• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2020

Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.

 

Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.

 

Iginiit ni Mapa na ang mga impormasyon na malilikom sa census ay malaki ang maitutulong sa iba’t ibang pangkat ng gobyerno para sa pag-develop ng mga ito ng kani-kanilang mga programa, gayundin sa iba pang mga sektor ng lipunan.

 

Iba’t ibang pamamaraan ang gagamitin ng PSA sa census na gagawin sa buong buwan ng Setyembre bilang tugon sa hamon na hatid ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Mapa, magkakaroon ng option ang publiko kung sila ay payag sa face-to-face interview o gawin na lamang ito via telephone o online.

 

Maari rin aniya na sagutan na lamang ang self-administered questionnaire na personal na ihahatid ng mahigit 100,000 enumerators na magiikot sa buong bansa.

 

Tintitiyak rin ni Mapa ang mahigpit na pagsunod ng mga enumerators sa health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan.

 

Mahigpit din aniya ang kanilang koordinasyon sa mga local government units patungkol naman sa mga high-risk areas, para sa mga necessary adjustments na kanilang maaring gawin.

 

Binigyan diin ni Mapa na lahat ng mga malilikom na impormasyon sa census ay highly confidential at hindi magagamit sa ibang paraan.

 

Mababatid na base Batas Pambansa Bilang 72 at Executive Order 352, obligado ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng census of the population and household kada 10 years . (Daris Jose)

Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.

 

Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.

 

Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng Zamboanga City.

 

Nitong Miyerkules naman ay sumalang sa testing ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Pasig-Sta. Lucia Realtors, Palayan City Capitols at Porac-Big Boss Cement Green Gorillas.

 

Sa Susunod naman na linggo ang ibang koponan gaya ng Bicol Volcanoes, Sarangani Marlines, Val City Classic at iba pa.

 

Dagdag pa na magiging staggered din ang gagawing ensayo.

 

Mahigpit ang ipinatupad na health protocols gaya ng pagpirma nila ng contact tracing.

 

Inaasahan naman na magsisimula ang mga laro sa Oktubre 2 para sa kanilang President’s Cup na gaganapin sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.

Paragua dadale ng korona

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATOK si US-based Grandmaster Mark Paragua sa Online Baby Uno Chess Challenge na susulong sa Linggo, Setyembre 6.

 

Kakapmayagpag lang nitong Agosto 22 ng residente ng New York sa 81st birthday celebration woodpushfest ni Engr. Antonio Balinas, kuya ni yumaong GM Rosendo.

 

Ang free registration webcast chessfest ay may format na 21-round Swiss System, two minutes plus two seconds increment time control.

 

Bukas ito sa lahat ng Pinoy chess players sa bansa at maging ng mga nasa ibayong dagat. (REC)

Ads August 29, 2020

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na  sa kanilang  rank and file  na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital.

 

Dagdag pa nito na 44 sa mga empleyado na nagpositibo sa virus pero mga asymptomatic  o may mild symptoms ay naka -housed sa isang quarantine facilities habang hinihintay ang kanilang paggaling.

 

“We are still fortunate that none of our workers have succumbed to this virus,” Morente said.

 

Ayon naman kay Dr. Marites Ambray, BI Medical Section Chief, na mayroon 76 sa iba pa nilang empleyado na sumailalim sa isolation at home quarantine matapos naiulat na probable COVID 19 cases dahil sa kanilang exposure sa taong nahawaan ng virus.

 

Sinabi pa ni Ambray na sa 58 sa mga suspected COVID-19 carriers ay maayos na at pinayagan ng magtrabaho habang 18 sa kanila ay naka home quarantine..

 

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19, nag-isyu ng direktiba ang BI Adminsitrative Division ng mandatory na pagsusuot ng face shields, bukod sa face mask  sa lahat ng opsiyal at empleyado na magre-report sa kanilang trabaho at ag sinuman na hindi susunod ay hindi papapasukin sa trabaho. GENE ADSUARA .

Celine maingat sa praktis

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY pa rin sa pagpapakondisyon si Premier Volleyball League (PVL)  star Celine Domingo ng Creamline Cool Smashers maski wala pang petsa ang pagbubukas ng ikaapat na edisyon ng women’s volleyfest sa taong ito.

 

Sa isang Instagram post ng middle blocker kamakailan, kahit mag-isa lang siya sa volley drills, naging seryoso sa training, na naka-face mask pa.

 

“Great weather to do some ball control drills. And siz ang hirap pala talaga pag nakamask,” sey ng dalagang balibolista. (REC)

COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.

 

Sa naging panayam  kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical administrative works, at manufacturing.

 

Pinakaapektado ang mga galing sa hotel dahil walang masyadong nagpupunta sa mga ito bunsod ng pandemya.

 

Ayon kay Secretary Bello, marami rin ang naapektuhan sa sektor ng transportasyon lalo na ang mga provincial buses na humihiling na sila ay payagan nang mamamasada.

 

Gayunman, tulad ng pagtulong ng DOLE sa mga bus driver na nawalan ng trabaho, makakaasa rin daw ang iba pang mga naging unemployed sa pamamagitan ng COVID Adjustment Measures Program o DOLE-CAMP.

 

Bibigyan ng DOLE ang mga manggagawa ng P5,000 na cash aid at maaari namang livelihood sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na gustong magsimula ng sariling negosyo kaysa umasa sa mga maibibigay na trabaho sa kanila.

 

Tiniyak ng kalihim na kapag nailabas na ang pondo ay bibigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho pero minsan lamang ito

Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities.

 

Sinabi ni  Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges  ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil sa  coronavirus pandemic.

 

Simula pa noong Hunyo, inalok na ng SUCs ang kanilang mga campus sa local governments para magamit bilang quarantine facilities.

 

Tinatayang may 20,000 locally-stranded individuals, asymptomatic patients, at suspected COVID-19 cases ang napagsilbihan ng campus na ito.

 

Ang paggamit  aniya ng   campuses bilang  quarantine facilities ay pinayagan lalo pa’t hindi naman pinayagan ang in-person classes ngayong taon.

 

Tiniyak naman ni De Vera na ang  skeleton workforce na nangangailangan ng physically report sa mga eskuwelahan ay ligtas  dahil tanging bahagi lamang ng  campus ang ginagamit bilang  quarantine facilities.

 

“Sinigurado sa pagpili ng facility na ito ‘yong pinakaligtas na bahagi ng pamantasan,” anito.

 

Idinagdag pa ni De Vera na binigyan ng pondo ng komisyon ang mga state universities upang patuloy na  makapag-produce ang mga  face masks, face shields at disinfectants.

 

Ang financial assistance ay gagamitin rin para makapag-provide ng psychosocial assistance sa mga students at faculty members.

 

Samantala, sinabi ni De Vera  na may 731 mula sa 2,400 higher education institutions (HEIs) ng bansa ang nakatakdang magsimula ng klase  ngayong Agosto.

 

“The CHED has implemented a “rolling opening of classes” where universities and colleges start the academic year depending on their readiness to implement remote methods of learning,” ayon kay De Vera. (Daris Jose)

Japanese tennis star Kei Nishikori, umatras sa pagsali sa US Open

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Desidido pa rin si Japanese tennis star Kei Nishikori na hindi sumali sa US Open ngayong taon.

Ito ay kahit nagnegatibo na sa COVID-19.


Ayon sa 2014 U.S. Open runner-up, labis ang kasiyahan nito ngayon dahil matapos ang dalawang positive results ng kaniyang test ay lumabas sa pangatlong pagkakataon ng COVID-19 test na negatibo na ito.

Unang nagpositibo ang 30-anyos na Japanese tennis palyer noong nakaraang Linggo at nagkaroon ng minimal sintomas sa pangalawang testing.

Nakatakdang magsimula ang nasabing US Open sa New York sa unang linggo ng Setyembre..

Akusasyon ni VP Robredo, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malinaw na direksyon ang  administrasyon para tugunan ang COVID-19 crisis.

 

“I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Tila ipinamukha ng Malakanyang kay Robredo ang mga hakbang ng gobyerno  na nagresulta ng mababang mortality rate para sa  COVID-19 (1.55%) at napabuti ang kapasidad ng mga ospital  para gamutin ang mga pasyente na  may severe at critical cases.

 

“Hindi po totoo na  hindi sapat ang ating response. Siguro madali pong magpula dahil hindi tayo ang nasa gitna ng pandemya at hindi tayo ang inaasahang gumalaw,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sa 20-minute speech ni Robredo, araw ng Lunes ay hayagang binatikos nito ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

 

Kaagad namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panibagong pasaring ni  Robredo sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

 

Giit ng Pangulo sa kanyang public address, nagdaragdag lamang ng “fuel to the fire” si Robredo.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na ang pagsira sa pamahalaan o maging ang kanyang kamatayan ay hindi aniya solusyon sa problema ng bansa.

 

“Ang pakiusap lang ni Presidente, magkaisa po sa panahon ng pandemya; isantabi muna ang pulitika. Matagal-tagal pa po iyan, marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2022 [elections]. Tulungan muna natin ang ating taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)