• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo

Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.

 

Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.

 

Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng Zamboanga City.

 

Nitong Miyerkules naman ay sumalang sa testing ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Pasig-Sta. Lucia Realtors, Palayan City Capitols at Porac-Big Boss Cement Green Gorillas.

 

Sa Susunod naman na linggo ang ibang koponan gaya ng Bicol Volcanoes, Sarangani Marlines, Val City Classic at iba pa.

 

Dagdag pa na magiging staggered din ang gagawing ensayo.

 

Mahigpit ang ipinatupad na health protocols gaya ng pagpirma nila ng contact tracing.

 

Inaasahan naman na magsisimula ang mga laro sa Oktubre 2 para sa kanilang President’s Cup na gaganapin sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.

Other News
  • Fernando, nanawagan ng pagkakaisa at pagsunod sa batas

    LUNGSOD NG MALOLOS– Nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan sa mga Bulakenyo ng pagkakaisa at pagsunod sa batas sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang iba pang lugar na kabilang sa “NCR bubble” na binubuo ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula sa Lunes, Marso 29, 2021 hanggang […]

  • Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na

    INIHAYAG  ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”.     Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba.     Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces.     Nauna nang […]

  • NAIA may bagong website, logo, social media pages

    INILUNSAD ng New NAIA Infra Cor. (NNIC), ang bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang bagong website, social media pages at logo matapos ang ginawang take-over ng nasabing bagong pribadong kumpanya.     Ang bagong website ay nakatuon sa pagbibigay ng kumpletong inpormasyon tungkol sa operasyon ng NAIA kasama ang detalying inpormasyon sa […]