• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 3rd, 2021

MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya.  Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e  bakit nga ba ibabalik pa!

 

 

Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng MMDA na magpatupad ng coding scheme sa ilalim ng MMDA Res. 10-16 at MC 8 series 2010 dahil nakapaloob ito sa rule making powers ng MMDA sa pag-re-regulate ng traffic sa Metro Manila.

 

 

Kung ganun ay nasa kapangyarihan din ng MMDA na tuluyan nang hindi ipatupad ito.   Bakit ba nagkaroon ng coding? Simpleng sagot – dahil kailangan bawasan ang sasakyan sa lansangan para lumuwag ang traffic.  Marami ng variations ang coding at may ilang mga panukala rin kung paano ipapatupad ito. Pero ang mahalagang tanong: nabawasan ba ang sasakyan sa lansangan dahil sa coding? Lumuwag ba ang traffic dahil dito?  Ayon sa TOMTOM Intl B.V. base sa Amsterdam ay pang apat ang Metro Manila sa may pinakamatinding traffic congestion sa mundo kahit sa panahon ng lockdown.

 

 

Ang congestion level ay 53% na ang ibig sabihin ay, sa thirty minutes trip mas tatagal ang byahe ng 53% sa baseline na uncongested. At ano ang epekto sa ekonomiya ayon sa JICA?  Ang economic cost ng traffic ay P3.5 billion pesos isang araw. Sa mga ayaw sa coding sinasabi nila na mas dumami pa ang sasakyan mula ng ipatupad ito dahil bumili lamang ng second or third car ang mga motorista at pinarehistro ng ibang ending number.

 

 

So, wala ring epekto ang coding dahil gumamit lang ng ibang sasakyan ang mga motorista tuwing coding day nila. Mas tumaas ang benta ng sasakyan sa panahon na pinairal ang coding.  Bagamat maraming bagong daan na naipagawa sa ilalim ng build, build, build program ng pamahalaan ay hindi makahabol ang “road space” sa dami ng sasakyan.

 

 

Ang panawagan naman ng mga eksperto ay huwag isama sa coding ang public transport para hindi mabawasan ang masasakyan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan dahil para sa kanila ang totoong solusyon ay ang epektibong public transport sa gitna ng traffic problems.

 

 

Sinasabi rin na napakagaan bumili ng sasakyan ngayon dahil sa mga zero or low down payment plan na mga marketing strategy para mas makabenta ang mga car dealers. Kaya ang gusto ng marami ay ay magkaroon din ng restrictions sa pagbili ng sasakyan tukad ng “no-garage-no-car-policy” at iba pa.

 

 

So sa issue ulit ng coding – napigil ba nito ang pagdami ng sasakyan sa kalye? Hindi.  Dahil dumami pa nga.

 

 

Ayon ulit sa mga eksperto, na sinasangayunn ng Lawyers for Commuters Safet and Protection (LCSP), ang epektibong pagbabawas ng sasakyan sa kalye ay mangyayari lang kung mas maraming effective na public transport ang available sa mga commuters.

 

 

Pero sa hirap naman kumuha ng prangkisa dahil sa katakut-takot na requirements ng LTFRB ay mukhang hindi kaagad matutupad ito.   Aminin din natin na mas gusto ng mga motorista na sariling sasakyan ang gamit kaysa makipagsapalaran at makipagagawan sa inefficient na public transport system.

 

 

Ang mass transport ay long-term solution sa traffic problem. Pero hanggat kulang pa ang mass transportation, kailangan bang magkaroon ng ulit coding ng mga sasakyan sa pagbalik normal ng mga kalsada galing sa pandemya?  (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Pagkakawatak-watak ng PDP-Laban pabor sa oposisyon

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang pagkakawatak-watak ng ruling party na PDP-Laban ang makakatulong sa oposisyon sa 2022 national at local elections.

 

 

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, stalwart ng LIberal Party (LP), inaasahan na niya na patatalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang PDP-Laban president sa  darating na national assembly sa Hulyo 17 ng partido.

 

 

Ayon pa kay Drilon, maaapektuhan ang kapasidad ng mga tagasuporta ng administrasyong Duterte na gumastos sa mga troll farm at social media.

 

 

Aminado naman ang Senador na marami pang dapat gawin ang oposisyon para mapakinaba-ngan ang pagkakataon, isa na rito ang pagkakaron ng iisang kandidato para sa eleksyon 2022.

 

 

“It will not harm the oppo­sition to have the split. It will certainly help ‘pag nahati ang administration given all the resources gi-ven all the troll farms, given the social media expense and resources that they have, certainly a split will help the opposition,” ayon pa kay Drilon.

 

 

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang patutsadahan ng PDP-Laban chairman na si Pangulong Duterte at ang acting party president na si Pacquiao kaugnay sa usapin ng korapsyon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

ANNE, agad na pinakalma ang nag-panic na Kapamilya fans; nag-pitch lang ng pelikula pero ‘di lilipat tulad ni BEA

Posted on: July 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NABULABOG at nag-panic ang solid Kapamilya fans nang lumabas photo na pakikipag-zoom meeting ni Anne Curtis-Smith sa executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, na halos kasabay ng pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network.

 

 

Say ng isang netizen kay Anne, “please tell us na gma films lang at ka lilipat sa gma.”

 

 

Kaya naman agad na nag-tweet si Anne para bigyan linaw ang isyu at magpagaan ng loob ng kanyang mga Kapamilya.

 

 

Hahaha Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision.

 

 

The last viva x gma film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then.

 

 

So Kalma Lang!

 

 

Dagdag tweet pa ng host/actress, And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime. So kalma lang madlang peeps!!!!

 

 

Reactions naman ng netizens sa twitter post ni Anne:

 

“marami akong gusto sa abs cbn…bihira din akong manood ng gma kasi mas maraming maganda sa abs…nagtataka lang ako na bakit maraming galit sa gma? inano ba kau ng gma? Hahaha. galit na galit din kau sa artistang lumipat…hahaha…buhay nila yan they have all d right…”

 

 

“may mga artista din namang from gma na lumipat sa abs.. kung tingin nyo wala silang utang na loob…problema na nila un…it’s between them and the station…wag kau masyadong paapekto…”

 

 

“Dont ever move. Kahit wala na ABS dito samin di parin kami nanonood sa kabila. Im speaking in behalf saming mga taga probinsya. Tingin namin sa gma medyo baduy e. Thats facts”

 

 

“Ibang fans dito masyadong entitled sa mga artista. Pake nyo ba kung lumipat bat parang mamamatay kayo sa kakatweet nyo ng hate dyan? You don’t own them, especially the decisions they make for themselves.”

 

 

“Ang bitter naman ng iba, as in naman hawak nila mga buhay at sarili ng mga ABS artists. Hahaha Choice nila yan wala kayo magagawa. hindi nman kayo ang nagpapasahod.”

 

 

“FYI: nagsimula sa GMA yan si Miss Anne, walang masama kung muli siyang babalik. Work is work. Hindi kayo ang naglalagay ng food sa table nila.”

 

 

“Ang chaka nung In Your Eyes, Anne. Don’t make the same mistake again.”

 

 

“The ‘In Your Eyes’ film with Richard and Claudine was my favorite movie of yours ate Anne actually. Grabe yung actingan mo dun, nakakadala ng emosyon sobra. Hoping na gumawa ka ulit ng ganong concept ng movie again hihihi!”

 

 

“Next Year ABS-CBN will be BACK! and we hope we still see you ANNE as a KAPAMILYA. more concerts ONLINE! we MISS you po. #KapamilyaForever.”

 

 

“If we as Kapamilya were able to wait and still have hope and faith with Abs, sana ganun din yung mga artists. Wag na gumaya kay @itsbeaalonzo, let’s just respect her decision baka mas masaya talaga sya sa 200m.”

 

 

“i already had 3 heartbreak these past few days! First, @pokwang27 next is when lloydie showed up in one of their shows, then just recently, my beloved bea!!! masakit na maxado para saking solid kapamilya na may mga susunod pa!!! nakakadurog ng puso! i feel bad for all kapamilya.”

 

 

“wag sana matulad kay Bea na kunwari Movie project lang daw gagawin niya sa Gma pero ayun lilipat pala talaga.”

 

 

“Nako Anne huh.. gmew for past decade wla nmn naproduce na box office hit. So alam m na. Stick to viva nlng.. coz viva knows what’s the best for you.:”

 

 

“Kinabahan ako sayo teh! Hahaha. Ireupload ko pa naman yung video ng Just a Stranger interview mo dito sa amin haha.”

 

 

“Solid Kapamilya here pero ung timing lang kasi ng d b sumasabay sa paglipat ng isa, kaya di mapigilang mapaisip, what a move lang, ngyn suggestion if susunod kayo, talon na rin basta kami solid kapamilya.”

 

 

This is touching and a relief to us Kapamilya fans! i do not know nlng talaga if u’l transfer madedepress talaga ako. i love seeing you in Showtime and cant wait for ur comeback! #KapamilyaForever.”

 

 

Magluluksa talaga kami ate Anne! Love you po! We miss you! Kapamilya TogetherAsOne.”

 

 

“Haayy.. Buti nalang at natanggal ang tinik sa aking dibdib. Kinabahan ako. Haha.. Stay Kapamilya at huwag masisilaw sa pera.”

 

 

“Kaya love na love kita Ann kz hndi mo tlga iniwan ang abscbn miss na kita makita sa itshowtime sana balik ka na.”

 

 

“Buti nalang nag tweet ka baka kasi atakihin na sa puso ang mga toxic na fan ng Abs.”

 

 

“Thank you miss anne for staying! Nakakataas ng morale ng lahat ng mga kapamilya pag ganito ang mga artist na naiwan sa kapamilya.. Please dont leave the network! This is the time wen they ned u the most.”

 

 

“Just End the Rivalry and Hate between 2 Networks … Thats ALL! Happy Tayo Lahat!!!”

(ROHN ROMULO)