• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan

Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield.

 

 

Sa katunayan, ang usapin na ito ay naungkat nga rin aniya sa Go Negosyo forum.

 

 

Tsaka, kung tutuusin, iginiit ni David na ang pinapayagan lang naman manood ng pelikula sa sinehan ay iyong mga fully vaccinated na.

 

 

Nauna nang inanunsyo ng pamahalaan ang reopening ng mga cinemas sa Metro Manila matapos na inilagay ang rehiyon sa Alert Level 3.

 

 

Pero, tanging ang mga fully vaccinated lamang na mga indibidwal ang papayagan sa 30 percent seating capacity ng mga sinehan.

 

 

Ayon sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) simula Nobyembre 10 ay magbubukas na ulit ang mga sinehan.

 

 

Kabilang sa mga protocols na kailangan ng mga papasok sa cinemas ay ang pagsuot ng face shields at face masks.

Other News
  • NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN

    PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.   Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag […]

  • Jobless tumaas ng 1.8% nitong June – SWS

    Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.     Ito ay batay sa lumabas na SWS survey nitong June na may 27.6 percent o 13.5 milyon ang jobless mas mataas ng 1.8% […]

  • Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?

    MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles.   Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang […]