• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 10th, 2021

Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa 0.35

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas lalo pang bumaba ang kaso ng hawaan o ang reproduction number ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang sa 0.35 mula Nobyembre 29 hanggang Dec. 5.

 

 

Ayon sa OCTA Research Group, ang naturang reproduction number ay mas mababa sa 0.92 sa kaparehong period ng 2020.

 

 

“NCR this past week compared to last year. The testing level is around the same, but nearly all indicators are better now,” pahayag ni OCTA Research fellow Guido David.

 

 

Anya ang daily attack rate naman ay umabot sa 0.79 nitong Nov. 29-Dec. 5 ngayong taon ay mas mababa kaysa sa 2.61 sa kaparehong petsa ng nagdaang taon. Ang Metro Manila ay nasa ilalim pa rin ng very low risk status sa CO­VID-19.

Ads December 10, 2021

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR)

 

 

 

Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

 

 

 

“Based on our observation, the traffic bottlenecks did not last. We saw that from 3 p.m. to 4 p.m., the number-coded plates were already on the roads. I can say that just a bit, we saw a good result from the number coding sheme,” wika ni Neomie Recio ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Engineering Center.

 

 

 

Dagdag pa ni Recio may 51 na mga pribadong motorista ang nahuli at nabigyan ng violation ticket mula sa MMDA.

 

 

 

Ang mga sasakyan na may plates na nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal lumabas kung Monday, ang 3 at 4 na plate number ay bawal kung Martes, 5 at 6 naman kung Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes, 9 at 0 kung Biyernes. Ang nasabing number coding scheme ay ipapatupad lamang sa weekdays maliban kung holidays at weekends.

 

 

 

Hindi kasama sa modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang mga pampublikong sasakyan tulad ng tricycles, transport network vehicle service units, motorcycles, garbage trucks, fuel trucks at mga sasakyan may karga at dalang mga pangunahin at mga nabubulok na mga goods.

 

 

 

Nilagdaan ang isang resolution na nagpapatupad ng UVVRP ng Metro Manila Council na ang chairman ay si MMDA Benhur Abalos at binubuo naman ng mga Metro Manila mayors bilang isa sa mga mitigating measures sa NCR upang maiwasan ang traffic management crisis sa hinaharap.

 

 

 

Sa isang ginawang survey at pagsusuri na ginawa ng MMDA Traffic Engineering Center ay nakitang ang sa kasalukuyan na traffic situation ay malapit na sa pre-pandemic levels.

 

 

 

“Data shows that the travel speed along EDSA is 9.66 kilometers per hour. Hence, we have to reinstate the number coding scheme during the afternoon rush hours to address the problem. We are trying to exhaust all options here,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

 

 

 

Nakita ni Abalos na ang solusyon sa problema tungkol sa trapiko ay isang efficient traffic management at mass transport system lalo na ngayon na ang mga kapasidad ng mga pampublikong sasakyan ay wala pa sa normal dahil sa pinatutupad na COVID-19 health protocols.

 

 

 

Kasama rin sa ban ang mga light trucks upang mas maging maluwag ang trapiko sa National Capital Region.

 

 

 

Ipatutupad din muli ang uniform light truck ban na may modification. Ang light trucks ay ang mga sasakyan na pang commercial na gamit o kahit hindi man na may gross capacity na 4,500 kilograms o mas mababa pa dito at may anim (6) o higit pa na gulong at may payload area na maaaring bukas o sarado man.

 

 

 

Depende sa UVVRP motor vehicle plate endings, ang mga light trucks ay pinagbabawalan na dumaan sa EDSA sa pagitan ng Magallanes at Makati City at North Avenue, Quezon City sa parehas na northbound at southbound mula sa 5:00 hanggang 9:00 mula Lunes hanggan Biyernes maliban kung holidays.

 

 

 

Ayon sa MMDA, lumalabas sa kanilang datus na may 403,000 na sasakyan na ngayon ang mga nasa lansangan ng Metro Manila kumpara sa 405,00 na sasakyan noong nakaraang January 2020 at kahit pa bago ang pandemya.

 

 

 

“More vehicles are traversing EDSA everyday. We are not yet in December but the way it is going the traffic situation is approaching pre-pandemic levels,” saad ni MMDA Traffic Engineering Center chief Neomie Recio. LASACMAR

MALAWAKANG PAGBABAKUNA PARA SA MGA MENOR DE EDAD, NAGPAPATULOY SA LUNGSOD NG MAYNILA

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPATULOY ang pagbabakuna sa  general population ng mga menor de edad, mula 12 hanggang 17 anyos,ngayong araw, Disyembre 8.

 

 

 

Mahigit 10-libong doses ng bakuna kontra Covid-19 naman ang nakahandang iturok ngayong araw sa mahigit 60 vaccination sites sa lungsod ng Maynila

 

 

 

Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, sabay na isasagawa ang pagbabakuna ng unang dose at ikalawang dose sa mga sumusunod na vaccination sites: 6 LGU hospitals;  4 malls at 12 community sites

 

 

 

Gagawin ang second dose sa mga kabataan na na nabakunahan  ng Pfizer  vaccine noong Nov.17 sa district hospital at sa anim na special school sites.

 

 

 

Magkakaroon din ng booster shot para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na mahigpit anim na buwan  na ang nakalipas mula nang mabakunanan ng second dose sa mga sumusunod na lugar: 6 na LGU hospitals; 4 malls at 12 community sites.

 

 

 

Laging paalala ng Alkalde na  ipakita ang  QR code para sa verification at dalhin  ang  ID,  updated vaccine ID na maaaring makuha sa www.manilacovid19vaccine.ph.

 

 

 

Para sa mga minor, magdala ng  birth certificate/baptismal/school ID/PWD ID/ o anumang balidong  ID at para sa  mga may comorbidity, magdala ng medical certificate na may lagda ng doktor.

 

 

 

Paalala rin ang palagiang sumunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.

 

 

 

Samantala sa pinakahuling data ng Manila Health Department o MHD, may 2,919,399 na ang nabakunahan laban sa Covid -19 sa Lungsod ng Maynila.

 

 

 

Sa Covid -19 cases naman sa Maynila, umabot na sa 90,363 ang kumpirmadong tinamaan ng naturang sakit, 88,544 sa bilang na ito ay gumaling, 1,723 ang pumanaw at sa kasalukuyan ay mayroon na lamang 96 na aktibong kaso sa lungsod. GENE ADSUARA  

Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente

Posted on: December 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf.

 

 

Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito.

 

 

Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak.

 

 

Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16.

 

 

Bagamat hind ito katulad ng Masters ay isa rin itong 36-hole event na makakasama ang anak na si Charlie Woods.

 

 

Makakalaban nila ang ilang sikat na pangalan sa golf gaya nina John Daly, Justin Thomas at Bubba Watson.

 

 

Taong 2020 ay naglaro na rin ang mag-ama kung saan nagtapos sila sa pang-pitong puwesto.

 

 

Magugunitang noong Pebrero ng mahulog ang kotse ni Woods sa bangin habang patungo ito sa isang golf tournament sa California.

 

 

Nagtamo ito ng matinding injury sa kaniyang kanang paa.