• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

TOM, suot-suot pa rin ang wedding ring nila ni CARLA; posibleng maayos pa ang gusot

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-COMMENT agad ang ilang netizens nang may Instagram post  ang All-Out Sundays last Saturday evening na live ang Sunday noontime show kahapon at isa sa magpi-perform ay si Kapuso actor Tom Rodriguez, kasama ang iba pang artists ng GMA Network.

 

 

Comment ni @reggie.angeles, “Paano sila hiwalay suot pa rin ni Tom ang wedding ring?     “@itslaidee @reggie.angeles fake news lang yon kaya wag maniwala.”

 

 

Ilang araw na kasing showbiz news na hiwalay na raw ang Kapuso couple na sina Tom at Carla Abellana, at nag-unfollow raw sila sa isa’t isa sa kanilang social media account.

 

 

Balita pa rin na third party raw si Kapuso actress at beauty queen na si Kelley Day sa hiwalayan. Matatandaang magkasama sa katatapos na primetime series na The World Between Us sina Tom at Kelley.

 

 

Pero nag-deny si Kelley na nasa United Kingdom dahil may namatay sa family nila roon.  Babalik si Kelley next month, pero hindi raw siya magpapa-interview dahil wala namang katotohanan ang balita tungkol sa kanila ni Tom.

 

 

Sabi ay nag-follow na muli ang mag-asawa sa kanilang socmed accounts, na kakakasal lamang noong October, 2021.

 

 

At sa pag-appear nga ni Tom sa AOS kahapon kitang-kitang suot niya ang kanyang wedding ring.

 

 

***

 

 

TUTUPARIN ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na ipapakilala niya kung sino ang stand-in actor niya sa dual role na ginampanan niya sa primetime hit series niyang “I Can See You: AlterNate.”

 

 

Magaganap ito ngayong gabi (January 31)  sa 24 Oras.  Labis kasi ang pasasalamat ni Dingdong sa nasabing actor kaya magawa niya nang maayos ang mga eksena nilang sa serye.

 

 

Mabibigat kasi ang mga eksena nila bilang si Nate at si Michael. Magka-iba ang characters ng kambal, kaya naman puring-puri ng mga netizens ang husay ni Dingdong, lalung-lalo na nang lumitaw ang masama niyang character bilang si Nate.

 

 

    “Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa stand-in actor ko na sabi ko nga hindi ko magagawa, lalo na yung mga mahihirap na eksena kung hindi sa tulong niya,” kuwento ni Dingdong,

 

 

“Maraming nagtatanong kung sino siya, kaya ipinangako ko na iri-reveal ko kung sino siya kapag malapit na kaming matapos.  Since simula na ng finale week namin ngayon, ipakikilala ko na siya. 

 

 

Maraming salamat din sa inyong panonood sa aming episode na nakasama ko for the first time si Beauty Gonzalez, si Joyce Ching at ang real-life couple na sina Direk Ricky Davao at versatile actress Jackie Lou Blanco.  Kita-kita po muli tayo tonight, 9:50 PM sa GMA-7.”

 

 

***

 

 

VERY meaningful ang 34th birthday celebration ni Asia’s Acting Gem and Kapuso actress Glaiza de Castro last January 21st.

 

 

Sa halip na big party ang gawin niya, umuwi sila ng family niya sa vacation house nila sa Baler, Aurora in Quezon, at kasama ang mga friends and supporters niya, nagkaroon sila ng gift-giving sa mga kapatid nating Dumagat na naninirahan sa Barangay Dianed, Dipaculao, Aurora.

 

 

Naghanda sila ng mga bag-full goodies para sa kanila at naging special iyon dahil kasama ni Glaiza ang soon-to-be husband niyang si David Rainey from Ireland.  Na-inspire daw si David, at gusto rin nitong gawin sa birthday naman nito sa February.

 

 

Dati na palang ginagawa ni Glaiza ang ganito, pero dahil naging busy siya sa work at nagkaroon pa tayo ng pandemic, ngayon lamang niya muling nagawa ito.

 

 

Tamang-tama naman, dahil sa February 5 ay babalik na si Glaiza sa lock-in taping nila ng new series niya na makakatambal niya si Xian Lim, ang False Positive. Nakatapos na sila ng first cycle ng taping at ngayon, tatapusin na nila ang buong serye.

 

 

(NORA V. CALDERON)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 18) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGBISITA  ni Cecilia kay Madam Lucia ay hindi niya inaasahan na mapapakialaman nito ang cellphone niyang inilapag lang niya sa ibabaw ng mesa.

 

“Lola, hindi ka dapat nakikialam ng gamit ko!” anas ng dalaga.

 

“Hindi ko naman intensyon na pakialaman ‘yan, para bang may nagtulak lang sa akin na gawin ‘yon, ang tawag do’n instinct dahil may makikita pala akong hindi kanais nais.”

 

“Nabobored lang ako ro’n kaya ko ginagawa ‘yan.”

 

“Umamin ka nga Cecilia, hindi bored ang tawag do’n, gusto mo si Bernard tama ba?”

 

Huminga ng malalim si Cecilia bago sumagot.

 

“Cecille lola…saka hindi po ako sigurado.”

 

“Pwes ako siguradong sigurado. Hindi gagawin ng isang tao lalo na ng isang babae na kuhanan ng maraming stolen shots ang isang tao kung hindi niya ito nagugustuhan.”

 

Napayuko ang dalaga.

 

“Ayoko naman eh…kaso bigla ko lang naramdaman…”

 

Lumapit si Madam Lucia sa apo at hinawakan ito sa balikat.

 

“Apo, huwag mo sanang sasayangin ang pag-ibig mo sa isang tao na may iba ng pag-ibig. Ayokong masaktan ka lang.”

 

Hindi na umimik si Cecilia.

 

Magkausap ang maglolang Bernard at Lola Corazon sa terrace.

 

“Kumusta ang kalagayan ni Angela, ano ang sabi ng tumitingin sa kanya?”

 

“Malaki raw ang improvement niya lola, pero ang payo, alisin ko si Angela sa bahay na ito kung saan naganap ang trahedyang nagbigay sa kanya ng trauma. Kahit pansamantala lang, hanggang sa gumaling siya nang tuluyan.”

 

“Anong plano mo, saan mo naman siya dadalhin?”

 

“Iniisip kong dalhin siya sa Hawaii, kay Aunty Bel.”

 

“Tama. Si Bel. Napakabait ng tiyahin mong ‘yon. Tiyak na tatanggapin niya kayo roon.”

 

Lingid sa maglola ay naririnig ni Cecilia ang kanilang usapan.

 

“Hindi…hindi maaari…ayoko…ayoko please Bernard, huwag kang lalayo…” ani Cecilia sa isip.

 

Dahil sa narinig ay hindi na mapakali ang dalaga. Sa silid na inookupa niya sa bahay na iyon ay paroo’t parito siya sa paglalakad. Nag-iisip kung paano niya mahahadlangan ang plano ni Bernard.

 

“Hindi ko siya pwedeng akitin, lalo na at hindi na siya nag-iinom mula nang bumalik si Ma’am Angela…mas lalong hindi ko pwedeng aminin sa kanya ang nararamdaman ko…paano ba?…mag-isip ka, mag-isip ka Cecille…tama…tama, si Bela, kailangang magkaroon sila ng balita kay Bela!…siya lamang ang makakapigil sa mga magulang niya para umalis!”

 

Kinabukasan.

Pinuntahan ni Cecilia ang lungga ng tropa niyang kinabibilangan ni Bert.

 

“Hoy Cecilia, saan naman kami kukuha ng actress para paganapin diyan sa script mo?”

 

“Bahala kayo. Kailangan ko lang ng isang tao na makakausap ni Sir Bernard tungkol sa anak niya. Yung magbibigay ng konting pag-asa sa kanila.”

 

“Ba’t mo ba kasi kailangang gawin ‘yon?”

 

“Gusto ko lang makatulong.”

 

“Makatulong? E sa gagawin mo, paaasahin mo lang sila sa wala. Gusto mo maghanap na rin ako ng gaganap na Bela?”

 

“Sira ka talaga. Uso na ang DNA ngayon kaya hindi na uubra yung style sa mga dating telenovela.”

 

“Okay, sabi mo eh. Lilinawin ko lang, kukuha ako ng tao na magsasabi sa kanilang buhay si Bela tama ba?”

 

“Tama.”

 

“Tapos, paano ang bayad?”

 

“Ako na ang bahala ro’n.”

 

“Baka naman, may makukulimbat pa tayo sa bahay na ‘yon?”

 

“Ako ang unang unang haharang sa inyo kapag bumalik pa kayo ro’n.”

 

Hindi na umimik si Bert.

 

Pagbalik ni Cecilia sa bahay nila Bernard ay nagulat siya nang madatnan doon si SPO2 Marcelo. Nilapitan niya si Lola Corazon na nagpapahid ng luha.

 

“Lola, bakit ho?”

 

“Cecilia, naghatid si SPO2 Marcelo ng balita rito na isang babae raw ang sasagip sana kay Bela, subalit nang makuha raw niya ito sa baha ay wala ng buhay…”

 

Nabigla si Cecilia. Paano na ang plano niya?

 

“P-Paano ho sila nakakasiguro na si Bela nga iyon?”

 

“Ang sabi nung babae na nakausap ng pulis, nasa apat na taon ang bata, maigsi ang buhok, nakasuot ng bestidang pangtulog, basta, halos tumutugma ang description sa apo ko. Hindi ko lang alam kung makakaya pang ipa-DNA ang labi nito dahil matagal na raw nila itong naipalibing.” ani Lola Corazon sa pagitan ng pagluha.

 

Hindi makapaniwala si Cecilia. Tila hinahadlangan ng langit ang plano niya. Ano pang maaari niyang gawin ngayon para mapigilan sa pag-alis sina Bernard?

 

Pinuntahan ng mag-asawa ang sinabing pinaglibingan kay Bela. Nagdala sila ng bulaklak at nagtirik ng kandila.

 

“Sweetheart…kung totoo man o hindi na si Bela ang laman ng puntod na ‘yan, hindi na natin siya gagambalain pa. Gaano man kasakit para sa ating dalawa, kailangan nating tanggapin ang kalooban ng Diyos.”

 

Tumingin si Angela kay Bernard.

 

“Buhay siya…buhay si Bela…buhay ang anak ko…” mahinang sabi nito sa asawa.

 

Tumango tango na lang ang lalaki at niyakap ang babae.

 

Dahil dito ay buo na ang desisyon ni Bernard sa paglayo nila ni Angela.

 

“Lola, babalik din po kami agad kapag umayos na ang lagay ni Angela. Kayo na muna po ang bahala rito.” Ani Bernard habang nag-iimpake ng mga dadalhin nilang mag-asawa.

 

“Bernard apo, hindi ba dapat ay tiniyak nyo muna na si Bela nga ang naroon sa libingang iyon?”

 

Saglit na natigilan si Bernard bago muling nagsalita.

 

“Pinalalakas ko lang ho ang loob ko lola. Pero ang totoo, hindi pa ako handang tanggapin na wala na nga si Bela. Nagbilin pa rin ako kay Marcelo na ipagpatuloy ang paghahanap at pag-iimbestiga.”

 

Nang gabing iyon bago ang flight ng mag-asawa.

Buo na rin ang desisyon ni Cecilia. Wala na siyang ibang maisip na paraan dahil wala na siyang oras kaya’t gagawin na niya ang isang bagay na ayaw sana niyang gawin.

 

(ITUTULOY)

PBA naghahanda na sa restart

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPLANTSA na ng pamu­nuan ng PBA ang lahat ng kakailanganin sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.

 

 

Wala pang eksaktong petsa na ibinigay ang PBA kung kailan ang resumption ng liga na posibleng maganap sa apat na v­enues na pinagpipiplian.

 

 

Ito ay ang  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Ynares Sports Center sa Pasig, Ynares Sports Arena sa Antipolo o sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Ngunit habang naghihintay, sinisiguro ng liga na handa na ang lahat ng kailangan partikular na ang safety and health protocols na ipatutupad ng liga base sa regulasyon ng Games and Amusements Board at Inter-Agency Task Force.

 

 

Gaya ng dati, sasailalim sa test ang lahat ng players, coaches, officials at staff ng bawat team gayundin ang lahat ng staff ng PBA management committee.

 

 

Inaasahang magiging weekly pa rin ang paglalabas ng schedule ng mga laro.

 

 

Magiging mahigpit din ang liga sa pagpapatupad ng health protocols sa venue na gagamitin para manatiling ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Naging maluwag na ang liga noong Disyembre kung saan pinayagan nang makapanood sa venue ang mga fans na fully-vaccinated.

 

 

Subalit natigil ang lahat ng mga laro ng liga sa pagpasok ng Enero matapos ibalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

 

 

Kaya naman wala munang live audience sa pagbabalik-aksyon ng kumperensiya kung inaasahang ibabalik ito sa oras na muling bumaba ang COVID-19 cases at ibalik sa mas maluwag na alert level ang rehiyon.

HIGH-OCTANE SWASHBUCKLING ACTION IN “UNCHARTED” FINAL TRAILER

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN a race for $5 billion, be careful who you trust. Tom Holland and Mark Wahlberg star in Columbia Pictures’ new action adventure Uncharted.

 

Watch the film’s Final Trailer below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.

 

YouTube: https://youtu.be/dbaXvt2Vov8

 

About Uncharted

 

Street-smart Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover a fortune amassed by Ferdinand Magellan and lost 500 years ago by the House of Moncada. What starts as a heist job for the duo becomes a globe-trotting, white-knuckle race to reach the prize before the ruthless Santiago Moncada (Antonio Banderas), who believes he and his family are the rightful heirs. If Nate and Sully can decipher the clues and solve one of the world’s oldest mysteries, they stand to find $5 billion in treasure and perhaps even Nate’s long-lost brother…but only if they can learn to work together.

 

Uncharted stars Tom Holland, Mark Wahlberg, Sophia Ali, Tati Gabrielle and Antonio Banderas

 

Directed by Ruben Fleischer. screenplay by Rafe Judkins and Art Marcum & Matt Holloway, screen story by Rafe Judkins, based on the PlayStation video game by Naughty Dog.

 

The film is produced by Charles Roven, Avi Arad, Alex Gartner, Ari Arad; the executive producers are Ruben Fleischer, Robert J. Dohrmann, David Bernad, Tom Holland, Asad Qizilbash, Carter Swan, Neil Druckmann, Evan Wells, Art Marcum and Matt Holloway.

 

Uncharted is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #UnchartedMovie

(ROHN ROMULO)

Historic win: World’s No. 1 Ashleigh Barty kampeon sa women’s Australian Open

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA ngayon ng kasaysayan ang world’s number one na si Ashleigh Barty matapos na bigyan niya ng korona ang Australia nang masungkit ang women’s singles title sa Australian Open sa loob ng dalawang sets laban kay Danielle Collins ng Amerika sa score na 6-3, 7-6(2).

 

 

Hindi binigo ni Barty ang kanyang mga kababayan na naghanda ng big party bilang bahagi ng malaking selebrasyon.

 

 

Una rito ang 25-anyos at top seed na si Barty ay makasaysayan ang pagtuntong niya sa finals bilang unang home player ng Melbourne na umabot sa Australian women’s singles championship sa nakalipas na 42 taon.

 

 

Huling nagkampeon ang isang manlalaro mula sa Australia maging sa men’s single ay noon pang taong 1978.

 

 

Ang top seed din na si Barty ay tatlong beses na niyang nakaharap ang 28-anyos na karibal na si Collins kung saan abanse sya sa head-to-head match up.

 

 

Liban sa naturang laro, todo pagbubunyi din ang home crowd sa men’s doubles final dahil sa all-Australian players din ang naglaban-laban.

 

 

Ito rin ang first all-Australian men’s doubles champions sa nakalipas na 25 taon nang manaig ang tandem nina Thomas Kokkinakis at Nick Kyrgios.

 

 

Kung maalala bago ito nabulabog ng husto ang Australian Open dahil nabigong maidepensa ng world’s No. 1 na si Novak Jokovic ang kanyang korona sa men’s single matapos na ipa-deport ng gobyerno ng Australia dahil sa hindi ito bakunado.

Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines.

 

 

Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency support.

 

 

“Grants need not be repaid. The program aims to establish an effective and safe vaccination system and to contain a further spread of COVID-19, through providing cold chain and medical equipment as promptly as possible,” ayon sa kalatas ng Jica.

 

 

Ipinapakita rin sa dokumento ng Jica na ipatutupad ng DOH ang programang ito sa buong bansa sa susunod na 15 buwan.

 

 

Popondohan ng Jica ang pagbili ng cold chain equipment gaya ng portable vaccine boxes, refrigerated vaccine transport vehicles, at maging vaccine transport trucks.

 

 

Magbibigay din ang JICA ng technical assistance sa DOH para makakuha at makapag- maintain ng vaccine equipment.

 

 

“The program contributes to ‘last one mile support’ of the government of Japan for ensuring vaccination in every country. The mRNA-based vaccines such as those churned out by Moderna and Pfizer required ultra cold storage of -70 to -80 degrees Celsius. Due to lack of cold chain equipment and infrastructure, keeping COVID-19 vaccines under low temperature was a challenge in far-flung parts of the country; as such, mass vaccination lagged behind in rural areas compared to the urban population,” ayon sa JICA.

 

 

“COVID-19 has underlined a fundamental reality for many nations — we are all connected and we need to help one another so we can deal with all the challenges from the pandemic. As we sign new projects for cold storage and logistics equipment for the Philippines’ efforts against COVID-19, I hope that Jica and the Philippines continue to work in unity for a safe, stable, and secure future,” ang pahayag naman ng chief representative ng JICA sa Pilipinas na si Eigo Azukizawa sa hiwalay na kalatas.

 

 

Tinuran naman ng tanggapan ng Jica sa Pilipinas na ang karagdagang cold chain logistics support, ang grant ay aabot sa 885 million yen (P392.5 million).

 

 

Taong 2020, nagbigay ang Japan ng 2-billion-yen grant sa DOH upang makabili ng medical equipment at paigtingin ang health defense sa gitna ng napakahaba at napakatagal na laban sa pandemiya .

 

 

Noong nakaraang taon, pinalawig nito ng panibagong 687-million-yen grant sa DOH sa ilalim ng COVID-19 crisis response emergency support.

 

 

Ang Japan, ang itinuturing na top source ng official development assistance (ODA) ng Pilipinas, kabilang na ang “concessional loans and grants.” (Daris Jose)

Water supply sapat sa NCR ngayong dry season

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINISIGURO ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang water supply sa National Capital Region at mga karatig na lugar nitong panahon ng dry season.

 

 

Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na nais ng kanyang ahensya na mapanatili ang kasalukuyang alokasyon ng tubig sa gitna ng pandemya.

 

 

Aniya, ang mga mitigating measures ay inilalagay din upang maiwasan ang kakulangan ng tubig.

 

 

Ang mga water concessionaires ay nakapagtayo na ng mga water treatment facility sa Laguna Lake at Marikina River, bukod sa Angat Dam, na maaaring makatulong sa pagdaragdag sa supply ng tubig.

 

 

Tiniyak nito na kumpara noong 2019, mas handa ngayon ang ahensya sa pagtugon sa dry season.

Ads January 31, 2022

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan.

 

 

Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes nila ni Ayanna Misola, ang isa sa newest sexy stars ng Viva Artists Agency.

 

 

“Naisip ko nga na parang, wow, bakit ngayon pa,” sabi ng aktor sa virtual mediacon.

 

 

“Noong bumalik ako sa Viva, nag-usap kami ni Boss Vic (del Rosario), na parang tatay ko na dahil ulila na ako sa magulang.

 

 

“Pinagkatiwala niya sa akin ang project na ito, nagpaalam na ako sa misis ko, at nagtitiwala naman kami kay Boss Vic at hindi naman kami pababayaan.”

 

 

Sa unang pagkakataon na sumabak nga ang aktor sa isang May-December love affair kung saan ang gaganap siya bilang Conrado ay mai-involve sa babaeng kaibigan ng kanyang anak na gagampanan nga ni Ayanna na unang napanood sa mga hit na pelikulang #Pornstar 2: Pangalawang Putok, at Siklo.

 

 

Natanong naman si Ayanna kung posible nga ba siyang ma-in love sa older guy tulad ng role niya sa pelikula.

 

 

“Posible po, kasi palagi naman mas matanda sa akin, dahil ayoko sa bata,” pag-amin niya.

 

 

“Para kasing immature at hindi pa responsible.”

 

 

Iikot ang kuwento ng Kinsenas, Katapusan sa buhay ni Conrado, isang successful businessman at may mabait at mapagmahal na asawa, at isang dalagang anak.

 

 

Makikilala niya si Beth (Ayanna) online, isang batang babae na may madilim na nakaraan. Nagsimula lamang sila sa mga video call, at di nagtagal ay nagsimula na silang magkita nang personal.

 

 

Inilihim ni Conrad sa kanyang pamilya ang pagkikita nila ni Beth, hanggang sa bumisita si Beth sa kanilang bahay at madiskubre niya na si Beth ay kaibigan pala ng kanyang anak.

 

 

Ngayon, hindi lang ang buhay ni Conrad, kundi pati ng kanyang pamilya ang nanganganib kapag nalaman niya ang madilim na katotohanan sa nakaraan ni Beth.

 

 

Ang Kinsenas, Katapusan ay mula sa award-winning director na si GB Sampedro, na nag-direk ng action-drama movie na Astig, at ang VIVAMAX original sexy-comedy movie na Kaka at Crush Kong Curly.

 

 

Gagawa si direk GB ng marka sa sexy-psycho-thriller movie genre sa mainit at exciting na istorya na maraming twists nito.

 

 

Kasama rin sa pelikula sina Jamilla Obispo, Janelle Tee, Angela Morena, at Kier Legaspi.
Kaya feel the heat and thrill ng Kinsenas, Katapusan ngayong February 4 streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe (www.vivamax.net) kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking, “not a govt failure”- Malakanyang

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbagsak ng Pilipinas sa ranking sa Transparency International’s 2021 corruption perception index ay dahil sa may pagkukulang o pagkabigo ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Nograles na ang bansa ay naka-iskor sa ibang indicators sa nasabing usapin.

 

 

“We have the Open Budget Survey, mataas ranking natin doon,” anito.

 

 

Aniya, titingnan ng pamahalaan ang parametro na kinonsidera sa Transparency International ranking na kailangan ng bansa para mapahusay ito.

 

 

“What we have to do na lang is to look at this particular indicator, dissect it into its elements, and see kung ano ang mga areas na,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, ang Pilipinas ay bumagsak sa 117th mula sa 115th place kung saan kabilang ang 180 bansa sa 2021 corruption perception index na may score na 33 mula sa 100.

 

 

Sinabi ng Transparency International na ang score ng Pilipinas ay “is the perceived level of public sector corruption on a scale of 0-100, where zero meant highly corrupt and 100 meant honest.” (Daris Jose)