• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 18th, 2022

Mga Serbians inalmahan ang pagpapauwi ng Australia kay Djokovic

Posted on: January 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALMAHAN ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic.

 

 

Sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic na tila pinahiya ng Australia ang kanilang sarili.

 

 

Habang tinawag ng Serbian Olympic Committee na ang hakbang bilang ‘scandalous’ decision.

 

 

Dagdag pa ng Serbian president na uuwing taas noo pa rin si Djokovic matapos ang 10 -araw na ipinaglaban nito ang kaniyang visa.

 

 

Mula pa kasi sa simula at ipinakita ni Vucic ang suporta kay Djokovic kung saan itinuturing na “political witch hunt” ang ginawang pagkulong ng Australia sa hindi bakunadong tennis star.

 

 

Nagsagawa rin ng kilos protesta ang mga supporters ni Djokovic sa Serbia kung saan nagbigay sila ng suporta sa tennis superstar.

Manila Zoo gagamiting bakunahan sa mga bata, seniors

Posted on: January 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HABANG  hindi pa ­ganap na binubuksan para sa publiko, gagamitin muna bilang ‘vaccination site’ para sa mga senior citizen at batang may edad 5-11 taong gulang sa pag-uumpisa ng bakunahan sa natu­rang age group sa unang linggo ng Pebrero.

 

 

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinaka-ideal na lugar ang Manila Zoo na vaccination site dahil sa marami itong ‘open spaces’. Matapos na mabakunahan, maaa­ring mamasyal ang mga lolo at lola at kanilang apo sa zoo.

 

 

“So we thought, dahil sa nagre-request na mga tao sa Manila Zoo, at least magkaroon sila ng sneak peek. At marami naman na ang mapapasyalan dito – open air, maaliwalas. Double purpose pa, maipapasyal nila ang kanilang apo o ‘yung mga lolo at lola,” saad ni Moreno.

 

 

Samantala, maaari ring magpabakuna ang mga kabataang nasa edad 12-17 taong gulang sa Manila Zoo at makapamasyal na rin pagkatapos. Bubuksan ito ni Moreno sa mga residente at maging sa hindi residente ng Maynila.

 

 

Para matiyak na matutupad ang ‘physical distancing’ at iba pang ‘health protocols’, lilimitahan lamang sa 500 hanggang 1,000 indibidwal ang babakunahan sa Manila Zoo kada araw. (Gene Adsuara)

17-ANYOS NA DALAGITA NIREYP NG KAINUMAN

Posted on: January 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 17-anyos na dalagitang estudyante matapos samantalahin ang pagkalasing nito at halayin ng 29-anyos na may-ari ng isang computer shop sa bahay ng suspek sa Navotas City.

 

 

Nadakip naman kaagad nina P/SSgt. Reyjie Gruta at P/Cpl Clifford Lumelay, nakatalaga sa Sub-Station 4 ng Navotas Police ang suspek na si Edmar Santilices sa kanyang tirahan sa 417 Medina St Brgy. NBBN makaraang magreklamo ang 62-anyos na lola ng Grade 12 na biktima na itinago sa pangalang “Alyana”.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, nagpaunlak ang biktima sa imbitasyon ng suspek na itinuturing niyang ka-tropa noong Biyernes ng gabi, kasama ang iba pa niyang mga kabarkada.

 

 

Gayunman, nang makaubos ng tatlong bote ng alak, nakaramdam ng pagkahilo bunga ng kalasingan ang biktima kaya’t hinayaan muna siyang makapagpahinga sa isang silid ng bahay habang nagpatuloy sa pag-iinuman ang magbabarkada.

 

 

Dakong alas-6 ng umaga ng Sabado nang maramdaman na lamang ng biktima ang ginagawang panghahalay sa kanya ng suspek at kahit gusto niyang manlaban, wala siyang sapat na lakas na pigilan ang kapangahasan ng lalaki hanggang sa matagumpay na nailugso ng suspek ang pagkababae ng dalagita.

 

 

Matapos nito, isinumbong ng dalagita sa kanyang lola ang pangyayari na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong panggagahasa na may kaugnayan sa paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination. (Richard Mesa)

Ads January 18, 2022

Posted on: January 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments