• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH Sec. Duque at ex-PhilHealth chief Morales, iba pa, pinakakasuhan

Inilabas na ng Senado ang kanilang committee report ukol sa isinagawang mga pagdinig ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth.

 

Batay sa 57 pahinang ulat na inilabas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinasasampahan nila ng criminal charges sina Health Sec. Francisco Duque III, dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at iba pa.

 

Bunsod umano ito ng malversation of public funds, kabiguang maiproseso ang buwis para sa bayarin sa mga ospital.

 

Habang iminungkahi ring sampahan ng administrative cases sina senior vice president for legal sector, Atty. Rodolfo del Rosario at iba pang opisyal na nasa Protest and Appeal Review Department dahil sa kawalan ng aksyon sa mga nakabinbing reklamo laban sa iba pang tauhan ng government corporation na may kinasasangkutang usapin.

 

Magbibigay umano ng kopya ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman at sa DoJ panel para sa karagdagang aksyon.

 

Narito ang bahagi ng rekomendasyon ng komite:

  • File administrative case against BGen. Morales and SVP Dennis S. Mas, implementing the Management Board Service Resolutions Sector on for not courtesy resignations, which is clearly a neglect of duty and insubordination.
    • File administrative case against BGen. Morales, Executive Vice President and COO Arnel F. De Jesus, and Mr. Arnel F. De Jesus, Executive Vice President and Chief Operating Officer for violating the COA Rules on the period of liquidation in issuing Memorandum Circular 2020-032
    • File administrative case against Atty. Rodolfo Del Rosario, SVP for Legal Sector, and all the other officers and employees of the Protest and Appeal Review Department of PhilHealth for their failure to act and gross neglect of duties relative to the cases pending in their department.
    • Ensure that administrative and criminal cases are timely filed against responsible individuals, health care institutions, and corporations. Filing charges against responsible individuals, health care institutions, and corporations
    will prove PhilHealth’s and the government’s commitment to ensure that government funds are not mismanaged and that 52corruption is not tolerated. Further, cases and subsequent convictions will serve as a deterrence for others with corrupt intentions.
    • Given the observation on the B. Braun Avitum Philippines, Inc., evidence for ghost patients must be sought after. The report recommended that this can be done by retroactively matching the latest death data from the Philippine Statistics Authority.” (Daris Jose)
Other News
  • Malakanyang, pinaalalahanan ang publiko na sundin ang 7 commandments ng DOTr ngayong Mahal na Araw

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko partikular na ang mga magbi-byahe sa probinsiya na sundin ang 7 commandments ng health protocols sa pampublikong transportasyon ngayong Mahal na Araw.   Inisa-isa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang 7 commandments na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr). ito ay ang mga sumusunod: 1. Magsuot ng face mask at […]

  • National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl

    Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas.   Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga […]

  • Karate champ Orbon guest ng TOPS

    MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday).   Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement […]