• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.

 

Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal gambling.

 

Alas-3:30 ng madaling araw nang respondehan nina P/Cpl. Jomel Salaysay at Pat. Jaypee Azucena ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa pangakat ng mga kalalakihang nagsusugal at nambubulahaw sa mga natutulog na residente Saremborao St., Brgy. 8.

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek na nagka-cara y cruz subalit, nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner si Ruiz at Albino.

 

Nang kapkapan, nakuha kay Ruiz ang 0.8 gramo ng shabu na may halagang P5,440 habang 0.7 gramo naman ng shabu ang na nagkakahalaga ng P4,760 ang narekober kay Albino at nasamsam din ang tayang P300 at tatlong pangara. (Richard Mesa)

Other News
  • BARBIE, na-overwhelmed sa mga pasabog na sorpresa ni DIEGO

    SANA nga ay nahanap na nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang para sa isa’t-isa.    Parehong may mga pinagdaanan and in fact, ilan sa mga netizens ang natatakot na sila ngayon ang magka-relasyon.   May negatibong imahe na si Barbie dahil na rin sa mga ganap ng past relationships niya. Si Diego naman, ang pagiging […]

  • Chris Pratt Cast as the Iconic Super Mario in a new animated movie ‘MARIO’

    CHRIS Pratt will play Super Mario in a new animated movie, titled MARIO based on the iconic Nintendo video game character.     Video game movies have a long and largely disappointing track record, but that hasn’t stopped Hollywood from continuing to make them. The fortunes of video game movies have changed in recent years, with movies like Pokemon: […]

  • Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning

    FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya.     Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren.     At magkasama sila sa ASAP in […]