HINDI na kailangang magpakita pa sa alinmang sangay ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na nasa bansa para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).
Ang Acop ay requirement ng SSS para ma- update ang rekord ng mga pensionado para sa pagtanggap ng kanilang pension kada taon.
Nilinaw naman ng SSS na kung ang pensioners ay nasa abroad, kailangan itong magpakita sa SSS sa pamamagitan ng video conferencing o magsumite ng requirements sa pamamagitan ng email .
Ganito rin ang gagawin ng mga disability persioner at survivorship pensioner.
Itinakda naman ng SSS ang deadline ng pagfile ng ACOP hanggang Marso 31 ngayong taon.
Na-extend naman ng SSS hanggang sa buwan ng Mayo ang loan condonation para sa mga miyembrong may na expired na short-term housing loan.
Ayon sa SSS, kailangang samantalahin na ng mga miyembro ang condonation para matanggal ang penalty ng utang.