• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 26th, 2021

Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour.

 

 

Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic.

 

 

Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng 19-anyos na si Astakhova ang laro.

 

 

Susunod na makakaharap ni Astakhova sa ikalawang round ng laro si World No. 403 na si Sarah Beth Grey ng Great Britain.

 

 

Si Eala ay juniors World number 4 na mayroong career high number 2 at WTA World No. 524.

Mga LGU hinikayat na hakutin ang mga mamamayan para mabakunahan

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sa kanyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran.

 

 

Umapela rin ito sa mga alkalde at gobernador na dalhin sa mga vaccination sites ang kanilang mga consitituents para sila ay mabakunahan na.

 

 

Ang panawagan ng pangulo ay kasunod ng nalalapit na tatalong araw na national vaccination day na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang  Disyembre 1.

Pacquiao may wax figure na sa Hong Kong

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang pasasalamat ni Sentaor Manny Pacquiao matapos na gawan ito ng wax figure ng sikat na Madame Tussauds museum sa Hong Kong.

 

 

Makikita ang nasabing wax figure ng fighter senator sa Hong Kong kung saan nakasuot ito ng boxing gloves, shorts na kaniyang isinusuot tuwing may laban ito.

 

 

Hinangaan ang nasabing wax figure ni Pacquiao dahil ito ay halos perpekto.

 

 

Unang itinayo ang wax museum sa London ng French wax sculptor na si Marie Tussaud noong 1835.

 

 

Mayroon ng 21 sangay ang nasabing musem sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Si Pacquiao ang siyang pangalawang Filipino na nabigyan ng wax figure na ang una ay si 2015 Pia Wurtzbach na ginawa noong 2019.

Glam team ni Miss Universe-PH BEATRICE, binubuo ng sikat na Filipino designers at jewelry maker; aminado na malaking pressure

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG Filipino designers na sina Francis Libiran and Axel Que, at ang jewelry maker Manny Halasan ang magsisilbing glam team ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. 

 

 

Sila ang gagawa ng national costume, evening gowns at ilan pang kailangan ni Beatrice sa paglaban nito sa Miss Universe 2021 pageant sa Israel.

 

 

Noong November 17, binigyan ng send-off party si Beatrice sa Hilton Manila at pinakilala ang kanyang magiging glam team.

 

 

May ilang gowns na raw na ginawa si Libiran na isusuot ni Bea sa preliminary competition at grand coronation night.

 

 

“It was a bit of a pressure and… right after Jonas (Gaffud, creative director of MUPO) messaged me, I started working on it right away. That’s why I was able to produce, I think, 25 sketches for Jonas. So when we had a meeting, I presented it in a huge board and I said, ‘Jonas, pumili ka na,‘” kuwento ni Libiran.

 

 

Dagdag pa niya, “Who can’t say no to Jonas? So when Jonas messaged me and said, ‘Can you dress up our queen?’ I said, ‘Of course.'”

 

 

Kabilang sina Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa nagawan ng magagandang gowns ni Libiran.

 

 

“You know, dressing up Bea is such a privilege… and I really enjoyed it because I studied how Bea’s personality is. And my inspiration is more of the person and… I did not get any theme from nature or what but it’s more about the person. So Bea is my inspiration in designing all these gowns,” diin ni Libiran.

 

 

Si Axel Quen naman ang nakatoka sa national costume ni Bea. Si Quen din ang gumawa ng Bukanawa inspired national costume ni Bea noong Miss Universe Philippines pageant.

 

 

“I feel scared and pressured also, and privileged to do the costume of our Miss Universe. It will be something that’s unique, something that’s evolved, and bright,” sey ni Queen.

 

 

Si Manny Halasan naman ang gagawa ng headpiece ng national costume ni Bea. Si Halasan din ang gumawa ng controversial headpiece para kay Rabiya Mateo. Unfortunately, hindi iyon nasuot ni Rabiya dahil sa sobrang bigat.

 

 

Nangako si Halasan na ang gagamitin niyang material sa headpiece ni Bea ay “very light at kaya niyang isuot kahit mag-isa lang siya.”

 

 

Magaganap sa December 12 ang Miss Universe pageant sa Universe Arena in Eilat, Israel. Ang magho-host ay si Steve Harvey.

 

 

***

 

 

MARAMING netizen ang natuwa sa naging reconciliation ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa ina ng kanyang anak na si AC Banzon.

 

 

Magkasama sina Kristoffer at AC pati na ang daughter nilang si Precious Christine or Pre’ sa pag-celebrate ng aktor ng kanyang 27th birthday sa isang beach resort sa Bohol.

 

 

Sa post ni Kristoffer sa social media, nilagyan niya ng caption na: “27, with my life and my anchor. It’s been rough, but we’re still here. These two has been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love. Lord, iba ka kumilos. Salamat Lord sa mga pinaintindi mo sa ‘kin. Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you Lord. First family trip nitong pandemic. Deserve natin tong tatlo.”

 

 

Noong nakaraang February ay nagpalitan ng masasakit na salita ang dalawa via social media. Ang dahilan ay ang pakikipaghiwalay ni Kristoffer kay AC dahil nakipagrelasyon ito sa aktres na si Liezel Lopez noong magkasama sila sa lock-in taping ng GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

 

Pero noong July ay nagkahiwalay din sina Kristoffer at Liezel at inamin ni Liezel na siya ang nakipag-break sa aktor. Sa buwan din na iyon ay naging Born-Again Christian si Kristoffer at humingi ito ng tawad sa mga taong nasaktan niya, kasama na rito ang girlfriend na si AC at ang anak nilang si Pre’.

 

 

***

 

 

SI Brenda Mage ang choice ni Albie Casiño para maging Big Winner ng PBB Kumunity.

 

 

Bago na-evict si Albie sa PBB house, pinaalam niya lahat na para sa kanya, si Brenda ang deserving manalo.

 

 

Sobrang sipag daw kasi ni Brenda kumpara sa ilang housemates. Madalas daw itong maglinis ng banyo at kusina. Na-observe daw ni Albie na ‘yung mga babae sa loob ng Bahay ni Kuya ay daig pa raw ni Brenda sa pagiging malinis.

 

 

Ginawa pa ngang example ni Albie ang mga bumabarang buhok ng mga girls sa shower drain. Si Brenda pa raw ang nagtatanggal ng mga ito.

 

 

“Si Mama Brenda, para sa akin because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay eh. Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house ‘di ba, so medyo nagkaka-furball sa drainage dahil sa mga buhok,” sey ni Abie.

 

 

At sa pagpasok nga raw ni Albie sa PBB house, si Brenda na raw ang nakita niyang kilos nang kilos. Yung ibang housemates daw ay hindi man lang tumutulong kay Brenda.

 

 

Tanong ni Albie kay Brenda: “Tinanong ko nga sa kanya iyan nung kakarating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?”

 

 

Sagot ni Brenda: “Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako.”

 

 

Kaya hindi raw puwedeng ma-evict agad si Brenda dahil mahihirapang maglinis ang mga housemates ng PBB house, lalo na raw yung mga feeling senorito at senorita.

(RUEL MENDOZA)

BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN

Posted on: November 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.

 

 

 

Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa Facebook at Manila Bulletin website survey, na nakakuha ng 53.4 porsyento at 55.4 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

 

 

 

Nasa malayong pangalawa lamang si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na mayroong 19.8 porsyento sa Facebook at 34.9 porsyento sa website ng Manila Bulletin. Pangatlo si presidential aspirant Isko Moreno na mayroong 22.7 porsyento sa Facebook at 3.6 porsyento sa website.

 

 

 

Pang-apat sa Facebook poll si presidential aspirant Senator Bong Go na mayroong 3.2 porsyento na boto habang pang-lima naman si presidential aspirant Leody de Guzman na mayroong 0.4 porsyento; pang-anim si presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na nakapagtala ng 0.3 porsyento at pang-pito si presidential aspirant Manny Pacquiao na mayroong 0.2 porsyento.

 

 

 

Pang-apat naman sa website ng Manila Bulletin si Go na may 3,2 porsyento; panglima si Lacson na nakakuha ng 1.6 porsyento; sunod si Pacquiao na may 0.7 porsyento; habang panghuli si De Guzman na may 0.6 porsyento.

 

 

 

Bahagya lamang nakaungos si Robredo sa Twitter poll na nakakuha ng 49 porsyento habang sa hindi kalayuan si Bongbong na mayroong 41 porsyento; pangatlo si De Guzman na may 5 porsyento; tabla sa pang-apat sina Lacson at Go na kapwa may 2 porsyento; tabla naman sa pang-lima sina Moreno at Pacquiao na kapwa may 1 porsyento.

 

 

 

Ayon sa Manila Bulletin, may pinakamaraming respondents sa Facebook survey na umabot sa mahigit 671, 000 na respondents. Umabot naman sa 15, 669 respondents sa kanilang website survey at 101, 248 respondents sa Twitter poll.

 

 

 

Kasama sa requirement sa pagboto ang Gmail address ng bawat respondent at isang beses lamang sila pinapayagang lumahok sa pagboto.

 

 

 

Matatandaan na si Marcos kasama ang kanyang katambal na si vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay kapwa nangunguna ng malaki sa kalahat ng kanilang mga kalaban sa mga pinakahuling survey sa bansa.