• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2021

New ‘Hawkeye’ Trailer Shines a Spotlight on Holiday Cheer

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

A brand new trailer for Marvel’s upcoming Disney+ series Hawkeye has been released to remind us of the seasonal cheer that awaits us next month when the show premieres with its first two episodes on November 24.

 

 

Opening with a Christmas-themed Marvel Studios logo and punctuated with a dramatized rendition of “Deck the Halls,” this trailer poises Hawkeye as a six-part holiday event all revolving around the holiday of Christmas.

 

 

This immediately establishes a playful tone that will hinge on the chemistry between leads Jeremy Renner and Hailee Steinfeld, which this trailer works to set the stage for.

 

 

This trailer directs the spotlight onto Steinfeld’s Kate Bishop, showing the infectious optimism that her character possesses and opening with a voice-over of Kate exclaiming her excitement to be working with an Avenger. This is an investment that will likely pay off, as Kate is likely set on a path straight to the Young Avengers, whether that comes in the form of a feature-film or Disney+ series — not to mention potentially inheriting the role of Hawkeye from Clint, who is ready to retire with his family.

 

 

Along with showing the dynamics of the two main characters, the trailer also gives glimpses into the thrilling and chaotic action that is to take place as a reluctant Clint must team up with the eager Kate to protect the city of New York during this precious time of year.

 

 

Dedicated MCU fans will know to keep an eye out for Florence Pugh’s Yelena Belova, although she is not featured in the trailer, as the last time audiences saw her she was sent on a mission to kill Clint by Julia Louis-Dreyfus’ Valentina Allegra de Fontaine in Black Widow.

 

 

Overall this series looks to be a lot of fun: a synthesis of the Marvel Cinematic Universe, buddy-cop action, and holiday flair — not to mention Molotov cocktails, inflatable Santas, and of course trick arrows! Jonathan Igla serves as head writer.

 

 

The first two episodes of Hawkeye are set to stream exclusively on Disney+ on Thanksgiving, November 24, with the following four episodes will air in the subsequent weeks to follow. (source: collider.com)

 

 

(ROHN ROMULO)

Ikalawang batch ng MRT-7 trains kinabit sa rail tracks

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinabit at nilagay ng San Miguel Corp. (SMC) ang ikalawang batch ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) ang mga bagong trains sets sa rail tracks nito.

 

 

 

“Work continues non-stop on the MRT-7 project so we can meet our target start of operations by end of next year. I am glad to report that we are on track to meet the milestones we expect of this year,” wika ni SMC president Ramon Ang.

 

 

 

Katulad ng naunang dalawang train sets na dumating noong September, ang karagdagang dalawang (2) Hyundai Rotem trains ay nilagay sa MRT-7 tracks sa pagitan ng estasyon ng University Avenue at Tandang Sora sa Quezon City.

 

 

 

Nakikita ng SMC na makukuha at mailalagay pa ang anim (6) na bagon mula sa kabuohang 36 train sets bago matapos ang taon kung saan inaasahan na magkakaron ng partial operation sa pagtatapos ng taong 2022.

 

 

 

Sa ngayon ang MRT-7 na may habang 22-kilometer ay may 56.03 porsiento ng tapos at inaasahang magsisimula ng test run sa darating na December 2022.

 

 

 

Mayron itong 14 na estasyon na kung matatapos ay makakabawas ng travel time mula Quezon City hanggang Bulacan kung saan ito ay magiging 35 minuto na lamang.

 

 

 

Ang MRT-7, sa unang taon ng operasyon ay makapagsasakay ng 300,000 na pasahero kada araw at may maximum projection na 850,000 na pasahero kada araw sa ika 12 taon ng operasyon.

 

 

 

“Given the need for social distancing and limited capacity enforced in public transportation amid the threat of COVID-19, we don’t expect to achieve these numbers right away, but rest assured, the trains will serve their purpose of bringing more people from Quezon City to Bulacan faster and safer post-pandemic,” dagdag ni Ang.

 

 

 

Samantala, ang Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1, ay nakuha na rin ang 12th-fourth generation (Gen-4) train set na gagamitin sa LRT 1 system at sa Cavite extension project.

 

 

 

Ang mga bagong train sets ay gagamit sa kalagitnaan ng 2022 pag tapos na itong sumailalim sa safety checks, inspection at kailangan mga test runs.

 

 

 

Bawat isang Gen-4 train set ay may four-light rail vehicles (LRVs) na may kabuohang kapasidad na 1,300 na pasahero kada trip. Mayron pa na dadating na may kabuohang 30 train sets o 120 LRVs mula sa Spain at Mexico sa darating na June sa isang taon.

 

 

 

“The trains have destination signs to inform passengers if they are heading north or south. The driver station features a modern design, with a monitor that shows temperature. The trains are also PWD-friendly, with special areas for wheel-chairs. We are happy to continue moving forward with our up-grades and fleet modernization in line with our commitment to service excellence,” saad ni LRMC president at chief executive officer Juan Alfonso.

 

 

 

Simula ng hinawakan ang operasyon at management ng LRMC ang LRT 1, tumaas ang dami ng mga trains na available sa mga pasahero ng may higit sa 50 porsiento at bumababa rin ang waiting time. LASACMAR

Jazz wala pa ring talo nang tambakan ang Rockets, 122-91; Fil-Ams Clarkson vs Green agaw pansin

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananatili pa rin ang malinis na record ng Utah Jazz makaraang iposte ang ikaapat na panalo nang ilampaso ang Houston Rockets sa iskor na 122-91.

 

 

Walang patawad sa kanilang opensa ang ginawa ng Jazz kung saan pitong players ang nagtala ng double figures.

 

 

Kabilang sa mga ito ay sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Bojan Bogdanovic, Eric Paschall, Hassan Whiteside, Jordan Clarkson at Joe Ingles.

 

 

Kabilang sa umeksena ang Fil Am at reigning Sixth Man of the Year na si Clarkson ay nag-ambag ng 16 points.

 

 

Ito na ang best start ng Utah sa 4-0 record mula noong 2006-2007 season.

 

 

Sa panig ng Houston ang isa pang Fil Am at rookie na si Jalen Green ay inalat at maraming mintis sa 3-point area na umabot sa walong tira na nabokya lahat.

 

 

Sa kabuuan nagpasok ng 13 puntos si Green. Ito na ang ikaapat na talo ng Rockets.

 

 

Ang tangi nilang panalo ay nang ma-upset nila ang Lakers.

 

 

Si Christian Wood ang nanguna sa Houston na may 16 points.

 

 

Samantala, agaw pansin naman ang pagbibigay pugay ng NBA sa Filipino Heritage Month.

 

 

Kinilala ng NBA ang pambihirang pagkakataon na dalawang NBA players na may dugong Pinoy ang sabay na nagtalo nitong araw.

 

 

Ang mga ina kasi nina Clarkson at Green ay parehong Pinay.

 

 

Nagbigay din nang pagsaludo ang NBA sa napakaraming fans sa Pilipinas ng liga at maging sa mga Pinoy na nakatira sa Amerika.

PDu30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region polls sa 2025

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.

 

Isang larawan ang makikita sa Bangsamoro Government’s official Facebook page kung saan nilalagdaan ng Pangulo ang nasabing batas.

 

“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” ang nakasaad sa caption ng nasabing FB page.

 

Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) “will oversee the region until the May 2025 midterm polls.”

 

Ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law noong February 2019 via isang plebesito ang nagbigay daan para sa paglikha ng creation BARMM at tuluyang lumusaw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

 

Ang BARMM ay kinabibilangan ng Cotabato City, 63 barangays sa munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato.

 

“It has expanded land and water jurisdiction, fiscal autonomy, increased share in national government resources, among others,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

ALBIE, nabugbog at napahiya pagkatapos na kaladkarin sa pagbubuntis pero walang natanggap na apology mula kay Andi

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagpaliguy-ligoy si Albie Casiño nang tanungin siya tungkol sa naging relasyon nila noon ni Andi Eigenmann. 

 

 

Bago pumasok si Albie bilang celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, hindi niya iniwasan sumagot sa mga tanong about Andi.

 

 

Ayon kay Albie, tapos na raw siya sa pagtatakip kay Andi dahil sa mga pinagdaanan niya sa naging relasyon nila.

 

 

Hirit ni Albie: I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now.

 

 

I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask. I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

 

 

Sey ni Albie, wala raw siyang natanggap na apology mula kay Andi pagkatapos siyang kaladkarin sa pagbubuntis nito noong 2011. Naranasan daw kasi ni Albie na mabugbog, mapahiya sa social media at matawag na hindi lalake.

 

 

Naapektuhan daw ang self-confidence niya at pati ang career niya ay hindi nag-take off dahil sa kontrobersya na iyon.

 

 

Noong 2016, inamin ni Jake Ejercito na siya ang ama ng anak ni Andi na si Ellie dahil sa ginawang DNA test.

 

 

“I don’t know how Twitter works but I guess someone was replying to Andi ‘Pero nag-sorry ka na ba kay Albie?’ So I only posted the reply and then I put some laughing, crying emojis and then I said, ‘Hindi pa. Lol.’” sey ni Albie.

 

 

Ang natanggap daw niya ay isang non-apology.

 

 

“For people who have been in toxic relationships you know what I mean. The non-apologies. They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text.

 

 

“Basically, she was saying how I saw her one time in a club and then she referenced that as an apology. And then I just replied to her, I said, ‘Lol. (laughing crying face). If you’re referring to the time I saw you in the Pool club, that wasn’t an apology, bro.’ 

 

 

“Ginanun ko lang siya. Tapos sabi ko I don’t give an F. Imma do me. You do you. But where I’m from, that’s not an apology and you know it.’ Ginanun ko lang siya.”

 

 

Hiling ni Albie kay Andi ay public apology. Pero kilala niya si Andi at hindi daw nito gagawin iyon.

 

 

“I wanted to say some other stuff like ‘if you bash me publicly, the least you could do is apologize publicly right?’ But nah, I guess it ain’t in her I guess. She ain’t like that. But yeah, I hope she thinks about that at night before she goes to sleep. I’m not even joking,” diin ni Albie.

 

 

Hinangaan si Albie ng netizens dahil sa pagiging honest nito sa pagsagot.

 

 

“I don’t care. That’s the truth. Di tayo nagplaplastikan dito…That’s the way we do it man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito. That’s the last thing we’re going to do.”

 

 

***

 

 

SA edad na 23 ay living independently na si Claire Castro.

 

 

Ayon sa Kapuso Breakout Star, tinulungan pa raw siyang makahanap ng place ng ama niyang si Diego Castro.

 

 

“My dad naman wants me to be independent since I’m already working. He thinks na I deserve my own space na. 

 

 

“Gusto ko rin naman kasi it will teach me lots of things like budgeting my money, matututo akong magluto at maglinis ng place ko. Lahat yan gusto ko ma-experience on my own.”

 

 

Dahil panganay si Claire sa mga anak ni Diego kaya nanatili niyang daddy’s girl.

 

 

“I will always be daddy’s little girl. I will be present in all of our family’s occasions kahit di na ako nakatira sa bahay namin.”

 

 

After Nagbabagang Luha ay gusto ni Claire na mas matindi pang character ang gagampanan niya.

(RUEL MENDOZA)

GERALD, bilib na bilib sa sarili kahit wala pang napatutunayan sa pag-arte; gustong maging acting coach

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO raw ni Gerald Anderson na maging acting coach ng kanyang bagong screen partner na si Gigi de Lana.

 

 

Ganyan ba talaga kalakas ang bilib ni Gerald sa kanyang sarili, acting-wise? Na he can qualify as an acting coach sa isang baguhan?

 

 

Wala pa kaming narinig na ganitong klaseng mga salita sa mga tunay na tinitingala pagdating sa acting so parang hello, Gerald, tama ba dinig namin sa statement mo?

 

 

Akala marahil ni Gerald na ganoon na siya kabihasa sa acting kaya carry na niya maging acting coach.

 

 

Subukan muna kaya ni Gerald na ayusin ang acting bago niya pangarapin maging acting coach.

 

 

Saka uminom muna siya ng kapeng ini-endorse niya para magkaroon siya ng konting nerbyos. Ha ha ha!!!

 

 

Magkasama sina Gerald at Gigi sa international series titled Hello, Heart.

 

 

***

 

 

NAGPASALAMAT si Aiko Melendez sa organizers ng Model Mom Achievers Awards Philippines 2021 who chose her as one of the awardees.

 

 

Happy si Aiko to be one of the recipients. Hindi naman sekreto na single mom si Aiko kina Andre Yllana at Marthena Jickain.

 

 

“I must say that recognizing a single mom like me is the sweetest compliment ever. Having been able to raise two kids who are God-fearing and above all selfless,” pahayag ng aktres sa kanyang FB post.

 

 

Sayang nga lang at hindi matatanggap ni Aiko ang award personally dahil tinatapos niya ang taping ng season 2 ng Prima Donnas.

 

 

Pero magiging inspirasyon niya ang award para maging better role model sa mga single moms out there. “And o continue to shine and also be a blessing to others who are in need.

 

 

“Nothing beats the feeling of being the best mom that you can be and yet inspire people. Salamat po.”

 

 

***

 

 

UMABOT na sa 100,000 ang subscriber sa You Tube channel ni Cong. Vilma Santos-Recto.

 

 

Umaasa  si Ate Vi na mas darami pa ang subscribers sa kanyang You Tube account in the days to come.

 

 

Mas marami raw siyang inihahandang vlogs para sa kanyang mga subscribers.

 

 

If ever daw may request ang kanyang subscribers kung ano ang gusto nila mapanood sa kanyang vlog, ang kailangan lang daw ay i-post ito sa comment section para mabasa niya.

(RICKY CALDERON)

Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.

 

 

Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.

 

 

Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.

 

 

Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya bilang social media company pero sa kanilang dugo ay sila ang kompanya na gumagawa ng teknolohiya para ikonekta ang mga tao.

 

 

Paglilinaw nito na mananatili pa rin ang kanilang social media apps gaya ng Instagram, WhatsApp at ang Facebook.

DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.

 

 

Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Pero napagdesisyunan na nga ng pamahalaan na palawagin  ang Alert level 3 classification sa National Capital Region (NCR) para sa unang dalawang linggo ng Nobyembre.

 

“Ngayon pa lang, lahat ng LGUs were instructed [to] prepare already because we are seeing less, declining [COVID-19 cases] in all parts of the country except for some na medyo nandiyan pa rin sila doon sa medyo high risk risk classification,” ani Vergeire, Biyernes sa isang media forum.

 

 

“Pero marami na ho ang nakikita natin na talagang papunta na riyan sa direksyon na ‘yan na bababa talaga ang alert level.”

 

 

Kasalukuyang nasa low-risk classification ang Pilipinas nationally, matapos makapagtala ng negative 48% two-week growth rate at moderate risk average daily attack na 5.89 cases kada 100,000 indibidwal, ayon sa DOH nitong ika-25 ng Oktubre.

 

 

Low-risk na rin ang Metro Manila pagdating sa COVID-19, sabi sa monitoring ng OCTA Research Group nitong linggo. Matatandaang pinakamababa sa loob ng lagpas limang buwan ang new COVID-19 cases sa National Capital Region (3,218) nitong Miyerkules.

 

 

Una nang sinabi ng DOH na posible na tuloy ang Alert Level 2 sa Metro Manila sa mga susunod na linggo dahil sa inaasahang pag-“stabilize” ng COVID-19 cases sa pre-Delta variant numbers.

 

 

“We were able to advise the DILG at iba pa hong mga pamunuan ng mga miyembro ng ating mga miyembro ng IATF na dapat handa na lahat to shift into this Alert Level 2,” dagdag pa ni Vergeire.

 

 

“Magtulung-tulungan din po tayong lahat. Tayo pong lahat, bawat Pilipino, may obligasyon at responsibilidad na sumunod sa mga pamantayan pangkalusugan.”

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 2, binabalawan na lang ang sumusunod maliban kung payagan ng pandemic task force o ng Office of the President:

  • casino
  • karera ng kabayo
  • sabong at sabungan
  • lottery at tayaan
  • iba pang gaming establishments

 

 

Ang iba pang mga aktibidad ay papayagan basta:

  • 50% indoor venue capacity para sa fully-vaccinated individuals
  • 70% outdoor venue capacity
  • hindi bababa sa 50% capacity sa government agencies

 

 

LGUs ang may karapatan sa pagdedesisyon sa movement restrictions na nakabatay sa edad at sakit, basta’t hindi ito mas mahigpit sa Alert Level 4. Ang mga hindi sakop ng naturang restrictions ay pwedeng pumunta sa ibang lugar na pareho o iba ang quarantine classification depende sa regulasyon ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ipatupad man ito, hindi tatanggalin ang mga panuntunan sa “3Cs framework,” granular lockdowns kung magkaroon ng maraming kaso sa iilang lugar, active case finding, intensive testing, contact tracing, isolation at pagpapaiksi ng duration ng detection to isolation.

 

 

‘Ekonomiya lalong gaganda sa pagluwag’

 

 

Nagkakasundo na rin ang business sector pagdating sa posibleng shift sa Alert Level 2 ng Metro Manila, na siyang magtatapos sa ika-31 ng Oktubre.

 

 

Ayon kay Economic Planning Secretary Karl Chua nitong Huwebes, aabot sa P3.6 bilyon ang maidadagdag sa gross domestic product ng Pilipinas kada linggo oras na ilagay sa Alert Level 2 ang Kamaynilaan.

 

 

Maliban pa riyan, nasa 16,000 trabaho rin daw ang maibabalik sa ekonomiya.

 

 

Aabot na sa 2.77 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa DOH nitong Huwebes. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 42,575. (Daris Jose)

Bulacan 911, maaari ng tawagan para sa anumang emergency

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Operasyunal na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anumang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 kaninang umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag ng libre ang mga Bulakenyo sa oras ng sakuna.

 

 

“911 is very famous not only in the country at napakadaling tandaan. Kaya binabati ko ang lahat ng ka-partner natin dito para maglaan ng dagliang tugon sa ating mga kababayan 24/7. Ang kailangan kasi natin talaga, mabilis na komunikasyon, maayos na linya ng komunikasyon at mabilisang pagtugon,” ani Fernando.

 

 

Sinabi naman ni Bise Presidente Dennis G. Magbatoc na pinuno rin ng Corporate Relationship Management-PLDT Enterprise, na higit na nagkakaroon sila ng inspirasyon na maging bahagi ng programa dahil maraming mga lokal na pamahalaan ang tumutugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng kani-kanilang lokal na 911 call center para sa emergency.

 

 

“Since it was approved na ang 911 ang siyang magiging nationwide emergency answering point kapalit ng patrol 117, lalong pinag-ibayo ng PLDT ang pagbuo ng cloud-based contact center platform upang gamitin sa 911 hotline,” saad ni Magbatoc.

 

 

Aniya, Bulacan ang pinakabagong nadagdag sa mga lokal na pamahalaang naglunsad na ng 911 hotline kasama ang Puerto Princesa, Palawan, Tarlac City, Bataan, Parañaque City, Olongapo, Ilocos Norte, La Union City, Cagayan de Oro, Negros Occidental, Sorsogon, Legaspi City, Albay, at Baguio City.

 

 

Bukod dito, sinabi ni Executive Director Diosdado T. Valeroso ng Emergency 911 National Office sa kanyang mensahe na ibinahagi ni Philip Uy, pinuno ng Capacity Development Emergency 911 National Office, na “Harinawa, gawin nating instrumento ang 911 na siyang magdudulot ng kasagutan sa mga agam-agam sa paghingi ng agarang saklolo. Dala namin ang inspirasyon na pag-ibayuhin pa ang paglilingkod at pagpapalawak ng 911 sa buong Pilipinas”.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Bokal Alex Castro ang pinagdaanan ng Bulacan 911 mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa paglulunsad nito.

 

 

“Ginagawa natin ang lahat ng ito para mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga Bulakenyo lalo na sa panahon ng sakuna na hindi mo alam kung saan ka tatakbo. Nagsagawa tayo ng mga pagsasanay para maitulad natin sa international standards and ating mabilisang pagtugon sa emergencies,” ani Castro.

 

 

Ang Bulacan 911 ay nasa ilalim ng Bulacan Rescue Project kung saan maaari pa ring tawagan ang Bulacan Rescue hotline (044) 791-0566 na siyang rumeresponde sa panahon ng emergency sa lalawigan simula 2010.

Ads October 30, 2021

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments