Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau
- Published on February 23, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16.
Kabilang sa mga pinauwi ang three wheelchair-bound passengers na kamakailan lamang ay naospital sa Macau.
“All three were assisted by the Consulate during their hospitalization,” ayon sa DFA .
Sinasabing, ito ang pang-27 repatriation o pagpapauwi sa mga filipino mula Macau. TInatayang umabot na sa 5,355 ang kabuuang bilang ng repatriated nationals mula Macau simula nang sumipa ang coronavirus pandemic (COVID-19).
“These are individuals who were “negatively impacted by the COVID-19 pandemic,” dagdag na pahayag ng DFA.
PInangunahan naman ni Philippine Consul General to Macau Porfirio M. Mayo Jr. ang Consulate’s Team sa airport para tumulong sa mga pasahero na nasa byahe.
Muli nitong inihayag ang commitment ng Konsulado na ipagpatuloy ang repatriation program hanggang magpatuloy naman ang regular commercial flights sa Pilipinas.
“Magpapatuloy po ang repatriation program ng Konsulado para sa lahat ng ating mga kababayan dito sa Macau ,” ayon kay Mayo.
Idinagdag pa ni Mayo na iyong mga nagnanais na magbalik-Pinas ay hinihiling na irehistro ang kanilang detalye sa online registry sa https://tinyurl.com/repatMacau ng Konsulado.
Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola na “as of Feb. 18,” may kabuuang 457,814 overseas Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula sa iba’t ibang foreign countries.
Sa nasabing bilang, may 105,632 ay seafarers habang 352,182 ay land-based overseas Filipinos.
Ang malawakang repatriation program ay nagsimula noong Pebrero 2020 nang magsimulang tumama ang COVID-19 sa buong mundo. (Daris Jose)
-
PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine
SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19. “Check out the vaccinations […]
-
Senador inaaral ang dagdag sweldo kasunod ng P33k minimum wage calls sa gov’t workers
PANAHON na raw upang i-review ang posibilidad ng dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, ito habang nananawagan ng umento ang mga manggagawa dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin. Natataon ang pahayag ni Revilla sa pagtungtong ng inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre 2022, ang pinakamabilis […]
-
DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project
MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network. Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa […]