• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 11th, 2022

MAHIGPIT NA IPATUTUPAD ANG ELECTION GUN BAN SA MM

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit nilang ipatutupad ang election gun ban sa Metro Manila simula Enero 9.

 

 

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., lahat daw ng klaseng baril na mayroong license at permit to carry ay hindi na dapat ilabas sa bahay ng gun owners bilang pagsunod sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

 

 

Kung maalala, kamakailan ay nag-isyu ang Comelec ng Resolution 10728 na nagbabawal sa hindi otorisadong paggamit ng mga baril at bodyguards habang papalapit ang May 9, 2022 elections.

 

 

Ipinagbabawal sa naturang resolusyon ang pagdadala, pagbiyahe ng mga firearms o deadly weapons sa labas ng bahay o sa mga negosyo maging sa lahat ng public places mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022.

 

 

Ang gun ban ay mayroon ng kabuuang 150 calendar days.

 

 

Sa ilalim ng resolusyon, ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) at mga miyembro ng law enforcement agencies lamang ang exempted sa gun ban.

 

 

Pero kailangan muna nilang kumuha ng authorization mula sa Comelec at kailangan ding magsuot ng agency-prescribed uniform habang naka-duty sa election period.

 

 

Kaya naman mahigpit ang bilin ni Danao sa mga personnel ng law enforcement agencies na gumamit ng tamang uniporme para maiwasan ang ano mang gulo.

 

 

Una nang siniguro ng PNP na magpo-focus ang mga ito sa pag-kontrol sa paglaganap ng illegal firearms at paggamit ng bodyguards ng mga pulitiko para siguruhin ang mapayapa at maayos na halalan sa Mayo.

 

 

Maliban dito, sa ano mang oras ay magche-check din umano ang PNP ng vaccination cards ng ating mga kababayan na lalabas sa kanilang mga bahay. (Gene Adsuara)

Mga bagong rekomendasyon ng IATF, ipatutupad na- Malakanyang

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUNSOD ng pagtaas ng hospital care utilization rate, ipatutupad na ng pamahalaan ang mga inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub-Technical Working Group (sTWG) on Data Analytics sa National Task Force (NTF) Health Facilities Sub-Cluster:

 

 

Kabilang dito ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ipatupad ang pagtaas sa availability ng bed capacity sa National Capital Region and surrounding areas (NCR Plus Areas); makipag-coordinate sa relevant stakeholders para pagsamahin ang monitoring ng kapasidad ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) sa measurement nito sa health systems capacity;

 

 

Tiyakin na ang pasyente na nangangailangan ng pangangalaga ay kaagad at tamang maire-refer at Reassess ang kapasidad ng TTMFs, taasan ang kapasidad ng TTMF kung kinakailangan at alisin ang anumang referral quotas mula ospital.

 

 

Sa kabilang dako, ang DOH Field Implementation and Coordination Team (FICT) at NTF Health Facilities Sub-Cluster, ay inatasan na kaagad na makipag-ugnayan sa NCR hospitals para idetermina kung paano ang COVID-19 bed capacity ay inilaaan.

 

 

Idagdag pa, ang NTF Health Facilities Sub-Cluster, kasama ang DOH Knowledge Management and Information Technology Service, ay inatasan na taasan ang kapasidad ng telehealth at telemedicine sa labas ng NCR.

 

 

“The IATF sTWG on Data Analytics has also recommended that the One Hospital Command Center ensure as close to real-time updating of health systems capacity as possible based on functional bed capacity to take into consideration the level of available health care workers,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Samantala, inatasan naman ng TWG on Data Analytics ng IATF ang Community Response Cluster at ang Department of the Interior and Local Government na tiyakin na ang Emergency Operations Centers na may functional triage areas ay “in place” sa lahat ng local government units.

 

 

“These shall oversee patient navigation so that only those needing hospitalization are brought to the health facilities,” aniya pa rin.

 

 

Inatasan din ang mga ito na siguraduhin na iyong mga sasailalim sa home isolation o quarantine ay imo-monitor ng Barangay Health Emergency Response Teams at dapat na available ang access sa testing, treatment, at facility referral lalo na para sa mga may comorbidities, o iyong nabibilang sa vulnerable sectors.

 

 

Gayundin, inatasan din ang mga ito na paigtingin ang active case finding NCR Plus areas at paigtingin ang active case finding at mahigpit na contact tracing hanggang sa 3rd generation sa lahat ng lugar sa ilalim ng Alert Level 2.

 

 

Idagdag pa rito, inirekomenda ng TWG on Data Analytics ng IATF ang mga sumusunod na COVID-19 Laboratory Network:

 

 

“(1) increase RT-PCR testing capacity in NCR Plus areas so as to handle the influx of tests by ensuring that laboratories are operational seven days a week; (2) prioritize A2 and A3 populations for testing; (3) fast-track applications for Licenses to Operate for new RT-PCR laboratories; and (4) promptly provide commodities for swabbing and testing.”

 

 

At ang panghuli, inatasan ang National Vaccination Operations Center na taasan ang vaccination rates sa labas ng NCR sa lalong madaling panahon.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat na naging symptomatic na kaagad na mag-isolate dahil makatutulong ito na kontrolin ang transmisyon o pagkahawa ng Covid -19.

 

 

” Home isolation is recommended for those with mild or asymptomatic COVID-19. But local government units should be able to provide services such as telemedicine and immediate referral so that those requiring additional management may be assessed and treated appropriately,” aniya pa rin. (Daris Jose)

IATF-EID, pag-uusapan ang posibleng Alert Level 4 sa NCR – DILG

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatakdang pag-usapan sa mga susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekOmendasyon na ilagay Na sa ilalim ng mas mahigit na Alert Level 4 status ang National Capital Region (NCR)

 

 

Ito’y matapos na ihayag ng OCTA Research Group na lumampas ng 50% ang positivity rate sa Kalakhang Maynila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumalo ito sa 50.5% “as of January 7, 2022.”

 

 

“This (Alert Level 4) will be discussed in the next IATF meeting,’’ ayon kay Año.

 

 

Ang Kalakhang Maynila at apat na kalapit-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ngayon ng Alert Level 3.

 

 

Sinabi naman ng OCTA na nakapagtala ang NCR ng pinakamaraming bilang ng Covid-19 cases mula Enero 2 hanggang 8 na may pigurang 8,468 na sinundan naman ng Bacoor City na may 218, Antipolo na may 211, Cainta na may 202, at Dasmariñas na may 152.

 

 

Sa kabilang dako, muling umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mahigpit na sumunod sa health protocols.

 

 

“We have seen photos of people standing in long queues outside the movie houses. Cinemas may have reopened in some areas with lower Covid Alert Level status, but this doesn’t mean that the minimum public health standard must be disregarded,” ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos.

 

 

Hinikayat nito ang mga establisimyento na pinayagang mag-operate ng local government units na mahigpit na ipatupad ang health protocols.

 

 

“We remain committed to assisting in the implementation of the protocol especially when the situation may be overwhelming already,” anito.

 

 

Inaasahan naman ni Carlos na susundin ng publiko o mga movie goers ang mga hakbang gaya ng bawal na pagkain at pag-inom, pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing sa loob ng sinehan.

 

 

Samantala, binalaan naman ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya ang mga barangay officials na maaari silang kasuihan kapag napatunayan na ang surge ng Covid-19 cases sa kanilang nasasakupan ay bunsod ng “poor implementation” ng minimum public health standards (MPHS), partikular na ang walang tigil na outdoor activities ng mga unvaccinated residents.

 

 

“Madami pong mga pwedeng ifile sa kanila [barangay captains] for dereliction of duty, simple misconduct, negligence, madami pong pwede tayo, so alam naman yan ng kapitan,’’ayon kay Malaya.

Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup.

 

 

Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa pagbabalik-aksiyon ng season.

 

 

Binabantayan ng PBA ang sitwasyon kung saan posibleng sa Pebrero pa maituloy ang liga base sa kasalukuyang estado ng bansa.

 

 

Pumalo na sa mahigit 20,000 ang kaso ng mga  tinatamaan ng COVID-19 kada araw.

 

 

At walang balak ang PBA na sumugal para lamang matuloy ang liga.

 

 

“Priority natin ang kaligtasan ng lahat,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Ilan sa mga posibleng  maging hakbang ng liga  ay ang paglipat ng mga laro sa lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID-19 at nasa mababang alert level.

Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw.

 

 

Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del Rosario isang araw matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases sa kasaysayan ng Pilipinas, kasabay ng pagdami ng cases ng mas nakahahawang Omicron variant.

 

 

“Just last night, more healthcare workers were tested and we had about 86 [new] healthcare workers who are positive,” ani Del Rosario sa panayam ng CNN Philippines, Lunes.

 

 

“If you do the math, 310 plus 86 we’re almost close to 400 healthcare workers who got COVID.”

 

 

Karamihan daw sa kanila ay nahawa nitong holiday season, lalo na’t bibihira lang daw ang nahahawaan sa COVID-19 wards ng ospital dahil sa pagsusuot ng tamang personal protective equipment.

 

 

Kamakailan lang nang sabihin ng Filipino Nurses United na “delikado” at “hindi patas” ang direktibang paiksiin ang quarantine at isolation peiod ng healthcare workers patungong five days lalo na kung kulang sa manpower.

 

 

Pangamba tuloy ngayon ni Del Rosario, maaaring nakasalamuha ng mga naturang healthcare workers ang maraming tao. Hinihiling ng kanilang trabaho na humarap sila sa marami araw-araw habang nasa gitna ng malubhang pandemya at krisis.

 

 

“For every one [COVID-19] infected healthcare worker, there are probably three who got exposed. That was last week. Hopefully that ratio will now go down because people are more aware again,” wika pa ng PGH official.

 

 

“Some of them are probably towards the tail end of their isolation… but it’s so fluid that everyday we’re testing healthcare workers because some of them are really becoming symptomatic and we have to check.”

 

 

Pagmamay-ari ng gobyerno ang PGH at pinatatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, na kilalang takbuhan ng maraming kapos sa pera.

 

 

Hinihiling naman ngayon ng Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) na ma-release agad ang hazard pay at special risk allowance ng medical technologists na nagtratrabaho sa gobyerno’t pribadong sektor lalo na’t marami sa kanila ang nagkakaroon na ng mild at moderate COVID-19.

 

 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, aabot na sa 2.96 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 52,150 katao.

KEANU REEVES, CARRIE-ANNE MOSS REUNITE AS NEO & TRINITY IN “THE MATRIX RESURRECTIONS”

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
THE chemistry, the power…
Watch the cast and filmmaker reflect on Neo and Trinity’s journey through the Matrix in the newly released vignette below. Don’t miss them reunite in Warner Bros. Pictures’ new action thriller “The Matrix Resurrections” in Philippine cinemas January 12.

 

YouTube: https://youtu.be/bp68PjgoQzQ

 

 

From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix Resurrections,” the long-awaited next chapter in the groundbreaking franchise that redefined a genre. The new film reunites original stars Keanu Reeves and Carrie-Anne Moss in the iconic roles they made famous, Neo and Trinity.

 

 

Return to a world of two realities: one, everyday life; the other, what lies behind it. To find out if his reality is a physical or mental construct, to truly know himself, Mr. Anderson will have to choose to follow the white rabbit once more. And if Thomas…Neo…has learned anything, it’s that choice, while an illusion, is still the only way out of—or into—the Matrix. Of course, Neo already knows what he has to do. But what he doesn’t yet know is the Matrix is stronger, more secure and more dangerous than ever before.  Déjà vu.

 

 

Reeves reprises the dual roles of Thomas Anderson/Neo, the man once saved from the Matrix to become the savior of humankind, who will once again have to choose which path to follow.

 

 

Moss portrays the iconic warrior Trinity… or is she Tiffany, a suburban wife and mother of three with a penchant for superpowered motorcycles?

 

 

Reeves reflects on the appeal of this new film, asking playfully, “So, what the heck is going on here? Isn’t Neo dead? Wasn’t there peace? I mean, in `Revolutions,’ the Machines stood down. They were gonna live and let live. They were gonna let people out of the Matrix. In Zion, people were dancing and cheering; everything seemed great… Well, what we’ll come to learn is that things didn’t quite go the way we thought. That was really intriguing.”

 

 

Another face fans of the films are no doubt eager to see return is that of Carrie-Anne Moss as Trinity.  Moss feels a certain shift in reality with regards to the project, feelings that make her question her own placement in this world, real or simulated.

 

 

“People would always ask me ‘Is there going to be another Matrix?’” Moss recalls. “And I would think ‘No, absolutely not.’ Never in a million years did I ever think we would be doing this again. Sometimes I wonder if I’m actually in the Matrix doing The Matrix. Maybe this is my dream world, because it’s such an incredible experience.”

 

 

Moss concludes, “I think that the story is going to blow people’s minds. It’s interesting because there’s a whole group of people who have already seen the first films and another group that will get to discover the world of the Matrix for the first time, the younger generation. And it’s going to be very surprising.”

 

 

In Philippine cinemas January 12, “The Matrix Resurrections” is  distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, a WarnerMedia company.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheMatrix

(ROHN ROMULO)

Ads January 11, 2022

Posted on: January 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments