• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 2 sa NCR, malabo pa – DOH

MASYADO pa umanong maaga para sabihin na maari nang ibaba sa Alert Level 2 mula sa Alert Le­vel 3 sa pagpasok ng Pebrero ang National Capital Region (NCR).

 

 

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ‘peak’ ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay inaasahan sa pagtatapos ng Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero.

 

 

Inasahan din na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay dodoble pa sa ikalawang linggo ng Pebrero.

 

 

“It’s too early to declare or to say to our people that we will shift or de-escalate to Alert Level 2,”ani Vergeire.

 

 

Ang NCR at 50 iba pa ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng Enero.

 

 

Nabatid na sinabi ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa Dobol B TV na posible nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila pagsapit ng Peb­rero subalit ayon kay Vergeire, bumababa man ang kaso sa Metro Manila, dapat ding isipin na hindi lahat ng sumailalim sa antigen testing ay nagrereport sa DOH.

 

 

“So we are closely monitoring… sa ngayon hindi pa masasabi if we can de-escalate by the middle of February dito sa NCR,” dagdag ni Vergeire.

Other News
  • GMRC, IBALIK

    IBA na talaga ang kabataan ngayon. Ang dating madaling kausap, mahirap nang intindihin. Kung gaano kahirap pangaralan, ganu’n naman kadaling maimpluwensiyahan.   Bagama’t, hindi naman kailangang lahatin, pero meron talagang mga pasaway at nakalimutan na ang kagandahang-asal. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang pagbabalik ng asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa elementarya […]

  • Mag-face mask sa bahay kung may kasamang iba – DOH

    Pormal nang ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.     Sa limang rekomendasyon na ibinigay ng DOH nitong Sabado ng gabi, kasama dito ang “Mask at home when not alone”.     “Everyone is called on to […]

  • WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL

    DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020.   Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya.   “Next year na […]