“Agila” Natividad bagong OMB chair
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB).
Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad.
Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay ang OMB lalo na sa paglaban sa optical media piracy at pagprotekta sa intellectual property rights sa digital form.
“We wish Mr. Natividad good luck in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, mismong si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pormal na nagpanumpa sa tungkulin kay “Agila”. Ang OMB na nasa ilalim ng Office of the President ay siyang nagreregulate ng pag-manufacture at importasyon ng mga optical media products.
Kabilang sa mga humawak ng naturang puwesto ay sina Edu Manzano, Ronnie Ricketts at Sen. Bong Revilla.
Si Natividad ay nakilala bilang hall of famer awardee bilang Most Outstanding City Mayor at consistent awardee sa Seal of Good Housekeeping at sa pagpapanatili ng peace and order.
-
Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN
MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards. In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA. Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap […]
-
44 close contacts ng Omicron subvariant, natukoy
UMABOT na sa 44 indibidwal ang natukoy na ‘close-contacts’ ng unang Omicron BA.2.12 case na isang babaeng Finnish na bumisita sa Baguio City, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad silang nagkasa ng ‘contact-tracing’ makaraang matukoy ang naturang kaso ng Omicron variant. Dito […]
-
TOP 1 MOST WANTED NG NPD, ARESTADO
Matapos ang mahigit dalawang taon pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang Top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City. Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin […]