• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 28th, 2021

PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte.

 

“This is in reference to the remarks of Presidential Security Group (PSG) Commander BGEN Jesus Durante III on President Rodrigo Roa Duterte receiving a second dose of the anti-COVID-19 vaccine,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Gen. Durante was Further, Gen. Durante has admitted, apologized and rectified his earlier remarks. We hope this clarifies the matter,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Bago pa ito, may text message si Sec. Roque sa media na nagsasabing “ES said that details of their conversation should be kept private. Gen Durante has personal knowledge of 2nd shot. It was given after EUA was granted to Sinopharm,” na taliwas sa sinasabi nito ngayon.

 

Nauna rito, kinumpirma ni Durante sa isang panayam na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Aniya, dahil sa sunud-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte kaya’t kailangan na mabigyan na ito ng kanyang 2nd dose ng bakuna.

 

“Si Pangulo po ay vaccinated na po siya at napakahalaga po nito, para lalo namin siyang maingatan, lalo na magagawa niya nang maayos at tuluy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Durante

 

Nangyari aniya ito matapos ang 14 na araw mula nang mabigyan ng first dose ng Sinopharm si Pangulong Duterte.

 

“Opo, at nai-televise naman iyon. Yeah, fourteen days after yung activity, nagkaroon po siya ng second dose,” anito.

 

Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng PSG ang seguridad kay Pangulong Duterte.

 

 

“So simula noong mag-start pa lang ang pandemic, we have remained consistent sa strict enforcement ng aming security, as well as health and safety protocols. We never put our guards down from the very beginning. And we are proud to say that the President remains safe from the virus,” ayon kay Durante. (Daris Jose)

P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.

 

 

Mayroong tig-P5,000 na monthly allowance para sa mahigit 300,000 health workers sa private at public hospitals na nangangalaga ng COVID-19 patients.

 

 

Ang nasabing monthly allowance ay kinabibilangan mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.

 

 

Tiniyak din nito na makakayanan ng DOH na maipamahagi ang nasabing halaga hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ads June 28, 2021

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TOM, nagka-interes sa kakaibang character kaya niya tinanggap ang teleserye kasama sina ALDEN at JASMINE

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA na ngayong gabi, June 28, ang finale week ng top rating at pinag-uusapang romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Nagsimula na ang twist ng story last Friday evening, and it seems, na wala nang maba-bash ang mga netizens na galit sa mga gumanap na kontrabida sa buhay ni Yaya Melody (Sanya), sina Maxine Medina, Analyn Barro at si Kakai Bautista.

 

 

Si Lorraine (Maxine) na in love kay President Glenn Acosta (Gabby) na gustong sirain talaga si Melody. Younger sister ni Melody si Gemrose (Analyn) na inggit na inggit sa kanya kaya laging kontra sa kanya, si Pepita (Kakai) na inggit na inggit sa beauty ni Melody at kampi kay Lorraine.  Kaya sila ang nakatikim ng galit at bashings ng mga televiewers.

 

 

Inamin ng tatlo na shock sila sa mga natatanggap nilang bashings, pero nagpapasalamat din sila dahil ibig sabihin, effective ang pagganap nila sa kani-kanilang role.

 

 

Napapanood ang First Yaya after 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

HAPPY si Kapuso actor Tom Rodriguez sa bagong role na gagampanan niya sa upcoming romantic drama series na The World Between Us na makakasama niya sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at iba pa.

 

 

“It’s such a different character kaya nagkaroon ako ng interest,” sabi ni Tom.

 

 

“To tell you the truth, naging interesado rin ako dahil, me ang my manager were given a few option. GMA was so kind to us kung ano ang gusto namin. Nakita ko iyong iba, it would have been fun din, romantic-comedy type. 

 

 

‘Nung mabasa ko ang synopsis for this one, and the cast that would be attached to it, it was too attractive to pass up, it would be a chance for me to play around, to try a different one, to experiment, to also stretch myself as an actor. 

 

 

He will try to get in between the love of Louie (Alden) and Lia (Jasmine). But promise, as Brian, he is more than a typical kontrabida, kinikilig ako sa love story nila. Malalaman din ninyo na Brian is wounded, kaya hindi siya kontrabida lang just to be a kontrabida. Don’t miss our new teleserye, simula sa July 5 mapapanood na ninyo kami.”

 

 

Meanwhile, masaya si Tom na nakatapos na ang fiancée niyang si Carla Abellana ng first leg ng lock-in taping ng new soap nito na To Have and To Hold at nakita ni Tom, na nasa lock-in taping naman niya ang Instagram post nito pagkalabas sa taping at  nasabi niyang ‘ang ganda mo naman!!! Congratulations, mahal ko!!! So proud of you! Resilient and talented to boot. Sana magmana mga anak natin sayo! I love you!!!”

 

 

***

 

CONGRATULATIONS sa The Clash, one of the six entries ng GMA Network na maaaring manalo ng gold, silver, or bronze medal mula sa 2021 New York Festivals TV & Film Awards this year.

 

 

Nakaabot sa finalist level ng competition ang Kapuso program para sa category na Entertainment Program: Variety.

 

 

Kabilang ang The Clash sa anim na entries ng GMA, ng finalists na Alden’s Reality Concert at GMA Public Affairs programs na Kapuso Mo, Jessica Soho, Reporter’s Notebook, Reel Time, and The Atom Araullo Specials.

 

 

Malalaman ang mga winners sa October 12 sa Storytellers Gala sa Natioanl Association of Broadcasters trade show sa Las Vegas.

(NORA V. CALDERON)

NAVOTAS INILUNSAD ANG E-BPLS, E-BOSS PLATFORM

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) cloud-based platform.

 

 

Ang virtual na paglulunsad ng programa ay pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Union Bank of the Philippines Executive Vice President and Retail Banking Center Head, Mary Joyce Gonzales, at Landbank of the Philippines Executive Vice President, Julio Climaco Jr.

 

 

“The online system was developed in line with our commitment to the national directive to streamline and digitalize business processes to promote ease of doing business.  It also aims to minimize human interaction and intervention to prevent delays and red-tape and, in light of the pandemic, keep everyone safe from COVID-19,” ani Mayor Toby.

 

 

Ang mga Taxpayer ay maaaring magregister o renew ng kanilang businesses sa https://online.navotas.gov.ph/.

 

 

Ang online system ay nagsama din ng mga ancillary certificates at clearances na kinakailangan para sa mga business permit applications at renewals tulad ng fire safety at sanitary inspection certificates.

 

 

Ang interface ay dinisenyo din upang maghatid ng mabilis, mahusay, simple at walang abala na mga transaksyon, kahit na sa mga hindi nagbabayad ng buwis. (Richard Mesa)

JOHN LLOYD, ipinagtanggol ni DEREK dahil mabuti itong ama kay ELIAS; nagkaroon ng dalawang birthday celebration

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng dalawang birthday celebration ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias sa pamamagitan ng Spiderman-Themed Parties na hinanda nina John Lloyd, Ellen Adarna at Derek Ramsay.

 

 

Naunang nag-celebrate ng 3rd birthday ni Elias kasama ang kanyang daddy JLC at may simpleng caption ang IG post niya ng, “hbd anak,” kasama ang photos na masayang-masaya na hawak ang red baloon.

 

 

Sa mismong birthday (June 27) ng anak, sina Ellen at Derek naman ang kasama. Caption naman ni Ellen sa kanyang post, “Happy Birthday My Love (na isang heart emoticon).”

 

 

Nag-post din si Derek ng kanyang pagbati kasama photo nila ni Elias habang nasa swimming pool at may caption na, “Happy birthday babyguling!! Love ya buddy!!”

 

 

May isang netizen naman ang nag-react at nag-comment ng, “Buti n lang my Step dad na tagapag alaga ng anakshie ni JL. Good job dadz Derek… Kampay… Say thank you Loydie hahaha.”

 

 

Na sinagot nama ni Derek at ipinagtanggol si John Lloyd.

 

 

Sabi niya, “Bro that’s not nice. JL is a good father to Elias.”

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

“I rather have jl as a father than derek.”

 

“Never claim ni Derek na father sya ni Elias.”

 

“Minsan kasi nasa nanay din kapag inilalayo ang anak sa tatay. Sa case ni Ellen, co-parenting sila ni JL at walang issue sa kanila pagdating sa anak nila.”

 

“Eh ang kaso te di pwede mamili ng magiging tatay. But you’ve got to give it both to them for being good guardians to the kid.”

 

“If I were JL pagsasabihan ko tong si Derek na wag masyadong pabibo sa bata.”

 

“Parang mas masaya naman si elias pag ang daddy nya kasama nya. Hahaha.”

 

“Mas madalas pa ipost anak ng iba kesa sarili nyang anak. Dun dapat sya call out, di yung nanahimik na jlc sus.”

 

“Malaki na yung anak nya, baka hindi komportable na kinukuhanan palagi ng picture. Maka issue ka rin noh? Hahaha.”

 

“Matanda na anak ni Derek he can choose when and kung pwede ng dad niya ipost yung photos niya. And fyi mas close na si derek at anak niya dahil kay Ellen and Elias.”

 

“I hope JL and Ellen can come to agreement not to use Elias on their respective promos or for clout. Also, of other people who isn’t the bio parent not to post pics of him. Poor child being used by parents without his consent.”

 

“Oa much? derek is going to be his stepdad. kung magpost siya ng pics, as long as its ok with ellen and jlc, let him be. wag masyado g pakialamera sa personal na buhay ng iba. what works for you, may not work for them.”

 

“Si derek ineexpose nya ang bata. Ganun din si mAja just to promote jlc and her crown management. Tsk tsk.”

 

“Derek should not act like he is the real father. Hwag sya post ng post ng moments nila dahil parang iniinggit pa si JL.”

 

“whatever problems or personal issues jlc had, malinaw naman na he’s a good father. Si Elias talaga # 1 priority nya.”

 

“Walang issue i post ni JLC and Ellen yung bata pero mali kung si Derek ang mag post with just the 2 of them. Unnecessary and very off.”

 

(ROHN ROMULO)

NADINE, handog ang virtual concert para sa elderly gay community at mga drag artists

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGHAHANDOG ng virtual concert para sa elderly gay community si Nadine Lustre na may titulong Nadine, Together With Us.

 


     Para rin daw ito maka-raise ng funds para sa mga drag artists na nawalan ng trabaho noong magkaroon ng pandemya.

 

The online show will be streamed via the official TaskUs PH Facebook page on Monday, June 28, at 6:30 PM.

 

Makakasama ni Nadine ang ilang members ng drag community na sina Vinas DeLuxe, Lady Gagita, and Andy Crocker. Sasamahan siya ng mga ito sa virtual performance niya ng mga songs na “White Rabbit,” “Seconds,” “Dance with Danger,” “Glow,” and “Ivory”.

 

     “I have always admired drag queens and the level of artistry that they put into every look and act. It’s an art that only drag queens can pull off, so to lose them in the scene is also to lose a unique art form.

 

 

I am very proud to be part of a cause and help amplify the voices of our queer community. To all members of the LGBTQIA+ community, I want you to know that you are loved and valued,” sey ni Lustre patungkol sa rainbow community.

 

The concert will raise funds for the Home for the Golden Gays Foundation, a non-profit organization that provides support and care for elderly LGBTQIA+ people.

 

 

The organization was founded in the 1970s by Filipino LGBTQIA+ rights activist Justo C. Justo.

 

 

     ***

 

 

SA pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, hindi lang ang kanyang mga nagawa sa bansa ang napag-uusapan sa mga tipun-tipon, kundi pati na ang naging makulay na lovelife niya.

 


     Marami ang alam na medyo malihim at tahimik ang naging lovelife ni PNoy. Noong tanungin siya noong 2011 tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, hinalintulad niya ito sa softdrink.

 

Ayon kay PNoy: “May nagtanong ho kasi sa akin, sabi niya, ‘kamusta love life mo?’ Eh ang sabi ko po sa kanya, parang Coca Cola. Noong araw, ‘regular.’ Naging ‘light.’ Ngayon, ‘zero.'”

 


     Kabilang sa mga naging nakarelasyon ni PNoy noon ay ang mga broadcast journalists na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano. 

 


     Dumating din sa buhay niya ang konsehal ng Valenzuela City na si Shalani Soledad.

 


     Nanatiling binata si PNoy at may kanya-kanya nang asawa sina Korina (kasal kay Mar Roxas), Bernadette (kasal kay Emilio Aguinaldo IV) at Shalani (kasal kay Pasig Rep. Roman Romulo).

 

Naka-date din ni PNoy noon ang stylist na si Liz Uy, ang TV host na si Grace Lee at ang mga aktres na sina Barbara Milano at Maricel Morales.

 


     Minsan din na-link si Asia’s Songbird Regine Velasquez kay PNoy noong naging congressman ito ng Tarlac. Pero paghanga raw iyon sa talento ni Regine sa pag-awit dahil alam ng marami na mahilig sa musika si PNoy.

 

 

***

 

BIBIGYAN ng honorary Oscar ang Hollywood actor na si Samuel L. Jackson at gagawaran ng special honors naman sina Danny Glover, writer-director Elaine May and Norwegian actress Liv Ullmann dahil sa contributions nila to filmmaking ayon sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences or AMPAS.

 

 

Igagawad ang honorary Oscar sa 2022 Academy Awards.

 

Ayon sa AMPAS President David Rubin: “The recipients “have had a profound impact on both film and society.”

 

Nakilala si Jackson bilang si Nick Fury sa maraming Marvel movies. Nakagawa ito ng higit sa 100 films, kasama na ang Oscar nominated role niya sa 1994 Quentin Tarantino drama na Pulp Fiction.

 

Si Ullman ay frequent collaborator with Swedish director Ingmar Bergman. Lumabas siya sa mga pelikulang  Persona, The Passion of Anna, Cries and Whispers and other Bergman films. Na-nominate si Ullman for best actress in 1971 for film The Emigrants and in the 1976 film na Face to Face.

 

Si May ay nakatanggap ng Oscar nominations for best adapted screenplay for 1978’s Heaven Can Wait and 1999’s Primary Colors. Bago siya naging screenwriter, part siya ng comedy duo na Nichols and May, noong 1958, with the late film director Mike Nichols.

 


     Si Glover ay nakilala sa mga hit Lethal Weapon movies at tatanggapin niya ang Jean Hersholt Humanitarian Award for his advocacy for justice and human rights. Kasalukuyang goodwill ambassador for UNICEF si Glover.

(RUEL MENDOZA)

‘PNoy hindi pala-utos’

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagpanaw ni dating pangulong Noynoy Aquino III, inalala ng matagal nitong kasama sa bahay ang ugali ng kanyang amo.

 

 

Sa lingguhang radio program ni Vice-Pre­sident Leni Robredo, kinuwento ni Yolly Yebes, kasambahay ng mga Aquino sa loob ng 30 taon, na mabait at hindi pala-utos ang dating pangulo.

 

 

Sinabi pa ni Yebes, Huwebes ng 5:45 ng umaga nang madiskubre niya na wala nang buhay si Aquino habang nakaupo sa La-Z-Boy.

 

 

Miyerkules umano ng gabi ay hiniling pa ng dating pangulo sa kanyang kasambahay na gusto niyang kumain ng crispy pata, sisig at burger kinabukasan araw ng Huwebes.

 

 

Tatawag na lamang umano si Aquino sa kanyang kasambahay kung kakain na ito subalit hindi ito tumawag.

 

 

Bandang alas-12 ng madaling araw ay pinasok umano ni Yebes ang kwarto ni Aquino at nakita niya itong tulog kaya sinabihan niya ang security aide ng dating pangulo na tawagin siya kapag kakain.

 

 

Subalit bandang alas-5:45 ng Huwebes ng umaga ay sinabi umano ng security aide ni Aquino na hindi tumawag ang dating pangulo.

 

 

Dahil dito kaya kinabahan na umano si Yebes at mabilis na pumunta sa kwarto at ginising ang kanyang amo subalit hindi na siya gumagalaw dahilan para ipatawag ang nurse ni Aquino.

 

 

Inalala ng kasambahay noong nasa pwesto pa ang dating pangulo na agad dumidiretso sa kanyang kwarto pagkagaling sa trabaho kung saan siya nagbabasa at nanoood ng telebisyon.

 

 

“Napakabait, hindi siya palautos talaga,” ayon pa kay Yebes at sinabing ang paborito na laging pinapaluto ni Aquino ay corned beef at bacon para sa kanyang almusal, habang adobo naman para sa tanghalian.

 

 

Si Aquino, ika-15 pangulo ng Pilipinas ay namatay dahil sa renal failure secondary to diabetes noong Hunyo 24. (Gene Adsuara)

249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.

 

 

Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.

 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na ang 150,000 doses ay mapupunta sa gobyerno haban ang 99,600 ay ibibigay sa International Container Terminal Service Incorporated (ICTSI).

 

 

Pinangunahan kasi ni Enrique Razon Jr ng ICTSI ang tripartite deal na pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas at American company.

 

 

Mayroong 20 milyon Moderna doses ang inaasahang darating sa bansa sa 2021 kung saan pitong milyon dito ay binili ng private sector habang 13 milyon ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng multilateral loans.

 

 

Ang Moderna ay siyang pang-limang COVID-19 brand na dumating na sa bansa kasunod ng Sinovac, AstraZeneca, Sputnik. (Gene Adsuara)

Michael Mayers Resumes The Bloody ‘Halloween’ Night This October

Posted on: June 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN 2018, the slasher film icon Michael Myers returned to the big screen in director David Gordon Green’s revival of Halloween.

 

 

This year, the unrelenting masked murderer will be back in the film’s sequel, Halloween Kills.

 

 

As the film’s trailer reveals, that Halloween night when Myers supposedly burned in Laurie Strode’s home didn’t really end with the death of the killer. Instead, Myers survived and is once again in pursuit of the Strode family.

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=hL6R3HmQfPc

 

 

Halloween Kills picks up from where the 2018 film left off. Laurie Strode, her daughter Karen, and granddaughter Allyson, headed to the hospital after their face-off with Myers. But once Laurie learned that Myers survived, she gets back on her feet, ready to face him once more. But this time around, Laurie will find new allies.

 

 

“As Laurie fights her pain and prepares to defend herself against him, she inspires all of Haddonfield to rise up against their unstoppable monster,” the synopsis teased. “The Strode women join a group of other survivors of Michael’s first rampage who decide to take matters into their own hands, forming a vigilante mob that sets out to hunt Michael down, once and for all.”

 

 

David Gordon Green returns as director with cast members Jamie Lee Curtis, Judy Greer, and Andi Matichak reprising their roles.

 

 

The film is set for release on October 15.

(ROHN ROMULO)