• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity

SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly.

 

“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni Lopez sa isang panayam ng Dobol B.

 

“Tapos, yesterday, nag-declare na rin ang Cavite, o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag nito.

 

Sakop nito ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga de latang ulam, instant noodles, kape, at gatas.

 

Ang mahuhuling lumabag ay pagmumultahin ng aabot sa P2 milyon.

 

Dagdag nito na kahit walang tigil-galaw sa presyo ng mga bilihin, maigting na pinatutupad ang suggested retail price sa mga ito. (Ara Romero)

Other News
  • Six years na ang pagiging Kapuso: GABBY, walang pinipiling project sa GMA at nagpapasalamat sa trust

    ISA pa rin loyal Kapuso ang isa sa most well-loved actor na si Gabby Concepcion, as he renews his ties with the country’s leading broadcast company, ang GMA Network matapos niya muling mag-sign ng contract last Thursday, September 8.       Kasama ni Gabby nang mag-renew ng contract, ang manager niyang si Popoy Caritativo.   […]

  • Fuel tax, suspendihin

    Muling umapela si dating Speaker Alan Peter Cayetano na suspindihin muna ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo para matugunan ang mataas ma inflation rate sa bansa.     Isa pang suhestiyon ng mambaatas na magpatupad ng 5% savings rate sa lahat ng government agencies upang masolusyunan naman ang revenue shortfall.     […]

  • MM mayors wala pang rekomendasyon sa IATF

    Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos Jr., maraming kinukonsidera sa kanilang magiging desisyon ang mga alkalde sa NCR kabilang na […]