• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

Red alerts sa Luzon grid, posible matapos ang May 9 polls- DOE

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na itaas ang red alerts sa Luzon power grid, na maging dahilan ng rotational power interruptions, sa susunod na dalawang linggo kasunod ng May 9, 2022 elections.

 

 

Sa virtual press briefing, sinabi ni DOE Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, “considering historical data on forced or unplanned power plant outages”, ang pagtaas sa red alert ay posible sa mga linggo ng May 16 at May 23, matapos ang elections period.

 

 

“We can show you that there are no potential yellow alerts or red alerts for the entire year. However, in consideration of historical events, forced or unscheduled plant outages happen. In our assessment, we used the average data in the last three years,” ayon kay Marasigan.

 

 

“We may raise a red alert after the elections, so that will not cover the day itself, particularly the week of May.  We’ll not have a problem with that. But immediately the week after that, we may have a red and yellow alert. So with that, we have potential two red alerts and four yellow alerts for the entire year,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang red alert status ay ipinalalabas kapag ang supplies ay hindi sapat para ma- meet ang consumer demand at regulating requirement ng transmission grid.

 

 

Sa ilalim nng red alert, ang grid operator ng National Grid Corporation of the Philippines ay maaaring magpatupad ng manual load dropping o rotating brownouts para mapanatili ang grid’s integrity.

 

 

Ang yellow alert, sa kabilang dako, ay ipinalalabas kapag ang excess power ay hindi sapat para ma-meet ang regulating at contingency requirement ng transmission grid, na sinasabing 495 megawatts (MW) at 647MW, “respectively.”

 

 

Sa kabila ng posibleng rotating brownouts, sinabi ni Marasigan na naghahanda na ang DOE ng solusyon na tutugon sa sinasabing potential untoward power situation.

 

 

Aniya pa, “the Luzon grid can tap the GN Power Dinginin 2 power plant’s 400 MW capacity which can be plugged into the power system during its testing and commissioning by April.”

 

 

Ang isa pang solusyon ay ang bagong SMC Mariveles Coal-Fired Power Plant, na inaasahan na makapagdaragdag ng 100-MW ng lakas sa grid.

 

 

“Another solution that we are seeing is the optimization of the Luzon-Visayas Interconnection, where up to 350 MW can be available. But of course, it would still depend on how the market develops,” ang pahayag ni Marasigan.

 

 

Para sa Visayas, sinabi ni Marasigan na maaaring itaas ang yellow alerts sa grid dahil sa 112MW ng potential forced outages.

 

 

Gayunpaman, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng availability ng high-voltage, direct current (HVDC) electric power transmission system.

 

 

Samantala, sinabi ni Marasigan, na ang Mindanao ay mayroong “most reliable grid” dahil sa mayroon itong kapasidad na punan ang potential 90-MW of forced outages.

 

 

Nauna rito, tiniyak ng DOE sa publiko na walang “inadvertent power issues” sa panahon ng dry season na nagkataon naman sa nakapaloob sa May 9, 2022 elections period.

 

 

Nagbabala naman ang NGCP ng manipis na operating margins mula Abril hanggang Hunyo na kinabibilangan ng critical election period, bunsod ng inaasahang pagtaas ng demand. (Daris Jose)

Kumpanya ni Manny Villar nakakuha ng ABS-CBN frequencies-NTC

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG kumpanya na nag-uugnay kay dating senador at bilyonaryo na si Manny Villar ang nakakuha ng suporta ng pamahalaan na pumasok sa television market gamit ang frequency na dating naka-assigned sa ABS-CBN.

 

 

Tila ito ay muling pagbuhay sa aplikasyon ng kumpanya na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na inihain noong Oktubre 2006, Ang AMBS ang nakakuha ng provisional authority para mag-operate ng digital television broadcasting system sa Kalakhang Maynila at Mega Manila gamit ang Channel 16 —mahigit dalawang taon matapos na matalo ang ABS-CBN na maisulong ang kanilang franchise renewal.

 

 

Nakatanggap ang AMBS ng 25-year franchise para mag- operate ng TV service noong 2019.

 

 

Ang kopya ng kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ay ipinalabas sa mga mamamahayag , Martes ng gabi na nagpapakita na ang regulator ay nakakuha ng legal opinion ng Department of Justice.

 

 

Sinabi rin ng NTC na ang Office of the President-Office of the Executive Secretary “interposed no objection for the NTC to proceed with the issuance of CPCNs/PAs and to assign vacated and available frequencies to qualified entities.”

 

 

“AMBS was granted the PA after the determination of its legal, technical, and financial qualification,” ayon sa hiwalay na kalatas ng NTC.

 

 

Sinabi pa rin ng regulator na ang analog TV Channel 2 ay pansamantalang in- assigned sa AMBS.

 

 

“This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shutoff scheduled in 2023,” anito.

 

 

“The temporary assignment was granted to ensure service to both analog and digital TV signal users as the country transitions to full digital TV,” dagdag na pahayag ng NTC. (Daris Jose)

Ads January 27, 2022

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sa kanyang reckless tweet: Mayor ISKO, pinakiusapan ng beteranong aktor na si JAIME na umatras na sa laban

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang collaboration ng award-winning director na si Joselito ‘Jay’ Altarejos at ang model-turned-producer Marc Cubales sa Finding Daddy Blake, maiden offering ng MC Productions. Direk Jay described Finding Daddy Blake as a BL film pero may kakaibang twist. Ayaw niya magbigay ng detalye. Basta ang pangako niya ay entertaining ang pelikula.

 

 

Ang kwento ay tungkol sa dalawang teenage boys – si Elijah at isang batang social media personality, Marky na nagkita para hanapin si Daddy Blake, isang predatory person sa internet.  Habang nagpapaplano, na-in love sila sa isa’t-isa. Pero ang pag-ibig na ito ay mababahiran ng trahedya nang makilala nila face-to-face si Daddy Blake.

 

 

Si Direk Jay ang nagsulat ng script ng Finding Daddy Blake at nagpapasalamat siya kay Marc dahil nag-agree ito na iprodyus pelikula. Mabilis lang ang usapan at agad silang nagkasundo na simulan ang shoot sa February 13.

 

 

Kabilang sa mga artista na nais nilang i-cast ay sina Carlos Dala (bida sa 1-2-3 Gasping for Air na dinirek ni Carlo Obispo), Gold Azeron (lead actor ng Metamorphosis), Rita Avila at si Dexter Doria, na winner ng three best supporting actress awards for Direk Jay’s small movie Memories of Forgetting.

 

 

Sabi pa ni Direk Jay, hind raw ito isang usual na BL film na alam natin kung ini-level up pa niya.

 

 

Love story raw ito pero very entertaining. At dahil BL movie, may nudity at sex pero importante naman daw ito at kailangan sa kwento.

 

 

“Ang pinakamahirap na parte in being a director is asking your actor to strip before the camera. Paano mo ‘yun sasabihin sa artista mo?    “So if you are going to accept a movie where nudity or baring is needed, dapat sa umpisa pa lang handa ka na. You know what you are going into and what is expected of you. Kung hindi mo kaya maghubad, huwag mo na lang tanggapin ang movie being offered you,” paliwanag ni Direk Jay.

 

 

Marc, who will also act in the film, said he is willing to bare in front of the camera. Okey din sa kanya ang butt exposure, if needed. He is likewise excited in producing his first BL movie in cooperation with Direk Jay’s 2076 Kolektib production outfit.

 

 

***

 

 

MAY nabasa kaming tweet ng aktor na si Jaime Febregas which was reposted.

 

 

Unang lumabas ang tweet noong October 10, 2021.

 

 

Sabi ni Sir Jaime sa kanyang twitter account na @fabre_jaime: “Isko, nakikiusap ako! Umatras ka na sa laban. Ang trabaho ng isang president ay higit pa sa pagpintura ng Lagusnilad at mag-iilaw ng park.”

 

 

Binanggit namin ito sa isang writer friend na may contact sa office ni Vice President Leni Robredo, and asked her to verify kung totoo ang tweet na ito ni Sir Jaime.

 

 

Binalikan niya kami to confirm na totoo ang nasabing tweet.

 

 

Medyo reckless naman po yata ang tweet ni Sir Jaime. Marami naman pong nagawa si Mayor Isko sa Maynila, hindi lang pagpipintura ng Lagusnilad at pag-iilaw ng park.

 

 

Maganda ang response ng Maynila sa pandemic problem. Marami rin si Isko na project para sa Manila residents tulad ng pabahay at schools.

 

 

Siguro nga ay kulang lang sa information si Sir Jaime sa mga accomplishments ni Mayor Isko sa Maynila.

 

 

Anyway, sa aming palagay, pwede mo naman iangat ang kandidato na sinusuportahan mo without maligning the other candidates. Pero siyempre not all people follow this dictum.

(RICKY CALDERON)

Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.

 

 

Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan para kaayushan at naniniwala ito sa integridad ni Ramirez.

 

 

Dagdag pa nito na tila ginagamit ng PATAFA ang pag-aayos para patahimikin siya.

 

 

Iginiit nito na dahil sa mga akusasyon sa kaniya ng PATAFA ay nawala na ito ng tiwala sa nasabing asosasyon.

 

 

Magugunitang inakusahan ng PATAFA si Obiena na nameke ng mga pirma ng kaniang liquidation sa mga dokumento ng pasahod sa kaniyang dayuhan na coach.

“SCREAM” RATED R-16 WITHOUT CUTS, HOLDS SNEAKS ON FEB 1st

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MANILA, January 25, 2022 — Paramount Pictures has just announced that its US No.1 box-office hit Scream will hold special sneak previews in selected cinemas nationwide on Tuesday, February 1st.  
Horror fans are advised to check with their favorite theaters for the screening hours and ticket prices.

 

 

[Watch the sneaks announcement video at https://youtu.be/rnUeWdf3T6I]

 

 

Scream, which opens wide in Philippine cinemas on February 2, has been rated R-16 Without Cuts by the Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB).  Fans are guaranteed to see the film in its integral, original version, complete with all the “strong language, gore, and graphic depiction of murders.”  As Ben Travis of Empire Magazine writes, “In an era of elevated horror, it’s a gloriously gory basement party.”

 

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/8Eb7FWPnvXo]

 

 

About Scream

 

 

Twenty-five years after a streak of brutal murders shocked the quiet town of Woodsboro, a new killer has donned the Ghostface mask and begins targeting a group of teenagers to resurrect secrets from the town’s deadly past. Neve Campbell (“Sidney Prescott”), Courteney Cox (“Gale Weathers”) and David Arquette (“Dewey Riley”) return to their iconic roles in “Scream” alongside Melissa Barrera, Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jack Quaid, Marley Shelton, Jasmin Savoy Brown, and Sonia Ammar.

 

 

Scream is directed by Matt Bettinelli-Olpin & Tyler Gillett of the filmmaking group Radio Silence (Ready or NotV/H/S).  The film is written by James Vanderbilt & Guy Busick, based on the characters created by Kevin Williamson.

 

 

Scream is a long-running genre-busting horror franchise which generated four feature films including Scream (1996), Scream 2 (1997), Scream 3 (2000) and Scream 4 (2011). Directed by famed “maestro of horror,” the late Wes Craven, the films went on to gross more than $600 million in worldwide box office receipts.  Williamson wrote the original film as well as Scream 2 and Scream 4.

 

 

In Philippine cinemas February 2, Scream is distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #ScreamMovie and tag paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng cleaning operation sa mga daluyan ng tubig

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Humigit kumulang 150 sako ng mga lumulutang na basura ang nakolekta sa ginanap na maliitang cleaning operation sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay sa Brgy. Tawiran, Obando, Bulacan noong Biyernes, Enero 21, 2022.

 

 

Nilinis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) at sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Obando ang mga basura na nagmula sa ibang lugar at tinangay ng daloy ng tubig sa Obando.

 

 

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno para sa kalikasan, sa paggawa ng kanilang bahagi upang panatilihin ang kalinisan ng lalawigan ngunit idiniin niya na bawat isang tao ay may responsibilidad sa pangangalaga sa inang kalikasan.

 

 

“Napakalaki ang ginagampanang tungkulin ng bawat indibidwal sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Mahalaga na sa ating sarili at sa ating mga tahanan magsimula ang disiplina sa paglalagay ng basura sa tamang tapunan. Kung mangyayari ito, aabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang mga pamana ng ating mga likas na yaman,” anang gobernador.

 

 

Ang clean-up drive ay bahagi ng pagtupad sa 10-point agenda ni Fernando o ang “People’s Agenda 10” na kabilang ang Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Panahon na lang ang makasasagot kung magkakatotoo: CLAUDINE at MARK ANTHONY, bukas na bukas sa pagkakaroon muli ng relasyon

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULI ngang nagkasama sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa drama-suspense movie na Deception na streaming na ngayong January 28 sa Vivamax.

 

 

Sa virtual mediacon, natanong nga sina Mark at Clau, since pareho naman silang single ngayon, posible kayang magkabalikan at maging sila pa rin hanggang huli.

 

 

Say ni Claudine, maghihintay lang siya at parang hinahamon si Mark sa gagawing move nito, kaya hindi niya sinasara ang posibilidad.

 

 

Nagsalita naman si Mark na kapag hindi pa sila nagkabalikan ni Claudine sa mga susunod na taon, baka hindi na talaga magkaroon uli sila ng relasyon at maging magkaibigan na lang.

 

 

Teenager pa sila ng magkarelasyon at ngayon nga ay pareho na silang 42 years old at matured enough para muling pumasok sa isa pang relasyon.

 

 

“Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami,” say ni Mark.

 

 

“Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa.”

 

 

Sakaling magkatuluyan nga ang mga bida ng Deception, dapat lang daw na maging ninong ang producer ng movie na si Atty. Ferdinand Topacio.

 

 

Anyway, alamin ang mga katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa upcoming Vivamax Original Movie mula kay Joel Lamangan.

 

 

Ang Deception ay kwento ito nina Rose (Claudine) isang sikat na aktres, at ni Jericho (Mark Anthony) isang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal.

 

 

Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Kung titignan, isa na itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira.

 

 

Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo nang walang magulang.

 

 

Sa pagkalaya ni Rose sa bilangguan, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak na ngayon ay isa ng binatilyo.

 

 

Pero sa pagbabagong hangad ni Rose ay babalik ang sakit ng nakaraan at malalantad ang mga kasinungalinang nangyari noon. Malalaman din niya ang puno’t dulo ng pagkasira ng halos perpekto niyang buhay.

 

 

Ang Deception ay reunion project nina Claudine at Mark na dating magkasintahan at love team noong ‘90s. 25 years na ang nakalipas mula ng kanilang huling pelikula, at sa kanilang mga interviews, wala silang ibang naramdaman kundi kasiyahan na magkatrabaho muli.

 

 

Mula sa Viva Films at Borracho Film Production, ang Deception ay mapapanood exclusive, simula ngayong January 28 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

 

 

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app.

 

 

Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days!

 

 

At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Ads January 26, 2022

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DOTr: Mga sirang elevators at escalators sa LRT 2, Ok na

Posted on: January 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INULAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na umaandar na ang mga sirang elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) matapos na makita na isang disabled na pasahero ang umaakyat sa hagdanan habang dala-dala ng dalawang (2) security personnel ang wheelchair nito.

 

 

 

Agad umaksyon si Tugade at inutusan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na ayusin ang mga nasabing sirang elevators at escalators.

 

 

 

Sa kasalukuyan, mayron 34 na elevators at 26 na escalators sa mga estasyon ng LRT 2 ang tumatkbo at umaandar na.

 

 

 

“Last November, I ordered the LRTA, operator of LRT 2 to prioritize the repairs of the defective elevators and escalators to help commuters, especially the elderly, pregnant women, and persons with disabilities. The LRTA commits to work around the clock to repair the remaining non-operational escalators and elevators,” wika ni Tugade.

 

 

 

Ang bagong lagay na LRTA administrator Jeremy Regino ay nagpatawag naman ng isang pagpupulong upang ang mga natitirang sirang elevators at escalators ay maging operational sa lalong madaling panahon.

 

 

 

Isa sa mga options na puwedeng gawin ay ang magkaron ng emergency procurement para sa mga kailangan bahagi at ilagay ang existing na maintenance provider ng LRT 2 upang sila ang gumawa ng pagaayos.

 

 

 

Noong nakaraang December, ang LRTA ay naghain ng complaints sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyales at mga private contractors na sinasabing sangkot sa isang maanomalyang pagbili ng mga equipment para sa nasabing rail line na nagkakahalaga ng P170.3 million

 

 

 

Kasama sa complaint ang P138 million na kontrata na ibinigay sa Ma-An Construction Inc. at IFE Elevators Inc. para sa supply, delivery, installation at commissioning ng conveyance system ng LRT 2. Pinagutos na ni Tugade na ilagay sa mga listahan ng mga blacklisted na suppliers ang nasabing kumpanya.

 

 

 

Ang LRT 2 ay may 13 estasyon simula Recto sa Manila hanggang Masinag, Antipolo na may habang 17.69 na kilometro.

 

 

 

Samantala, nawalan ng operasyon ang LRT line 1 noong nakaraang Linggo dahil sa ginawang testing para sa bagong signaling system. Ayon sa Light Rail Manila Corp (LRMC) na siyang operator ng LRT line1, na kanilang ina-upgrade ang LRT-1’ signaling system upang magtugma sa bagong train sets na tinatawag na fourth generation train sets.

 

 

 

Magkakaron ulit ng suspension ng operasyon sa Jan. 30 upang gawing muli ang testing at nang making kumpleto na ang testing sa bagong signaling system na siyang gagamitin upang mag direct ng traffic sa railway.

 

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ang siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.  LASACMAR