• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coach ni EJ Obiena sinisi ang PATAFA dahil sa nangyaring sigalot

Nilinaw ng coach ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na si Vitaly Petrov na hindi siya ang lumapit sa Philippine Athletic Tracks and Field Association (PATAFA) tungkol sa kaniyang bayad.

 

 

Sinabi nito na ang PATAFA mismo ang lumapit sa kaniya at para sa bayad at hindi kailanman ito ay nagreklamo.

 

 

Ibinunyag pa nito na wala itong reklamo kay Obiena at sa bayad sa kaniya.

 

 

Mismong si PATAFA President Philip Ella Juico ang direktang lumapit sa kaniya kasama si dating pole vaulter Sergey Bubka na ginigipit ito na magbigay ng kasagutan na nais ng mga sporting officials na marinig.

 

 

Paglilinaw nito na mismo si Juico ang gumawa ng mga kuwento para masira ang career ni Obiena.

 

 

Magugunitang pinapapabalik ng PATAFA kay Obiena ang nasa P4.8 milyon matapos aniya na pekehin umano ng Pinoy pole vaulters ang mga liquidation forms.

 

 

Iginiit nito na binayaran siya ng tam at wala itong anumang isyu kay Obiena.

 

 

Hindi rin aniya siya lumapit sa PATAFA para gumawa ng kuwento laban kay Obiena.

Other News
  • President Duterte pinasiyanan ang bagong Skyway 3

    Highways (DPWH), Citra Central Expressway Corp. at San Miguel Holdings ang siyang nagbigay daan upang mabuksan ang 19-kilometer segment ng Skyway na tumatahak mula sa Buendia, Makati hanggang North Luzon Expressway.   Dugtong pa ni Tugade na mayron na tayong tulo-tuloy na 35-kilometer elevated expressway na derechong magdudugtong sa Alabang at Balintawak.  Kung kaya’t walang […]

  • Empleyado ng Manila City Hall, huli sa panloloko

    SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na dalaga at empleyado ng City Treasurers Office ng Manila City Hall dahil sa panloloko at pagnanakaw ng malaking halaga mula sa mga stallholders ng Paco Market.   Hawak ngayon ni P/Major Rosalino Ibay Jr., Hepe bg MPD-Special Mayors Reaction Team ang suspek na si Sherylet Lising, dalaga, Admin […]

  • Gaballo bagong WBC bantam interim champ

    PASIKLAB uli si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang sorpresang alpasan si Emmanuel Rodriguez ng Puerto via split decision para iuwi sa Pilipinas ang World Boxing Council (WBC) bantamweight interim title sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA nitong Sabado (Linggo sa oras sa Maynila).   Kinopo ng 24-anyos, […]