DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.
“Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo puwedeng mag-deescalate,” ayon kay Duque.
“Maganda po ‘tong metric sa pag-assess kung sino bang lugar ang hinog na for Alert Level 1,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ng DoH na naghahanda na ang pamahalaan para sa Alert Level 1 at sa tinatawag na eventual transition ng COVID-19 pandemic sa endemic state.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Alert Level 1 ay magiging “new normal” ng bansa.
Sa ilalim ng Alert Level 2 — pangalawa sa pinakamababa sa bagong alert level system — may ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults (at minors, kahit pa hindi bakunado) at 70% capacity outdoors.
Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng 3,653,526 COVID-19 cases na mayroong 3,539,106 recoveries at 55,763 deaths.
Sa kabilang dako, sa naging pag-uulat naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sinabi nito na 90 milyong Filipino ang target ng pamahalaan na mabakunahan, may kabuuang 62,505,204 ang nakatanggap ng kanilang second dose o 69%.
“We have reached an inflection point where our daily output has dramatically reduced from 1 million to less than 500,00- a day and low turnout during National Vaccination days,” ani Galvez.
Aniya pa, nakatuon ang pansin ng gobyerno sa natitirang tatlong milyong seniors at persons with comorbidities sa nagpapatuloy na vaccination efforts.
Samantala, mayroong 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas na vaccine coverage.
Dapat aniyang nakatuon ang pansin ng mga rehiyon na ito sa pag-aalok ng boosters, habang ang natitirang limang rehiyon ay dapat na subukan na palakasin ang kanilang primary vaccinations. (Daris Jose)
-
Manny Pacquiao hindi makakalaban sa Amerika?
KUNG magdedesisyon si eight-division world champion Manny Pacquiao na bumalik sa boxing, posibleng mahirapan itong ganapin ang kanyang comeback fight sa Amerika. Ito ay dahil sa kasalukuyang kaso na kinakaharap nito laban sa Paradigm Sports Management (PSM) sa Superior Court of California. Nais ni Paradigm chief Audie Attar na bayaran ni […]
-
Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan
SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.” “We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral […]
-
Ads July 10, 2021