• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena No. 3 na sa world ranking

MULING umangat si Tok­yo Olympics veteran EJ Obiena sa world ranking na inilabas ng International Athletics Association Fe­deration (IAAF) sa men’s pole vault event.

 

 

Sumulong sa No. 3 spot si Obiena na resulta ng kanyang bronze medal fi­nish sa prestihiyosong World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon sa Amerika.

 

 

Nakalikom si Obiena ng kabuuang 1,408 puntos para okupahan ang ikatlong puwesto–malayo sa kanyang dating ranking na No. 6.

 

 

“It’s official. As of July 26, 2022, Philippines is the best in Asia and the 3rd best in the world for pole vault,” ayon sa post ni O­biena sa kanyang Facebook page.

 

 

Sariwa pa si Obiena sa pagsikwat ng tanso sa world championships kung saan naitala nito ang bagong Asian record na 5.94 metro.

 

 

Nangunguna sa lista­han si world record holder Armand Duplantis ng Sweden na may 1,612 puntos.

Other News
  • Pagsusuot ng face mask at face shield, required na

    REQUIRED na ngayon ang mga mamamayang Filipino na magsuot ng face masks at face shields kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay.   Layon kasi ng pamahalaan na pabagalin ang pagkalat ng  COVID-19 ngayong holiday season.   Ang anunsyong ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos […]

  • RAYVER, stick to one lang at ayaw na paiba-iba ang girlfriend

    NASORPRESA si Glaiza de Castro sa ‘Pinoy Abroad Fun Connect’ ng GMA Pinoy TV, na nakipag–bonding sa mga fans abroad pamamagitan ng zoom event kasama ang cast ng Nagbabagang Luha na sina Rayver Cruz, Claire Castro, Royce Cabrera at Mike Tan. from Ireland.  Lalong nasorpresa si Glaiza dahil kasama rin ni David ang soon-to-be mother-in-law […]

  • 5 ‘tulak’ nadakma sa buy bust sa Valenzuela, P285K shabu nasamsam

    TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa isinumiteng ulat ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang […]