• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

Tanggap at ‘di nagtanim ng sama ng loob: KEN, ni-reveal na pang-limang pamilya ng kanyang ama

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NI-REVEAL ni Ken Chan na pang-lima pala silang pamilya ng kanyang ama.

 

 

 

Sa kabila ng hindi sila ang orihinal na pamilya, hindi raw nagtanim ng sama ng loob ang Kapuso actor sa kanyang ama.

 

 

 

“Sobrang pinabago ako ng sitwasyon na ‘yon. I think I became a better person after that. Ako ‘yung tumayo na tatay o padre de pamilya ng pamilya namin simula noong nawala si papa at pinili niya ‘yung ibang pamilya. At naiintindihan ko siya roon, kasi kami ‘yung pinakahuli eh.

 

 

 

“Dahil may nauna sa amin, at talagang dapat lang na piliin niya ‘yung kung sino ang nauna sa amin dahil ‘yun ang tama. At ‘yun ang naiintindihan ko at doon ako nanghuhugot at pinanggagalingan ko.

 

 

 

“Nilagay ko ‘yung sitwasyon ko sa kanya. Sabi ko rin sa sarili ko, kung mangyayari sa akin ‘yun, pipiliin ko rin kung sino ang nauna,” sey ni Ken.

 

 

 

Dagdag pa ni Ken, dumating sa puntong pinapili ng kanyang ina ang ama kung kaninong pamilya ang sasamahan nito.

 

 

 

“Sa kanila. Dumating sa point na hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni papa ngayon, pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Actually masaya pa ako kasi may mga kapatid ako sa labas. Masaya ako na marami kami. Pero siyempre para sa nanay ko, masakit ‘yun para sa kaniya.

 

 

 

“Pero sa akin bilang isang anak, hindi talaga ako nagalit, hindi ako nakaramdam ng sama ng loob sa tatay ko. Honestly, mas naging masaya ako kasi mas malaki ang pamilya ko.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior.

 

 

Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill  4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o loopholes sa Republic Act (RA) 10592 Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

 

 

Isinabatas noong 2013,  itinaas ng GCTA law ang nakakuhang kredito ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang good conduct, na maaaring ibawas sa taon ng kanilang sentensiya.

 

 

Nitong 2019, nagkaroon ng kontrobersiya sa nasabing batas makaraang halos 2,000  katao na nahatulan ng heinous crimes ang nakinabang sa re-computation ng kanilang GCTA credits at napalaya. Naibalik naman sila matapos ipag-utos ni noon ay Presidente Rodrigo Duterte na sumuko sila o ituring na takas o fugitives.

 

 

“The spirit of RA 10592, which revised the computation of the good conduct time allowance for persons deprived of liberty, is justice with mercy. However, it should only benefit those who deserve it—those who have been reformed and are ready to be reintegrated into the society without posing a threat,” pahayag nina Duterte at Yap sa panukala.

 

 

Kabilang sa heinous crimes na nakasaad sa RA 7659 ay ang “treason; piracy in general and munity on the high seas in Philippine waters; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder;  infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; rape; and importation, distribution, manufacturing and possession of illegal drugs.”

 

 

Upang masiguro na patas ang pagbibigay ng GCTA credits, sinabi ng mga mambabatas na inaatasan sa panukala ang kalihim ng Justice na magbuo ng “an objective and quantitative criterion for the evaluation and credit of the Good Conduct Time Allowance (GCTA) to be used by the Director of the Bureau of Corrections, the Chief of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and/or the Warden of the provincial, district, or city jail in granting good conduct.” (Ara Romero)

50,000 traditional jeepneys nanganganib mawalan ng prangkisa

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY 50,000 na traditional jeepneys ang  hanggang ngayon ay hindi pa sumasailalim sa consolidation kung kaya’t nanganganib na hindi payagan magkaron ng operasyon.

 

 

 

Ang mga operators ay binigyan hanggang June 30 upang sumailalim sa consolidation na naaayon sa modernization program ng pamahalaan.

 

 

 

Sa nilabas na datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may 96,000 na jeepneys lamang ang sumama upang maging kooperatiba o korporasyon na siyang pangunahing kailangan sa ilalim ng public utility modernization program (PUVMP).

 

 

 

“The figure is equivalent to 61 percent of the 158,000 traditional jeepneys plying routes across the country,” wika ni LTFRB technical division chief Joel Bolano.

 

 

 

Ang sektor naman ng UV Express ay mataas ang naitalang compliance sa ilalim ng consolidation policy.

 

 

 

“UV Express sector has 72 percent or 19,000 units of it nationwide have complied with the requirement,” dagdag ni Bolano.

 

 

 

Ang mga individual operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan na magkaron ng operasyon pagkatapos ng June 30 hanggang hindi sila magiging kooperatiba kung saan ito ay nakalagay sa memorandum na nilabas ng LTRB.

 

 

 

Nilabas ng LTFRB ang nasabing memorandum kahit na may matinding opisisyon ang mga samahan ng mga transportasyon kung saan ay kanilang tinututulan ang phase-out ng mga traditional jeepneys.

 

 

 

Sinabi rin ng LTFRB na ang mga prangkisa or provisional authority ng mga PUVs na hindi sumunod sa takdang deadline ay hindi na papayagan na magkaroon ng extension.

 

 

 

“If they fail to consolidate, the franchise will not be extended and definitely they cannot operate. They should have anticipated the deadline because it has been extended several times,” saad ni Bolano.

 

 

 

Naghahanda naman ang LTFRB ng mga contingency measures upang masiguro na ang mga pasahero ay hindi maaapektuhan kung ang ibang PUV operators ay mabigong magkaron ng consolidation sa tinakdang deadline.

 

 

 

“The LTFRB has contingency measures in case the operators fail to consolidate at 100 percent of compliance. We will wait for the final guidelines,” ayon pa rin kay Bolano. (LASACMAR)

Devon, inili-link na ngayon sa kanya… DAVID, naka-focus sa career kaya single pa rin hanggang ngayon

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA usapang “mana”, lahat ay nakikinig.

 

 

At tulad ng pagka-hook sa newest romantic-comedy on TV, ang ‘GoodWill’, na napapanood sa NET25 every Sunday at 4 pm right before the show ‘Korina Interviews’.

 

 

Eto ang latest sa inaabangan every weekend.

 

 

Sa Episode 6 ng ‘GoodWill’, si Lloyd Patawad (David Chua), isang wannabe rockstar at na-scam at nagka-utang-utang! Buti na lang at may malaki siyang mamanahin!

 

 

Pero sa sobrang laki ng mana, may mga kondisyon pa siyang dapat sundin bago mapasakanya ang mana mula kay Mama.

 

 

Masolusyunan kaya niya ang malaking trobol na napasok? Paano?

 

 

Hindi pa nga tapos ang isyu sa nawawalang bracelet, mukhang may panibagong problema na naman ang barkada?!? Magkaroon na kaya ng kasagutan sa iisang tanong ng lahat… “Sino nga ba ang kumuha ng bracelet ni Sarah (Devon Seron)?”

 

 

Eto pang si Chef Alex, nakaka-starstruck talaga ang kagandahan, pang beauty queen!… Pang beauty queen din kaya ang kalooban?

 

 

Si Lodi Lloyd, mukhang give all na sa pagiging trabahador ng GoodWill Resort, give up na nga ata talagang maging “rockstar”… Huh?!

 

 

So, hindi nakapagtataka na marami ang nahu-hook sa “Goodwill” tuwing Linggo.

 

 

Kasama nina David at Devon Seron sa ‘GoodWill’ sina Raymond Bagatsing, Smokey Manoloto, Kat Galang, Ryan Rems at James Caraan.

 

 

Samantala, single pa rin 33-year old ang actor/director/businessman at choice daw niya yun dahil masaya siya sa kanyang buhay.

 

 

Dumaan naman siya pagkakaroon ng girlfriend, pagloloko at pambababae.

 

 

At ngayong 30 plus na siya, ang gusto niya ang susunod niyang mamahalin ay ‘yun na ang kanyang pakakasalan at magiging asawa at ina ng kanyang anak.

 

 

Sa ngayon ay naka-focus si David sa kanyang buhay at sa career, bilang actor at director (‘Korina Interviews’).

 

 

Pero ano kaya itong ginagawang tsika ng netizens, na nagsasabing bagay daw sina David at Devon, nang makita nilang magkasama sa Boracay, na malamang nagti-taping sila para sa kanilang show.

 

 

Ang nakakaaliw pa, binigyan pa sila ng name na ‘ChuRon’, kaya ngayon babantayan na sila kung magiging made-develop ba at magiging ‘couple’ din sila.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo.

 

 

Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao.

 

 

“Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming.

 

 

“But at the same time, you just have to stay grateful kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong oportunidad.

 

 

“So, kahit minsan mahirap na at nakakapagod, kumbaga kailangan mo na lang din isipin na kailangan mo maging grateful kasi dati pinangarap mo din ito.”

 

 

Normal rin na ngayong sikat na sikat siya ay may mga bagay na hindi na niya basta puwedeng gawin.

 

 

“For me kasi, showbiz is like any other job. So, parang tini-treat ko lang ito na trabaho.

 

 

“So siguro, kunyari minsan gusto ko lumabas, gusto ko mag-have fun with friends, tapos may makikita akong comments na parang ‘dapat di ka na lumalabas.’

 

 

“Parang for me, wala namang masama dun as long as wala naman akong ginagawang anything overboard.”

 

 

Hirit naman ni David, hindi lalaki ang ulo niya.

 

 

“My personality and how I am as a person has not changed since I was 12 years old, 10 years old.

 

 

“Kumbaga, whenever I’m with my high school friends, sobrang maloko pa rin ako. Nag-lolokohan kami, mga ganun.

 

 

“So, I just sort of remain the same. I just have more responsibilities now and yun na nga, again, naging ‘Pambansang Ginoo’ ako, na never ko naman in-expect.

 

 

“So, I guess, I just have to do my best at all times na maging magandang ehemplo at halimbawa sa mga kabataan at sa mga taong sumusuporta sa akin.

 

 

“Siyempre, again, I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala… kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako.

 

 

“So, kailangan ko mas maging careful dun kasi, di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan,” pahayag ni David na endorser ng Blue Water Day Spa na may mga branches sa Banawe – Quezon City, Eton Square – Ortigas in Greenhills, San Juan at Estancia Mall sa Pasig City. Soon to open naman ang The Infinity Tower, BGC.

 

 

Ilan sa bonggang services ng Blue Water day Spa ay ang Deep Tissue Massage, IPL Hair Removal service, Deep Tissue Massage, rejuvenating massages, deep cleansing facials, sculpting at toning treatments, Four Hand Massage, Therapeutic Colonic Massage at Pregnancy Massage.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Heart Evangelista stars as the ‘bestie’ of ‘Bling Empire’ actor Kane Lim.

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE pandemic caused a record surge in weddings and one couple’s struggle to reschedule their wedding three times and ultimately have a surprise wedding is now a major feature film titled “The Wedding Hustler”.

 

 

Chris and Hillary Soriano featured their actual wedding in the upcoming Romantic Comedy to show the chaos in fighting for love in a post-pandemic world.

 

 

Both Chris and Hillary are also starring in the movie to showcase a realness to how difficult it was planning a wedding in a pandemic. The movie is distributed by 1091 Pictures (a Sony company) and Prine and written, directed, produced by Chris and Hillary.

 

 

Netflix’s “Bling Empire” Star, Kane Lim Executive Produced and acted in the film alongside Chris and Hillary.

 

 

Chris said, “They say planning a wedding is one of the most stressful things in someone’s life, and It’s so hard to plan when every venue and caterer is taken, and so I wanted to show that if I could put on a surprise wedding in this pandemic and figure out all the stressful planning on my own, maybe it will inspire other couples to deal with the stress of planning a wedding too.” The movie was filmed throughout San Diego and is now showing internationally.

 

 

“The Wedding Hustler” is about a couple who is unable to pursue their wedding due to the COVID-19 pandemic. The groom decides to create a surprise wedding for his fiance with the help of the Wedding Hustler, played by Christine Chang, who is an actual wedding planner.

 

 

The movie also has international Filipina Actress, Heart Evangelisa as Bling Empire’s Kane Lim’s “bestie” in the movie.

 

 

The movie hits theaters this weekend at select SM Cinemas.

 

(ROHN ROMULO)

Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo,  sinabi  nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang programa na ngayo’y tinawag ng KADIWA ng Pangulo.

 

 

Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural  products sa KADIWA ng Pangulo ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga MSMEs para mai-market ang kanilang mga produkto.

 

 

Sa naturang aktibidad ay ibinalita rin ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng KADIWA para sa mga manggagawa.

 

 

Ito aniya  ay pagsasanib-puwersa ng Department of Labor and Employment , DTI at Department of Agriculture sa gitna na rin ng target nilang lalo pang paramihin ang Kadiwa na ngayon ay nasa 500 na. (Daris Jose)

MIYEMBRO NG PAMILYA, DAPAT MAY KASANAYAN SA FIRE SAFETY DRILLS

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ang publiko ng Bureau of Fire Production (BFP) na magsanay bawat miyembro ng pamilya ng fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.

 

 

Sinabi ni Supt.Gerald Venezuela, hepe ng BFP Regional Fire Safety Enforcement Division,l sa  Balitaan sa Tinapayan na dapat may kaalaman ang mga kasama sa bahay ang mga paraan para maiwasan ang sunog at mga gagawin sakaling may insidente.

 

 

Ayon pa kay  Venezuela na dapat  umanong maayos ang mga gamit sa bahay tulad ng electronic devices pati ang mga saksakan  habang ang LPG naman o mga gamit panluto ay dapat nakapatay kung hindi gagamitin.

 

 

Maging ang mga susi sa mga lock ng bintana, pinto, gate at mga padlocks ay dapat na nasa isang lugar lamang at may mga nakalagay na label upang madaling makalabas sakaling may insidente ng sunog.

 

 

Sinabi pa ni Venezuela na mas magiging ligtas ang sarili sa halip na mga gamit sa bahay at siguraduhin na may mga fire exit.

 

 

Sa datos ng BFP mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nasa 431 ang naitala nilang insidente ng sunog.

 

 

Sa nasabing bilang, 223 ang structural na kinabibilangan ng buildings at bahay habang 185 ang non-structural

 

 

Aniya, sa naitalang insidente ng sunog, 13 ang nasawi na pawang mga sibilyan at 59 ang nasugatan.

 

 

Ang naging pahayag ni Venezuela ay kaugnay na rin sa nalalapit na Fire Prevention Month sa darating na Marso. GENE ADSUARA

Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto sa suspek na kinilala bilang si Jake Portugana, 20, grade 11, Street Level Indivedual (SLI), at residente ng Pearl island, Brgy., Lawang Bato.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Santolan Footbridge, Service Road, Brgy., Gen T De Leon kung saan isang undercover police ang nagawa umanong makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 marked money.

 

 

Nang matanggap mula sa kanyang kasama na nagsilbing poseur-buyer ang pre-arrange signal na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba inaresto ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachet kabilang ang (object of sale) na naglalaman ng humigi’t kumulang 20 grams na may Standard Drug Price Php136,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 23 pirasong P500 boodle money, P400 seized money, cellphone, coin pouch at isang motorsiklo.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads February 28, 2023

Posted on: February 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments