SA Instagram Live si Megastar Sharon Cuneta nitong Mayo 28, Biyernes ng hapon.
Nilinaw ng Megastar kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan ang mga balitang naglabasan dahil sa pag-alis niya papuntang Los Angeles, California.
Sabi ni Sharon, “Tsismis no. 1, kaya raw ako umalis kasi daw sinasaktan ako ni Kiko.
“Sa awa naman ng Diyos, mula ng pagkabata ko, wala pa naman akong nakilala, minahal at nakasama na nasaktan ako. Maaaring sa puso, pero hindi pisikal ever.
“Ang asawa ko po, ni minsan ang daliri niyan hindi dumapo sa akin. Kabilin-bilinan po ng tatay ko ‘yun, the minute na nasaktan ka kahit sampal, iwanan mo na. Dahil ang susunod, suntok at sipa, tapos bubugbugin ka na.”
Pangalawang tsismis, kaya raw siya sinaktan, dahil may boyfriend siya na mas bata.
Pakiusap naman ni Sharon, “Sana, sabihan n’yo na kung sino, nang ma-cougar ko.
“Kung si man ito na batang boyfriend ko, kahit na matanda tulad ni Antonio Banderas o Keanu Reeves ang aking minamahal at kaisa-isang lalaki sa mundo na maaari kong iwanan si Kiko, si Keanu lang yun.
“Kung bata naman, pwede ba si Ji Chang Wook o si Cha Eun Woo o kahit sinong member ng Shinee at NCT, ok po, pwede po ba yun?”
Tawang-tawa lalo si Sharon nang sabihin niya kay Kiko ang ikatlong tsismis.
“Narinig mo na ba sweetheart yung pangatlo, ito baka magulat ka, ‘uy buntis ako!” at napa-susmaryosep na lang si Kiko.
“Nakalimutan nila hindi na ako 30s, 55 na po ako! At ayaw na namin ni Kiko. Ok na kami kay Miguel. Sa Disneyland lang po, pagod na pagod na kami,” natatawa pang sabi ni Sharon.
Kasunod naman ikuwento nang buong-buo ni Sharon ang nakalulungkot na pinagdaanan nitong nakaraang mga araw na kung humarap siya sa matinding depresyon.
Kuwento niya, “My big surprise to my Sharonians and for all of you guys, I was coming to Hollywood to do my Hollywood film for cinematic release. Produced by the one and only Steven Spielberg. The first all-Filipino cast and ang lead star nito ay si Jo Koy.
“Jo Koy was the who handpicked me to be in his movie and suggested to the producers. Aside from him, dalawa lang ang lead roles na parehong babae, the role of his mom and ‘yun tita niya, who was actually the one who is very supportive of Jo Koy being a comedian and pursuing a career in comedy. And very close siya doon, si Tita Theresa niya.”
Sa pagpapatuloy ni Mega, “dapat umalis ako ng May 18 to fly to LA and the very next day fly to Canada kung saan ang shooting at may two-week quarantine doon.
“Ang nangyari sa akin, on May 16 I got swab by one laboratory that I can’t find in my heart to forgive. On May 17 I was waiting for my result, and after my Zoom meetings I was so happy, naka-pack na kami and we are ready to leave the next day and gonna announce the big suprise.
“But wala pang five minutes after the Zoom meeting, my assistant called me to say, ‘mam hindi po kayo makakaalis bukas, positive mo ‘yun COVID test nyo.”
“So, nag-panic. I literally, nanglambot ako, na para akong natunaw.”
Ang masakit pa, after na mag-positive nagpa-swab uli siya na umabot sa pito sa iba’t ibang lab companies, nag-negative lahat ng resulta ni Sharon.
Kaya pahayag pa ni Sharon, “Hindi ba naman heartbreaking ‘yun, that’s why I’m depressed.”
Natakot din siya para sa kanyang tatlong anak na may ashma raw na delikado na mahawaan ng virus, kaya nag-self quarantine siya kasama ang masahista niya na nag-positive din, pero negative pala.
Nawalan nga ng malaking oppurtunity si Sharon na hindi na maibabalik, kahit gusto pa rin nina Jo Koy at direktor na nandun pa rin si Sharon sa movie, kailangang ituloy ang shooting at ang role niya ay napunta kay half-Filipino na Tia Carrere.
“It broke my heart. Kasi it is such an honor to be in the very first all Filipino production in Hollywood.
“I felt, dala-dala namin ‘yung bandila ng Pilipinas, in the middle of all this Asian hate going on in America and parts of the world, we we’re so proud that Steven Spielberg is backing this movie of Filipinos. And it break my heart because I love Jo Koy and I’m looking forward to work with him and our director.
“Yun ang ikina-break ng puso ko at pinabayaan ako ni Kiko na magluksa over it. So sabi ko, I need to go to America, just leave the country and also be productive here.
“I licked my wound here. Parang feeling ko, it was a nice suprise sana sa mga Sharonians ko at buong Pilipinas din for something we could be proud of.
“So, para talaga akong namatayan.”
Anyway, mukhang magtatagal pa si Sharon sa Amerika dahil may ilang inquiries na raw na inaayos ang kanyang team na posibleng magkaroon siya concert tour o makakuha ng roles sa movie or tv shows, dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa Amerika sa pagbaba ng COVID-19 cases.
Pero in-assure naman ni Sharon ang kanyang mga Sharonians na babalik din siya sa ‘Pinas dahil marami siyang haharapin na projects at may hatid pa siya na magandang balita kapag natuloy ito.
“The good news is, my manager doesn’t stop. I have Zoom meetings and auditions left and right, that’s why I’m here, because now people here know that and I’m accessible and I am available.
“And don’t worry, because I have commitments back home. I still doing teleserye, actually two at daming kong gagawin pag-uwi.
“May pelikula pa ako. ‘Yun isa ngang pelikula, baka ‘yung matagal nang dinadasal ng napakamarami baka finally, matuloy na. Dahil may istorya na nagustuhan ng dapat na kasama ko, sana matuloy ‘yun. Sana pagni-negotiate na lang siguro ng mga producers.”
Dagdag kuwento pa ni Sharon sa kanyang beloved Sharonians, na palaging umiintindi at nagdarasal sa kanya.
“Sharonians, I love you! Now you know, the whole story kaya ko na-sad sad at na-depress. I’m sorry I said I was sick. I wasn’t a lie. I was sick in my heart, kasi nga nawala ang oportunidad ko.
“But now they know me, my manager is so good and a producer too. And we are starting a production company over here. So there a lot of things going on in the Philippines and around here, para mas makilala ang mga Pilipino.
“I love you Sharonians please continue to pray for me ang my family.”
(ROHN ROMULO)