• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 31st, 2021

Pagunsan all-set na sa 2nd day ng torneo sa Tokyo Olympics

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda ng sumabak sa ikalawang round ng men’s individual golf sa Tokyo Olympics ang pambato ng bansa na si Juvic Pagunsan.

 

 

Nasa pang-limang puwesto kasi ito sa unang round ng torneo na ginanap sa Kasumigaseki Country Club.

 


Sa unang round ay naantala ng isang oras ang laro dahil sa naranasang pagkidlat.

 

 

Ang three-time Southeast Asian Games gold medalist ay seasoned professional sa Asya na naglalaro na rin sa golf tournament sa Japan kaya kabisado na nito ang klima ng bansa.

 

 

Nanguna sa first rond si Sepp Strakka n Austria na sinundan ni Jazz Janewattanond ng Thailand sa ikalawang puwesto.

 

 

Habang nasa pangatlong puwesto si Thomas Pieters ng Belgium at pang-apat na puwesto si Carlos Ortiz ng Mexico.

 

 

Tabla naman sa ikalimang puwesto sina Pagunsan, Joachim Hansen ng Denmark at Jhonattan Vegas ng Venezuela.