• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2023

P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN  ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.

 

 

Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.

 

 

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, partiluar na inilaan ang naturang loan asistance para matulungan ang mga nangangailangang miyembro at pensioners nito sa kasagsagan ng kalamidad.

 

 

Paliwanag ng GSIS na maaaring makahiram ang mga miyembro at pensioners na may existing emergency loan balance ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang nagdaang emergency loan balance at maaaring makatanggap ng maximum net amount na P20,000 para sa bagong loan.

 

 

Habang ang mga miyembro at pensioners naman na walang existing emergency loan ay kwalipikadong mag-apply para sa loan na P20,000.

 

 

Ang naturang emergency loan mula sa GSIS ay mayroong 6% interest rate na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon. (Daris Jose)

Tamang oras na ilahad ang sexual identity: MICHELLE, nag-out na rin na isa siyang bisexual

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG isyu na noon ay bulung-bulungan lamang ang magkasunod na nakumpirma ngayong pagtatapos ng buwan ng Mayo.

 

 

Una rito ay ang dati pang napapabalitang hiwalay na sina Max Collins at Pancho Magno.

 

 

Sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ nitong Lunes, inamin ito ni Max, na nangyari ang kanilang hiwalayan noong panahon ng pandemic.

 

 

“I didn’t talk about it because siyempre, marami kaming pinagdaan as a family that time because there was a pandemic, nanganak ako, my marriage was falling apart.

 

 

“I had to process everything, and I wanted to quiet the noise. I didn’t want to hear other’s people’s opinions, suggestions, comments because artista na ako, ayaw kong gawing teleserye ‘yung buhay namin,” pahayag ni Max..

 

 

Maayos raw ang kanilang paghihiwalay ni Pancho, at napagkasunduan nila na gawin ito sa tahimik na paraan.

 

 

“Every separation is difficult, but it was amicable. We were not working out, and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about,” pagbabahagi pa ng Sparkle actress.

 

 

Ayon pa rin kay Max ay ginawa nila ni Pancho ang lahat para maisalba ang kanilang pagsasama.

 

 

“We’ve been together for eights years total. Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense where dumating ‘yung point na we stopped becoming in denial about it.

 

 

“I didn’t want to lie to myself anymore, and I think he didn’t want to as well,” pahayag pa ni Max.

 

 

Ibinahagi naman ng aktres na maganda ang co-parenting relationship nila ni Pancho sa kanilang anak na si Skye.

 

 

“That’s why I’m ready to talk about it now because we’re in a good place. I actually got his blessing to do an interview with you,” patungkol ni Max kay Tito Boy.

 

 

“We’re in a very good place now. Our child is almost three, and he’s very happy and healthy, and we have a very good co-parenting relationship,” sinabi pa ni Max.

 

 

Tungkol sa relasyon niya kay Pancho, sinabi ni Max na…

 

 

“We’re the best of friends, we’re closer now.”

 

 

Samantala, bahagi si Max ng upcoming romantic/comedy/action series na ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ with Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Beauty Gonzalez na mapapanood na simula June 4, 7:50 pm sa GMA.

 

 

***

 

 

ISA pang pasabog na rebelasyon ay nagmula kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee… isa siyang bisexual!

 

 

Naganap ang pag-a-out ni Michelle sa Mega Magazine special issue na inilabas nitong Lunes.

 

 

“I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember.

 

 

“I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes,” pahayag ng beauty queen/actress na incidentally ay bestfriend ni Max Collins.

 

 

Ayon pa kay Michelle, lumaki siya sa isang pamilyang puno ng “empowered and strong individuals,” lalo na ang kaniyang ina na si Melanie Marquez.

 

 

“I grew up in an environment where we’d appreciate pogi and maganda.

 

 

“I never had to quote, unquote come out. I was never really confronted about it by my parents or people who matter,” sinabi ni Michelle.

 

 

Matagal na rin daw siyang tagasuporta ng LGBTQIA+ community.

 

 

“Even before coming out, I’ve been attending pride marches. I have too many friends and best friends in the community.

 

 

“I’ve been a loud and proud ally. It’s just that I never gave a confirmation [of my sexuality].

 

 

Hindi raw naramdaman ni Michelle na isyu ang kanyang sexual identity.

 

 

“I have so much more to offer the world and the universe than how I identify myself. This is also the reason why I chose not to come out despite the pressure to come out during the competition,” ayon kay Michelle, na sinabi rin ito na ang tamang oras na ilahad ang kaniyang sexual identity.

 

 

“When somebody takes away your story, then you should take control of that narrative. Turn it around and make it an empowering story. So that’s what I’m doing,” paliwanag pa niya.

(ROMMEL L. GONZALES)

Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

 

 

Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis.

 

 

Ang nasabing lugar ay bahagi ng Upper Marikina Watershed.

 

 

Dagdag dito, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 million liters per day (MLD) ng treated water sa 919,784 na populasyon sa Antipolo City at mga kalapit na bayan.

 

 

Sa kasalukuyan, habang naghahanda para simulan ang buong operasyon, ang pasilidad ay nakakapagsupply na ng tubig sa ilang lugar ng lungsod kabilang ang Antipolo Government Center.

 

 

Ang proyekto ng Calawis Water Supply System ay binubuo ng 80 million liters per day water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoir, at 21 kilometers ng primary transmission line.

Japan nagpautang muli ng P6.9B para sa MRT3 rehab

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Japan at Pilipinas para sa isang loan na nagkakahalaga ng 17.4 billion yen o P6.9 billion na gagamitin sa ikalawang bahagi ng rehabilitation ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).

 

 

 

Ang lumagda para sa Tokyo ay si charge d’affaires Kenichi Matsuda habang si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo ang sa Manila na ginawa sa Embassy ng Japan sa Manila.

 

 

 

Kasama sa MRT’s rehabilitation ay ang patuloy na maintenance ng rail line at konstruksyon para sa connection ng Common Rail Station sa North Avenue at ng existing na Light Rail Transit Line 1 at Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) ganon din ang ginagawang Metro Manila Subway.

 

 

 

Sa ikalawang bahagi ng rehabilitation project ay kasama rin ang patuloy na pagbibigay ng passenger convenience. Naglalayon din ang proyekto na isulong ang paggamit ng pampublikong transportasyon na siyang makakatulong upang magkaron ng tuloy-tuloy na pagunlad ng ekonomiya ng bansa at ng mabawasan ang environmental burdens.

 

 

 

Ang bagong loan ay mayron 0.1 percent na interest kada taon at kinakailangan mabayaran sa loob ng 40 na taon kasama na ang grace period na 10 taon.

 

 

 

Sa unang bahagi ng loan agreement, ang dalawang pamahalaan ay lumagda sa isang kasunduan noong November 2018 na nagkakahalaga ng 38.1 billion yen.

 

 

 

May mga mahigpit na paraan ang ginawa sa unang bahagi ng rehabilitation katulad ng restoring MRT3 safety, comfort at high speed na gumamit ng teknolohiya ng Japan.

 

 

 

Umaasa ang pamahalaan na tataas mula sa 810 million passenger-kilometers noong 2017 at magiging 1.4 billion passenger-kilometers sa kasalukuyan.

 

 

 

Sa ilalim rin ng unang bahagi ng MRT 3 rehabilitation project, ang Sumitomo-MHI ang siyang namahala sa overhaul ng 72 light rail vehicles, replacement ng lahat ng main tracks, rehabilitation ng power at overhead catenary systems, upgrading ng signaling systems, communications at closed-circuit television systems at repair ng lahat ng escalators at elevators sa lahat ng stations. LASACMAR

TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATAGPUAN ng  Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.

 

 

Ayon sa  elemento ng BI  intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa  N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police SMART,  San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at d NBI-AOTCD.

 

 

Siya ang inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.

 

 

Ayon sa report, si  Kang ay tumakas matapos umanong um akyat sa may taas na 20 feet na perimeter ence  na may barbed wire dakong alas-2:00 ng madaling araw noong May 21.

 

 

“He was limping when our agents arrested him,” ayon kay  Tansingco.  “We suspected that he could have been injured as it was a massive fall on a cemented road,” dagdag pa ng BI Chief.

 

 

Si Kang ay may arrest warrant na inisyu ng Seonsan Branch ng Daejeon District Court noong February sa kasong murder  at abandonment of a dead body  na isang paglabag  sa Criminal Act ng Republika ng Korea.

 

 

Siya ay inaresto ng immigration officers  sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2  nang dumating ito mula sa  Bangkok.

 

 

Dalawa  pang South Koreans ang inaresto na kinilalang si Lim Kyung Sup, 43, at  Kim Mi Kyung, 39 dahil sa pagtatago kay Kang . Nalaman din na si King ay nahaharap ng kaso sa Korea.

 

 

Nahaharap din sa kaso ang tatlo nang nakunan ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10.2M.

 

 

Bukod po dito, base sa database, si Kim at Lim ay overstaying na . GENE ADSUARA

Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.

 

 

“A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes.

 

 

“Of which, 877 families or 3,483 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 112 families or 381 persons were served outside ECs.”

 

 

Nanggaling sa mga sumusunod na lugar ang mga naturang residente:

Cagayan Valley: 793

Central Luzon: 5,361

Western Visayas: 5,069

Cordillera Administrative Region: 41

 

 

Huling naobserbahan ang mata ng bagyong Betty sa layong 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 4 a.m. ayon sa PAGASA.

 

 

Wala pang datos sa ngayon pagdating sa halaga ng napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.

 

 

Sa kabila nito, nasa 254 bayan at lungsod na ang nag-anunsyo ng pagsususpindi ng mga klase. Nasa 80 bayan at lungsod naman na ang nagdeklara ng work suspension.

 

 

“A total of 5,4888 persons from Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 6, Region 7 were pre-emptively evacuated,” dagdag pa ng NDRRMC.

 

 

Sa kabutihang palad, wala pang naitatalang sugatan, nawawala o namatay dulot ng bagyo sa kabila ng mga pagbahang naitala sa Region 6. Isang bahay naman sa Gitnang Luzon ang sinasabing bahagyang napinsala ng sama ng panahon.

 

 

Nakapamahagi naman na ng ayudang nagkakalagang P1.89 milyon sa ngayon nasalanta sa ngayon sa porma ng tubig, family food packs, pera, hygiene kits, pagkain, atbp. dagdag ng konseho.

 

 

Tinataya ng PAGASA na sa Biyernes pa makalalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Betty, habang nakikitang hihina ito patungong tropical storm category pinakamaaga sa Huwebes. (Daris Jose)

Preparasyon sa SONA 2023, sinimulan na

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA  nang pagpupulong ang Kamara, representante mula sa Office of the Presidential Protocol at Senado para sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos.

 

 

Kasama sa tinalakay ang mga plano, pagsasaayos at ideya sa nasabing kaganapan.

 

 

Ayon kay HRep Secretary General Reginald Velasco, ang pagtalakay sa mgaplano at ideya ay upang gawing mas memorable at maganda ang SONA ngayon taon.

 

 

Inihayag naman ni Chief of Presidential Protocol (COPP) Adelio Angelito Cruz na ipapaabot niya sa pangulo ang mga natalakay na oplano at ideya sa nasabing pagpupulong.

 

 

Dala na rin sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga nagnanais dumalo ng pisikal sa sona at limitadong espasyo sa plenaryo, sinabi ni Secretary General Velasco na pinag-usapan at inaprubahan naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatalaga ng mga karagdagang kuwarto sa Batasan Complex para ma-accommodate ang dagdag na bisita.

 

 

Sa susunod na pagpupulong ay inaasahan na matatalakay naman ang inisyal na mga ipinatupad na plano ng kamara para sa Sona.

 

 

Ang SONA, na gagawing livestreamed, ay nakatakda sa Hulyo 24, 2023 (Lunes). (Ara Romero)

Sumisipsip daw kay Coco para mapasama sa ‘BQ’: SHARON, napikon at ‘di pinalampas ang akusasyon ng basher

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MASAYANG nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol kina Coco Martin at Julia Montes: “Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!!  Happy si Mommy ‘mysha’ @monteskjulia08 @cocomartin_ph 
“P.S.  I become close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’S Ang Probinsyano towards the end of 2021.
“Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.  They are happy and that makes me and so many others happy.
“I love them both very much – and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change!
“I believe people should focus on what is and what will be rather that what was.  Let’s all be happy with our own and be happy for them.”
May mga nam-bash kay Sharon na nagsasabing nagsisipsip lang siya kay Coco para magkatrabaho sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’.
Hindi iyon pinalampas ni Sharon: “Excuse me? May sarili akong mga trabaho.  Busy ako.  Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam, Sa Probinsyano ako ang inimbita, di ako nagpresenta. Pag nagpresenta ako ng sarili ko, yan ay para makatulong hindi para matulungan.  “Lumagay ka sa tama.  Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa!”
***
MORE than eight months na palang napapanood ang top-rating GMA Afternoon Prime series, ang medical drama na “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel  at Jillian Ward, kasama rin si Richard Yap.
Kaya nagtatanong na ang mga netizen kung matatapos na raw ba ito, dahil nababalitang may kasunod nang gagawing project si Jillian.
This time ay movie naman at sabi’y another collaboration project ng GMA Picturres at ABS-CBN, at balita ring it will be partly shot abroad tulad ng first collab ng GMA, ABS-CBN at Viu Ph, ang “Unbreak My Heart,” na napapanood Mondays to Thursdays, 9:50pm sa GMA-7.
Para kay Jillian, naiiba ito dahil nagsimula siya while she was only five years old sa GMA, via “Trudis Liit” at nasundan pa ito ng ibang series, at ngayong 18 years old na siya, gagawa na uli ng movie.
Pero pinauna na raw ni Jillian, na kahit 18 na siya, ‘no’ pa rin siya sa kissing scene.
Meanwhile, napapanood ang “Abot-Kamay Na Pangarap,” Mondays to Saturdays, 2:30 p.m. after ng “Eat Bulaga.”
***
NAG-LAST shooting day na pala sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at Julia Montes, ng “Five Break-Ups and A Romance,” last Monday, May 29, under director Irene Villamor.
Partly shot ang first movie team up nina Alden at Julia in Singapore.
May time pa kaya si Alden na magpahinga muna after the shoot?  Dalawang project kasi ang gagawin niya sa GMA.
Magiging busy si Alden sa taping ng isang ultimate talent competition show at ang isa naman ay isang drama series, na gagawin niya after ng taping niya ng talent show.
(NORA V. CALDERON)

Nakatagpo na rin ng makakasama habang buhay: LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si PHILIP

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ENGAGED na ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, ayon ito sa name na naka-tag sa kanyang Instagram at Facebook post.

 

 

 

Makikita nga ang series of photos sa proposal ng kanyang guwapong fiancé na kuha sa isang beach resort. Isa rito ang nakakikilig na pagluhod sa harapan ni LJ ng husband-to-be at isinusuot ang tiyak na bonggang engagement ring.

 

 

 

Ang caption ni LJ sa kanyang IG at FB post ay nagmula sa isang Bible verse, “‘For I know the plans I have for you,’ says the Lord. ‘They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.’ — Jeremiah 29:11 NLT.”

 

 

 

Tulad ng inaasahan, umulan ang mga pagbati sa mommy nina Aki at Summer at sa mapapangasawa mula sa netizens at sa mga local celebrities na tuwang-tuwa sa kaganapan sa kanyang buhay.

 

 

 

Ilan dito ay sina Marian Rivera, Iza Calzado, Andrea Torres, Camille Prats, Ryza Cenon, Carla Abellana, Cristine Reyes, Joyce Ching, Sheena Halili, Kaye Abad, Nikki Valdez, Melissa Ricks, Chynna Ortaleza, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Gary Valenciano, at marami pang iba.

 

 

Napa-OMG!!! naman si Ara Mina at kasunod nito ang, “Nagdilang anghel na naman ako.”

 

 

 

Ilang taon na ngang nasa Amerika si LJ kasama ang dalawang anak after ng kontrobersyal na hiwalayan nila ni Paolo Contis, na kung saan sangkot ang aktres na si Yen Santos.

 

 

 

Say pa ng mga netizen, deserved na deserved ni LJ na makatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya at makakasama habang buhay.

 

 

 

Inaabangan naman ngayon kung magbibigay ba ng pagbati sina Paulo Avelino at Paolo, na ama ng kanyang mga anak ni LJ?

 

 

Isa pa sa tanong ng mga marites, mag-propose na rin kaya si Paolo kay Yen?

 

 

Anyway, congrats Philip and LJ!!!

 

 

(ROHN ROMULO)

Padilla nagbitiw bilang PDP-Laban executive VP, mananatiling miyembro

Posted on: May 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Sen. Robinhood Padilla, Martes, ang kanyang pagre-resign bilang executive vice president ng PDP-Laban, partidong pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Inanunsyo niya ito ilang araw matapos magbanta ng pag-alis sa partido kung hindi raw susuportahan ng grupo ang Charter change, bagay na sinang-ayunan ng PDP-Laban kalaunan.

 

 

“As an incumbent senator with a heavy mandate, I am aware that other duties—including my position as EVP of the party—must give way to my ability to fulfill my sworn duty to the people,” wika niya sa isang pahayag kanina.

 

 

“I believe my decision is for the good of the party and its members—and more importantly, for the Filipino people.”

 

 

Bilang dating bahagi ng National Executive Committee ng partido, meron siya noong kapangyarihang humalili sa pangulo ng PDP-Laban kung sakaling mawawala, mawalan ng kapasidad, masuspindi, mag-resign, o masipa.

 

 

Nag-resign ang actor-turned-senator matapos ang tsismis na House coup na ginawa raw ng dating presidente at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, bagay na kanya namang itinatanggi.

 

 

Una nang binanatan si Padilla matapos kumalat ang isang video mula noong ika-16 sa isang plenary session kung saan Filipino ang kanyang pagtuggon, dahilan para akusahan siya ng pag-itsapwera sa “parliamentary procedures.”

 

 

Matatandaang sinabi ni Sen. JV Ejercito na hamon ito sa kanya atbp. senador na gumamit ng parliamentary terms sa wikang pambansa, ito habang iginigiit naman ni Sen. Francis Escudero na walang nilabag si Padilla. (Daris Jose)