• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2024

Ads January 31, 2024

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa.

 

 

Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd), hindi pa niya nakakausap ang kanyang kapatid hinggil sa naging panawagan nito sa pangulo.

 

 

Gayunman, ang maaari lamang aniya niyang maging sapantaha sa ngayon hinggil dito, ay ginawa ng kapatid ang panawagan bilang pagmamahal sa kanya, bunsod na rin ng sentimyento na hindi niya ‘deserve’ ang ginagawang pagtrato sa kanya ng ilang sektor, na nasa sirkulo ng pangulo.

 

 

Sa kabila nito, tiniyak ng bise presidente na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin at kakayanin ang anumang pag-atake at paninira sa kanya, na kaakibat aniya ng boto at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga mamamayan.

 

 

Paniniguro pa niya, hindi siya kailanman panghihinaan ng loob at patuloy na gagam­panan ang kanyang tungkulin, kabilang na ang pagiging kalihim ng DepEd, maliban na lamang kung mismong pangulo na ang aayaw dito. (Daris Jose)

April 30 ang huling deadline ng consolidation

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DINIIN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huling extension na ang deadline sa darating na April 30 tungkol sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

“I think this will be the last and final extension. This is the eight time that we are extending the deadline,” wika ni Bautista.

 

 

 

Matapos ang rekomendasyon ni Bautista kay President Ferdinand Marcos, Jr. binigyan pa hanggang April 30 ang franchise consolidation sa ilalim ng programang PUVM. Nagbigay ng rekomendasyon si Bautista matapos ang ginawang pag-uusap sa mga grupo ng transportasyon na hindi nakasama sa deadline noong Dec. 31 subalit gustong lumahok sa PUVMP.

 

 

 

Ayon kay Bautista na ang 70 porsientong consolidation rate sa buong bansa ay sapat na dahil ayon sa pag-aaral na ginawa tungkol sa PUVMP, ay hindi na kailangan na 100 porsiento sapagkat baka magkaron ng duplication sa prangkisa sa mga ibang ruta.

 

 

 

“Let’s say we get another 10 percent, I think that its more than enough to implement the program,” dagdag ni Bautista.

 

 

 

Sa isang Memorandum Circular 2023-051 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inaprobahan noong Dec.14, 2023, lahat ng provisional authorities na binigay sa mga individual na operators ng mga traditional jeepneys sa lahat ng ruta na walang consolidated transport service entities (TSEs) ay revoked na epektibo noong Jan. 1. Dahil dito, ang mga operators ay hindi na papayagan na mag rehistro ng kanilang mga units bilang mga PUVs.

 

 

 

“So as not to hamper public transportation, operators in unconsolidated routes were allowed to operate until January 31 pending the assignment of other routes for those who have yet to be consolidated,” sabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

 

 

Sinabi rin ni Guadiz na ang panghuhuli ng mga unconsolidated PUV units na dapat sana ay ipatupad pa noong Jan.1 ay hindi na muna gagawin. Ayon sa kanya, may mga petisyon sa mga rekonsiderasyon ang kanilang natatangap upang payagan silang magkaron ng late filing sa consolidation.

 

 

 

Sinabi ni Senator JV Ejercito na ang tatlong buwan na extension ay makasisiguro na ang proseso sa modernisasyon ay makakatulong sa mga operators at drivers dahil mabibigyan ng madaming oras ang mga gustong maging partners ng pamahalaan sa pagresolba ng problema sa lumalalang trapiko sa bansa at polusyon.

 

 

 

Ayon naman kay Senator Imee Marcos na ang pinahabang panahon sa consolidation ay hindi lamang mabibigyan ng tamang panahon ang mga drivers at operators at makakatulong din upang magkaron ng mas maganda solusyon para sa patuloy na pagbibigy ng kabuhayan sa mga drivers at operators.

 

 

 

Si Senator Mary Grace Poe naman ay nagsabing ang tatlong buwan na extension ay makakatulong upang magkaron ng masinsin na pag-aaral at pag-rerepaso sa programa upang makita ang kagandahan ng programa at pag-aralan kung bakit may ayaw sa programa.

 

 

 

“Putting the brakes on the PUV modernization program is far reaching initiative when the welfare of our commuting public and the livelihood of thousands of drivers are at stake. The high cost of the new vehicles has proven to be a big stumbling block to the rollout of modernization, and should not be ignored,” wika ni Poe.

 

 

 

Ang PUVMP ay naglalayon na palitan ang mga traditional jeepneys ng mga sasakyan na Euro 4- compliant engine upang mabawasan ang polusyon at ng mapalitan ang mga jeepneys na hindi na roadworthy ayon sa standards ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

 

Kailangan din na magkaron ng consolidation ang mga individual na prangkisa ng PUVs upang maging isang kooperatiba or korporasyon na siyang initial na bahagi ng programa sa modernisasyon. LASACMAR

Maraming kinikilig sa muling pagkikita: ANNTONIA, nag-express ng excitement na makasama si MICHELLE

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang natuwa at kinikilig sa muling pagkikita nina Miss Universe Philippines Michelle Dee at Miss Universe Thailand Anntonia Porsild dito sa ating bansa.

 

 

 

May fanbase at shippers na nga sila na #PorDee at hinihintay nila ang magiging activities ng dalawa para sa kanilang chosen advocacies.

 

 

Nag-express si Anntonia ng kanyang excitement sa pagdating ng Pilipinas at muling makasama si Michelle na naging close friend niya during the 2023 Miss Universe pageant in El Salvador.

 

 

“Mabuhayyyy can’t wait to meet you!” caption ni Anntonia sa IG.

 

 

Nag-post naman ang BFF ni Michelle na si Rhian Ramos para kay Anntonia sa social media: “Mabuhay Anntonia! See you soonest in MNL!”

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng reunion sina Jo Berry at Superstar Nora Aunor sa set ng upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Lilet Matias, Attorney-at-Law.’

 

 

 

Unang magkasama ang dalawa sa teleserye na ‘Onanay’ noong 2018. Sa Instagram, pinost ni Jo ang photo nila ni Ate Guy na may caption na: “Reunited with my OG Nanay! From ‘Onanay’ 2018-2019 [as] Onay and Nanay Nelia to ‘Lilet Matias, Attorney-at-Law’ 2024 [as] Atty. Lilet Matias and Nanay Chato.”

 

 

 

Sa naturang serye, gaganap si Jo sa title role na tumutulong sa mga taong naghahanap ng hustisya.

 

 

 

Kasama rin sa serye sina Jason Abalos, EA Guzman, Camille Prats, Glenda Garcia, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Ariel Villasanta, Teresa Loyzaga, Gina Alajar at Maricel Laxa.

 

 

 

***

 

 

 

ANG Filipino theater actor na si Red Concepcion ang kauna-unahang Filipino actor na gumanap bilang Amos Hart sa Broadway musical na ‘Chicago’.

 

 

 

Nag-debut na on Broadway si Red noong January 15 sa Ambassador Theater in New York City.

 

 

 

“Of course, there’s that adrenaline of like being on stage for the first time, but it was like, I felt like my whole life had led to that moment… So all those years of being in theater in the Philippines, struggling through that, it’s like, oh, wow. I guess it felt like it paid off,” sey ng aktor na 26 years ng umaarte sa teatro.

 

 

 

Gumanap na bilang Engineer si Red sa ‘Miss Saigon’ UK, Ireland and US tours. Noong July 2023 siya sumubok ng suwerte niya sa Big Apple. Muntik na niyang di puntahan ang open call audition para sa musical na Chicago.

 

 

 

“That day, parang I was a little depressed. I didn’t want to go. So I was like dito na lang ako sa kama, ayoko magpunta sa audition But I was like, no, no, you gotta go. You gotta go. You never know. That’s the job.

 

 

 

“A few weeks before Christmas, they were like we want to see you for a work session. So I did it and then maybe like three days before Christmas i got a call from my agent and they were like, oh yeah, you got it. It’s like, wow, Merry Christmas to us!”

 

 

 

Maraming natuwang Pinoy sa New York noong mapanood nila si Red sa ‘Chicago’. Muli raw kasing napatunayan ang husay ng Pinoy sa kahit anong role sa Broadway.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagtarget sa 179 RSC, NKTI renovation pinuri ni Bong Go

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang hangarin ng gobyerno na mamuhunan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinabibilangan ng pagtatayo ng 179 Regional Specialty Centers at pagsasaayos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Annex building sa Quezon City sa 2028.

 

 

Si Go ang pangunahing isponsor at isa sa may-akda ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, na nilagdaan bilang batas noong Agosto 24. Iniuutos ng batas ang pagtatayo ng RSC sa loob ng Department of Health (DOH) regional hospitals.

 

 

“Ang RA 11959 o ang Regional Specialty Centers Act na ating inisponsor at iniakda kasama si Senate President Migz Zubiri at iba pang kasama sa Senado ay isang malaking tagumpay sa ating adhikain na maihatid ang dekalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan sa malalayong komunidad—lalo sa mahihirap, hopeless, helpless at walang malapitan maliban sa pamahalaan,” ani Go cited.

 

 

Bilang principal sponsor, si Go ang nagdepensa nito sa Senado kaya nakakuha ng botong 24-0 sa Senado. Sumang-ayon ang lahat ng senador sa RSC dahil makabubuti ito para sa lahat at makatutulong sa mga mahihirap.

4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta kaya agad inatasan ni SS4 Commander P/Cpt. Doddie Aguirre kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar.

 

 

Pagdating ng mga pulis sa lugar dakong alas-5:45 ng umaga, naaktuhan nila sina alyas “Renato”, 52, ng Brgy. Paladan, alyas “Marlon”, 50, at alyas “Marvin”, 39, kapwa ng Brgy. Malinta, na naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong peso coins na gamit bilang “Pangara”, tatlong P100 bills habang nakuha kay Renato ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.

 

 

Bandang alas-3 naman ng hapon, nagpapatrolya ang mga tauhan din ng SS4 sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama ang Barangay Ex-O na si Mark Guerreo ng Brgy. Malinta sa Pinalagad Street nang matiyempuhan nila si alyas “Tonio”, 38, ng Brgy. Malanday, na naninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nilapitan siya ni PSMS Santillan at nang hanapan ng kanyang identification para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay biglang tinapon ng suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu subalit, nakita ito ni Ex-O Guerrero na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sina Renato at Tonio habang paglabag naman sa Anti Gambling Law kakaharapin nina Marlon at Marvin. (Richard Mesa)

Quiapo Church idineklara nang ‘National Shrine’

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang idineklara na “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa isang seremonya ng deklarasyon sa loob ng simbahan January 29.

 

 

Pormal na tinanggap ni Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula at ni Fr. Rufino “Jun” Sescon, ang official decree na nagdedeklara sa Quiapo church bilang National Shrine mula kay Bishop Pablo David.

 

 

Matatandaan na unang idineklara na National Shrine of the Black Nazarene ang Quiapo Church sa ika-126 Plenary Council ng Catholic Bishops Conference of the Philippine noong Hulyo 9, 2023 sa Kalibo, Aklan.

 

 

Itinaas ang Simbahan bilang isang shrine makaraang maabot ang mga pangangailangan ng national Episocpal Conference na kumikilala sa impluwensya ng simbahan sa kultural, kasaysayan, at sa buhay ng mga mananampalataya.

 

 

Partikular dito ang debosyon sa Itim na Nazareno ng mga Katoliko at ang tradisyunal na Traslacion na humahatak ng milyon-milyong deboto kada Enero ng bawat taon.

 

 

Noon pang 1987 nang ideklara ni St. John Paul II, ang dating Santo Papa, na Minor Basilica ang Quiapo Church.

 

 

Samantala, idineklara ni Pope Francis na minor basilica ang St. John the Baptist Church o simbahan ng Taytay sa Rizal, ayon sa anunsyo ng Diocese of Antipolo.

 

 

Tatlong araw ito makaraang unang ideklara naman na International Shrine ang Our Lady of Good Voyage sa Antipolo City nitong Enero 26.

 

 

Ang nasabing simbahan ng Taytay ay itinatag noong 16th century at kauna-unahang minor basilica ng Diocese of Antipolo. (Daris Jose)

Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon.

 

 

Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre. 11, 2023, na nagdeklara naman sa Pebrero 10, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa Chinese New Year.

 

 

Ang pinakabagong proklamasyon, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, maituturing na ang nasabing linggo ay isang “long weekend” at kauna-unahang long weekend ng taon.

 

 

Base sa Proclamation No. 453, ang holiday ay idineklara para pahintulutan ang mga mamamayan na magdiwang ng Chinese New Year.

 

 

“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Inaatasan ng Proclamation No. 453 ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.

 

 

Ang Chinese New Year ay tanda ng pag sisimulan ng bagong taon traditional lunisolar Chinese calendar.  (Daris Jose)

Ibinuking ng kanilang ninong sa kasal: JERICHO at KIM, nakumpirmang 2019 pa naghiwalay

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATULDUKAN na ang matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.

 

 

Ayon sa naging report ng ABS-CBN news sa interview nila sa ninong sa kasal ng mag-asawa na si Ricco Ocampo, inamin nito na noon pang 2019 hiwalay sina Echo at Kim.

 

Pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan sa kani-kanilang mga proyekto.

 

Pahayag ni Ricco, “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives. They are encouraging each other to grow, albeit in different directions. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.

 

 

“The two are filled with gratitude for the memories they’ve made together and the lessons they’ve learned. They have journeyed through the separation with the utmost respect and care toward one another precisely because Echo and Kim are the best of friends and love each other like family.

 

“This split is not borne out of ill feelings. On the contrary, one might say that it is a demonstration of their affection and respect, as Echo and Kim only wish the best for each other.

 

“They are incredibly grateful for those who have supported them throughout the years, and appreciate the respect of their privacy during this time.”

 

Naging maayos naman ang paghihiwalay ng mag-asawa at napag-usapan na rin nila ang hatian sa ari-arian nila bilang mag-asawa.

 

Samantala, kamakailan ay natanong si Jericho sa isang event tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Kim pero hindi niya ito sinagot at say niya na, ‘were happy, we’re good, great, fantastic at amazing.’

 

Nananatiling tahimik sina Echo at Kim sa isyu nang kanilang paghihiwalay.

 

***

 

IPINAGBAWAL ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Martes, Enero 30, ang pag-ere ng Television (TV) program na “Private Convos with Doc Rica,” sa One News Cable Channel, dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB Rating.

 

Sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nito: “Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na ‘Private Convos with Doc Rica’ ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim ng hurisdiksyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon.”

 

Sa Incident Report na isinabmit ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong 24 Agosto 2023, ng “PRIVATE CONVOS WITH DOC RICA,” na inere sa One News Cable TV ng CIGNAL TV, idiniin na ang episode ay naglalaman ng mga usapin ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.

 

Nakatanggap din ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa mga magulang.

 

Isang Notice to Appear ang inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2023, na nag-uutos sa mga Respondent na magtestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.

 

Nagpadala ang mga Respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsabmit ng kanilang position papers.

 

Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers, napatunayang nilabag ng programa ang probisyon ng batas, partikular sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng Implementing Rules and Regulations ng PD.

 

Mariing niresolba ng MTRCB na ang format ng programa ay naglalaman ng detalyadong tema sa sexual awakening ng mga bisita nito, na humantong sa tahasang pagkukuwento ng maselang karanasan, at gumamit pa ng mga wika na hindi angkop sa telebisyon.

 

Sinabi ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer, Lala Sotto: “Mariin nating kinokondena ang anumang malinaw na paglabag sa batas. Kaakibat ng malayang pag brodkast ang responsibilidad. Hinihiling namin sa mga brodkaster at content creators na maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paglikha, na kumikilala sa impluwensya ng on-screen content.”

 

Ipinasiya ng MTRCB na ang nilalaman ng episode na may mga tahasang termino, kasama ang magaspang na aksyon at mga ekspresyon ng host at ng mga bisita niya, sa konteksto ng programa, “ay nabibilang sa mga materyales na nakakatukso sa malaswang pananaw ng karaniwang tao.”

 

Bukod dito, hindi sang-ayon ang Board sa pahayag ng mga respondent na ang programa, sa kabuuan, ay may “edukasyonal at social value.”

 

Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika.

 

Iginiit din ng Board ang hindi pagsunod ng mga Respondent sa MTRCB Rating na labag sa Seksyon 2, Kabanata IV kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng PD 1986.

 

“Ang mga Respondent ay nagkulang sa kanilang obligasyon sa pag-ere ng nabanggit na Television program sa loob ng Child-Viewing Hours, kahit na idinidiin nila na ang Subject Episodes ay ginamit lamang bilang fillers sa hapon,” sabi ng MTRCB. “Hindi tumalima ang mga Respondent sa mga gabay ng MTRCB Rating ng TV program kahit na alam nito na hindi ito angkop para sa kabataang manonood.”

 

(ROHN ROMULO) 

Kaya ayaw niyang makatrabaho: CLAUDINE, inaming masama pa rin ang loob kay ANGELU

Posted on: January 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAWINDANG ang karamihan sa mga bisita sa party para sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas sa mga binitiwang salita ni Claudine Barretto nang tawagin ni Gladys ang aktres para magbigay ng speech sa kanilang mag-asawa.

 

 

Nabanggit ni Gladys ang tungkol sa pangarap niya na reunion movie with Claudine at Judy Ann Santos.

 

 

At sa sinabi ni Gladys na, “Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?” ay na-shock ang lahat sa tugon ni Claudine…

 

 

“No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

 

 

“Huh? Talaga ba,” ang tila nabiglang reaksyon ni Gladys sa sinabi ni Claudine.

 

 

“Oo. Bakit sinali mo yun?” ang muling sagot ni Claudine.

 

 

“Teka lang! ang natatawa pero halatang tensyonadang bulalas ni Gladys.

 

 

Magsasalita pa sana si Claudine, pero ibinaba ni Gladys ang kamay ni Claudine na may hawak na mikropono.

 

 

“Luka-luka talaga ‘to e,” ang pagdyu-joke ni Gladys upang maibsan ang tensyon.

 

 

“Wala ka nang masabi, ‘no? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang yun,” muling hirit ni Claudine.

 

 

“Ikaw ha, ang suplada mo na ulit,” ang tumatawa namang reaksyon muli ni Gladys sa sinabi ni Claudine na muling sinagot ni Claudine ng, “Hindi ako suplada. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

 

 

Iniiwas na ni Gladys ang isyu sabay-sabing, “Ayaw mong isama sina Wowie tsaka si Vhong,” na pagtukoy sa nasa stage rin na sina Wowie de Guzman at Vhong Navarro.

 

 

Na sinagot ni Claudine ng, “Ay siyempre, puwede naman, huwag lang si Angelu.”

 

 

Tinawag na ni Gladys ang iba pang bisitang artista na umakyat ng stage.

 

 

Halos nag-aalisan na ang mga bisita nang nagkaroon kami ng pagkakataon na mainterbyu si Claudine na nagpaunlak naman.

 

 

Una muna ay hiningan muna namin si Claudine ng pahayag tungkol sa selebrasyon nina Gladys at Christopher.

 

 

“First of all gusto ko siyempreng mag-happy anniversary kay Gladys at tsaka kay Christopher at mag-happy birthday kay Christophe.”

 

 

Isinabay rin sa pagdiriwang ang 18th birthday ng panganay na anak na lalaki nina Gladys at Christopher na si Christophe.

 

 

Lahad ni Claudine, “Ang tagal na naming magkaibigan ni Gladys at saka ni Christopher. Through thick and thin nandiyan kami talaga para sa isa’t isa.

 

 

“So, ngayon naman yung mga anak namin ang magkakabarkada. Si Christophe, si Sabina.

 

 

“Si Santino na ayaw ang kamera, ayaw ng events, pumunta siya dito kanina. Pero nauna na siyang umalis, pag-alis ko ng bahay pabalik na siya, e.

 

 

“Para sa Ninang Gladys niya at kay Christophe at kay Christopher.

 

 

“So, happy ako kaya nandito ako.”

 

 

Dito na nausisa si Claudine kung ano ang nangyari sa stage na ikinagulat ng lahat na mga pahayag niya tungkol kay Angelu.

 

 

Umpisang tila paiwas na pakli ni Claudine, “No, matagal na talaga namin gusto ni Judy Ann gumawa ng pelikula alam naman ng lahat ng tao yun, and it’s in the works already.

 

 

“Pero ano tawag nito… ang alam ko lang talaga siyempre Judy Ann ako, si Gladys, Gladys kasi palagi naman sa aming dalawa lagi, di ba?

 

 

“So, yun lang. Yun lang yung mga kasama sa pelikula. “Yun lang ang masasabi ko.”

 

 

Bakit tila iba ang reaksyon niya nang banggitin ang pangalan ni Angelu?

 

 

Dito na nagkuwento si Claudine.

 

 

“Kasi, not for anything… actually ayoko na siyang pag-usapan. Pero alam mo, ilang taon na yan, e. Paulit-ulit lang.

 

 

“Dalawa lang yan, alam mo unang-una, ayoko na sanang pag-usapan ano pero ako, transparent ako. Napaka-transparent kong tao.

 

 

“There are two instances. Nung nagkaproblema kami ni Jolina [Magdangal] at tsaka nung nagkaproblema kami ng mga kapatid ko.

 

 

“Na both times may presscon siya noon. At tsaka, nagbigay siya ng advice for me. Through the press people sa presscon na hindi ako… na I didn’t belong to.

 

 

“I didn’t belong sa kung ano man yung pinu-promote niya doon.”

 

 

“Buti kung isang beses e, pero dalawang beses. So, parang ang akin, anong pakialam mo doon, di ba?

 

 

“Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba? Career mo ang pag-usapan mo, huwag yung career ko. Yun lang ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho.”

 

 

Nagkasama noon sina Claudine at Angelu sa youth-oriented show na Ang TV ng ABS-CBN.

 

 

“Kasi, parang hindi na siya nagbago. Nung bata pa lang kami hanggang ngayon, ayan si Bianca, o. Ganun pa rin siya.”

 

 

Ang kaibigang aktres na si Bianca Lapus ang tinutukoy ni Claudine na nakaupo malapit sa amin.

 

 

Patuloy ni Claudine tungkol kay Angelu, “Kaya nung nagkita kami dati, hindi ko na siya pinansin.”

 

 

Sa Podium noong 2015 kung saan palabas ang pelikulang Etiquette for Mistresses ang tinutukoy ni Claudine.

 

 

Nag-isnaban sila?

 

 

“Hindi, lumapit siya, I walked away. Hindi ako plastik.”

 

 

Alam daw ni Angelu ang dahilan ng pang-iisnab sa kanya ni Claudine.

 

 

“Alam niya. I was trying to call her, e, after those two incidents na yun,” kuwento pa ni Claudine.

 

 

Hindi raw sinagot ni Angelu ang mga tawag niya.

 

 

May isyu ba si Angelu sa kanya?

 

 

“Problema niya na yun. Hindi ko alam kung saan.”

 

 

Hindi alam ni Claudine na nasa party rin nina Gladys, Christopher at Christophe si Angelu. Wala na si Angelu noong dumating si Claudine.

 

 

Lahad pa ni Claudine tungkol sa mga pangyayari, “Ako sa totoo lang ako, sa totoo lang ako, hindi ako plastic na tao.”

 

 

Puwede pa ba silang maayos?

 

 

“Alam mo matatanda na kami, maayos naman kami pero para yung pagkakaibigan, close, magtawagan,” at umiling si Claudine, “iyon lang.”

 

 

Bukas ang pahinang ito para sa panig naman ni Angelu.

(ROMMEL L. GONZALES)