• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.

 

 

Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang pirmahan ni Espinosa ang counter-affidavit sa Bicutan, Taguig City nitong Miyerkules.”Basically, binabawi niya or nire-recant niya whatever statements na sinabi niya kay Senator de Lima which implicated (the) senator sa illegal drug trade,” saad ni Palad.

 

 

Dumalo rin si Palad sa Zoom meeting kahapon kung kailan sinumpaan ni Espinosa ang dokumento.Isinaad ni Espinosa na lahat ng mga akusasyon niya laban kay De Lima ay hindi totoo. Kabilang dito ang sinabi niya na nakapagbigay siya ng P8 milyon na ‘drug payola’ kay De Lima noong siya pa ang kalihim ng DOJ, sa pamamagitan ng driver niya na si Ronnie Dayan.

 

 

Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.

 

 

Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento.

 

 

Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.

 

 

Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento. (Daris Jose)

PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.

 

 

Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.

 

 

Sa katunayan ani Andanar ay mayroon ng imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo.

 

 

“Mayroon pong imbitasyon pero wala pa pong venue at petsa,” ayon kay Andanar.

 

 

Sa kabilang dako, wala pa rin namang sinasabi si Pangulong Duterte ukol sa nasabing imbitasyon subalit ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapa- unlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo.

 

 

‘Hindi po ako nakakatiyak kung siya po ay dadalo. Pero mamaya ay magkasama po kami, I’ll try to ask him,” ayon kay Andanar.

 

 

Sinasabing, ilan sa mga lugar na nababanggit na posibleng gawin ang joint campaign rally ng Uniteam at PDP Laban ay Bulacan, Parañaque habang ikinukunsidera din ang Laguna at Nueva Ecija. (Daris Jose)

Ads April 30, 2022

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mga gobernador ng Laguna, Cavite, iba pang lalawigan tiniyak ang landslide win ni BBM

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay.

 

 

Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng Cavite at Ramil Hernandez ng Laguna, kasama ng iba pang mga gobernador na titiyakin nila ang kanyang panalo sa kanilang mga lalawigan.

 

 

Kapwa nasa talaan ng may  pinakamaraming botante sa mga probinsya sa buong  bansa ang Laguna at Cavite.

 

 

“Based on our projections he (Marcos) will get 1.2 million votes sa Cavite. As per our latest survey dated April 24,” ibinunyag ni Remulla.

 

 

Idinagdag pa ni Remulla na base rin sa kanilang mga survey, makakakuha lamang si Leni Robredo ng 400, 000 boto.

 

 

“Im 99 percent sure na ganun ang mangyayari,” paniniguro ni Remulla.

 

 

Ayon naman kay Hernandez makakakuha si Marcos ng 60 porsyento sa kanilang mga botante sa probinsya sa darating na halalan.

 

 

“Sa kalkulasyon ko more or less 60 percent ang makukuha niyang boto sa Laguna. Meron akong regular survey sa amin e, minsan 57 percent, minsan 60 minsan 61 percent,” ani Hernandez.

 

 

Ayon sa record ng Commission on Elections (Comelec), nananatili ang Cebu na nangunguna sa unang pwesto na may pinakamaraming botante sa mga probinsya sa bansa na mayroong 3.288 milyong registered voters.

 

 

Ang Cavite, Pangasinan at Laguna ay nasa ikalawa hanggang pang apat na pwesto habang ang Region 4-A (Calabarzon) ang may pinakamaraming botante naman sa rehiyon sa bansa na mayroong 9.193 milyong botante.

 

 

Bukod kay Remulla at Hernandez, dumalo rin sa pulong sina Govs. Melchor Diclas ng Benguet; Dale Corvera, Agusan del Norte; Albert Raymond Garcia, Bataan; Roberto Uy, Zamboanga del Norte; Zaldy Villa, Siquijor; Rhodora Cadiao, Antique; Damian Mercado, Southern Leyte; Roel Degamo, Negros Oriental at Dax Cua ng Quirino.

 

 

Bukod sa solidong suporta, siniguro ng mga gobernador na poprotektahan din nila ang boto ni Robredo sa kanilang mga probinsya.

 

 

Ani Gov. Cadiao gugulatin nila si Marcos sa darating na halalan.

 

 

“We will give him a surprise. Im sure he will be very happy after the elections. It’s a gift from Antiqueños. We are waiting for change and I think this is it,” ani Cadiao.

 

 

“Mananalo si BBM I assure you that. Siguro at a minimum of 59 percent. I’m confident na mananalo si BBM sa amin,” ayon naman kay Gov. Degamo.

 

 

Samantala, pinabulaanan naman ni Gov. Uy ng Zamboanga del Norte na sinusuportahan niya si Robredo matapos maglabasan ang mga larawan na kasama niya ang pangalawang pangulo.

 

 

“Yung mga picture namin ng mga pari at ni Leni lagi nilang pinopost sa plaza pero huwag kayo maniwala diyan kasi eleksyon ngayon. 100 percent kay BBM kami,” paliwanag ni Gov. Uy.

 

 

Sinabi naman ni Gov. Mercado ng Southern Leyte na ang kanilang probinsya ay isang “Marcos country” matapos magsama-sama maging ang magkakalaban sa pulitika.

 

 

“Southern Leyte is BBM country and we can assure of 90 percent of the votes for BBM, because BBM is also from Leyte. Even kalaban namin nag-support kay BBM,” ayon kay Gov. Mercado.

 

 

Matapos ang pulong sa mga lider ng mga nasabing probinsya, sunod na nakipagpulong si Marcos sa mga lokal na opisyal ng Zamboanga del Norte at Surigao del Norte na ginawa rin sa BBM headquarters sa Mandaluyong.

Supporters nina VP LENI at Sen. KIKO, nananawagan na idagdag si MONSOUR sa ‘Tropang Angat’ senatorial slate

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN ang supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Twitter at iba pang social media channels na ipalit si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto, dahil sa pagkatanggal kay Migz Zuburi sa opisyal na senatorial slate.

 

 

Si Del Rosario ay miyembro ng ‘Partido Reporma’, ngunit kamakailan ay napukaw niya ang atensyon ng mga tagasuporta ni Leni-Kiko nang lantaran niyang ihayag ang pagsuporta kay Robredo.

 

 

Ito ay matapos magbitiw ni Ping Lacson bilang chairman at presidential candidate ng Reporma. Mula noon ay napabilang na rin siya sa grupong ‘1Sambayan’ na ngayon ay may kabuuang 11 kandidato, 8 dito ay kabilang din sa opisyal na ‘Tropang Angat’ slate.

 

 

Isang dating atleta ng taekwondo na sumabak sa 1989 Seoul Olympics at sikat na action star noong dekada ’90, si Del Rosario ay nagsilbi sa sambayanang Pilipino sa loob ng 9 na taon bilang konsehal ng District 1 ng Makati sa loob ng dalawang termino.

 

 

Naging kongresista rin siya mula 2016 hanggang 2019, kung saan gumawa siya ng 292 na panukalang batas at resolusyon, kabilang ang Telecommuting Act of 2018 o Work From Home Law na tumulong sa maraming manggagawang Pilipino sa kasagsagan ng pandemya.

 

 

Sakaling manalo, isusulong ni Del Rosario ang Healthcare Heroes Card Law para sa mga medical frontliners, ang Athlete’s Pension para sa mga atleta na nagdulot ng karangalan sa bansa, isang maayos na sistema ng edukasyon at pag-unlad para sa mga batang may different learning abilities, at tumulong sa mga magsasaka upang mapadali ang paghahatid ng mga benepisyo at iba pang proseso ng gobyerno para sa kanila.

 

 

“Nagpapasalamat ako sa netizens at supporters nina VP Robredo at Sen. Pangilinan sa kanilang pagtitiwala sa akin pero ang Leni-Kiko team lang ang makakapagdesisyon kung gusto nila akong isama sa kanilang official slate o hindi.

 

 

Sa huli, ang mga botante ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang maging susunod na senador. Kaya naman narito rin ang ating 1Sambayan slate para mag-alok ng mga alternatibo.

 

 

Kung pipiliin ng mga tao na iboto ako, lubos akong magpapasalamat at susuklian ko ang kanilang mga boto ng 101% na tunay na serbisyo, tulad ng ginawa ko noong nasa Kongreso ako,” pahayag ni Del Rosario.

 

 

Ang 1Sambayan senatorial slate ay kasalukuyang binubuo ng 11 miyembro: Teddy Baguilat, Neri Colmenares, Leila De Lima, Chel Diokno, Dick Gordon, Risa Hontiveros, Elmer Labog, Alex Lacson, Sonny Matula, Sonny Trillanes, at Del Rosario.

 

 

Samantala, ang ‘Tropang Angat’ official senatorial slate ng Leni-Kiko tandem ay mayroon na lamang 11 kandidato na binubuo nina Baguilat, De Lima, Diokno, Gordon, Hontiveros, Lacson, Matula, at Trillanes kasama ang mga guest candidate na sina Jejomar Binay, Chiz Escudero, at Joel Villanueva.

 

 

Samantala, patuloy ang pagdalo ni Del Rosario sa mga Leni-Kiko rally kung saan kapansin-pansin ang karisma at hatak niya sa tao.

 

 

“Nakakagaan ng loob na makita ang mga tao na nagkakaisa para sa layuning mapabuti ang ating bansa. Tingin ko hindi ang pagkakasama ko sa 1Sambayan ay hindi lang nagkataon.

 

 

Pakiramdam ko nakatadhana ako dito dahil ang layunin ko sa pagtakbo bilang senador ay lubos na naaayon sa layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem. Lahat tayo ay may iisang hangarin na iangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang mapagkakatiwalaang pamahalaan na nakatuon sa tunay na serbisyo publiko,” pahayag pa ni Del Rosario.

(ROHN ROMULO)

PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.

 

 

Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.

 

 

Kaya ang hiling ng Pangulo sa mga mamamayang Filipino ay makinig sa mga medical professionals na patuloy na humihikayat sa lahat na magpabakuna na pati na ng kuwalipikado ng makatanggap ng booster shots.

 

 

Aniya pa, napansin din niya ang pagtitipon- tipon ng mga tao kaya’t kasama rin sa inapela nito ang pagsunod sa mga minimum health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

 

Kaya ang pakiusap ng Pangulo ay huwag sanang balewalain ng ipinatutupad na mga panuntunan lalo’t may ipinagpauna ng baka magka-surge ng mid-May.

 

 

Sa kabilang dako, sa harap ng halos nagkakaisang projection ng mga eksperto na tumama ang COVID surge sa darating na mid- May, naniniwala naman ang OCTA Research na kaya pa ring maiwasan ito.

 

 

Sinabi ni Dr Ranjit Rye ng OCTA sa Laging Handa Public briefing na bagama’t nakaamba ang banta, puwedeng pa rin itong mapigilan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards.

 

 

Ikalawa, ang pagbakuna lalung-lalo na aniya ang pagpa-booster gayong siyensya na aniya ang nagsabi na kapag nagpa-booster ay nadadagdagan ang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Sa paglalarawan nga ni Rye, vaxx to the max na ang dapat ikasa lalo’t mayroong mga bagong sub-variants na nasa ibang bansa na maaari rin namang makapasok sa bansa.

 

 

Ikatlo sabi ni Rye ay ang kahandaan ng mga LGU na bagama’t hindi maiiwasang magkaroon ng pagtaas sa kaso ay kaya namang mapigilan ang pagsipa at hindi mauwi sa surge na nangyari nitong January. (Daris Jose)

144,000 Bulakenyo, tinindigan sina Fernando, Robredo sa Bulacan grand rally

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Tinatayang 144,000 Bulakenyo ang nagpakita ng hindi matatawarang suporta kina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa ginanap na Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo Grand Rally sa punung-punong Bulacan Sports Complex, Sta. Isabel sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Sa kanyang mensahe, inisa-isa ni Robredo ang ilan sa mga programa ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa Lalawigan ng Bulacan kabilang ang pag-adopt ng Angat Buhay sa Doña Remedios Trinidad; at mga programang pangkabuhayan sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bocaue, Marilao, Plaridel, Pandi, Hagonoy, Lungsod ng Malolos, Lungsod ng Meycauayan, Pulilan, at San Ildefonso.

 

 

Binanggit din niya ang ibinigay na tulong ng OVP sa panahon ng pandemya kabilang ang pamamahagi ng PPE sets na tinahi ng mga mananahi mula sa Santa Maria at San Rafael, medical supplies, at swabbing kits. Nagbigay rin ng pondo ang OVP sa St. Paul Hospital ng Bocaue at Meycauayan Doctors Hospital and Medical Center.

 

 

Aktibo rin sila sa pagsasagawa ng relief operation matapos ang pananalasa ng mga Bagyong Ulysses, Ompong at Habagat noong 2018.

 

 

“May eleksyon o walang eleksyon, nandito po kami sa inyo sa Bulacan. Madali lang magsabi ng proyekto. Madali lang mangako. Sasabihin napakaganda ng plataporma namin. Pero ano ang kasiguraduhan ng mga pangako namin? Ang kasiguraduhan, resibo,” anang bise presidente.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinuri ni Fernando ang mga Bulakenyo sa pagtindig sa kanilang mga paniniwala.

 

 

“Iba talaga kapag tumindig ang Bulakenyo. Nakikita ko sa inyo ang katatagan, ang katapangan, ang kabayanihan, tulad ng mga naunang henerasyon ng mga Bulakenyo,” anang gobernador.

 

 

Sinagot rin niya ang katanungan kung bakit si Leni ang pinili niya.

 

 

“Siya ay matapat, mapagkalinga, at mapanagutang lider. Naniniwala po ako nang buong puso na kayang kaya niyang mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino. Ang kailangan ng ating bansa ay ang lider na nadadama ang kalagayan ng kanyang mamamayan, walang bahid ng anumang kurapsyon, may integridad, at higit sa lahat, may matatag na pananampalataya sa ating Panginoong Diyos,” ani Fernando.

 

 

Kasama ni Robredo ang mga senador ng Tropang Angat na sina Chel Diokno, Teddy Baguilat, Alex Lacson, Sonny Matula, Sonny Trillanes, Dick Gordon, Risa Hontiveros na kinatawan ng kanyang pamangkin na si Luis Hontiveros, at Leila de Lima na kinatawan ni Abgd. Philip Sawali.

 

 

Samantala, kasama ni Fernando ang kanyang katambal na si Bokal Alexis Castro at ang buong partido ng National Unity Party-Bulacan mula kongresista, bokal, alkalde, bise alkalde at konsehal.

 

 

Ipinamalas ng Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo Grand Rally ang mayamang sining at kultura sa pamamagitan ng paghahandog ng mga lokal na artista, mananayaw, at musikero bilang karagdagan sa maraming boluntaryong sikat na artista mula sa naglalakihang network ng bansa.

 

 

Gayundin, bilang panapos ng programa, pinahanga ng Bulacan ang mga manunuod sa kanilang engrandeng pyrotechnic display at kauna-unahang aero drone show. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMUHA  ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue.

 

 

Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan.

 

 

Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” Cataraja ng Cebu at ang bagong Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super bantamweight champion Pete “Thunder” Apolinar.

 

 

Ang rematch kasi ni Inoue kay Donaire ay maituturing na pinakamalaking laban sa kaniyang career kaya kumuha ito ng mga magagaling boksingero bilang sparring mate.

 

 

Nakatay rito ang IBF at WBA Super World bantamweight title na kasalukuyang hawak ni Inoue habang itinaya ni Donaire ang kaniyang WBC world bantamweight title.

DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.

 

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.

 

 

Aniya, base raw sa kanilang nakalap na mga impormasyon, marami na umanong naka-schedule na public hearing kaugnay rito.

 

 

Kaya naman asahan daw na bago matapos ang kasalukuyang administrasyon ay mayroon nang desisyon dito ang RTWPB.

 

 

Dagdag ng DOLE official, ang regional wage boards ay kasalukuyang nagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders kabilang na ang mga employers at workers.

 

 

Kasalukuyan na rin daw na inaaral ng RTWPB ang sitwasyon sa iba’t ibang rehiyon kung ano ang mga pangangailangan ng mga workers at ang kakayahan din ng mga employers.

 

 

Sa ngayon, lahat na raw ng regional boards ay sinimulan na ang kanilang proseso sa pag-set ng minimum wage rate.

Kahit mahusay na naitawid ang challenging role: VINCE, halos ‘di matagalang panoorin ang kanyang ‘torture scene’

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHUSAY si Vince Rillon sa kanyang challenging role bilang isang estudyante na nanakit sa isang lalaki kaya hina-hunting siya ng pamilya ng kanyang biktima sa sex-drama movie na Kaliwaan.

 

 

May matinding torture scene na pinagdaanan si Vince sa ending ng movie at inamin ng binata na halos ‘di niya matagalang panoorin ang torture scene dahil sa sobrang violent nito.

 

 

“Naawa ako sa character ko,” wika ng Best Actor winner sa 19th Asian Film Festival for the movie Resbak.     

 

 

Hindi kasi niya inaasahan na sobrang brutal ang dating ng torture scene. Bago niya kinunan ang torture scene ay nanood muna si Vince ng several movies na may matinding torture scenes.

 

 

Pero mahusay na naitawid ni Vince ang torture scene kung saan naked siya while undergoing the torture scene.

 

 

Ayaw naman sagutin ni Vince kung totoo o daya ang frontal nudity scene kasi kita ang kanyang private part. Ayaw sagutin ni Vince kung prosthetics ba ‘yung private part niya or it’s the real thing.

 

 

Produced by Direk Brillante Mendoza ang Kaliwaan na tampok din sina AJ Raval, Mark Anthony Fernandez, Irma Adlawan, at Julio Diaz.

 

 

Hitik sa sex and violence ang movie na dinirek ni Daniel Palacio, na protégé ni Direk Brillante.

 

 

Streaming na ang Kaliwaan sa Vivamax at para mapanood, mag-subscribe sa  web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

 

 

***

 

 

MAGANDA ang reception ng audience  ng mga nanood ng concert ng Calista kay Andrea Brillantes noong Tuesday night sa The Big Dome.

 

 

Well applauded ang Kapamilya actress. In fairness, konek sa crowd ang performance ng nililigawan ng UP basketball player na si Ricci Rivero.

 

 

Nag-iwan din ng mensahe si Andrea sa kanyang mga ka-age group to vote wisely.

 

 

At dahil pink ang kanyang suot, ‘di na raw kailangan ni Andrea na sabihin kung sino ang kanyang sinusuportahan.

 

 

Mukhang okey naman sa audience ang subtle campaigning ni Andrea.

 

 

In fairness naman sa Calista, very energetic ang perfornance ng grupo at kahit na mga baguhan ay may sariling group of fans na sila.

 

 

Hindi rin nagpatalbog ang Calista members sa mga bigating guests nila. Hataw to the max ang kanilang performance.

 

 

***

 

 

MAHIGIT na palang isang dekada mula nang itatag ang ‘Agimat ng Masa’ na ang purpose ay manguna sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at iba pang problema na kailangan ng mabilis na pagtugonm.

 

 

Dahil sa hiling ng mga natulungan nito ay tuluyan na itong ginawang AGIMAT Partylist at #90 sa balota.

 

 

Since 2011 ay nagsisilbi na ang Agimat ng Masa para umagapay, makiisa sa pamayanan at patuloy na nagbibigay ng programang pangkalusugan, pangkabuhayan hanggang sa pagsuporta sa isinasagawang online learning ng mga mag-aaral.

 

 

Ayon kay Bryan Revilla, sa dinami-rami umano ng kanilang natulungan ay tila marami pa rin ang kakulangan kaya nais nila magkaroon ng mga polisiya para mas maging epektibo at maging isang pangmatagalang kabuhayan.

 

 

“Kung mabibigyan kami ng pagkakataon, ay patuloy na isusulong ng AGIMAT ang multisectoral na pamamalakad sa pamamagitan ng paglahok sa pagbuo ng mga polisiya para tugunan ang pangangailangan ng bawat sektor at hindi natin ito maisasakatuparan kung wala tayo sa Kongreso” paliwanag pa ni Bryan.       Idinagdag pa ni Bryan na mula umano sa mga manggagawa maging sa pribado man o pampublikong tanggapan, magsasaka, mangingisda, propesyunal, mga maliliit hanggang malaking negosyante, mga nakatatanda, kabataan at maging ang may kapansanan o PWD ay bibigyan ng kaukulang pansin.

 

 

“Hindi na ito basta pulitika lang o pangako lamang dahil matagal na namin itong ginagawa kahit noong hindi pa kami partylist” pagwawakas pa ni Bryan.

(RICKY CALDERON)