• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2021

Ads December 30, 2021

Posted on: December 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OCTA: NCR ‘low risk’ na sa COVID-19

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa ‘very low risk’ ay tumaas sa ‘low risk’ ang klasipikasyon ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19.

 

 

Sa pinakahuling update ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay tumaas sa 116 mula Disyembre 20 hanggang 26.

 

 

Ayon kay David, ang huling pagkakataon na tumaas ng higit 100 ang naturang 7-day average ay noong Disyembre 3-9.

 

 

Samantala, ang reproduction number naman sa rehiyon ay tumaas rin sa 0.85 hanggang nitong Disyembre 23.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga indibidwal na maaaring ihawa ng sakit ng isang positibo. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng mabagal na hawahan ng virus.

 

 

Ang incidence rate naman o average daily attack rate (ADAR) ay tumaas ng 0.82 per day per 100,000.

 

 

Ang mga hospital beds at intensive care unit beds naman para sa COVID-19 ay nananatili pa ring nasa very low occupancy.

 

 

Nanawagan ang grupo sa publiko na patuloy na maging vigilante at mag-praktis ng minimum public health standards lalo na ngayong malapit na rin ang pagdiriwang ng bagong taon. (Daris Jose)

Libreng sakay sa LRT, handog sa 125th Rizal Day – LRTA

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT Line 2 sa piling mga oras sa darating na Huwebes, December 30.

 

 

Ito ay bilang paggunita sa Rizal Day o ang ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

 

 

Magsisimula ang libreng sakay dakong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at magbabalik naman sa hapon mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

 

 

Una rito, nagpatupad naman ang LRTA ng mas pinaikling oras ng operasyon sa LRT 2 noong December 24 o Christmas Eve at sa darating na bisperas ng Bagong Taon sa December 31.

Ads December 29, 2021

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magkapatid sa sugatan sa pamamaril sa Malabon

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang isang magkapatid matapos umanong pagtripan barilin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor-de-edad na pinaniniwalaang mga lasing sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan si Joemarie Tuazon, 18, construction worker at kanyang kapatid na si Miguel Angelo, 16, kapwa ng East Riverside, Araneta Village Subdivision, Bryg. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, isa sa mga suspek na edad 16-anyos ang naaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 1 sa follow-up operation habang pinaghahanap pa ng mga operatiba ng Follow-Up Unit si Ivo Baste Martin, 18, ng Brgy 142, Bagong Barrio, Caloocan City at isa pang hindi kilalang kasama ng mga ito.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Mary June Belza, habang naglalakad ang magkapatid sa kahabaan ng East Riverside, Araneta Village Subdivision pauwi dakong alas-9:40 ng gabi nang sundan sila ng mga suspek.

 

 

Nang mapansin ng mga biktima na sinusundan sila ay tinangka ng mga ito na iwasan ang mga suspek subalit, isa sa tatlo ang naglabas ng homemade shotgun o “sumpak” at pinaputukan ang magkapatid.

 

 

Kahit sugatan, nagawa pang makatakbo ng mga biktima hanggang sa makahingi sila ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis na naging dahilan upang mabilis na tumakas ang mga suspek. (Richard Mesa)

P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette.

 

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families.

 

“There are many of the poor who were affected. We will prioritize them. We have money, anyway,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I will give the usual. I’m giving P5,000 per family.”

 

Nauna rito, sinabi ng Chief Executive na isinantabi niya ang kanyang holiday activities dahil mas pinili niyang magbigay ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette.

 

Wala ring holiday ang mga sundalo at pulis upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang distribusyon ng grants at mananatiling masusunod ang health protocols dahil sa COVID-19. (Daris Jose)

‘Di na sila makatatanggi: RABIYA, mukhang nabihag agad ang puso ni JERIC

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS na ulanin ng mga reklamo at galit si Marvin Agustin ng mga naging customer niya noong Pasko dahil sa kanyang lechon at sinsero namang humingi ng paumanhin sa nangyari at naperwisyo at naabala, tila nakuha naman ni Marvin ang simpatiya ng karamihang netizens.

 

 

Marami rin ang nakaunawa sa naging situwasyon ni Marvin. Hindi naman daw talaga biro ang kahit na anong pwedeng unfortunate na maaaring mangyari sa kusina.

 

 

Ilan sa mga positibong comments at nagbigay ng encouragement kay Marvin, “Wala namang perfect chef marvin okay lang yan merry Christmas sana matikman ko din yang conchinillo mo.”

 

 

“Thanks for being humble and really know how to accept what is your fault… Good job. Mistakes makes perfect.”

 

 

      “Tao lng tayo sir nagkkamali din tska mahirap tlgang magpatakbo ng negosyo sir marvin, pagod na isip mo pati katawan.”

 

 

***

 

 

BAGONG Kapuso pa lamang si Rabiya Mateo at ang una nga niyang show ay ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr.

 

 

      Pero mukhang kasabay ng pagiging Kapuso ni Rabiya, may nabihag na itong Kapuso actor at nabihag din naman ang puso niya.

 

 

Mabilis din si Jeric Gonzales na hindi lang kami sure kung sa Wish Ko Lang episode lang ba na ginawa nila unang nagkakilala o dati pa.

 

 

Pero kahit walang pag-amin pa sa kanilang dalawa, mukhang hindi kayang ipagsinungaling ng lumabas na picture at video nilang dalawa sa Enchanted Kingdom na may hugs at kiss pa ha.

 

 

Eh, si Jeric ay malapit pa sa E.K. ang bahay kaya siguro do’n sila “nag-date.”

 

 

Nang lumabas ang balita tungkol kina Jeric at Rabiya, ang pumasok agad sa isipan namin ay ang actress na si Sheryl Cruz, huh!

 

 

Titigil na kaya ito sa pag-push pa na tila may something sa kanila ni Jeric?

 

 

***

 

 

PAYAMAN na rin nang payaman ang Kapuso actor na si Ken Chan at isa sa may entry ngayon sa Metro Manila Film Festival 2021 na Huling Ulan sa Tag-Araw.

 

 

Bakit ‘di masasabing mukhang payaman si Ken na mula sa mga binuksan na gasoline station, isa rin si Ken sa founder ng wellness brand at ngayon, heto’t may sariling café-bakery restaurant na binuksan.

 

 

Ang Café Claus na may temang all-year Christmas.  Nabanggit na ito ni Ken nang huling makausap namin at kitang-kita namin ang excitement ni Ken sa bago niyang business.

 

 

Na ayon din dito, first in the country na ang theme nga ay Pasko sa buong taon.  Hindi naihabol sa mismong Christmas day na opening sana kaya noong December 26 lang siya formal na nakapag-open at matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City.

 

 

At least, ‘no, kapag talaga ang kabataang artista ay masinop sa pera at may focus, nakaka-ipon at nakakapagpundar, hindi lang mga mamahaling gamit, kung hindi into business talaga.

 

 

‘Di na nakapagtataka na malamang, idol ni Ken ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa ganitong strategy.

(ROSE GARCIA)

8 arestado sa tupada sa Malabon

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALONG katao ang natimbog matapos salakayin ng mga awtoridad ang illegal na tupadahan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

 

 

Ayon kay PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang mga oparatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jay Dimaandal ng impormasyon hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Block 40, Gold Fish Alley Brgy. Longos.

 

 

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar kasama ang Malabon police dakong alas-4 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alfredo Montilla, 63, Marvin Vendivil, 31, at Cornelio Solayao, 49.

 

 

Narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P500 bet collection.

 

 

Nauna rito, dakong alas-11:20 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna din ni PLT Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Dimaandal ang isa ring illegal na tupadahan sa Block 17 Dagat-dagatan, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jhonwayne Macabio, 43, Lamberto Tulyo, 40, Pablo Laban, 44, Rogelio Depeña, 56 at Richard Camacho, 43.

 

 

Nasamsam ng mga operatiba ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P11,000 bet collection. (Richard Mesa)

CHARO at CHRISTIAN, waging Best Actress at Best Actor sa ‘MMFF 2021’; DANIEL, tumanggap ng Jury Prize Award

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANGA naman kami kay Edgar Allan Guzman dahil finally ay natupad na rin niya ang dream niyang maibili ng bahay ang kanyang Mommy Sarrie de Guzman.

 

 

Last Christmas eve ay sinorpresa ni EA ang kanyang mommy by bringing her sa isang bahay. Naka-blindfold pa si Mommy Sarrie at nang alisin ni EA ang piring sa kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang bagong biling bahay ni EA.

 

 

The new house is located at Topman Village, BF International Homes, Las Pinas City.

 

 

Ayon sa sister ni EA na si Michelle, si EA daw ang nag-ayos lahat sa bahay. Hindi nila alam kung magkano ang bili ni EA sa house.

 

 

Pero hindi pa raw nakalipat doon si Mommy Sarrie.

 

 

Sa kanyang IG account na ea_guzman, he posted, “Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA.”

 

 

When we asked kung nakalipat na sila, Michelle said hindi pa raw. Hindi pa raw fully furnished ang bahay. Baka raw next year pa, once maayos na ni EA.

 

 

We would like to commend EA for being a good son. Matagal na niyang dream na maibili ng bahay ang kanyang mommy. Ito ang dahilan kung bakit masipag siya sa trabaho.

 

 

***

 

 

SINA Christian Bables at Charo Santos ang nagwagi ng top acting awards sa katatapos lang na ‘47th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal’.

 

 

Ang awards night ay ginanap last Monday, December 27, sa Samsung Hall in SM Aura Premier.

 

 

Waging Best Actor si Christian para sa Big Night na nanalong Best Picture at Charo naman ang tinanghal na Best Actress para sa Kun Maupay Man It Panahon na Second Best Picture.

 

 

Si John Arcilla na nominated ng dalawang beses for Best Actor in a Supporting Role para sa Big Night! na kung saan siya nanalo at A Hard Day.

 

 

Ang newbie actress na si Rans Rifol ng Kun Maupay Man It Panahon ang nag-uwi ng tropeo ng best supporting actress.

 

 

Samantalang ipinagkaloob kay Daniel Padilla ang Jury Prize Award para sa kanyang performance sa Kun Maupay Man It Panahon.

 

 

Narito ang full list of winners:

 

  • Best Picture: Big Night!
  • Second Best Picture: Kun Maupay Man It Panahon
  • Third Best Picture: A Hard Day
  • Best Director: Jun Robles Lana, Big Night!
  • MMFF Jury Prize Award: Daniel Padilla, Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Actress in a Leading Role: Charo Santos, Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Actor in a Leading Role: Christian Bables, Big Night!
  • Best Actress in a Supporting Role: Rans Rifol, Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Actor in a Supporting Role: John Arcilla, Big Night!
  • Best Screenplay: Jun Robles Lana, Big Night!
  • Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Cinematography: Carlo Canlas, Big Night!
  • Best Production Design: Juan Manuel Alcazaren, Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Visual Effects: Mofac Creative Works, Hue Media Quantum Post, Ogie Tiglao, Kun Maupay Man It Panahon
  • Best Editing: Lawrence Fajardo, A Hard Day
  • Best Original Theme Song: “Umulan Man O Umaraw,” Huling Ulan sa Tag-araw
  • Best Musical Score: Teresa Barrozo, Big Night!
  • Best Sound: Albert Michael Idioma, A Hard Day
  • Best Float:Huwag Kang Lalabas
  • Gender Sensitivity Award: Big Night!
  • MMFF Creator Jury’s Choice Award: Kandado
  • Natatanging Gawad MMFF: Chairman Danny Lim and Bienvenido Lumbera
  • Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award: Rosa Rosal

 

 

(RICKY CALDERON)

Mister ng ika-4 na Omicron case sa ‘Pinas may COVID, ‘di pa tiyak ang variant

Posted on: December 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ng ikaapat na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant na natagpuan sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH).

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lalaki ay isang 37-anyos na Pilipino. Gayunpaman, titiyakin pa lang kung may kinatatakutang Omicron variant din siya gaya ng 38-anyos niyang misis.

 

 

“Sample of husband has not been sent together with the wife to [Philippine Genome Center] for sequencing,” ani Vergeire sa media ngayong Martes.

 

 

“Husband’s sample will be processed now for sequencing.”

 

 

Kasalukuyang naka-isolate na rin sa ngayon ang mga kasama sa bahay ng magkabiyak.

 

 

Ika-10 ng Disyembre nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mag-asawa galing sa Estados Unidos sakay ng Philippine Airlines PR 127.

 

 

“Both wife and husband were tested on the same day and isolated upon release of positive result. After a 10-day isolation, both were discharged asymptomatic. They will be retested based on existing protocols,” dagdag pa ng DOH official.

 

 

“[H]ousehold members will be tested based on protocols.”

 

 

Ni-release sa pasilidad ang babae kahit nagpositibo noong ika-25 dahil ang detection sa sequencing ay lumabas lang noong na-discharge na siya.

 

 

Paliwanag pa ni Vergeire, agad naman daw sasabihan ang mga nabanggit kung ang COVID-19 na dumapo sa kanila ay isang variant of concern (VOC) gaya ng Omicron variant.

 

 

Sa huling pagtataya ng Kagawan ng Kalusugan nitong Lunes, aabot na sa 3.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang nasa 51,187 katao (Gene Adsuara)