• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid

Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.

 

Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng country’s main gateway, katulad ng ginawa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

 

Taliwas naman ito sa sinabi ng mga ilang mambabatas na mawawalan ng trabaho ang 14,000 na empleyado ng NAIA kung makukuha nila ang kontrata, ayon kay Megawide chairman at chief executive officer Edgar Saavedra.

 

Ayon pa kay Saavedra na kanilang susundin ang mga proseso na ipapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng mungkahi na baguhin ang NAIA complex.

 

“We actually made an offer not only to adhere to government regulations but because we saw value in their knowledge of the airport operations,” wika ni Saavedra.

 

Siniguro naman ni Megawide managing director Louie Ferrer ang proseso ng paglipat ng mga regular na empleyado ng MIAA sa Megawide.

 

“Following the guidelines of the government and the process we followed for the MICIA, we will be sending offers of employment to the regular employees of the NAIA. Those who accept the offers will enjoy benefits equal or possibly more than the benefits they were receiving from the MIAA. Any employees who transfer to Megawide are also protected against retrenchment within a certain period,” wika ni Ferrer.

 

Ayon sa Megawide sila ay mamumuhunan sa pagtatayo ng isang state-of-the-art aviation at airport training facility para sa NAIA na pangungunahan ng mga regular at contractual na mga empleyado.

 

“In the short term our focus is to train the employees of the NAIA in line with our goal to deliver first-world services and operations within the first phase of operations,” dagdag ni Ferrer.

 

Gusto rin ng Megawide na magkaron ng mga Filipino aviation experts hindi lamang sa Manila kundi pati na rin sa Cebu at iba pang airports sa Pilipinas.

 

Ang Megawide ay mahigpit na tutupad sa mga guidelines na ibibigay ng pamahalaan para sa isang multibillion-peso rehabilitation project.

 

Gustong pawalang katotohanan ng Megawide ang sinabi ni Rep. Bong Suntay noong nakaraang budget hearing na marami ang mawawalan ng trabaho kung mag take over ang kanilang kumpanya.  (LASACMAR)

Other News
  • PBBM, isang ‘unstoppable leader’- DAR

    ITINUTURING ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella na isang ‘unstoppable leader’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Kapansin-pansin naman kasi ayon sa Kalihim na ayaw magpaawat at walang nakapipigil kay Pangulong Marcos mula sa paghahatid ng ‘good services’ sa mga Filipino.   “Kahit na po kaarawan niya, kahit birthday niya na kasama ho niya […]

  • Pupunta si Kathryn pero ‘di invited si Daniel: Dream wedding ni BEA, siguradong tutuparin ni DOMINIC

    AYON sa isang panayam, inamin ni Dominic Roque na nagpi-prepare na sila ni Bea Alonzo para sa kanilang kasal na mangyari na taong ito.   Mula nang pumasok ang 2024 ay nagsimula na sila ng kanyang fiancee sa kanilang wedding preparation, na kung saan pareho silang excited.     “The wedding is happening outside Metro […]

  • Naging mabunga ang 2-day state visit PBBM ibinida pinalakas na ‘strategic partnership’ sa Vietnam

    NAKABALIK  na ng bansa si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam na nag resulta sa pagpapalakas pa ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.     Ipinagmalaki ding ibinalita ng Pangulong Marcos na naging mabunga ang kaniyang biyahe dahil sa kaliwat kanang […]