Bianca, Ardina, Guce babawi sa Marathon
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Walang ibang nasa utak sina Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina at Clariss Guce kundi makaresbak sa US$1.7M Marathon Classic sa Agosto 6-9 sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio.
Buhat ang tatlong Pinay professional golfer – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000) cash prize, Guce sa 3-way tie sa 64th na may $2,249 (P110,000) at Ardina na mintis sa cut kaya setlog sa kalapit lang na Inverness Club Golf Club sa Toledo, ang pinagdausan ng US$1M Ladies Professional Golf Association (LPGA) Drive On Championship nitong Hulyo 31-Agosto 2.
Mala-akyat Mt. Everest man, nakikipagkarera ng ranking points sina Pagdanganan, 22, Ardina, 26, at Guce, 30, sa paghahabol sa 32nd Sumer Olympic Games 2020 na itinakda sa Hulyo 2021 sa Tokyo, Japan.
Ang isa pang may kagayang nilang misyon ay ang kumakampanya sa mayaman ding LPGA Japan Tour na si reigning Asian Games champion Yuka Saso, 19. (REC)
-
PDu30, pinayuhan ang publiko ng tamang pagtatapon ng medical wastes
PiNAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na itapon nang tama at kung paano dapat itinatapon ang medical wastes. “You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo […]
-
Libreng civil wedding, handog ng Navotas
TATLUMPU’T anim na magsing-irog na Navoteño ang ikinasal sa libreng civil wedding na inihandog ng pamahalaang lungsod ng Navotas. Ang Kasalang Bayan, na regular na isinasagawa tuwing Araw ng mga Puso at anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas (kahapon), ay naghahangad na gawing legal ang pagsasama ng mga mag-partner. “Karamihan sa inyo ay […]
-
Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday. Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon. Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]