• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2021

Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

 

Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro.

 

 

Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South Korea na si Ricardo Ratliffe.

 

 

Sa simula aniya ay tila nababahala ito sa laki ni Ratliffe kaya nagkaroon ito ng foul trouble subalit kinalaunan ay nakapag-adjust na rin ito sa paglalaro.

 

 

Magugunitang tinalo ng Gilas ang Korea 81-70 sa pamamagitan ng last seconds shot ni SJ Belangel.

ALDEN, maagang nag-celebrate ng Father’s Day kasama si Daddy Bae dahil balik-lock-in taping na sila

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TODAY, June 18, balik-lock-in taping si Alden Richards at buong cast ng upcoming GMA Primetime drama series na The World Between Us.

 

 

Kaya naman maagang nag-celebrate ng Father’s Day ang mag-amang Richard Faulkersons, kahit sa Sunday, June 20 pa ang araw ng mga ama.

 

 

Kaya si Alden in between ng mga TVC commercial shoot, tinawagan ang daddy niya at pinapunta sa kanyang condominium unit. Nasorpresa si Daddy Bae nang sa pagdating niya, napakaraming cakes at may balloons pa siyang dinatnan doon. Iyon pala katatapos lamang ni Alden i-shoot ang mga cakes from Conti’s na ini-endorse niya for Father’s Day occasion.

 

 

Masaya at matagal na nagkausap ang mag-ama. Natuwa si Alden na isang ‘Tiktok influencer’ na pala si Daddy Bae, na naikukuwento lamang sa kanya, since hindi raw niya napapanood dahil wala siyang Tiktok account.

 

 

Sana raw ay patuloy na i-follow ng mga fans niya ang Tiktok at Instagram accounts ng ama.

 

 

Magiging busy na naman sina Alden sa lock-in taping ng The World Between Us,  na may ipinakikita nang nakakakilig na teaser nina Alden at Jasmine Curtis Smith kaya marami na ang nagtatanong na netizens kung ano ang mga roles na gagampanan nina Alden, Jasmine, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose, Glydel Mercado at sinu-sino pa ang bubuo sa cast?

 

 

Directed by Dominic Zapata, this July, mapapanood na ang The World Betweeen Us, pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

TONIGHT na ang finale episode ng romantic-comedy series na Heartful Cafe nina Julie Anne Santos at David Licauco.

 

 

Thankful ang mga fans ni Julie Anne nang maging dual role pa ang character niya.  Bukod sa original character niyang si Heart Fulgencio, naging si Destiny Hope pa siya, bilang ang gaganap sa character ng novel na sinulat niya at ididirek naman ni Uno (EA Guzman), ang dating boyfriend na nagbabalik muli kay Heart.

 

 

Pero late na ang pagbalik nito, dahil mukhang nabaling na ang love ni Heart kay Ace (David) na co-owner niya sa Heartfelt Cafe.

 

 

Matutupad ba ang wish ng mga netizens, na si Ace na nga ang makatuluyan ni Heart?

 

 

Abangan ang grand finale mamaya, 9:30PM, pagkatapos ng Endless Love sa GMA-7.

 

 

***

 

 

KUNG medyo nahirapan si Ken Chan sa family drama na My Special Tatay in 2018, inamin niyang mas mahirap ang role na ginampanan niya ngayon sa upcoming GMA Afternoon Prime na Ang Dalawang Ikaw.     Nakaramdam daw siya ng mixed emotions nang unang matanggap ang offer ng GMA, na siya ang gaganap sa role.

 

 

     “As Boyet po sa My Special Tatay, isa po akong may mild intellectual disability, dito sa Ang Dalawang Ikaw mayroon naman akong split personality,” wika ni Ken.

 

 

“Kaya para ma-achieve ko ang characters ko rito, sumailalaim ako sa masusing pagri-research, iba’t ibang workshops at consultations para malaman ko ang character ng taong may Dissociative Identity Disorder (DID). 

 

 

Bale dalawang characters ang gagampanan ko, si Nelson, ang loving husband ni Mia (Rita Daniela) at Tyler, ang gun dealer na fiancé ni Beatrice (Anna Vicente).”

 

 

Nagpasalamat din si Ken kay Dr. Babes Arcena, ang psychiatrist  na nag-guide sa kanya sa mga eksena niya during the taping para tama ang gagawin niya at tama rin ang mensahe na mapapanood ng mga viewers.

 

 

Mapapanood na simula sa Monday, June 21, ang world premiere ng Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Eat Bulaga.      

(NORA V. CALDERON)

Bulacan, makikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month kasama ang LGBT Community

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Ipagdiriwang ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community-Bulacan Federation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at pakikiisa ng PNP-Bulacan ang taunang LGBT Pride Month mula Hunyo 17 hanggang Hulyo 22, 2021 bilang pagkilala sa positibong impluwensya ng mga LGBT sa mundo.

 

 

Tinawag na ‘Lakbay Kumustahan: The LGBT Bulacan Hello Caravan 2021’, bibisita ang mga opisyal ng pederasyon sa mga lokal na samahan ng LGBT sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan upang palakasin ang ugnayan at talakayin ang mga proyekto at programang kapaki-pakinabang sa mga Bulakenyong LGBT.

 

 

Kabilang sa tatalakayin ang malawakang information campaign hinggil sa kanilang karapatan at Anti-Discrimination Bill; mga programang maaari nilang mapakinabangan; database at profiling upang maitala ang datos at estado ng LGBT na makatutulong na makatugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, edukasyon, trabaho, negosyo at kalakalan kung saan ibabase ang tamang paglikom ng programa at pondo mula sa ibang ahensya at departamento na kasudlong ng sektor.

 

 

Gayundin, ilalatag ang Cash for Work Program sa humigit kumulang na 500 Bulakenyong LGBT para naman sa mga nawalan ng hanapbuhay.

 

 

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na tinitiyak ng lalawigan na napapahalagahan ang lahat ng papel na ginagampanan ng bawat sektor sa lipunan.

 

 

“Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan at kayo ay isa dito. Your contributions are as vital as everybody’s who is willing to share his part for the province, kaya buo ang suporta namin sa inyo,” ani Fernando.

 

 

Samantala, tatanggap ang 371 Bulakenyong LGBT ng tig-P5,000 bawat isa mula sa programa na DOLE-DOT Bayanihan Act II para sa Tourism Displaced Workers na tulong pinansiyal para sa mga nawalan ng trabaho at Negosyo; 10 ang tatanggap ng Negosyo Cart at 80 E-loading station mula DOLE at PESO Bulacan.

 

 

Bukod dito, may 300 iskolar din na hinahanap ang samahan sa tulong ng Tanggapan ng Punong Lalawigan ng Bulacan bilang suporta sa mga kabataang Bulakenyong LGBT na nais makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

 

 

Sa higit kumulang na 25,000 miyembro ng pederasyon ng LGBT Bulacan na may edad 18 taon pataas, layon din ng gawain na itaas ang kamalayan ng Bulakenyong LGBT sa kanilang tungkulin bilang force multipliers pagdating sa kaligtasan at kapayapaan bilang bahagi ng LGBT Bulacan Federation sa advocacy  group ng PNP Bulacan sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang pag-iinstitusyunado ng Pangulo sa Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng NPA.

DJ Mo, kinasal na sa longtime partner na si ANGELICOPTER sa Iceland; tinuloy kahit inabutan ng snow storm

Posted on: June 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINASAL na si DJ Mo Twister sa kanyang longtime partner na si Angelicopter sa bansang Iceland noong nakaraang June 15.

 

 

Sa Instagram, pinost ni DJ Mo ang litrato nila ni Angelicopter na kuha sa Skaftafell sa Vatnojökull National Park. May kuha pa ang newlyweds sa famous Svartivos falls.

 

 

Pinlano raw ng mabuti ng dalawa ang destination wedding nila. Pero inabutan daw sila ng summertime snow storm sa Iceland.

 

 

Sey ni DJ Mo: “Here’s a tip about getting married in a far away wilderness like Iceland. Have not one but two backup plans for the second time we have been here together, things we had scheduled a long time ago were cancelled by weather. We had some extreme weather that made us have to completely overhaul the entire day. Where we scheduled to have our ceremony, changed due to a summertime snow storm.”

 

 

Kahit may snow storm, tinuloy pa rin ng dalawa ang wedding nila kahit na basang-basa na ang wedding suit ni Mo at napunit na ang wedding gown ni Angelika.

 

 

“We moved to several locations, the kids nearly froze to death, they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer, then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us,” sey ni Mo.

 

 

Parehong based na sa New York sina DJ Mo at Angelicopter. Na-engage sila noong May 2020 after eight years sa relasyon nila.

 

 

***

 

 

OFFICIAL loveteam na ang Kapuso teen stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

 

Kilala ang loveteam nila sa social media bilang Team Jolly.

 

 

Pagsasamahin silang dalawa sa isang teleserye sa GMA bilang launch ng kanilang loveteam.

 

 

“Happy po kami ni Allen kasi nagsimula lang yung Team Jolly sa TikTok at sa YouTube channel namin. Ngayon legit na loveteam na kami. Excited kami sa gagawin naming show with GMA,” sey ni Sofia.

 

 

Pero di pa man nagsisimula, may pinagseselosan na raw si Allen. Ito ay co-star ni Sofia sa Prima Donnas na si Vince Crisostomo.

 

 

Nagselos daw si Allen noong malaman niyang binigyan ni Sofia ng special gift si Vince. Pero isang prank joke lang iyon ni Sofia kay Allen.

 

 

Idinetalye ni Sofia ang ginawa niyang prank kay Allen.

 

 

“Kapag po pina-prank ko po siya, kapag meron akong ginagawa sa kaniya pero ginagawa ko rin sa iba. Pinrank ko po kasi siya na binigyan ko rin si Vince ng bracelet. Sabi ni Allen, ‘Bakit mo binigyan? Akala ko ba sa atin lang ‘yon?’

 

 

“Sabi ko ‘Hindi, eh gusto ko rin bigyan si Vince kasi close rin kami, special din siya.’ Tapos hindi niya po ako pinapansin,” natatawang kuwento ni Sofia.

 

 

Nagpaliwanag naman si Allen sa kanyang pagselos.

 

 

“Itong bracelet po kasi, parang alaala namin ni Sofia sa Boracay kasi ‘yun ‘yung first time na nagsama kami sa Boracay. Unang beses ko rin na pumunta doon tapos magki-Christmas pa noon.

 

 

Siyempre para sa akin, ‘Akala ko ba tayong dalawa lang? Hindi naman natin nakasama si Vince. Bakit meron siya?’ Siyempre nagtatanong ako sa kanya.”

 

 

Noong sinabi ni Sofia na prank lang yung special gift niya Vince, natawa lang si Allen dahil biktima siya ulit ng prank ni Sofia.

 

 

***

 

 

BILANG selebrasyon ng kanilang ika-71 taong anibersaryo, mamimigay ng papremyo ang GMA Network para sa loyal fans at viewers nito sa pamamagitan ng ‘Buong Puso Groufie Giveaway’!

 

 

Simple lang ang kailangang gawin para sumali! Tumutok lang sa inyong paboritong GMA show kasama ang inyong pamilya o mga kaibigan at mag-selfie/groufie habang nanonood sa TV. Isend ito sa www.gmanetwork.com/buongpusogroufie hanggang June 25.

 

 

Tig-10 ang mabubunot na mananalo ng GMA Affordabox at GMA Now. Sasabihan via call, text, o email ang mga mabubunot at ipopost din ang list of winners sa GMA Network Facebook page at social media sites.

 

 

Ano pang hinihintay ninyo, mga Kapuso? Bisitahin ang  www.gmanetwork.com/BuongPusoGroufie para malaman ang buong detalye.

(RUEL J. MENDOZA)