LeBron, Davis ‘di maglalaro sa preseason opener ng Lakers?
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Posible umanong hindi muna maglaro sa unang preseason game ng Los Angeles Lakers ang superstar duo nina LeBron James at Anthony Davis.
Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, bagama’t wala pa silang nabubuong desisyon, ito na raw marahil ang tutunguhin ng kanilang magiging pasya.
“We haven’t made that decision yet, but I will say it’s probably unlikely that they play,” wika ni Vogel.
Sa nasabing preseason game, haharapin ng Lakers ang mahigpit nilang karibal na Los Angeles Clippers sa darating na Sabado.
Matapos ang Clippers, sunod naman nilang kakalabanin ang Phoenix Suns sa susunod na linggo.
Sa Disyembre 23 naman gaganapin ang kanilang unang laro sa regular season kung saan makakatunggali nila ang Dallas Mavericks.
-
National Board of Canvassers, binuo na
PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections. Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]
-
Wala akong balak maging Presidente – Pacquiao
Ibinida ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na interesado itong makasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford. Isiniwalat nito na nakausap na niya si Top Rank Big Boss Bob Arum tungkol sa possible nilang salpukan. Subalit, isang bagay lang umano ang humaharang sa laban ng dalawa at ito ay ang problema sa coronavirus matapos sabihin ng Pambansang Kamao na […]
-
Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”
PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad. Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA […]