Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HINDI palalawigin ang voter registration para sa darating na halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Binigyan diin ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang Setyembre 30 na lamang at hindi na ito palawigin pa.
Paalala ng Comelec, maaaring magpatala ang mga botante sa MGCQ opisina ng Comelec mula Lunes hanggang Biyernes ng alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Kailangan lamang dalhin ang kanilang identification card , ballpen at voter registration form.
Mahigpit ding ipapatupad ang safety protocols kabilang ang pagsusuot ng facemask, face shield gayundin ang physical distancing .
Samantala, sinabi ni Guanzon na inaasahan na ng Comelec ang mababang voter turnout sa susunod na halalan dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Aniya ang nakaraang national average turnout ay halos 70 porsyento. (GENE ADSUARA)