P 1.5 SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Phililippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa baybayin ng Bangas Island at Jolo Island sa Sulu.
Ayon sa PCG, inaresto rin ang tatlong crew na sakay ng “junkong” type motorbanca nang magsagawa ng regular na coastal security patrol ang Coast Guard Station Sulu.
Hindi umano nakapagpakita ng dokumento ang mga crew kaya kinumpiska ang kahon-kahon ng mga puslit na sigarilyo at itinurn over sa Bureau of Customs (BOC) sa Jolo para sa tamang imbentaryo at kaukulang imbestigasyon.
Magkatuwang ang PCG at BOC sa pagbabantay sa mga baybayin sa bansa upang mapigilan ang iligal na aktibidad gaya ng smuggling, at human trafficking. (GENE ADSUARA)
-
Pinas, nakatakdang tumanggap ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac at Gamaleya ngayong Abril
SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan. Sa 2 milyong doses, 1.5 milyon ang ide-deliver ng Sinovac habang ang 500,000 naman ay manggagaling mula sa Gamaleya. Hinggil naman […]
-
CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers
HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016. Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]
-
COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’
Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang […]