• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

After more than two years of pandemic… ‘Dantes Squad’, nakapagbakasyon na rin sa ibang bansa at first time ito ni SIXTO

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA unang pagkakataon after more than two years of pandemic, nakalipad na rin at nakapagbakasyon ang Dantes Squad sa ibang bansa.

 

 

 

Nasa Singapore ngayon ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang dalawang anak nila na sina Zia at Sixto.

 

 

 

Siyempre, sa part nina Dingdong at Marian, hindi ito ang unang pagkakataon na nakalabas sila ng bansa ng pandemic. Nauna na ang pagpunta nila noon sa Israel nang maging judge si Marian sa Miss Universe.

 

 

 

Pero siguro, iba naman ang pagiging special ng travel nila ngayon outside the country dahil kasama na nila ang dalawang anak at si Sixto, first out-of-the country trip naman niya.

 

 

 

Parehong nagsi-share ng ilang photos sina Marian at Dingdong ng travel nila. At sabi nga ni Dingdong sa caption niya habang nasa Resorts World Sentosa sila, “El Kapitan aboards his lightweight @nunaph vessel, appreciating this amazing view of marine life for the very first time.”

 

 

 

Sigurado, after Singapore, U.S. at malamang, Europe naman ang susunod nilang destinasyon lalo na nga’t hindi pa nakikita ng daddy ni Marian si Sixto at matagal na rin silang hindi natutuloy sa Spain.

 

 

 

***

 

 

 

PROUD girlfriend ang peg ng Kapuso star na si Bianca Umali sa kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

 

 

 

Pinakamalaking proyekto kasi ni Ruru ang News and Public Affair fantasy series na Lolong na magsisimula ng mapanood sa GMA Telebabad ngayong Lunes, July 4.

 

 

 

Nag-post si Bianca sa kanyang Instagram account ng billboard ng Lolong sa GMA-7 at may caption na, “Infinitely proud of you, @rurumadrid8.”

 

 

 

At nag-reply si Ruru sa post na ito ni Bianca at dito niya sinabi na ang girlfriend nga raw ang nagsilbing inspirasyon niya. Lalo na sa mga panahong gusto na niyang sumuko dahil sa mga pinagdaanan niya habang ginagawa ito, pero si Bianca raw ang nagpu-push sa kanya.

 

 

 

Sabi ni Ruru, “Awww. Thank u for being my inspiration para dito sa Lolong. Many times gusto ko nalang sumuko pero ikaw ang nagpupush sa akin to fight at kayanin ang bawat challenges na pinagdaanan ko dito. You know how much you mean to me.”

 

 

 

Sinuklian ito ni Bianca ng tila special meaning sa kanilang dalawa na “1432” at saka kiss emoji.

 

 

 

Marami ang na-sweet-an sa palitan nila ng comments at nagsabing supportive girlfriend daw si Bianca.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Gilas Pilipinas nasa New Zealand na!

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na ang Gilas Pilipinas sa Auckland, New Zealand para sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na aarangkada sa Huwebes.

 

 

Nangunguna sa de­legasyon si Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic kasama ang 11 miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra sa host New Zealand.

 

 

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Tall Blacks sa Eventfinda Stadium sa Auckland sa Huwebes.

 

 

Ipaparada ng Gilas squad sina veteran pla­yers Dwight Ramos at Kiefer Ravena na parehong nag­laro sa katatapos na season ng Japan B.League.

 

 

Kasama rin sa koponan sina SJ Belangel, RJ Abar­rientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Rhenz Abando, William Navarro, Le­bron Lopez, Kevin Quiambao at Geo Chiu.

 

 

Magkakasama ang Pilipinas, New Zealand, India at South Korea sa Group A ng qualifiers.

 

 

Hawak ng New Zealand ang liderato tangan ang malinis na 3-0 rekord habang may 1-1 naman ang Pilipinas.

 

 

Awtomatikong naka­kuha ng tiket sa susunod na round ang New Zealand, Pilipinas at India dahil nadiskwalipika na ang South Korea sa qualifiers.

 

 

Matatandaang na-forefeit ang mga laro ng South Korea laban sa Pilipinas at New Zealand dahil sa pagkakaroon ng mga players na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Sesentro muna ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa laban nito kontra sa New Zealand kung saan puntirya ng Pinoy cagers na makaresbak sa 63-88 kabiguan nito sa Tall Blacks noong Pebrero.

 

 

Ito rin ang unang pagkakataon na hahawakan ni Vucinic ang Gilas Pilipinas.

 

 

Dating head coach ng New Zealand si Vucinic mula noong 2006 hanggang 2014.

 

 

Matapos ang laban kontra sa New Zealand, babalik sa Pilipinas ang Pinoy squad para naman makaharap ang India sa Hulyo 3 sa Smart Araneta Coliseum.

Expanded Solo Parents, batas na

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BATAS na ang Expanded Solo Parents Welfare Act matapos mag “lapse into law” kung saan nadagdagan ang mga benepisyong matatanggap sa gobyerno ng mga solo parents.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act 11861 na nag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Republic Act 8972, lumawak ang mga pribilehiyo at benepisyo sa mga solo parents.

 

 

Sa ilalim ng Saligang Batas, maaaring i-veto ng Pangulo ang isang panukalang batas, lagdaan ito o hayaan itong maging batas 30 araw mula sa oras na matanggap niya ang pinal na naka-enroll na form.

 

 

Magkakaroon ng dagdag na pitong araw na parental leave ang solo parent mula sa regular na 15 araw na bakasyon basta mayroon na itong anim na buwan sa trabaho.

 

 

Pero ang pitong araw na parental leave ay mababalewala kung hindi nagamit sa loob ng isang taon.

 

 

Ang isa sa mga anak ng solo parent na may edad 22 pababa na nakadepende pa sa kanya ay makakatanggap ng full scholarship mula sa Department of Education (DepEd) o kaya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) .

 

 

Ang mga solo parents na kumikita ng P250,000 kada taon ay magkakaroon ng 10% na exemption sa Value Added tax sa mga gamit ng anak katulad ng gatas, diapers, gamot, medical supplies, pagkain at supplements mula pagkasilang hanggang anim na taon.

 

 

Bibigyan din ng P1,000 cash subsidy kada buwan ang isang solo parent na wala pa sa minimum wage ang kinikita.

 

 

Kabilang sa iba pang benepisyo ang prayoridad sa murang pabahay, coverage mula sa PhilHealth, educational scholarship para sa mga bata, at iba pa.

 

 

Sinasabi rin ng RA 11861 na walang employer ang dapat mag-discriminate laban sa mga solo parent na empleyado hinggil sa kanilang mga tuntunin at kundisyon sa trabaho.

Na-inspire sa KPop, super-react ang mga bashers: SHARON, may official light stick na para sa kanyang Sharonians

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip na niya ang short video ng official light stick para sa mga minamahal niyang Sharonians at sa new gen fans na Sharmy.

 

 

Caption niya, “Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, but at least nauna na tayo at meron nang ready!) 💖💎💚❤️💜💙#sharonians #sharmy #sharoniansarethebestintheworld #hanggangdulo #sharoniansforever.”

 

 

Tuwang-tuwa naman ang mga followers at new gen fans ni Mega na excited nang makabili at nagsabing pag-iipunan na nila ito…

 

“Yaaaaaayyyyy excited to buy… Sunod na rin po Ang Sharon cuneta merchants hehehe.”

 

“Woww gusto ko yan👏👏tatak sharonian.”

 

“When po makaorder na !! apaka ganda po lalu na yung may hawak !! 🫶🥹🤍 @reallysharoncuneta.”

 

“Sharmy merch ANG GANDAAAA NG LIGHTSTICK❤️”

 

“Hoping na makakahawak na kame niyan na pinapanuod ka nextconcert mo!😭😭💅”

 

“MAGKANO YAN MEGASTAR SANA HINDI YAN MAHAL PARA AFFORD NAMIN. 😮👏👏👏”

 

“Sgee po mama start na kame mag ipon!!!!”

 

“OMG!!! Can’t wait to have my own.🤞🏻❤️”

 

“Sharonians dream come true! Sharon merch and Sharon gift packs.”

 

 

“hahahaha omg!! May photocards ba?

 

 

“Ano pa ba ibang merch? 😅

 

Serious question for my Sharonian mom.”

 

 

“Surprisingly andami pala talagang Sharonians.

 

 

Infairness to Sharon ah, super dami talagang Sharonians

 

 

Samantala, ‘di naman nakatiis mag-comment ang mga bashers ni Sharon tungkol sa paglalabas nito ng lightstick:

 

“Ambisyosa! Sino bibili nyan? HAHA”

 

“Ginaya yung concept ng KPop. iilawan nila gamit nyan pag may concerts or events na kakanta sya.”

 

“Feeling BTS ang lola Nega. may pabenta ng light stick.”

 

“Jusme! Kaloka ka Sharon. Ipaubaya mo na yan sa mga bata.”

 

“Imagine lola and nanay mo kumakanta ng Mr. DJ while waving their lightsticks. Haha!”

 

“Pinagkakitaan pa yung fans 😅 di pa nakuntento sa ticket na ibabayad kaloka.”

 

“May pa-light stick talaga si Ate Shawie naloka ako!

 

“Naloka ako. Sorry pero HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA.”

 

“Seryoso may pa light stick siya? Taray.”

 

“Please lang tita shawie, matatanda na mga fans mo pati ikaw, wag ng makigaya sa kpop. I can’t imagine mga auntie at mga lola na nagwawagayway ng lightstick… Cringe!”

 

“Better be hand fan with light para may pakinabang din lalo na summer mainit, pwede mo keri pag mag commute ka.”

 

Say pa ng ibang netizens:

 

“Inspired na inspired ng Kpop si Sharon. Dapat may kasama ring tali at photocards ha. Hahahaha!!”

 

“Feeling nya kasing popular pa rin siya ng BTS.”

 

“Naniniwala ba ko na kpop fan talaga itong si Sharon. Feeling ko jadi nakiki-bandwagon lang sya, dati parang si Anne.”

 

“LEGIT kpop fan yang si Sharon present yan sa concert ng fave kpop nya no! Ang fave kpop nga nya di ganun kasikat e kung nakiki bandwagon sya edi sana sa sikat na sikat like BTS isip isip rin.”

 

 

Well, kahit ano pa sabihin ng bashers ni Sharon, papatok pa rin ang light stick sa solid Sharonians at new gen fans, pero sana ‘wag naman sobrang mahal para ma-afford nang lahat at kayang pag-ipunan.

(ROHN ROMULO)

Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA  ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa  Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.

 

 

Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng  bamboo plant at produkto nito.

 

 

“I, Rodrigo Roa Duterte, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare the month of September of every year as Philippine Bamboo Month,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Sa nasabing proklamasyon, binigyang direktiba nito ang Philippine Bamboo Industry Development Council (PBIDC) na pangunahan at i-promote ang pagdiriwang sa  Philippine Bamboo Month at i-identify ang mga programa, proyekto at aktibidad para sa taunang selebrasyon nito.

 

 

“All other agencies and instrumentalities of the national government, including government-owned or -controlled corporations and state universities and colleges are directed and all local government units, relevant non-government organizations and civil society groups, as well as the private sector, encouraged to support the PBIDC,” ang nakasaad pa rin sa proklamasyon.

 

 

Sa kabilang dako, ipinalabas naman ang Executive Order No. 879  noong 2010 na lumikha sa PBIDC na naglalayong i- promote ang product development ng bamboo o kawayan at paghusayin pa ang  market access sa bamboo products, sa layuning mapanatili at mapalakas nito ang bamboo industry.

 

 

Ang Bamboo o kawayan ay itinuturing ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang isa sa  “right priority industry clusters.”

 

 

Ang mga bahagi ng bamboo plant  ay ginagamit hindi lamang para sa “nourishment and construction” ng simpleng imprastraktura kundi maging sa pagpo-produce ng  world-class furniture at handicrafts. (Daris Jose)

Mahigit 600,000 trike drivers, makatatanggap ng fuel subsidy

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY  kabuuang  617,806 na qualified recipients ang makatatanggap ng  fuel cash subsidies sa ilalim ng  “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers”.

 

 

Layon nito na mapagaan ang ‘financial woes’ sa gitna ng mataas na presyo ng petroleum products simula pa noong huling bahagi ng nakaraang taon.

 

 

Ang paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año,  ang  fuel subsidy  ay ipamamahagi ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  sa mga benepisaryo sa pamamagitan ng  e-wallet accounts,  sangay ng Landbank of the Philippines o off-site payout ng local government units (LGUs).

 

 

“Inaasahan namin na sa pamamagitan ng fuel subsidy na ito, maiibsan kahit paano ang paghihirap ng mga tricycle drivers dulot ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at paghina ng biyahe dahil sa Covid-19 pandemic. Ito ang paraan ng pamahalaan para ipamalas ang kanyang pagmamalasakit sa ating mga tricycle drivers,” ayon kay Año.

 

 

Sa kabuuang bilang ng mga  tricycle drivers-beneficiaries, sinabi ni Año  na 67,536 ang mula sa Region 1; 31,638 mula  Region 2; 83,621 sa Region 3; 162,500 sa Calabarzon; 30,340 sa MIMAROPA; 35,339 sa Region 5; 59,280 sa Region 6; 11,685 sa Region 7; 6,448 sa Region 8; 9,869 sa Region 9; 8,760 sa Region 10; 8,793 sa Region 11; 21,685 sa Region 12; 6,869 sa Caraga; 68,165 sa NCR; 5,040 sa CAR; at 238 sa BARMM.

 

 

Sinabi ni Año, ang  first batch ay  para sa 539,395 trike drivers na nagbigay ng kanilang  e-wallet account; ang second batch ay para sa  73, 233 drivers  na nag-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines (LBP) branch  na malapit sa kanila; at ang third batch ay para naman sa 5,178 drivers  na nag-avail ng on-site payout sa  LGUs.

 

 

“Lahat ng nasa masterlist ng qualified tricycle drivers ay makakatanggap ng fuel subsidy. Hintayin na lang po natin ang abiso ng LTFRB para sa mga detalye at karagdagang impormasyon,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matatandaang nagpalabas ang DILG  ng  Memorandum Circular 2022-047 na inaatasan ang  LGUs na mag- produce at magsumite sa DILG ng  “validated”  list of tricycle drivers; tricycle franchisees; addresses; electronic wallet accounts; at bilang ng  operating tricycles at iba pang detalye sa loob ng kanilang respective jurisdictions.

 

 

Ang listahan ay dapat na sertipikadong tama mula sa  Head of the Tricycle Franchising Board and the head of the local Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at maging ng concerned city o municipal mayors at vice-mayors.

 

 

“Some 766,590 trike drivers had their names submitted for inclusion in the master list but upon validation 148,784 trike drivers nationwide were disqualified due to lack of means of verification (MOVs), such as driver’s license numbers, incomplete e-wallet information, or names submitted after the deadline,” ayon sa Kalihim.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni  Año ang city at municipal mayors  na magtatag ng ‘Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk or Hotline’ para tugunan ang mga concerns at reklamo ng mga benepisaryo  na nasa listahan at iba pang kahalintulad na  concerns sa  fuel subsidy program. (Daris Jose)

Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.

 

 

Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.

 

 

Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si Cerundolo.

 

 

Nauna ng nagkampeon na sa Australian at French Open si Nadal ngayong taon.

 

 

Susunod na makakaharap nito sa second round si Ricardas Berankis ng Lithuania.

May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPO.  Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act.

 

 

May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents.

 

 

Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang status sa buhay ay kwalipikado ayon sa batas. Pero hindi lahat ng Single Parent at maituturing na Solo Parent.

 

 

Halimbawa ang isang Single Mother na sinusuportahan naman siya at ang kanyang anak ng ama ng bata.  Sa batas, isang elemento sa pagiging Solo Parent ay “Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood”. Kaya pag may simpatyang natatanggap mula sa ibang tao sa pag aaruga at pagpapalaki ng anak hindi siya matuturing na Solo Parent.   Kaya’t hindi siya kwalipikado sa mga benepisyo sa ilalim ng Solo Parent Act.

 

 

Pero paano kung kulang ang binibigay na suporta o kaya naman kailangan pang idemanda ang ama ng bata? Pera lang ba ang kailangan ng Solo Parent?

 

 

Ito ang isang nakikita ng inyong lingkod na maaring maikonsidera ng ating mga mambabatas na kahit nakatatanggap ng pera ang ina ng bata ay maaari pa rin siyang ikonsidera na solo parent at ma-avail nya ang mga benepisyo sa ilalim ng batas.

 

 

Maaari kayang idagdag bilang Solo Parent ang mga sumusunod:

 

  1. a) Parent Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood Receiving Financial support to the child/children but such amount is inadequate for everyday subsistence, education and other basic needs of the child/children.
  2. b) Parents receiving financial support by virtue of a court order or decision.

 

Ang dahilan ay simple – kung hindi sapat ang suporta, dapat ang batas ang magpuno ng pagkukulang dahil bakit ipagkakait nating ang benepisyo ng batas kung ang ipinaglaban lang naman ng magulang ay kapakanan ng kanyang anak. (Atty. Ariel Inton Jr.)

SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte.

 

 

Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news outlets na Bulatlat at Pinoy Weekly kasama ang online platforms ng 26 pang progresibo at rebolusyonaryong grupo.

 

 

“The decision of the [Court of Appeals] has attained finality and the latest resolution of the appellate court only bolsters the Commission’s position that Rappler and [Rappler Holdings Corporation] violated the Constitution and that their certificates of incorporation should therefore be revoked,” ayon sa pahayag ng SEC, Miyerkules.

 

 

“The contentions raised by Rappler and RHC have been squarely and adequately addressed by the SEC and the CA in their respective decisions, resolutions and orders, including the latest issuance from the Commission.”

 

 

“In this light, the latest order issued by the Commission En Banc merely puts in effect its earlier decision and those of the Court of Appeals,” patuloy ng SEC.

 

 

Ngunit sa isang press conference, sinabi ni Francis Lim, legal counsel ng Rappler, na iba ang kanilang paniniwala sa pananaw ng CA na i-revoke ang certificates of incorporation ay hindi pa pinal.

 

 

Kinatigan ng CA ang revocation ng certificates of incorporation ng kumpanya nang ilang beses, noong Hulyo 2018, Pebrero 2019 at Disyembre 2019, ngunit inutusan nito ang SEC na tingnan kung nasolusyonan ng pag-donate ng Omidyar Network ng Philippine Depositary Receipts sa staff ng Rappler.

 

 

Ani ni Lim, nagsumite sila sa Korte Suprema noong Abril 2019 — matapos katigan ng CA ang kanilang naunang utos — ng isang Manifestation na hindi maaaring maging “final and executory” ang desisyon ng appeals court nang hindi pa napag-aaralan ng SEC ang ligal na epekto ng donasyon ng Omidyar sa staff ng news site.

 

 

Una nang sinabi ni Rappler CEO Maria Ressa na ang reklamong ito, na umusbong mula sa pagkwestyon sa Philippine Depositary Receipts ng Omidyar, ay isang “political attack” sa kalayaan sa pamamahayag.

 

 

Hindi naman daw papayag ang Rappler sa panibagong kautusan ng SEC na inilabas noong ika-28 ng Hunyo, 2022 at idiniing hahamunin nila ito.

 

 

“We were notified by our lawyers of this ruling that effectively confirmed the shutdown of Rappler,” ayon sa isang pahayag ng kumpanya ngayong umaga.

 

 

“We are entitled to appeal this decision and will do so, especially since the proceedings were highly irregular.”

 

 

Sa ilalim ng Article XVI, Section 11 (1) ng 1987 Constitution, ipinapaliwanag na tanging mga Filipino citizens lang ang pwedeng magkaroon ng ownership at management ng mass media.

 

 

Una nang sinabi ng Rappler sa dati nitong petisyon na hindi sila sakop ng naturang restrction dahil sa “hindi” raw sila mass media entity sa ilalim ng constitutional provisions.

 

 

Hindi pa laganap ang internet sa Pilipinas noong ginawa ang Saligang Batas. Taong 1998 nang sabihin ni noo’y Justice Secretary Silvestre Bello III na “hindi mass media” ang internet.

 

 

Pinalagan naman ng Bulatlat, na humaharap din sa restriksyon ng gobyerno ng Pilipinas, ang kinakaharap na mga kahirapan ngayon ng Rappler sa ilalim ng administrasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“It is alarming how laws are weaponized to muzzle independent media. Administrative orders and other regulatory powers of government, such as franchise in the case of ABS-CBN, should not be used to trample upon press freedom and free expression,” wika ng Bulatlat.

 

 

“Just like the National Telecommunications Commission’s order for the internet service providers to restrict access to wesbsites of Bulatlat and Pinoy Weekly, the SEC order against Rappler is yet another form of censorship.” (Ara Romero)

Kaya itinuloy na lang ang acting career: CARLOS, kinalimutan na ang pangarap na maging doktor

Posted on: June 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINALIMUTAN na ni Carlos Dala ang pangarap niyang maging doktor.

 

 

Sa storycon ng bagong movie ni Jay Altarejos titled “Pamilya Sa Dilim” ibinahagi ng mahusay na actor na suportado ng kanyang mga magulang ang desisyon niya na gawin career ang pag-aartista.

 

 

Ayon kay Carlos, mas gusto niya na ituloy ang kanyang acting career at huwag na pumasok sa medical school as originally planned. Sa tingin niya ay mas nababagay ang talent niya sa acting kaya ito ang kanyang ipu-pursue.

 

 

Sabi pa ng mainstay ng “A Fake Life”, sobrang honored sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging bahagi ng isang magandang show. Magandang learning experience daw ito sa kanya dahil maraming siyang natutunan being part of the show.

 

 

“Ibang mundo rin talaga ang paggawa ng isang soap opera, lalo na ‘yung panghapon tapos sa isang major network pa. Sobrang masaya lang na makasama kong ‘yung cast sa show,” pahayag pa ni Carlos.

 

 

Unang napansin ang husay ni Carlos sa indie movie na “1-2-3 (Gasping for Air)” na naging opening film ng Cinemalaya noong 2016.

 

 

Excited siya na makatrabaho sina Allen Dizon at Laurice Guillen sa “Pamilya sa Dilim” na produced ni Mr. Art Cruz ng ADCC Productions.

 

 

Teenager na biktima ng EJK ang role ni Carlos sa movie at gusto raw niya bumuo ng magandang karakter sketch para sa role niya sa movie.

 

 

Kasama rin sa movie sina Therese Malvar at Barbara Miguel na co-stars ni Carlos sa “1-2-3 (Gasping for Air).” Reunion movie nila ito na ang script ay isinulat ni Jay Altarejos.

 

 

***

 

 

MAY plano pa rin magdirek ng pelikula ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen, lalo na kapag may dumating na magandang script.

 

 

Pero balik-acting muna siya sa “Pamilya sa Dilim” kung saan importanteng papel bilang matriarch ang ginagampanan niya.

 

 

Enjoy naman si Direk Laurice working with a young cast sa mga TV shows na ginagawa niya. Masarap daw katrabaho ang mga bata dahil marami siyang natutuhan dito.

 

 

Excited si Direk Laurice sa role niya sa “Pamilya sa Dilim” dahil maganda ang script na isinulat ni Jay Alterejos.

 

 

***

 

 

TAPOS na ang shooting ng “Finding Daddy Blake”, according sa producer nito na si Marc Cubales.

 

 

Nasa editing stage na ang pelikula pero by October ay ipalalabas na ito.

 

 

“Excited na nga ako then after that itutuloy ko na yung ibang pending project,” pahayag pa ng model-turned-producer.

 

 

Tampok sa cast ng Finding Daddy Blake sina Oliver Aquino, Gio Alvarez, Jonathan Ivan Rivera, Carlos Dala at Tommy Alejandrino. The movie is directed by Jay Altarejos.

 

 

Hindi pa nire-reveal ni Direk Jay kung sino ang gumaganap sa pivotal role ni Daddy Blake pero ang naging biktima niya ay sina Oliver at Carlos ang gumaganap.

 

 

Sa ngayon ay focused si Marc sa pagtulong sa mga school sa San Mateo Rizal at Montalban. Dati pa rin naman involved si Marc sa charity work at pagtulong sa mga nangangailangan.

 

 

Pero excited na siya na mapanood ng mga tao ang “Finding Daddy Blake” dahil explosive ang pelikula.

 

 

(RICKY CALDERON)