mo talagang maloloko mo ang Pilipino lalo na kami dito. Ang lola tiningnan namin, matanda na, wala namang income,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sinabi ng Pangulo na may mga hawak siyang dokumento na may kinalaman kay Zarate kabilang na ang birth certificate at income history nito.
Ayon sa Pangulo, ang anak ni Zarate ay nag-aaral sa The John Paul II Catholic University of Lublin sa Poland.
Ani Pangulong Duterte, base sa kanilang record, madalas ang pagbyahe ni Zarate sa Europa.
Kung ang sweldo mo, Zarate, ‘yan ang ginagastos mo para sa anak mo, pinapasa mo don sa nanay mo na matanda na, eh you’re pulling everybody’s leg. Wag mo kaming bolahin,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yong perang kinokolekta ng mga NPA dito. Hindi nila alam na ang kinokolekta nila pumupunta ‘yan doon sa mga lider, malalaki ang kita tapos sila hirap. ‘Yan ang problema diyan sa mga NPA, nagpapaloko kasi kayo,” dagdag na pahayag nito.
Biniyang diin pa ni Pangulong Duterte na ang ina ni Zarate na sinasabi at itinuturong siyang nagbabayad para makapag-aral ang anak niya (Zarate) sa ibang bansa ay walang “source of income”.
“Walang income ang nanay mo. Matanda na so ikaw talaga ‘yan kay anak mo ‘yan. I would not want to go into remittances kasi while we have a way of knowing pero alam namin na you send money regularly to your son,” ang pahayag ng Pangulo.
Bukod dito, si Zarate ay may “incongruity” sa kanyang ideology.
“Kunwari galit ka sa mga mayayaman. Kunwari galit ka sa mga ‘di nagbabayad ng wastong buwis, nagfa-falsify ng mga properties nila.
You’re a hypocrite… You’re a chauvinist pig,” diing pahayag ng Pangulo.
Samantala, matapang na sinabi ng Pangulo na nais niyang makausap si Zarate, maaari rin aniya nitong isama si dating Senador Antonio Trillanes IV bilang bodyguard.
“Gusto kitang makausap kung talagang lalaki ka. Okay na ‘yang komunista ka. Kung lalaki ka talaga, tanggapin mo ang hamon ko. Saan mo gusto tayong magkita? O gusto mo bodyguard, isama mo na si Trillanes,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “Sige ako mag-isa, dalawa kayo.”(DARIS JOSE)
-
Chua matigas kay Slaughter
BINUNYAG ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na si Gregory William Slaughter ang hindi kumausap sa kanila para sa contract extension sa Barangay Ginebra San Miguel. Ayon sa BGSM governor at team manager din, hindi nagpakita si ‘Gregzilla’ sa kanilang opisina sa Manfaluyong isang linggo matapos magkampeon ang Gin Kings sa 44th […]
-
DIETHER, itinangging naging mapili kaya natagalang magka-project; naging abala sa flying school
MARAMING netizens ang nagulat nang malaman nilang balik-showbiz muli si Diether Ocampo. Matagal din siyang nawala sa limelight, akala ng iba ayaw nang mag-artista ni Diether at namimili na raw siya ng role. Pero ngayon nga sa kanyang pagbabalik ay kasama siya sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba ng Dreamscape Entertainment. […]
-
Eala umukit ng kasaysayan!
GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event. Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]