• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2022

Pag-upgrade sa flight systems kailangang ng ilang bilyong pondo para hindi na maulit ang aberya sa NAIA – DOTr

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
POSIBLENG aabot pa sa tatlong araw bago tuluyang maka-recover ang flight operations.
Kasunod ito naganap na technical issues sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) dakong 9:50 am kung saan naapektuhan ang nasa 56,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ng mga transport officials na ilang bilyong pesos ang kailangan para sa upgrades para hindi na maulit ang nasabing technical issues.
Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Tamayo na bumigay ang kanilang uninterruptible power supplies (UPS) sa umaga ng Linggo at kanila itong inaayos.
Aminado ito na luma a ang nasabing UPS at hindi rin aniya nila matiyak kung mauulit pa ang naturang insidente dahil ito ay nabili noon pang 2018.
May inilaan na sila aniya ng P124 milyon na budget para sa pag-upgrade ngayong 2023 ng nasabing sistem.
Pagtitiyak din ni Tamayo na dadalasan na nila ang monitoring ng sistema na ito ay magiging araw-araw na lamang.
Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na bagamat pansamantalang nakabalik ang sistema dakong alas-4 ng hapon kaya tumanggap na sila ng arrival at departing.
Paliwanag pa ng kalihim na ang kasalukuyang system ay unang ipinakilala noong 2010 at ito ay naimplementa noong 2018 na nagkakahalaga ng P13 Bilyon.
Maari pang gamitin aniya ito subalit kailangan ng ma-upgrade.
Inabisuhan na rin niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan pinapabilis nito ang paggawa o pagkakaroon ng backup system.
Sa panig naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong na may pag-uusap ng ginawa sa mga flight carriers para sa additional fligths para makadala ng mas maraming pasahero.
Magiging bukas na rin ng 24 oras ang runway ng NAIA para sa dagdag na mga flights. (Daris Jose)

Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI nitong bagong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa kanyang social media, sinabi niya ang matinding pagkalungkot dahil sa nalaman ang pagpanaw ng Pope sa edad na 95 sa kanyang bahay sa Vatican.
Nakikiisa umano ang Pilipinas sa pagdarasal para sa matiwasay na paglalakbay ng kaluluwa ni Pope Benedict, at kasama ring ipagdarasal ang naiwang pamilya nito.
“We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI today. The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers,” sinabi pa ni Marcos.
Matatandaan na inanunsiyo ng vatican nitong Sabado Disyembre 31,2022 ang pagpanaw ni Pope Benedict dahil sa matagal ng karamdaman.
Pinangasiwaan ni Pope Benedict ang Simbahang katoliko sa loob ng walong taon at isa siya sa pinakamatandang nahalal na pinuno ng simbahang Katoliko.  (Daris Jose)

Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino?

 

 

Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng aktor ang isa niyang kamay.

 

 

Kuha ito sa kanilang dinner kasama ang ilan sa mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz, kabilang na si Belle Mariano. nakahawak sa kanyang hita,

 

 

May caption naman ang IG post ni Charlie ng, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother.”

 

 

Nag-comment naman ang TV host-actress at singer na si Jolina Magdangal, “Ayun na!!!” kasama ang three smiling face emojis.

 

 

Smiling face with heart-shaped eyes emojis naman ang naging reaction ni Dimples Romana na parang may alam talaga sila ni Jolens sa tunay na relasyon nina Carlo at Charlie, na magtatambal sa ABS-CBN Films na “Love on a Budget )” na ipalalabas na sa 2023.

 

 

Si Belle naman ay nag-comment sa post ni Charlie ng, “Love youuu!!! (heart, face throwing a kiss emojis).”

Maraming netizens ang nag-react sa kaswitan ng dalawa, at meron ding nagne-nega at nabigay ng payo sa aktres:

“Noooooo girl!!! Jinx yan baka mahawa ka papasikat ka na eh!”

“Run charlie! ruuuuuuuuunnnnnnn!!!”

“La na choice? Sabagay ticket to fame din malink sa established celebrity since di naman kasikatan si girl.”

“Who would have thought?! Unusual pair pero bagay ha…”

“Hmmm, how about a no… carlo screams red flag in all aspects. Sorry, just too much in his history with previous partners.”

“Halaaaa sure ka girl?”

“Magbarkada lang siguro.. may movie sila ginagawa.. ayoko si carlo for charlie.”

“Nope. Nag Bangkok silang dalawa September.”

“Baka sya yung inuuwiang bago ni Carlo na sabi ng ex nya hahahaha.”

“Charlie is taking risk. bandang huli iiyak din yan.”

“Hindi sa promote of project lng nila yan.”

“Charlie, paalagwa pa lang career mo tapos sa may sabit ka pa talaga natukso?

“Maganda ang personality nitong si Charlie, sana she can handle whatever lies ahead since we all know Carlo’s track record when it comes to romantic relationships.”

“Charlie Dizon is Charlie Dizon! promo promo din…”

“Girl wala ka ba mahanap na maayos at walang anak.”

“Forever mag-feeling binata. Eeew.”

“Teh, la na ba ibang lalaki?

“Kelan ba sila nag break ni Trina? Tapos sabi spotted sila nuong September sa Bangkok… Then.. huh? So.. ang gulo hahaha bahala ka sa buhay mo Charlie!!!”

“Ay! Major turn off si girl.”

“Dami issue ng mga commenters. Life is short, kaya go lang charlie. Seize the day. Kung gusto mo, gusto mo! Kung matapos, eh di move on. She obviously doesn’t care much about outsiders’ opinion.”

“Mag 30 na si Charlie sa April pinabata lang ng management.”

“Charlie nako sasaktan ka lang nyan!!!!”

“I cant wait to see the ending.

“Naku, naka-bola na .naman si Meron, Meron. Habang maaga pa, Charlie lumayo-layo ka na. Malayo pa ma-aabot mo, unahin muna ang career, at mag-ipon. Saka na paglandi.”

“Nakooo red flag si guy. Good luck ky gurl. Enjoy it while it last. Sana mauntog sya ng maaga though kasi sobrang sayang ng time nya sa lalaking yan.”

“Ako lang ba parang medyo hawig din sya nung Trina? Slight lang naman.”

“Tulis mo carlo haha.”

“Ay iba rin. Naghanap ng mas bata.”=

“nako red flag yan si Carlo never magssettle down, masasaktan ka lang Charlie.”

“Star Magic US Tour pa lang nila halata na closeness nila. Bilis pormahan si Charlie hahaha.”

“I like this girl. Charming and parang light ang aura. Kaya lang bakit si Carlo Aquino naman miii? If totoo man, you deserve better.”

“Na cheapan naman ako bigla kay Jolina at Dimples.”

 

(ROHN ROMULO)

137 sugatan sa paputok – DOH

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAKAPAGTALA ng 85- fireworks related injuries o mga naputukan ang Department of Health (DOH) nitong pagsalubong sa Bagong Taon.
Dahil dito, umakyat na kahapon ang bilang ng mga naputukan sa 137 nitong Enero 1 mula noong Disyembre 21, 2022.
Mas mababa naman ito ng 15% kumpara sa naitala na 162 noong 2021 at 46% mas mababa sa limang taong average ng naputukan na naasa 256.
“Kumpara noong na­ka­raang taon, mas mara­ming kaso ang naitala sa kalsada kaysa sa bahay ngayong taon. Marahil dahil ito sa increased mobility at pagluwag ng ating mga COVID restrictions,” ayon kay DOH officer-in-charge secretary Maria Rosario Vergeire.
Pinakamarami pa rin na naputukan sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 64 o 10% pagtaas kumpara noong 2021 habang nakapagtala ang Region 5 ng 28% pagtaas sa bilang ng naputukan. Bumaba naman o walang pagbabago sa iba pang mga rehiyon.
Karaniwang biktima ng paputok ang mga lalaki na nakapagtala ng 107 (78%) habang nasa pagitan ng edad 14 hanggang 16-taong gulang ang mga napuputukan.
Anim na biktima ang kinailangang putulan ng daliri dahil sa tindi ng pinsala, 41 ang napinsala ang mata, habang 92 ang nagkasugat na hindi kailangan na maputulan.
Ngayong taon, na­ngu­nguna ang boga at kwitis sa pinakamara­ming nabiktima na naitala sa tig-26 kaso (19%); kasunod ang 5-star na may 14 (10%); whistle bomb, 9 kaso (7%); at Super Lolo, 8 kaso (6%). (Daris Jose)

Nadia, namahagi rin sa taunang ‘Noche Buena sa Kalsada’: CATRIONA, namigay ng ayuda sa isang libong pamilya noong Pasko

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBANG klase si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil isang libong pamilya ang binigyan niya ng grocery items nitong Pasko.

 

 

Ang mga biniyayaan ni Catriona ay mga beneficiaries ng Young Focus PH, isang non-government organization na naglalayon na mabigyan ng importansiya ang “mental, physical and social well-being” ng mga kabataan sa mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng edukasyon, health care at personal support.

 

 

Isa ang organisasyon sa mga tinutulungan ni Catriona sa tulong ng mga sponsors na may ginintuang puso.

 

 

At dahil sa kabutihan ng mga sponsors ay isang libong pamilya nga ang naayudahan nila ng mga pagkain at iba pang basic na pangangailangan sa araw-araw bilang bahagi ng Christmas Family Food Package Campaign ng Young Focus PH.

 

 

***

 

 

MABUTI at gumaling sa COVID-19 si Nadia Montenegro isang linggo bago ang bisperas ng Pasko kaya naituloy niya ang taunang tradisyon niya ng pamimigay ng pagkain sa mga workers sa kalye na hindi makauwi in time for Noche Buena.

 

Iniwang legacy kasi ni dating Caloocan City Mayor na si Boy Asistio sa misis niyang si Nadia ay ang pagtulong sa kapwa.

 

Kaya naman nitong katatapos lamang na Noche Buena bago ang mismong araw ng Pasko, alas-diyes pa lamang ng gabi ay nag-iikot na si Nadia kasama ang kanyang pamilya at namigay ng food packs na pang-Noche Buena ng mga taong nasa labas pa ng kanilang tahanan at nagtatrabaho.

 

Mga taxi driver, tricycle driver, gasoline boy, Grab driver, at iba pa ang binahaginan nina Nadia ng pagkain dahil alam nila na gustuhin man ng mga ito na umuwi sa kanilang pamilya ay napipilitan pa ring kumayod dahil sa hirap ng buhay lalo na ngayong may pandemya pa rin.

 

Binansagang ‘Noche Buena Sa Kalsada’, dalawampu’t walong taon na itong ginagawa ni Nadia mula noong nabubuhay pa ang mister niyang si Boy.

 

Sa kanyang Facebook post:
“NOCHE BUENA SA KALSADA

 

 

This personal project of mine started in 1994 when Boy and I decided to prepare Christmas bags for our kababayans in Kalookan. To make the long story short…we are on our 28th year. Thanks to everyone who supported my mission over the years.

 

 

This year we decided to give to everyone who had no choice but to still work during Christmas Eve. Gasoline boys, grab drivers, tricycle and taxi drivers who stayed awake all night trying to make a living. God bless you all abundantly.

 

 

To God be all the glory! Happy Holidays to everyone.”

 

 

***

 

 

MATUTUWA ang mga mahilig sa musika na tulad ng editor nitong People’s Balita na si Rohn Romulo kapag napanood ang bagong music video ni Sandara Park o DARA.

 

 

Christmas good vibes ang hatid ng video Dara sa kanyang DARA TV channel sa Youtube kung saan umaawit siya ng cover ng Winter Wonderland na kanta ni John Legend.

 

Halatang todo ang effort sa naturang video, mula sa outfit ni Dara na paskung-Pasko ang dating hanggang sa magandang production design ng set.

 

Bongga rin ang piano accompaniment niya sa katauhan ni Jeong Dong Hwan ng MeloMance.

 

Malamig, maganda ang boses ni Dara kaya maraming fans ang umaasang mag-launch na ang dating 2NE1 member ng kanyang solo debut recording.

(ROMMEL L. GONZALES)

Mapapanood ang first-ever mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’… ALDEN, mangunguna pa rin sa celebration ng ‘Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon’

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang mangunguna sa celebration ng “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” ngayong Saturday evening, December 31, na tiyak na magugustuhan ng mga K-Pop fans dahil makiki-party, hindi lamang ang mga paborito nilang Kapuso stars, kundi ganoon din ang mga P-Pop stars at ang biggest K-pop stars of SBS Gayo Daejeon sa all-out New Year Special.

 

 

Makakasama rin ni Alden sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Ruru Madrid, and Korean social media star Dasuri Choi.

 

 

Kasama rin sa star-studded celebration ang Sparkle prime stars na sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez, with home-grown Kapuso singers, at ang cast ng “LUV IS: Caught in His Arms” nina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, and others, na mapapanood na simula sa January 16, 2023.

 

 

They will also lead the watch party of SBS Gayo Daejeon, the hottest K-pop event of the year in South Korea, na mapapanood sa December 31, 10:30 p.m. sa GMA-7, and will be live streamed on GMA Network’s YouTube channel.

 

    Sa gabing ito na rin, mapapanood ang first-ever mega trailer of “Voltes V: Legacy” to be aired na sa first quarter of 2003.

 

 

This Sunday, January 1, 2023, ipi-feature naman sa “All-Out Sundays” ang 31st birthday celebration ni Alden sa show, at 12:00 NN sa GMA-7.

 

                                  ***

 

 

MATAGAL nang magkakasama ang mag-iinang Carmina Villarroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy, sa Saturday morning show nila sa GMA Network, ang “Sarap, Di Ba?”

 

 

Kaya medyo maninibago ang kambal kapag nagkasama-sama silang mag-iina sa isang drama series.  Yes, magkakaroon ng special participation ang kambal sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay na Pangarap,” na gaganap din silang twins, na magiging pasyente sila sa Apex Hospital na isang surgeon doon si Jillian Ward, as Dr. Analyn Santos, at anak naman siya  ni Carmina as Lyneth Santos.

 

 

“Magkakaroon ng organ transplant si Cassy, na ido-donate ni Mavy,” kuwento ni Carmina.

 

 

“Natanong nga ako kung papayag bang gawin iyon ni Mavy sa tunay na buhay.  Pero noon pa ay nasabi na niya na kung dumating ang time na kailangan, gagawin niya para sa aming family niya.

 

 

Na-excite din ako nang pumayag ang kambal na mag-guest sa serye namin, dahil ngayon nga lamang kami magkakasamang tatlo sa isang drama serye.”

 

 

Ayon naman kina Mavy at Casey, medyo raw ninerbyos sila nang malaman nilang maggi-guest sila sa serye ng ina, pero na-excite din silang makasama si Carmina sa isang drama series.

 

 

Napanood na ang special participation nina Mavy at Cassy sa “Abot-Kamay na Pangarap,” after “Eat Bulaga.”

(NORA V. CALDERON)

NAIA flights tigil muna dahil sa technical issues – Civil Aviation Authority of the Philippines

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, na suspendido ngayon ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mga tinutugunang technical issues kaugnay ng napabalitang mga naantalang biyahe ng eroplano ngayong araw.
Batay sa report nagkaroon ng problema ang air navigation facilities ng CAAP.
Dahil dito, ang CAAP ay nagpapatupad na mga emergency protocol upang matugunan ang sitwasyon upang makapagpatuloy ang mga operasyon ng paglipad sa lalong madaling panahon.
Humihingi naman ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pagkaantala na mangyayari dahil sa sitwasyon.
Siniguro ng pamunuan ng MIAA na kanila ng pinagana ang Crisis Management Team kasama ang ibat-ibang pangunahing ahensya para sa isang multi-discipline na diskarte at matugunan ang ang epekto ng insidente.
Inaasahan na ang mga flight departures at arrivals ay maibabalik sa mga bagong iskedyul.
Pinayuhan na rin ang mga pasahero na maghintay ng anunsiyo mula sa mga airline companies at manatili sa loob ng mga Terminal at lumapit sa pinakamalapit na airline o airport help desk para sa mga update.
Ang MIAA Emergency Response Teams ay inutusang magpatupad ng mga Standard Operating Procedure (SOP) alinsunod sa MIAA Manual on Irregular Operations (MIAA-IROPS).
Sa kabilang dako, ang mga airline operator ay nagpasimula na ng kani-kanilang contingency measures upang mabawasan ang epekto ng sitwasyon sa kanilang mga pasahero.
Ang mga karapatan ng mga pasahero sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR) ay dapat itaguyod sa ilalim ng mga pangyayari. (Daris Jose)

CHECK OUT THE MAIN POSTER ART FOR “A MAN CALLED OTTO”

Posted on: December 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“He likes people…to leave him alone.”  Columbia Pictures has released the official main poster art for Tom Hanks heartwarming comedy/drama A Man Called Otto.  Check it out below watch the film in Philippine cinemas January 2023.

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/tCsSuaVsMIw]

 

About A Man Called Otto

 

Based on the comical and moving # 1 New York Times bestseller, A Man Called Otto tells the story of Otto Anderson (Tom Hanks), a grumpy widower who is very set in his ways. When a lively young family moves in next door, he meets his match in quick-witted and very pregnant Marisol, leading to an unlikely friendship that will turn his world upside-down. Experience a funny, heartwarming story about how some families come from the most unexpected places.

 

 

Directed by Marc Forster (Finding Neverland), A Man Called Otto stars Tom Hanks (Philadelphia, Forrest Gump, Cast Away), Mariana Treviño (Club the Cuervos), Rachel Keller (Fargo) and Manuel Garcia-Rulfo (The Magnificent Seven). The screenplay is written by Academy Award® nominee David Magee (Best Adapted Screenplay, Life of Pi, 2012; Best Adapted Screenplay, Finding Neverland, 2004) based upon the best-selling novel “A Man Called Ove” by Fredrik Backman. The film is also based on the Swedish film written and directed by Hannes Holm. The film is being produced by Rita Wilson, Tom Hanks, Gary Goetzman and Fredrik Wikström Nicastro.

 

 

In Philippine cinemas 2023, A Man Called Otto is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #AManCalledOtto

(ROHN ROMULO)

Filipino-Chinese businesses, umaasa sa state visit ni PBBM sa China; itutulak ang joint exploration talks

Posted on: December 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga  resources sa  West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga opisyal nito ay handang makiisa kay Pangulong  Marcos at sa kanyang delegasyon sa panahon ng kanyang  state visit na nakatakda sa Enero   3–6, 2023.

“We believe this historic state visit is very important to the growth potentials of our Philippine economy, because China is our most important economic and trade partner, the world’s emerging new economic superpower, and our neighbor,” ang nakasaad sa kalatas ng FFCCCII na binasa ni  president Henry Lim Bon Liong sa isang press conference.

“We are hopeful for enhanced Philippines-China economic and development partnerships, especially in areas of agriculture, trade, infrastructure, energy, tourism, and people-to-people exchanges,” dagdag na pahayag nito.

Base sa bagong data na available mula sa  Philippine Statistics Authority (PSA), makikita na ang China ay top importer ng mga kalakal noong Oktubre  ($2.22 billion) at pang-apat na  top export destination para sa kalakal na gawa sa bansa ($959.59 million).

Kumpiyansa rin ang FFCCCII na ang  state visit ng Pangulo ay makapanghihikayat ng mas marami pang Chinese industrial export enterprises para mamuhunan sa Pilipinas, “with Chinese export factories going to Vietnam, Thailand, Cambodia, and Indonesia.”

“Hopefully also, there will be progress in possible joint oil and gas exploration in the seas that shall benefit both the Philippines and China, with hopefully wisdom and political will from our national leaders as they meet in Beijing,” ayon sa FFCCCII.

Nagbigay ng update sa career sa US: Fil-Can na si MIKEY, binalitang tapos na ang first-ever Hollywood movie

Posted on: December 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALITA ng Filipino-Canadian singer-comedian na si Mikey Bustos na katatapos lang niya sa shooting ng kanyang first-ever Hollywood project.

 

 

 

Sa kanyang IG, nagbigay ng update si Mikey sa kanyang career ngayon sa US, pero hindi niya muna binanggit kung ano ang project na kanyang natapos…

 

 

 

“It’s a wrap! Wrapped yesterday for my first ever Hollywood tv/film role.

 

 

 

“Crazy right?! Never imagined this day would come, as it’s a dream I’ve secretly been hoping for/working towards since I was a kid. If you’re an actor friend of mine, I’ve probably bugged you at least once about how to get into professional acting.

 

 

 

“But as Lady Gaga once said, “It only takes one person to believe in you.” Someone finally did, and my heart couldn’t be more grateful! It feels like the start of something truly exciting. I never want it to end! Ever. I also was able to work with some of the most incredible human beings I’ve ever met in my life!

 

 

“Stay tuned for more about its worldwide premiere in 2023! May you all have a Happy holidays, Merry Christmas, & Happy New Year! Love you, guys! Xoxo”

 

 

 

Nakilala si Mikey dahil sa kanyang mga YouTube videos tungkol sa mga nakakatawang ginagawa ng mga Pinoy sa ibang bansa. Pinanganak at liumaki sa Toronto, Canada si Mikey at parehong Pinoy ang kanyang mga magulang. Kaya alam niya kung paano makiag-communicate at makisalamuha ang mga Pinoy sa sarili nilang paraan.

 

 

 

Bago sinubukan ni Mikey na magka-career dito sa Pilipinas, sumali ito sa Canadian Idol at nakapag-perform sa ilang clubs sa New York City. Dito sa Pilipinas, nakagawa siya ng nationwide TV commercial at naging endorser ng ilang food brands. Lumabas din siya sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng Bubble Gang, Pepito Manaloto at Tweets For My Sweets. Nakasama rin siya sa comedy film na Sosy Problems.

 

 

 

Noong 2019, nag-out si Mikey bilang bisexual at inamin niya ang relasyon nito sa kanyang manager na si RJ Garcia.

 

 

 

Pinaglaway naman niya ang ilang beki netizens dahil sa mga paborta pics niya sa IG na resulta ng kanyang 15-month body transformation.

(RUEL J. MENDOZA)