• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109

NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.

 

Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA Finals mula noong 2014.

 

Kung maalala, huling pumasok ang Heat sa finals ay noong naglalaro pa si LeBron James sa Miami.

 

Nagawa pa ng Boston na mabura ang double-digit na defi- cit para mahawakan ang one- point lead sa fourth quarter, ngunit nakadiskarte pa rin ang Heat para makaabanseng muli.

 

Namayani nang husto sa kampo ng Heat ang rookie at pinakabatang player sa floor na si Tyler Herro na nagpakawala ng 37 points.

 

Si Herro rin ang ikalawang 20-anyos sa kasaysayan ng NBA playoffs na maka-iskor ng nasa 37 points sa isang laro.

 

Ang isa pa ay si Magic Johnson na kumamada ng 42 sa Game 6 ng 1980 NBA Finals para sa Los Angeles Lakers.

 

“I feel good about it,” wika ni Herro. “There’s a lot of work to be done still. We’re up 3-1.”

 

Umalalay din sina Jimmy Butler na umiskor ng 24 points, at si Goran Dragic na may 22 points.

 

Nabalewala naman ang 28 points na binuslo ni Jayson Tatum.

 

Tatargetin na umano ng Heat na tapusin na ang laban sa Game 5 sa Sabado.

 

Ngunit alam nilang ibubuhos lahat ng Celtics ang kanilang makakaya para piliting mapalawig pa ang serye sa Game 6 at Game 7 kung kinakailangan.

Other News
  • Okay na sila at naka-move on na: MIKAEL, umiwas magsalita sa naging issue ni MEGAN sa Miss World 2024 pageant

    NAG-RENEW ng kanyang exclusive contract with GMA si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose last March 12.     Labis ang pasasalamat ni Julie sa GMA dahil sa magandang career na binigay sa kanya simula pa nung naging contestant siya sa Popstar Kids noong 2005.     “GMA Network, thank you so much for […]

  • DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad

    KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.   Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.   niya, […]

  • Mahigit 3K na indibidwal nakabenepisyo sa 2-day free theoretical driving course ng LTO

    SA ISINAGAWANG 2-day free theoretical driving course ng Land Transportation Office, lagpas 3,000 katao ang nakiisa.     Dahil sa kamahalan ng driving course na isang requirement para makakuha ng driver’s license ay sinamantala na ito ng mga tao.     Umaabot raw ng halos 1,200 pesos ang gagastosin sa kurso kaya naman para sa […]