• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

Ads February 29, 2024

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

‘Kung Fu Panda 4’ and ‘Godzilla x Kong: The New Empire’ Leads March 2024 Movies

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DON’T miss these movies, opening in cinemas in March!

 

 

March 6 – Kung Fu Panda 4 (Universal Pictures International)

 

After three death-defying adventures defeating world-class villains with his unmatched courage and mad martial arts skills, Po, the Dragon Warrior (Jack Black), is called upon by destiny to become the Spiritual Leader of the Valley of Peace. But first, Po needs to learn more about the position, find and train his replacement, and stop the wicked, powerful sorceress, Chameleon (Viola Davis) from re-summoning all the master villains whom Po has vanquished to the spirit realm. In the quest to protect the Valley of Peace, Po and his new ally, a crafty, quick-witted corsac fox named Zhen (Awkwafina), Po will discover that heroes can be found in the most unexpected places.

 

 

 

March 13 – Spy x Family Code: White (Encore Films)

 

After learning that his cover as a family man for Operation Strix is at risk, Loid Forger, AKA Agent Twilight, tries to prevent his impending replacement by helping Anya win a cooking competition at Eden Academy. This sets them on a journey to find the recipe of the school principal’s favorite meal, and on the path of a dangerous series of events that could potentially threaten world peace. Along with Yor Forger, a wonderful wife and mother by day, and renowned assassin Thorn Princess by night, and their faithful family dog Bond, the Forgers try their best to save the world and win Anya’s school contest.

 

 

 

March 13 – Bob Marley: One Love (Paramount Pictures)

 

BOB MARLEY: ONE LOVE celebrates the life and music of an icon who inspired generations through his message of love and unity. On the big screen for the first time, discover Bob’s powerful story of overcoming adversity and the journey behind his revolutionary music. Produced in partnership with the Marley family and starring Kingsley Ben-Adir as the legendary musician and Lashana Lynch as his wife Rita.

 

 

 

March 20 – Exhuma (Columbia Pictures)

 

After suffering from serial paranormal events, a wealthy family living in LA summons a young rising shaman duo Hwa Rim and Bong Gil to save the newborn of the family. Once they arrive, Hwa Rim senses a dark shadow of their ancestor has latched on the family in a so-called ‘Grave Calling’. In order to exhume the grave and relieve the ancestor, Hwa Rim seeks help from top-notch geomancer Sang Deok and mortician Yeong Geun. To their dismay, the four find the grave at a shady location in a remote village in Korea. Unaware of the consequences, the exhumation is carried out, unleashing a malevolent force buried underneath. Starring Choi Min-Shik, Yoo Hae-Jin, Kim Go-Eun, and Lee Do-Hyun

 

 

 

March 30 – Godzilla x Kong: The New Empire (Warner Bros. Pictures)

 

The epic battle continues! Legendary Pictures’ cinematic Monsterverse follows up the explosive showdown of “Godzilla vs. Kong” with an all-new adventure that pits the almighty Kong and the fearsome Godzilla against a colossal undiscovered threat hidden within our world, challenging their very existence—and our own. “Godzilla x Kong: The New Empire” delves further into the histories of these Titans and their origins, as well as the mysteries of Skull Island and beyond, while uncovering the mythic battle that helped forge these extraordinary beings and tied them to humankind forever. Starring Rebecca Hall, Brian Tyree Henry, and Dan Stevens. (*Schedules are subject to change without prior notice.*)

 

 

(ROHN ROMULO)

Traditional jeep ‘di ibabasura – Marcos

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi tuluyang ibabasura ang traditional jeepney.

 

 

Sa pinakahuling vlog ng Pangulo, nilinaw nito na hindi ipi-phase out ang mga luma o traditional jeepney kundi ginagawa lamang itong moderno.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos bilang tugon sa mga liham na natanggap nito na idinaan sa Bahay Ugnayan.

 

 

Iginiit pa ng Presidente na sa pamamagitan ng mo­dernisasyon ay mas malaki ang kikitain ng mga tsuper dahil mas mababa ang cost per kilometer ng mga e-jeepneys.

 

 

Bukod dito mababawasan din ang polusyon sa hangin na siyang ambag ng pamahalaan sa mga hakbang sa climate change.

 

 

Subalit higit anya sa pagbabago at pagmoderno ng sasakyan ay dapat na rin iwanan ang lumang pag- uugali sa kalye.

 

 

Dahil ang bagong Filipino umano ay disiplinado sa pagmamaneho, nagbibigayan, may kunsiderasyon sa kapwa at sumusunod sa batas trapiko na dapat i-modernized.

 

 

“Tama na iyong mga madamot sa daan, nagbababa ng mga pasahero sa gitna ng daan, mga hindi ginagalang ang mga bike lane, hindi pinapadaan ang mga ambulansya, pagpa-park sa tabi ng daan na nagiging obstruction sa traffic. Bagong Pilipinas na po tayo disiplina ang dapat pairalin,” giit pa ng Pangulo.

Kamara suportado si PBBM na taasan ang pondo ng mga LGUs sa taunang nat’l budget

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez sa mga lokal na opisyal partikular sa League of Municipal Mayors  na suportado ng Kamara ang panawagan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na taasan ang share o pondo ng mga LGUs sa taunang national budget.

 

 

Ayon kay Romualdez ini-utos ng Pangulo na gawin ang lahat ng nararapat at kailangan ng sa gayon makinabang ang mga komunidad sa pag-unlad ng buong bansa.

 

 

Inihayag ni Romualdez na ang Kamara ay maglalaan ng dagdag na pondo sa mga LGUs bilang tugon sa Mandanas ruling ng Supreme Court na siyang nagdadagdag sa share ng  local governments mula sa national taxes.

 

 

Sa Mandanas ruling ng Supreme Court,ito ay nagsasaad na ang mga LGUs ay makakatanggap ng 40 percent sa lahat ng mga government tax collections hindi lamang sa internal revenue.

 

 

Naniniwala si Speaker na ang dagdag na pondo sa mga LGUs ay marami ang magagawa lalo na sa mga ipinapatupad na programa at mga proyeko na mapapakinabangan ng publiko.

 

 

Binigyang-diin ni Romualdez na ramdam  ng national government ang pangangailangan ng mga LGUs para mai-angat ang kabuhayan ng ating mga kababayan.

 

 

Sinabi ni Speaker ang commitment ng national government na makipagtulungan sa LGUs para sa epektibong ma-integrate ang local health systems sa pagpapatupad ng Universal Health Care.

 

 

Aminado kasi si Speaker na  nangangamba ang mga LGUs  sa epekto ng Mandanas ruling sa isyu ng devolution of health services.

 

 

Dahil dito pinawi ni Romualdez ang pangamba ng mga alkalde dahil laging nakahanda ang national government na umalalay sa mga ito.

 

 

Pinasalamatan din ni Speaker ang mga municipal mayors at iba pang mga opisyal sa pagtutok sa Sustainable Develop Goals sa kanilang  2024 generally assembly. (Daris Jose)

“BE BOLD, BE BRAVE, BE GRAND” para gawing makatotohanan ang “BAGONG PILIPINAS”

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na opisyal na binubuo ng League of Municipalities (LMPs) na ipagpatuloy lamang ang pakikipagtulungan at makatrabaho ang gobyerno upang maging makatotohanan ang Bagong Pilipinas.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pinag-isang aksyon upang makamit ang Sustainable Development Goals (SDGs) ng Pilipinas.

 

 

“Mayor JB and to the whole LMP, let us continue to work tirelessly towards making Bagong Pilipinas a reality, one municipality at a time,” ayon sa Pangulo, tinukoy si LMP National President, La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sinabi niya sa LMP’s 2024 General Assembly na idinaos sa Pasay City kung saan ay kinilala niya ang mahalagang papel ng mga municipal mayor sa pagpapaunlad at pagtataguyod sa bansa sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” campaign.

 

 

Sa naging talumpati ng Chief Executive, ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa LMP sa pagsama sa kanya na manawagan para sa isang “united and undivided nation” habang binigyang diin ang mahalagang papel ng Local Government Units (LGUs) sa pagbibigay ng public service.

 

 

Winika naman ng Pangulo na siya ay isang “firm believer” na ang mga alkalde ay mga unang responders at nagsisilbi hindi lamang bilang “last outposts of government” kundi frontliners ng government services.

 

 

“Municipalities are not mere implementors of national progress because you too can initiate your own programs. Municipalities should not be treated as passive receivers of projects from the National Government. You must actively incubate your own initiatives, your own projects,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Programs developed by municipalities from below, by leaders who know the conditions on the ground, are better than those policies that are dictated from above, from the ivory towers, from the height of the halls of power because you understand the situation in your area better than anybody else. And that is why, I believe that many policies must rise bottom up, not all must flow top down,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na kailangang tingnan ng LGUs ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs) bilang “collective efforts” sa pagitan ng lokal na pamahalaan at national government.

 

 

Binigyang diin pa rin ng Pangulo na ang “united government” ay isang commitment sa mga mamamayang Filipino.

 

 

“It is our commitment to solving the problems of today, while ensuring a better tomorrow,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga municipal mayor para sa kanilang “clearer lens to craft and implement programs” nakahanay sa nilalayon ng SDG na ayusin ang mga buhay. Kabilang ang promosyon ng partisipasyon ng komunidad at pangalagaan ang citizen empowerment patungo sa kaunlaran.

 

 

“You are on the frontlines of action.  You are our invaluable partners in this endeavor for sustainable growth.  So, to be clear — we are not just pumping you up so that to delegate you all responsibility of governance.  This Administration remains committed to achieving these SDGs,” ayon sa Pangulo.

 

 

Ngayong 2024, nakatakdang gumastos ang National Government ng P2.09 trillion sa social services. Samantalang, may kabuuang P457.41 billion ang gagastusin naman para sa climate change expenditures, kabilang na ang P373.45 billion para sa water security; P18.19 billion para sa sustainable energy; at P6.48 billion para sa environmental at ecological stability.

 

 

Muling inulit naman ng Pangulo na “securing the future of the present and future generations, requires “brave, bold visions and bold action,” deserving of functional and substantial projects, stressing that “mandates should not be wasted on petty things” subalit “should be used for grand things.” (Daris Jose)

Manila, Taguig naghigpit sa e-bikes, e-trike sa pangunahing lansangan

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang naghigpit sa mga regulasyon ng e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing lansangan ng Taguig at Manila.

 

 

 

Ayon sa isang report, ang mahuhuli na tumatakbo sa mga pangunahing lansangan ay kukunin ang kanilang mga e-vehicles dahil ang mga ito ay hindi registrado

 

 

 

Sa Manila, may mga babala ang nakalagay sa kahabaan ng Taft Avenue para sa mga tricycles, tok-toks, pedicabs at electric o e-bikes subalit makikita pa rin ang terminal ng mga e-trikes at triycle sa nasabing lugar.

 

 

 

Pinapayagan lamang ang mga e-trikes sa mga eski-eskinita upang dumaan subalit ayon sa isang e-driver ay wala naman silang makukuhang pasahero sa ganon lugar kung kayat hindi sila sumusunod sa regulasyon.

 

 

 

“We clarified that we are not depriving commuters of a more affordable way of transportation, but that the drivers must use local roads,” sabi ng lokal na pamahalaan ng Manila.

 

 

 

Sinabi ng isang driver ng e-trike na wala ng jeepney ang pumupunta sa pier at pag pinagbawal pa ang e-trike ay wala ng masasakyan ang mga pasahero.

 

 

 

“The city government of Manila favors registering e-bikes because when they are registered there will be proper education among drivers and we can correct the ages for those driving the e-bikes,” wika ni Manila spokesperson Princess Abante.

 

 

 

Sa lungsod ng Taguig naman ay isang anunsiyo ang nilabas ng lokal na pamahalaan na pinagbabawal ang e-trikes sa mga pangunahing lansangan dito tulad ng C-6, C-5 at Kalayaan Avenue.

 

 

 

Subalit ganon din ang nangyayari na may dumadaan pa rin sa mga nasabing lansangan kahit na ang mga ito ay nakikipagsabayan sa mabibilis na sasakyan sa mga nasabing lugar.

 

 

 

“There is no problem with e-bikes or e-trikes, however, since regulation is needed, registration and requiring a driver’s license for e-bike drivers is still a must,” saad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Sinabi naman ng technical working group na binubuo ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pinunong trapiko ng mga lokal na pamahalaan na lalabas ang mga regulasyon upang maregulate ang operasyon ng e-bikes at e-trike ngayon katapusan ng buwan

 

 

 

Ayon sa MMDA, may higit kumulang sa 500 e-bikes ang nasangkot sa mga aksidente sa Metro Manila ng nakaraang taon.. LASACMAR

Pulis ‘guilty’ sa homicide ng 17-anyos na napagkalamang suspek

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINATULANG  nagkasala ng Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 286 ang pulis na si PSSg. Gerry Maliban sa menor de edad na napatay sa isang “mistaken identity” case habang mapaparusahan din ang apat na pulis sa pagpapaputok ng baril.

 

 

Martes nang ilabas ng Navotas court ang hatol kaugnay ng pagkamatay ni Jerhode Jemboy Baltazar matapos mapagkamalan sa isang police operation sa Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran.

 

 

“The Court likewise finds accused PSSg Gerry Maliban y Sabate guilty beyond reasonable doubt o the crime of Homicide defined in Article 249 of the Revised Penal Code,” wika ng desisyong pinirmahan ni Presiding Judge Pedro Dabu Jr.

 

 

“There being an incomplete justifying circumstance of performance of duty and the presence of voluntary surrender… the Court sentences Gerry Maliban y Sabate to suffer an indeterminate prison term of Four (4) years, two (2) months and ten (10) days of prision correccional medium as minimum, to six (6) years, four (4) months and twenty (20) days of prision mayor minimum as maximum and to pay the heirs of Jerhode jemboy Baltazar and the sum of Fifty Thousand Pesos (P50,000.00) as civil liability and the further sum of Fifty Thousand Pesos (P50,000.00) as moral damages.”

 

 

Hinatulan din ng guilty para sa kasong “illegal discharge of firearms” ang apat pang pulis kaugnay ng pagkamatay ng teenager:

 

PEMS. Roberto Balais

PSSg. Nikko Pines Esquilon

PCpl. Edward Jade Blanco

Pat. Benedict Mangada

 

 

Makukulong ng apat na buwan at isang araw na pagkakakulong sina Balais, Esquilon, Blanco at Mangada dahil sa paglabag ng paragraph 2 ng Article 254 ng Revised Penal Code, bagay na inamyendahan ng Republic Act 11926.

 

 

Sa kabila nito, napawalang-sala naman si PSSg. Antonio Bugayong sa anumang pananagutan kaugnay ng kaso.

 

 

Una nang inuugnay si Bugayong sa pagpapaputok ng baril kasama ang kanyang mga kabaro sa gilid ng isang dike, ngunit una nang sinabi ni Jemboy na hindi siya ng “matabang” nagpaputok.

 

 

“PSSg Bugayong Jr. did not admit before the Senate Investigation that he fired his gun. The paraffin test conducted on his firearm yielded negative result for gun powder,” dagdag ng desisyon.

 

 

“Although the absence of a gun pow[d]er is not a conclusive evidence that the gun was not fired, yet the negative result of gun powder is a corroborative evidence. With all these evidence, there is doubt that PSSg Bugayong fired his gun.”

 

 

Dahil dito, pakakawalan na si Bugayong sa pagkakakulong maliban na lang kung mayroon pa siyang ibang kaso.

 

 

Una nang sinabi ni PCol. Allan Umipig, hepe ng Navotas City police, na hindi binuksan ng sangkot na pulis ang body camera habang nangyayari ang pamamaril sa bata.

 

 

Matatandaang ikinagalit don noon ni Roda Baltazar, ina ni Jemboy, ang pagpigil diumano ng mga pulis sa kanila para makuha ang bangkay ng kanilang anak.

 

 

Agosto noong nakaraang taon lang nang sabihin ng National Union of People’s Lawyers-National Capital Regionna nagpakita ng “intent to kill” ang mga pulis, kung kaya’t sapat daw ang pagkakaso ng murder imbis na “reckless imprudence resulting in homicide.”

 

 

Kinundena ng grupong Karapatan ang diumano’y “palusot” ng Navotas police bilang “flimsy excuse,” ito habang idinidiing dapat mag-exercise ng due dilligence ang mga otoridad sa paghabol ng mga suspek. (Daris Jose)

Social media page ng Phil. Coast Guard pinasok ng hackers

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPASOK  ng hackers ang Facebook page ng Philippine Coast Guard.

 

 

Sinabi ni PCG spokesperson Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, naganap ang hacking nitong gabi ng Lunes.

 

 

Napansin nila ito ng may dalawang malisyosong video ang naipost sa kaniang Facebook page.

 

 

Sinubukang tanggalin ng kanilang Coast Guard Public Affairs Service subalit hindi nila ito ma-access.

 

 

Hindi rin nag-iwan ng digital trace sa official email address at mobile phone ang hackers para malaman ang security key bilang bahagi ng online security protection. (Daris Jose)

Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City?

 

 

Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, mangmang, siga, drug addict, you name it, they have it ika nga. Hindi tulad sa BGC, mahigpit ang pagpapatupad ng disiplina at wala kang makikitang mga nagsala-salabat na kawad ng kuryente dahil nakabaon sa lupa ang mga kawad, kaya para kang nasa ibang bansa kapag dumayo rito.

 

 

Pero kahit ganyan ang buhay sa Tondo, may mga lugar pa rin dito na dinadayo, maging ng mga may kaya sa buhay, tulad ng kalye Ugbo sa Velasquez St. dahil sa kakaibang putahe ng mga pagkain na talaga namang ibang klase ang pagkakaluto at kinagigiliwan ang linamnam.

 

 

Sa katunayan, maging ang mga may kaya sa buhay at kilalang personalidad, tulad ni Yorme Isko Moreno Domagoso na kilalang tunay na batang Tondo ay naging suki na ng mga hilera ng karinderiya sa Ugbo kahit noong siya pa ang alkalde ng lungsod dahil hindi lang garantisadong masisiyahan ang mga kumakain kundi makakatiyak pa silang malinis at abot kaya ang mga tsibug dito.

 

 

Ang ilan lamang sa mga tinatangkilik, kinahuhumalingan, at binabalik-balikan ng mga parokyano ang mga lutong pagkain dito tulad ng Tumbong soup, Lechong kawali, Camto soup, Asadong dila ng baka na lahat ay tineternuhan ng kaning sinangag.

 

 

Noon pa mang ordinaryong mamamayan lang ng Tondo si Yorme, hanggang pumaimbulog ang pangalan sa larangan ng pulitika dahil sa magandang ginawa niyang pagbabago sa Maynila, hindi niya kinalimutang dayuhin ang Ugbo, kabilang ang “Tumbungan” ng mag-asawang Mang Rado at Ate Edit na parehong sumakabilang buhay na.

 

 

At dahil sa kasikatan ng mga pagkaing ito sa Ugbo, nagsilbi itong inspirasyon ni Yorme para ipakilala naman ang Tondo sa lugar ng mga burgis gaya ng BGC na isa na rin ngayong financial district sa Metro Manila. Dito dinala ni Yorme ang Tondo sa pamamagitan ng pagtatayo ng kainan na UGBO 24/7 na katatampukan ng mga pagkaing napakalinamnam na natitikman sa Ugbo.

 

 

Nito lang Pebrero 17, pormal na binuksan ni Yorme sa publiko ang naturang kainan sa BGC sa Taguig City, na tiyak na kagigiliwan ng mga parokyano dahil para na rin silang kumain sa kalye Ugbo sa Velasquez, Tondo kapag natikman ang mga putahe.

 

 

Sabi nga ni Yorme sa inagurasyon ng binuksang kainan, hindi lamang nakapagbigay ng trabaho ang itinayo niyang kainan kundi maaari rin aniyang maipakita na ang pagkain sa Tondo ay pwede ring pagkain sa BGC.

 

 

Sabi niya, gusto naman niyang ipatikim sa mga hindi nakakadayo sa Tondo ang bantog na pagkain sa Ugbo, at umaasa siya na sa mga darating pang panahon, maikakalat niya ang ganitong uri ng kainan sa iba pang lugar sa Pilipinas para malasap din nila ang napakasarap at nakakasabik na pagkain sa Tondo.

 

 

Sige nga, tara nga sa BGC at malasap naman natin ang magandang kapaligiran doon, lalu na ng Grand Canal sa McKinley Road, at matikman ang napakasarap na pagkain sa UGBO 24/7.   (JR)

Naninibago sa pagbabalik sa Instagram at Tiktok: TOM sa teatro muna sasalang sa pamamagitan ng ‘Ibarra: The Musical’

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWANG mapanood muli si Tom Rodriguez sa telebisyon matapos ang ‘pamamahinga’ nang halos dalawang taon.

 

 

Nagpainterbyu si Tom kay Nelson Canlas sa ‘Chika Minute’ at nagbahagi ng naging buhay niya sa Arizona sa USA.

 

 

“Two weeks lang dapat ako nandun,” lahad ni Tom, “nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit.

 

 

“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do the laundry, yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” sinabi pa ng hunky Kapuso actor.

 

 

Sa pagbabalik ni Tom sa showbiz, mukhang sa teatro muna siya sasalang; isang concert version ng ‘Ibarra: The Musical’ ang sasabakan agad ni Tom.

 

 

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli.”

 

 

At dahil pansamantalang nag-deactivate ng kanyang social media, kahit naninibago ay sinubukang bumalik na muli si Tom sa Instagram at sa Tiktok.

 

 

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back.

 

 

“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala yung wala.

 

 

“It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” ang nakangiting wika pa ng mag gumuwapong si Tom.

 

 

Enero of this year bumalik sa Pilipinas si Tom matapos lumipad pa-Amerika noong 2022 matapos nilang maghiwalay ni Carla Abellana.

 

 

***

 

 

PINSAN ng Vivamax actor na si Anthony Davao si Rikki Mae Davao, ang anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco, na kailan lamang ay naisulat na namin ang tungkol sa pagiging out and proud lesbian nito.

 

 

Close sina Anthony at Rikki Mae noong mga bata pa sila pero ngayong malalaki na sila at pareho ng busy ay hindi na masyadong nagkikita.

 

 

“I’m close to ate Rikki Mae, we talk and we chat and nagkukumustahan but we don’t get together anymore kasi nag-pandemic and then now busy na rin pareho.”

 

 

Ano ang reaksyon ni Anythony sa pag-out ni Rikki Mae bilang miyembro ng LGBTQ community?

 

 

“At first I was shocked kasi hindi ko nakita, I didn’t see it coming!”

 

 

Noong mga bata raw sila at madalas magkakasama ay babaeng-babae si Rikki Mae.

 

 

“Then dumating sa point na may reunion kami, parang short hair na siya, doon parang na-feel ko na, ‘Baka si ate Rikki Mae, lesbian.’

 

 

“But wala naman akong, if that’s who you are, don’t be ashamed, wala namang nakakahiya doon, kung ikaw iyon, let it be,” ang nakangiting pahayag pa ni Anthony na gumaganap na Benjo sa ‘Room Service’ ng Vivamax.

 

 

Available for streaming sa Vivamax, lead female star sa ‘Room Service’ si Shiena Yu na gumaganap bilang si Carol, kasama si Anthony bilang Benjo at sina Angelo Ilagan bilang Michael at Nathan Cajucom bilang si Arvin, sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.

 

 

Pangatlong Vivamax film na ito ni Anthony ; bago ito ay ginawa niya ang mga pelikulang ‘Purificacion’ na sinundan ng ‘Tayuan’.

 

 

Nakagawa naman siya ng dalawang Vivamax series, ang ‘Lovely Ladies Dormitory’ at ‘An/Na’.

 

(ROMMEL L. GONZALES)