• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.

 

Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.

 

Sa Red Cross laboratory dadalhin ang swab samples para iproseso kung saan malalaman ang resulta pagkatapos ng tatlo hanggang apat na araw.

 

Ayon sa Grab ang proyektong ito ay gagawin at magtatagal ng dalawang buwan sa ibang lungsod sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ni Grab Philippines president Brian Cu na uunahin muna nila ang may 40,000 na aktibong mga drivers at riders. Kasunod naman ay ang may humigit kumulang na 20,000 na drivers na natitira at naghihitay pa ng kanilang permit para mag operate.

 

Dagdag pa ni Cu, upang mahikayat ang mga drivers na sumailalim sa swab testing, ang kanilang kumpanya ay magbibigay ng P10,000 na assistance kung nag positibo ang isang driver habang sila ay naka quarantine.

 

Ang project na ito ay sa pagtutulungan ng Grab Philippines kasama ang National Task Force for COVID 19 at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

 

“The initiative is part of the government’s expanded targeted testing protocol, which aims to test frontline workers,” wika ni BCDA chief at testing czar Vince Dizon.

 

Ayon sa kanya, sa bagong guidelines, ang mga frontline workers na nasa special concern areas ay qualified na sumailalim ng libreng COVID-19 testing.

 

Kasama rin dito ang mga workers na nagtratrabaho sa public transportation sector tulad ng jeepney, bus at tricycle drivers.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa Grab para sa ginawang pilot initiative sa Quezon City. Nagkaron naman ng ika-dalawang swab testing na ginawa  sa Amoranto Sports Complex.  (LASACMAR)

Other News
  • Inuulan din sila ng suwerte sa negosyo: GLADYS, dapat kainggitan dahil puwedeng mag-work kahit saang network

    PINABULAANAN ng TAPE Inc. na hanggang katapusan ng July ang Eat Bulaga.     Kumalat ang balita online pagkatapos na makakuha ng mababang rating ang Eat Bulaga noong  July 1 when “It’s Showtime” and “E. A. T.” premiered on GTV and TV5 respectively.     Pero sa latest ratings report, the viewership of Eat Bulaga […]

  • Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF

    MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan.   Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa  ng iba’t  ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus.   Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]

  • Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

    NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.         Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.         “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]