• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2020

Kobe Paras lalaro sa Gilas

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro.

 

Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok sa bubble set up sa Inspire Sports Academy sa Calamba sa Nobyembre.

 

Makakasama ni Paras sa national team pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at magkapatid na Matt at Mike Nieto.

 

Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na clearance ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para payagan ang Gilas na magbalik sa ensayo para sa pagsabak sa No- vember window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

 

Pupunta ang Gilas sa susunod na buwan sa Bahrain upang sumagupa sa Group A kontra sa Korea, Thailand, at Indonesia para sa second window ng qualifiers.

 

Hawak ng Pilipinas ang 1-0 win-loss record sa pool matapos ang panalo kontra Indonesia sa Jakarta, 100-70 noong Pebrero.

Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.

 

Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Hindi naman ho tayo nanghihimasok sa issue ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross. Kaya nga lang po, nagsasalita po tayo sa ngalan ng ating Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Importante po talaga kay Presidente Duterte ang testing dahil alam po natin na napaka- importanteng kabahagi ito ng ating istratehiya laban po sa COVID- 19—ang malawakang COVID-19 testing,” dagdag na pahauag nito.

 

Tinukoy din ni Sec. Roque ang kanyang adbokasiya ukol sa universal health coverage.

 

Si Sec. Roque ay dating mambabatas na siyang nag- isponsor ng pagpapasa ng Universal Health Care Act in Congress.

 

Sa ulat, binanatan ni Gordon si Sec.Roque at sinabihang huwag nang makialam sa usapin sa PhilHealth.

 

Ipinapanukala kasi ni Roque sa PRC na tanggapin ang donasyong test kits ng Dept. of Health, pero giit ni Gordon, hindi pwede dahil ito ay overpriced.

 

Gabi ng Martes, Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth sa PRC at nangakong babayaran ng pautay-utay ang balanse.

 

Madaragdagan pa ng panibagong 35 million pesos ang utang ng PhilHealth kahit nagbayad na ito ng kalahating milyong piso sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test ng mga umuuwing OFWs.

 

Sinabi ni Gordon na sa pagbabalik ng kanilang serbisyo, aabot sa 10,000 na sponsored OFWs ang kanilang ite-test na katumbas ng 35 million pesos. (Daris Jose)

Walang ‘exempted’ sa mega-task force probe vs korupsyon – Palasyo

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malacañang na walang exempted sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga alegasyon ng korupsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

 

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nagsimula sa maling paraan ang mandatong ito ni Pangulong Duterte dahil mistulang exempted sa imbestigasyon sina DPWH Sec. Mark Villar at Health Sec. Francisco Duque III matapos nitong sabihing naniniwala siyang hindi korup ang mga nasabing opisyal.

 

Ayon kay Sec. Roque, hahayaan ni Pangulong Duterte ang binuong mega-task force na mag-imbestiga at walang sisinuhin kung may makitang ebidensya.

 

Iginiit ni Sec. Roque na kahit sino pa, gaano man ito kalapit kay Pangulong Duterte at kahit pinupuri pa nito pero sa oras na may ebidensya ng katiwalian, tiyak na lilitisin at parurusahan ang sangkot na opisyal.

Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.

 

Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.

 

“Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang hahalal ng kanilang presidente,” ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

 

Si Trump ng conservative Re- publican Party ay nagbabalak na magkaroon ng panibagong termino sa November 3 election subalit sa survey ay sumusunod lamang siya kay dating |Vice President Joe Biden ng Democratic Party.

 

Noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Pangulong Duterte na deserved ni Trump na muling mahalal dahil sa kanyang “circumspect and judicious reaction” sa naging desisyon ng Philippine government na i- terminate ang Visiting Forces Agreement, na siyang ginagamit para makita ang presensiya ng American troops sa Pilipinas para sa military exercises.

 

Samantala, kaagad namang nilinaw ng Malakanyang na hindi nito kinakampanya si Trump, kung saan ikinukunsiderang kaibigang lider ng Pilipinas. (Daris Jose)

‘Kailanman hindi bibitawan ng Rockets sa trade si Harden’

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umano kailanman bibitawan ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden pagsapit ng trade season sa NBA.

 

Ginawa umano ng ilang opisyal ng Rockets ang pahayag matapos na lumutang ang isyu na interesado raw ang Philadel- phia kay Harden kapalit ni Ben Simmons.

 

Napikon pa umano ang naturang opisyal ng Houston dahil hindi sumasagi sa kanilang isipan na mawalay si Harden kahit ito pa ang magpahiwatig nang kagustuhang lumipat.

 

Ilang beses na ring idineklara ng Houston na palalakasin pa nila lalo ang team sa pangunguna ni Harden.

 

Una na ring lumutang ang posibilidad na ilang teams naman sa NBA ang nag-aambisyon din na makuha sa trade ang ka-tandem ni Harden na si Russell Westbrook.

LALAKI MINASO NG KAINUMAN, KRITIKAL

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 40-anyos na mister matapos hatawin ng maso sa ulo at katawan ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Navotas City.

 

Ginagamot sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Paracale, 40 ng 46 Katipunan St. Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City.

 

Kinilala naman ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Mario Manago, 50 ng Leongson St. Brgy. San Roque na nahaharap sa kasong frustrated murder.

 

Sa imbestigasyon nina P/Cpl Paul Roma at P/Cpl Dandy Sargento, habang nag-iinuman ang suspek at biktima, kasama ang saksing si Mark Joseph Abuan sa Leongson St. alas-6 ng gabi nang mauwi sa mainitang pagtatalo si Manago at Paracale kaya’t agad silang inawat ni Abuan.

 

Umalis ang suspek subalit, makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na armado na ng maso saka pinaghahampas sa ulo at kanatawan si Paracale bago mabilis na tumakas nang makitang humandusay sa sahig ang duguang biktima.

 

Matapos nito, mabilis na isinugod ang biktima sa naturang pagamutan habang naaresto naman ng mga pulis sa manhunt operation ang suspek at nabawi sa kanya ang ginamit na maso. (Richard Mesa)

Sharon, naging senti nang ipinakita ang red LV bag ni Mommy Elaine

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GRANTED na ni Megastar Sharon Cuneta ang requests ng kanyang mga Sharonians at mga YouTube subscribers na i-feature naman niya sa kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network, na she titled “My Bag Collection.”

 

Inamin ni Sharon na na- accummulate daw niya iyon simula pa nang magtrabaho siya, pero ilan lamang ang dinala niya para ipakita, iyon lamang mga paborito niya, na lahat ay inisa-isa niya ang story ng bawat bag na binili niya, na makikita mo naman talaga na mga naiiba ang shape, sizes at color ng bawat isa. Hindi raw naman niya ito laging ginagamit, kapag may project siya na kailangan ang handbag, either provided ito ng production o bumibili siya ng babagay sa kanyang character sa movie o TV show.

 

Naging senti si Mega nang ang huli niyang ipinakita ay ang red Louis Vuitton bag na naiwan sa kanya ng inang si Mommy Elaine bago ito pumanaw, na naroon pa raw ang laman nito, hindi niya inaalis hanggang sa ngayon.

 

Advice lamang ni Sharon sa mga nanood ng vlog niya, na bumili lamang sila ng mamahaling bagay na talagang kailangan nila, dapat daw ay mas maglaan ng pera sa mga needs nila, lalo ngayong panahong ito.

 

Ipamamana ni Sharon ang mga handbags niya sa mga anak niyang sina KC, Frankie , Miel at sa magiging daughter-in-law raw niya sa anak niyang si Miguel.

 

*****

 

SURPRISED ang real-life sweethearts na sina Global En- dorser Gabbi Garcia and new Kapuso actor na si Khalil Ramos, sa new project na ibinigay sa kanila ng GMA Network.

 

Nasa GMA lamang sina Gabbi at Khalil last Thursday, dahil kailangan nilang magpa-swab test para sa isang bagong show ni Gabbi na In Real Life (IRL), a youth- oriented reality program, para sa GMA News TV. Special guest niya sa pilot episode si Khalil.

 

Pero nagulat sila nang bago sila umalis, may iniabot na isang red big envelope sa kanila, na nagsasabing mayroon silang isang proyektong gagawin, a mini-series, na sila ang magkatambal.

 

Siyempre pa ay tuwang-tuwa si Khalil dahil hindi pa siya nagtatagal na lumipat sa Kapuso network ay sunud-sunod na ang projects na ginagawa niya.

 

Sekreto pa ang tungkol sa new project, pero may title na itong Love You Stranger. Very soon ay magkakaroon daw ito ng big reveal.

*****

 

TAPOS na ang matagal na paghihintay ng mga viewers ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil may ipinalabas nang teaser na mapapanood na ang fresh episodes nito simula sa November 9, pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

 

Mabuti na lamang at ipinalalabas muna ngayon ang re- cap ng serye na mukhang nasa highlight na, iyong nagtagumpay si Kendra (Aiko Melendez) na idiniin niyang si Lilian (Katrina Halili) ang mastermind sa pagnanakaw ng Claveria crown na ang totoo ay si Kendra ang mastermind. Magtagumpay nga kaya si Kendra at matuloy na ang kasal nila ni Jaime? (NORA V. CALDERON)

LGBTQI, PROTEKTADO SA MAYNILA

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PROTEKTADO na ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila ang mga lesbians, gays, bisexu-als, transgender, queers and intersex (LGBTQI).

 

Ito ay makaraan lagdaan kahapon ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno”Domagoso, ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) at pagparusa sa sinuman na lalabag sa ordinansa sa Maynila.

 

Kasama ni Moreno sina Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at President ProTempore at Acting Presiding Officer Ernesto Isip, Jr. ng lagdaan ni Moreno ang Ordinance 8695 na inakda ni Councilor Joel Villanueva na tinawag na “Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020”.

 

Ayon kay Moreno ,walang LGBTQI, ang magdurusa sa anumang uri ng diskriminasyon at lahat ay magiging pantay sa ilalim ng batas.

 

Sinabi ni Moreno na sa ilalim ng ordinansa ,bibigyan ng proteksiyon ang LGBTQI sa kanilang mga workplace, school at social media mula sa pambu-bully.

 

Sa ilalim ng ordinansa dapat na sa loob ng 3 taon ay meeon ng gender-neutral toilets sa loob ng comfort room ng restaurants, bars, stores, movies houses, shopping malls at iba pang katulad na establisimiyento kung hindi ito matutugunan ay hindi papayagan ang renewal ng kanilang business peemit.

 

Maaari umanong maghain ng kanilang reklamo ang LGBTQI sa mga Barangay Chairman kung saan sila nakatira.

 

Papatawan ng P1,000 multa o 6 na buwan pagkabilanggo sa diskresiyon ng korte, sa unang pagkakamali , anim na buwan hanggang 8 buwan pagkabilanggo sa ikalawang pagkakamali, at sa ikatlong pagkakamali 8 buwan hanggang 1 tain pagkabilanggo at multang P5,000.

 

Bilang karagdagang parusa,ang mga lalabag ay isasailalim sa human rights education ng MGSDC sa itatakdang panahon ng korte.

 

Sa kaso naman ng corporations, partnerships, associations at ibang juridical persons, ang mga opisyal ang direktang mananagot.

 

Lilikha rin ng Gender Sensitivity and Development Council (MGSDC) sa ilalim ng ordinansa na siyang magpapatupad ng anti- discrimination programs at ng i tegrate at synchronize programs, projects at activities para sa LGBTIQ community.

 

Sa loob ng 60 araw matapos na maging epektibo ang ordinansa, ang MGSDC ay dapat na bumuo ng ipatutupad na Rules and Regulations and guidelines alinsunod sa isinagawang konsultasyon sa multi-sectoral groups at stakeholders,kinabibilangan ng mga eksperto at kinatawan ng iba’t ibang sektor haya ng civil society, LGBTQI, non-governmental organizations, LGBTQI organizations at community-based organizations. (Gene Adsuara)

3 sangkot sa droga kulong sa P238-K shabu

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang 38-anyos na byuda matapos makuhanan ng P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos, Rainier Cagumoc, 18 ng Brgy. 118 Caloocan City at Joan Tan, 38 ng Kaunlaran St. Brgy. Muzon.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P238,000 ang halaga at buy-bust money.

 

Ayon kay Col. Rejano, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Adonis Sugui ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Kaunlaran St. Brgy. Muzon dakong 12:30 ng madaling araw.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200. (Richard Mesa)

Air passengers kailangan ng may contact-tracing app

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANG mandatory na contact tracing app na tinatawag na Traze ay kailangan ng gamitin ng mga pasahero na maglalakbay gamit ang mga airports sa bansa.

 

Sinimulan ang contact tracing na Traze noong November 28 kung saan pinagtulungan itong gawin ng Philippine Ports Authority (PPA) at Cosmotech Philippines Inc. Ang Traze ay isang nationwide at unified QR code-based app na mag automate ng contact tracing ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

 

Ang sector ng aviation ang siyang kasama sa Traze tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila Interna- tional Airport Authority (MIAA), Civil Aeronautics Board (CAB, Clark International Airport Corp. (CIAC), at Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIA).

 

Ito ay nagkaron ng pilot testing sa apat (4) na airports sa bansa: ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA), Mactan-Cebu International Airport, at Davao International Airport (DIA).

 

“All departing and arriving passengers at these airports would be required to download the app on their mobile phones and register an account before proceeding to the airport. This system will be followed in other airports soon,” wika ng DOTr.

 

Ayon sa DOTr, ang Traze ay makakatulong upang mapabilis ang mabagal na manual contact tracing process at magagawa ito ng sandali lamang.

 

“Passengers will scan the QR codes at designated areas of the airport. Once a COVID-19 positive patient is identified, an in-app notification will be sent to individuals who may have had contact with the patient so they may immediately observe-self isolation procedure and other health and sanitation precautionary measures,” dagdag ng DOTr.

 

Samantalang ang mga pasahero na walang mobile phones o ibang mobile gadget ay puwedeng pumunta sa Malasakit Helpdesk sa airport upang humingi ng registration assistance para humingi ng unique QR code. Ang QR code ay maaring gamitin sa lahat ng DOTr office sa buong bansa.

 

Sa kabilang dako naman, isang bill ang inihain sa House of Representa- tives para sa pagtatayo ng contact tracing centers ng COVID-19 hotspots.

 

Ito ay ang House Bill No. 7538 na inihain ni Quezon City 2 nd District Rep. Precious Hipolito Castelo kung saan nagnanais na magtayo ng efficient at systematic na tracing at monitoring center ng COVID-19 ng mga taong positibo sa virus at ng mga taong nakasalimuha nila.

 

“If contact tracing efforts will be done quickly and effectively, the impact of the pandemic will dramatically decrease,” ayon kay Castelo. (LASACMAR)