• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron at Davis balik na pero minalas pa rin ang Lakers vs Pelicans

BALIK  na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111.

 

 

Kung maaalala dalawang games din na nawala si LeBron habang inabot naman ng 18 games na hindi nakalaro si Davis dahil sa mga injuries.

 

 

Bagama’t umiskor ng 38 points si James at 23 points naman si Davis, hindi pa rin ito naging sapat nang mag-collapse ang team sa huling sandali.

 

 

Nahabol kasi ng Pelicans ang kalamangan ng kalaban hanggang sa sumablay na ang mga crucial na tira nina LeBron at Russel Westbrook sa huling sandali.

 

 

Namemeligro ngayon ang kalagayan ng Lakers (31-46) na umabot kahit sa play-in tournament matapos malaglag sa pang-11 puwesto sa Western Conference.

 

 

Sa ngayon meron na lamang silang limang games na nalalabi at dapat ipanalo nilang lahat ito.

Other News
  • EDSA mabilis pa rin ang daloy ng trapiko

    Kahit na dumami ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA tulad ng bago pa ang pandemya, ang daloy ng trapiko dito ay naging mabilis pa rin.     Sa isang panaham kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos kanyang sinabi na kahit na madami na ngayon ang bilang ng mga sasakyan naging mabilis […]

  • PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG

    HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila.   Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., […]

  • DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN

    WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa vaccination program ng pamahalaan.   Ayon kay Manila  Vice Mayor  Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila […]