• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 27th, 2021

PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas

Posted on: December 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, araw ng Linggo.

 

“In Argao, Cebu, the President interacted with the local government officials and evacuees in the area. He instructed Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario to provide housing assistance to residents whose places of residence have been damaged by the typhoon,” ayon kay Nograles.

 

“President Duterte likewise instructed Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi to call on the private sector to help and encourage gas stations to open and operate. In addition, the DOE is working double time to restore energy in Cebu,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, noong panahon na binisita ni Pangulong Duterte ang Cebu, naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan para magamit ang mga ospital.

 

Idagdag pa rito, naglaan ang Department of Agriculture ng P445 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon kung saan ang mga ani ay sinira ni bagyong Odette.

 

“President Duterte underscored that while the effects of the typhoon is devastating even as the country continues its battle against COVID-19, the government must help because people need help,” ayon kay Nograles.

 

“He then committed that the national government will urgently provide for the needs of typhoon-hit areas and their residents, which include rice and water, construction materials for rebuilding of damaged houses, and housing assistance, with topmost priority given to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

P2-B pondo inilaan ng gobyerno para sa relief ops – Defense Chief

Posted on: December 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa P2 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

 

Ito ang inihayag ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Delfin Lorenzana kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailan ay pagsisilbihan sa takdang panahon.

 

 

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamayan nang walang tulong mula sa ibang bansa.

 

 

Pero kung may mga tutulong ay welcome ito sa pamahalaan.

 

 

Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon ay ongoing pa ang assesment ng kapinsalaan na dulot ng bagyo.

 

 

Ang priority aniya sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima, at Inatasan na niya ang AFP na ideploy ang lahat ng available assets para dito.

 

 

Samantala, umalis kahapon mula sa Cavite City ang BRP Agta (LC290) patungong Cebu City dala ang halos 15 Tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng bagyong “Odette”.

 

 

Nauna rito, naghatid ng 7000 kahon ng pagkain ang Phil. Navy sa Siargao sakay ng BRP Ivatan (LC298).

 

 

Ipinadala din ng Phil. Navy sa sa Siargao ang BRP Ang Pangulo (ACS25) na pinagamit ng Pangulong Duterte Bilang Floating hospital.

 

 

Una nang sinabi ni Phil. Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza na Bukod sa mga naturang barko, nakahanda rin ang Navy na ideploy ang BRP Tarlac (LD601), BRP Bacolod City (LC550), at BRP Iwak (LC289), para tumulong sa Humanitarian ang Disaster Relief Operations sa mga lugar na lubhang napinsala ng bagyong “Odette”. (Daris Jose)

15 toneladang relief supplies hinatid ng C-130 sa Cebu

Posted on: December 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naihatid na ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 15 tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu.

 

 

Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, ang mga relief supplies ay inilipad mula sa Villamor Airbase patungong Benito Ebuen Airbase sa Mactan kahapon sa dalawang sortie.

 

 

Kinabibilangan ito ng relief goods kasama ang mga sako ng bigas, galon ng tubig at mga delata.

 

 

May karga rin itong mga non-food item tulad ng tent, toiletries, mga donasyong damit at ge­nerator set.

 

 

Ipamamahagi ang relief goods sa Visayas Region at Northern Mindanao.

 

 

Samantala, bukod sa relief operations, tiniyak ng PAF operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. (Daris Jose)

P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette

Posted on: December 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.

 

 

Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental.

 

 

Iginiit ni Huang na gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo kamakailan.

 

 

Umaasa raw sila na makakabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.

 

 

“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” ani Huang.

P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’

Posted on: December 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette. 

 

 

Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na magpalabas ng pondong P100-milyon mula sa savings ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa ibibigay na tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

 

 

“We are going to prio­ritize local government units ­stri­cken by tropical cyclone wind signal number 4 of typhoon Odette,” ani MMDA Chairman Atty. Benhur Abalos.

 

 

“This financial aid will help especially in this trying times. It’s Christmas after all, a time of sharing and giving,” ani Abalos

 

 

Ani Abalos, mas pinili nila na magbigay ng financial  aid  para makatulong sa mga nabiktima ng bagyo at upang makabangon sa halip na relief goods na mahihirapan pang ibiyahe sa kanilang mga lugar dahil sa mga kanseladong flights. (Daris Jose)