• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2022

IATF, inaprubahan ang amended guidelines para sa Alert Level 1

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng  Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo, Pebrero  27, 2022, ang inamiyendahang guidelines sa Nationwide Implementation ng Alert Level System for COVID-19 Response.

 

 

Ilan sa mga  protocols na kailangang i-observe sa ilalim ng Alert Level 1 ay:

 

 

“Well-fitted face masks shall be worn properly at all times, whether outdoors or in indoor private or public establishments, including in public transportation by land, air or sea, except when eating and drinking, participating in team and individual sports in venues where ventilation standards can be maintained, and practicing outdoor sports/exercise activities where physical distance can be maintained.” ayon kay acting Presidential spokesperson Karlo Nograles.

 

 

Ang lahat ng private offices at  workplaces, kabilang na ang public at private construction sites, ay maaaring mag- operate ng 100% capacity, consistent sa national issuances pagdating sa vaccination requirements para sa mga on-site work.

 

 

Gayunman, maaaring ipagpatuloy ng mga Ito na mag- provide ng flexible at alternative work arrangements “as deemed appropriate based on function or individual risk.”

 

 

Ang mga agencies at instrumentalities ng pamahalaan ay kailangan na sumunod sa 100% on-site workforce.

 

 

Ang mga Off-site work ay kailangan na nasa ilalim ng work arrangements “subject to relevant rules and regulations” na ipinalabas ng  Civil Service Commission at Office of the President.

 

 

Sa kabilang dako, ang  public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng  Alert Level 1 ay kailangan na nasa “full seating capacity.”

 

 

Para naman sa  intrazonal at interzonal travels na may kinalaman sa  public land transportation sa pagitan ng  “an area with a higher alert level classification and an area under Alert Level 1, the passenger capacity shall be that which has the lower passenger capacity rate between the point of origin and point of destination. For aviation, maritime and rail public transport operating in and out of Alert Levels 1 areas, the passenger capacity will be at 100%. The use of acrylic and/or plastic dividers in public transportation shall not be required. The use of the Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) travel management system shall likewise not be required for interzonal travel to areas under Alert Level 1.”

 

 

Hinggil naman sa contact tracing, ang paggamit ng  health declaration forms / paper-based contact tracing ay hindi dapat na irequire para sa lahat ng  agencies at establishments sa ilalim ng  Alert Level 1.

 

 

Sa kabilang dako, ang paggamit ng  digital contact tracing gaya ng  StaySafe.PH application ay optional para sa lahat ng mga ahensiya at establisimyento..

 

 

Hinggil naman sa  testing prioritization, ang testing protocols ay kailangan na maipatupad, , consistent sa national guidelines, para sa mga inbiduwal  na hindi mga bakunado o mayroong mataas na  exposure risk alinsunod sa IATF Resolution No. 148-B at No. 149, s. 2021.

 

 

” Addition, testing using RT-PCR shall be recommended and prioritized for: Priority Groups A2 (persons above 60 years old) and A3 (persons with comorbidities) and Priority Group A1 or healthcare workers. Testing shall be optional for other groups not stated above. It shall not be recommended for asymptomatic close contacts unless symptoms will develop, and should immediately isolate regardless of test results. Instead, symptom monitoring is recommended. Should testing still be used, testing should be done at least 5 days from the day of last exposure.  Testing shall also not be recommended for screening asymptomatic individuals. Meanwhile, testing using antigen tests shall be recommended only for symptomatic individuals and in instances wherein RT-PCR is not available, consistent with previously issued guidelines.

 

 

Ang  Hospital Infection Prevention and Control Committees (HIPCC) ay maaaring magpatupad ng testing protocols sa mga  health facilities, health workers at pasyente base sa kanilang   assessment ng ” risk and benefit.”

 

 

Ukol naman sa  isolation at quarantine, ang updated quarantine protocols para sa incoming international travelers “shall be consistent with IATF Resolution No. 160 A/B, and updated isolation and quarantine protocols for general public & healthcare workers and authorized sectors shall be consistent with DOH Dept Memo No. 2022-0013.”

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga establisimyento ay hindi na required na magtayo ng  isolation facilities sa loob ng workplace.

 

 

Hinggil naman sa ” treatment, close contacts, asymptomatic confirmed cases at mild to moderate confirmed cases ay puwede ng i-managed sa primary care level, gaya ng health centers, private clinics sa pamamagitan ng face to face o teleconsultation, habang ang confirmed cases na nay severe at critical symptoms ay dapat na i-manage sa appropriate health care facility.

 

 

“In the case of reintegration, isolation can be discontinued upon completion of the recommended isolation period, provided that they do not have fever for at least 24 hours without the use of any antipyretic medications, and shall have improvement of respiratory signs and symptoms,” ayon kay Nograles.

 

 

“For the purpose of claiming sick leave, health benefits or other relevant processes wherein the proofs of COVID-19 management are necessary, a medical certification may suffice provided it should include the following minimum information: name of patient, severity of symptoms, diagnosis as probable or confirmed COVID-19, and date of end of quarantine and/or isolation period,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, ang mga indibidwal na 18 taong gulang at pataas ay  required na magpakita ng  proof of full vaccination bago magpartisipa sa  mass gatherings o makapasok sa  indoor establishments, gaya ng subalit hindi naman limitado:

 

  1. In-person religious gatherings; gatherings for necrological services, wakes, inurnment and funerals for those who died of causes other than COVID-19 and for the cremains of the COVID-19 deceased;
  2. All indoor dine-in services of food preparation establishments such as kiosks, commissaries, restaurants and eateries. For outdoor or al fresco dining and take out channels, no proof of full vaccination is required;
  3. All indoor personal care establishments such as barbershops, hair spas, hair salons, and nail spas, and those offering aesthetic/cosmetic services or procedures, make-up services, salons, spas, reflexology and other similar procedures including home service options;
  4. Fitness studios, gyms and venues for exercise and sports;
  5. All indoor cinemas or movie houses operating at full capacity;
  6. Meetings, incentives, conferences, exhibition events and permitted venues for social events such as parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut and birthday parties, family reunions, and bridal or baby showers ;
  7. Venues with live voice or wind-instrument performers and audiences such as in karaoke bars, clubs, concert halls and theaters;
  8. Indoor ancillary establishments in hotels and other accommodation establishments; and
  9. Venues for election-related events.

 

 

Ang Proof of full vaccination ay  required bago makapasok sa ” list of establishments” na  identified sa ilalim ng  “principles of 3C’s strategy” laban sa COVID-19.

 

 

Ang mga kabataan na may edad na 17 at pababa ay hindi na required na magpakita ng proof of vaccination status. (Daris Jose)

Ads March 1, 2022

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Spurs sunog sa Heat

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs.

 

 

Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37).

 

 

May 27 points din si Jimmy Butler sa loob ng 30 minutong paglalaro para sa Heat at hindi na ginamit ni Fil-Am head coach Erik Spoelstra sa fourth period.

 

 

Umiskor si Devin Vassell ng career-high 22 points sa panig ng Spurs habang may tig-22 markers sina Keita Bates-Diop at Lonnie Walker IV.

 

 

Sa Chicago, naghulog si Ja Morant ng franchise-record 46 points sa 116-110 pagdakma ng Memphis Grizzlies (42-20) sa Bulls (39-22).

 

 

Sa Denver, isinalpak ni Monte Morris ang tiebreaking triple sa huling 28 segundo at kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 18 points, 11 assists at 10 rebounds sa 115-110 panalo ng Nuggets (35-25) sa Sacramento Kings (22-40).

 

 

Sa Milwaukee, humataw si Kyrie Irving ng season-high 38 points sa 126-123 pagtakas ng Brooklyn Nets (32-29) sa nagdedepensang Bucks (36-25).

 

 

Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 127-100; at tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Washington Wizards, 92-86.

POC, muling tiniyak na isasabak ng PH si EJ Obiena sa SEAG at Asiad kahit ayaw ng Patafa

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING tiniyak ngayon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino ang kanilang pag-iendorso sa kontrobersiyal na Pinoy Olympian at pole-vaulter EJ na Obiena na isasama nila ito sa nalalapit na Hanoi Southeast Asian Games (SEAG).

 

 

Ito ay sa kabila na initsapuwera na ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) si Obiena na kumatawan sa Pilipinas sa mga international competitions.

 

 

Ang SEA Games ay nakatakdang ganapin sa May 12 hanggang May 23 nitong taon kung saan ang Pilipinas ang defending champion.

 

 

Naniniwala naman si Tolentino na kung pagbabatayan ang mga performance ni Obiena ay sigurado na ang pagsungkit nito ng gold medal sa Vietnam Games at sa Hangzhou Asian Games na gaganapin naman sa buwan ng Setyembre.

 

 

Kung ipapaalala si EJ ang may hawak ng SEAG record na 5.45 meters at ang Asian record na 5.93 meters.

P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN  kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang kahili­ngan upang maibsan ang kanilang matagal nang pagdurusa.

 

 

“Kami naman po’y natutuwa na nakakapag-serbisyo kami ng kapwa nating Pilipino. Pero sana naman po, ‘yung ating pamahalaan, ‘wag kaming panoorin nang panoorin sa aming paghihirap na dinaranas namin. Umaksyon naman kaagad sila,” aniya pa.

 

 

Sinabi ni Rebaño na nakatakdang magdaos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pagdinig hinggil sa apela nilang ?5 dagdag sa pasahe sa Marso 8.

 

 

Sa petisyong ito, ang adjustment kada kilometro na lampas sa apat na kilometro ay nasa ?1.50.

 

 

Pahayag pa ni Rebaño, magiging malaking tulong sa kanila kung maaaprubahan ang naturang petisyon.

 

 

Kumpiyansa naman si Rebaño na makatutulong din sa kanila kung mailalagay na nga ang bansa sa Alert Level 1 ngayong Marso, mula sa kasalukuyang Alert Level 2.

 

 

Nakatakdang magpatupad muli ang mga oil company ng panibagong pagtaas sa ­presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.  Ito na ang ikasiyam na sunod na linggong may oil price hike.

Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.

 

 

Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng LInggo.

 

 

Sa tanong kung ano ang kanilang gagawin kung halimbawa ay hindi gagana ang multilateralism approach sa West Philippine Sea (WPS), binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan para sa “credible defense” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines.

 

 

“Iyong military, popondohan ang Armed Forces of the Philippines para magkaroon tayo ng credible defense. ‘Di man mapantayan ang lakas ng ibang bansa, may ilalaban katulad noong sa Ukraine,” ayon kay Robredo.

 

 

Sinabi naman ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na maliban sa armas para depensahan ang isang karapatan, kailangan ng bansa na maging bigilante ang mga Filipino laban sa mga mananalakay.

 

 

“Nakikita natin na nag-slow down bigla ang pasok ng Russia because of the tenacity …of the people of Ukraine to stand up and fight,” ayon kay Gonzales.

 

 

“Dito sa atin, iyan ang dapat nating inuuna bago tayo humanap ng tulong sa mga kapitbahay at ibang bansa. Palakasin muna natin ang character at quality ng ating sambayanan. Kaya I was advocating national mobilization,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, itinutulak naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapatuloy ng dayalogo sa China ukol sa nasabing sea dispute.

 

 

“Napakahirap ng sitwasyon kung saan madali tayo susuko. Maraming bagay kung pinagpursigihan lang natin. As long as we continue to insist on things legally, in a peaceful manner, and fair,” ayon kay Moreno.

 

 

Sinabi naman ni Robredo, sa Unang Araw niya sa pagka-pangulo kung palalarin ay palalakasin niya ang diplomatic relations sa mga foreign nations.

 

 

“Papalakasin natin iyong instrument of national power, meaning diplomacy, papalakasin ang pagkikipagugnayan sa ating mga allies na pareho ng paniniwala sa atin para may kakampi tayo just in case may aggression,” ayon kay Robredo.

 

 

“Dapat tayo ang manguna sa national consensus,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “The Philippines should also work toward being economically resilient “so that we are not caught up in predatory practices of foreign powers.” (Daris Jose)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 43) Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGISING si Bernard na si Regine at hindi si Angela ang katabi niya sa kanilang kama. Nagulat siya nang makitang pareho silang naked.

 

Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

 

Nabigla si Bernard. Ngunit mas higit na nabigla si Bela.

 

“D-Dad?”

 

Namutla si Bernard. Hindi niya alam kung paano ang magiging reaksyon sa ganoong sitwasyon.

 

“Bela, it’s not what you think!”

 

Sa halip na talikuran ang senaryo ay dali-daling nilapitan ni Bela si Regine at niyugyog ito.

 

“Gumising ka! Gumising ka!”

 

“What?” pupungas pungas na sabi ng babae.

 

“Magbihis ka! Magbihis ka, dalian mo!” gigil na sabi ng dalaga.

 

Natataranta namang nagbihis si Regine. Gayundin si Bernard. Nang makapagbihis na ang mga ito at nakarinig ng papalapit na yabag si Bela mula sa labas ng kuwarto ay dali-dali niyang binuksan ang cr sa kuwarto at itinulak papasok doon si Regine.

 

Bumungad sa pintuan si Angela.

 

“Sweetheart, Bela, nakatulog ako sa kuwarto mo anak.”

 

“S-sweetheart, I’m sorry hindi kita nailipat dito sa room natin, nalasing kasi ako…”

 

Lumapit si Angela kay Bernard.

 

“It’s okay. Pareho naman tayong nalasing. I’m sorry din. Alam mo namang hindi ako umiinom, kaya lang mapilit si Regine.”

 

Niyakap ni Bernard ang asawa habang ang mga mata ay nakatingin kay Bela na puno ng pangamba.

 

“Mom, dad, pwede po ba akong maglambing sa inyo?”

 

“Oo naman Bela, anak!” mabilis na tugon ni Angela.

 

“Gusto ko po sanang magbreakfast ng kahit na anong luto ni mommy, samahan mo siya dad please?”

 

“Of course, it’s a good idea, tayo na sa kitchen sweetheart, tutulungan kitang magprepare ng breakfast para kay Bela!” sang-ayon ni Bernard na hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib.

 

Nang makalabas ng silid ang dalawa ay binalikan ni Bela si Regine sa loob ng cr na naninigarilyo.

 

“Anong ginagawa mo sa pamilya ko?”

 

“Don’t be manhid Bela. May relasyon kami ng daddy mo kaya natural lang na gawin namin ang ginagawa ng mga nagmamahalan, right?”

 

“Hindi ako naniniwala sa’yo. Mahal na mahal ni daddy si mommy!”

 

“Ows? Kung gano’n bakit pa siya nakikipagrelasyon sa akin kung totoo ‘yang sinasabi mo?”

 

Tumalsik ang sigarilyo na nasa bibig ni Regine nang malakas na mag-asawang sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi niya mula sa kamay ni Bela. Nabigla ang babae at nasapo ang pisngi.

 

“Umalis ka sa buhay namin kung ayaw mong mamanhid hindi lang ang pisngi mo!” nagpupuyos ang kaloobang ani Bela. “ Sa susunod na makita kita sa tabi ng daddy ko, sisiguraduhin ko na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, kaya huwag mo akong susubukan!” gigil sa galit na sabi ng dalaga.

 

Hindi makahuma si Regine. Hindi niya akalain na ang maamong mukha ng dalaga ay may ikinukubling tapang.

 

“Umalis ka na, sa likod ka dumaan, bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan kong ikaw ang ina ng kaibigan kong si Janine.”

 

“Okay fine, aalis ako.” kunot noong ani Regine.

 

Bago ito tuluyang makalabas ng cr ay may pahabol na salita pa si Bela.

 

“Ito ang tandaan mo, hindi mo magagawang saktan si mommy. Bago mo masira ang pamilya ko, dadaan ka muna sa akin at sisiguraduhin ko na ikaw ang unang unang masisira.” mariin na sabi ng dalaga.

 

Tuluyan nang lumabas ng cr si Regine at sa likod nga ito dumaan tulad ng sinabi ni Bela.

 

Habang sakay ng taxi pauwi ay nagngingitngit ang kalooban nito.

 

“Hayup na batang ‘yon, sana hindi na lang siya natagpuan!” bulong niya sa sarili. “Kung hindi siya nakialam, tagumpay na sana ang plano ko na makita kami ni Angela sa ganoong sitwasyon. Siguradong maghihiwalay sila at hindi magtatagal ay babalik na sa akin si Bernard…peste talaga ang Bela na ‘yon!”

 

Hindi komportable si Bernard habang nag-aalmusal sila.

 

“Sweetheart, ituloy na natin ‘yung plano nating pagpapa-renovate ng bahay natin sa Villa Luna. Gusto ko nang makabalik doon sa dream house natin. Tutal ay pumayag na si Lola Corazon na mamamalagi siya roon kasama natin. Tulad ng dati, bibisitahin na lang ulit niya itong bahay niya paminsan minsan.” si Angela.

 

“S-sige. Paano yung restaurant?” tanong ni Bernard.

 

“May sasakyan naman tayo kaya hindi naman ako mahihirapan na pumasok pa rin doon kahit 3 to 4x a week.”

 

“What do you think Bela?” baling ni Angela sa anak.

 

“Okay po mom. Gusto ko rin po ulit na makabalik tayo sa dati nating bahay.”

 

Matapos mag-almusal ay nilapitan ni Bernard si Bela nang makita niya itong nagdidilig ng halaman.

 

“Anak…I’m sorry…mali ang iniisip mo sa akin.”

 

Hindi kumibo si Bela.

 

“Nalasing ako kagabi at nang magising ako, nagulat ako na naroon si Regine sa kuwarto namin ng mommy mo…I’m sure, I’m very sure na walang nangyari sa amin. Kahit lasing ako tanda ko ang mga ginawa ko kagabi. Hindi ko iyon magagawa sa mommy mo.”

 

Huminga ng malalim si Bela bago nagsalita.

 

“I know dad…baka sinet-up lang ng kayo ng babaeng ‘yon. Sinabi ni mommy kanina na pinilit siya ni Regine na uminom. Kaya sa tingin ko plano na niya talaga ‘yon.”

 

Napayuko si Bernard sa kahihiyan sa anak.

 

“Dad, huwag ka pong mag-alala, hindi po ito malalaman ni mommy. Sobrang sakit na po ng pinagdaanan niya dati sa piling mo. Sobrang sakit din ng pinagdaanan niya noong mawala ako. Kaya ngayon, hindi ko hahayaan na masaktan ulit siya. Protektahan natin siya ng pagmamahal natin dad laban sa mga taong gustong sirain ang pamilya natin.”

 

Tumango si Bernard at niyakap ang anak.

 

“Pangako anak, pangako…”

 

Napangiti si Angela mula sa loob ng bahay nang matanaw na magkayakap ang mag-ama niya.

 

Samantala sa bahay ng mga Dominguez.

Nilapitan ni Manang Sonya si Jeff na kumakain ng lunch.

 

“Sir Jeff, nabalitaan ko na tatanggapin mo na raw ang trabaho sa companyo nyo, sa Sta.Rosa branch?”

 

“Gusto kong mapalapit kay Andrea manang kaya ko ‘yon tinanggap.”

 

“Mukha yatang nahulog na ng husto ang loob mo sa kanya.”

 

Ngiti ang itinugon ng binata.

 

“Mukha namang magkakasundo kayo ng mga magulang ni Andrea dahil sa pagkakaalam ko ay pareho ang mga magulang nyo na nasa real estate business.”

 

Hindi kumibo si Jeff.

 

Magkakasamang dinalaw nina Angela, Andrea at Bernard ang puntod ni Janine. Nagtirik sila ng kandila at nag-alay ng bulaklak at dasal.

 

“Janine,alam kong alam mo ang magandang nangyari sa buhay ko. Ikaw ang naging daan para mabuo kaming pamilya. At paulit –ulit ko yung aalalahanin sa isip ko. Pero patawarin mo sana ako kung nagawa ko mang saktan ang mama mo…sana maintindihan mo ako.” sa isip ni Bela.

 

Pinili ni Bela na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kaya pinaghahandaan na niya ito. High school lang kasi ang natapos niya. Gusto niyang ipagmalaki siya ng mga magulang balang araw kaya gagawin niya ang lahat para maiangat ang sarili para sa mga ito. Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni sa loob ng kanyang silid nang tumunog ang cellphone niya.

 

Si Jared ang nasa kabilang linya.

 

“Hello Jared, bakit?”

 

“Aayain sana kitang lumabas kung pwede.”

 

“Saan naman tayo pupunta?”

 

“Kahit saan mo gusto, sa mall?”

 

“Sige, pero sandali lang tayo ha. May gagawin pa kasi ako.”

 

“Yown! Okay thanks, daanan kita mamayang 4pm ha!”

 

Kakababa lang niya ng phone nang muli itong tumunog.

 

“Oo na Jared.” sagot agad niya nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. Akala niya kasi ay si Jared pa rin ito.

 

“Anong oo na Jared, si Jeff to!” banas na sagot ng nasa kabilang linya.

 

“Sir Jeff?”

 

“Lumabas  ka, nandito ako sa harap ng gate nyo.”

 

Kinakabahang hinawi ni Bela ang kurtina sa bintana ng room niya at nakita nga niya ang binata na nakaupo sa motor nito sa harap ng gate habang nakikipag-usap sa kanya sa cellphone.

 

(ITUTULOY)

Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

“Ie-encourage ‘yung onsite work [under Alert Level 1], ibig sabihin less na yung work from home, magiging optional na yung work from home,” ayon sa Kalhim.

 

 

Sinabi ni Lopez na inaasahan na ang pagpapalakas sa negosyo gaya ng mga tindahan at restaurants habang ang mga tao ay lalabas ng kanilang tahanan.

 

 

“Ang maganda dito kapag pumapasok na uli yung mga tao physically, nabubuhay yung mga restaurants at yung mga tindahan, yung mga stores, kasi nasa labas yung mga tao at wala na sa bahay,” anito.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa ay isinailalim na sa Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022.

 

 

“Under Alert Level 1, all establishments, persons, or activities are permitted to operate at 100% capacity. Vaccination requirement, however, will stay for indoor activities, ” ayon kay Lopez.

 

 

“Magbubukas ang ekonomiya but less ang restrictions,” ani Lopez.

 

 

Ang mga requirements para sa intrazonal at interzonal travels ay mababawasan na rin.

 

 

“Wala na yung requirement na RT-PCR [test], yung mga PNP clearance. Pero malaking bagay pa rin ‘yung vaccination card,” ayon kay Lopez. (Daris Jose)

CAST OF “THE BATMAN” GRACES RED CARPET OF SPECIAL SCREENING IN LONDON

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE stars of Warner Bros. Pictures’ new superhero epic adventure “The Batman” have taken to the red carpet as part of the celebrations at the film’s London special screening February 25.

 

Robert Pattinson who plays the dual role of Bruce Wayne / The Batman led the cast on the red carpet.  Joining him were Zoë Kravitz (who plays Selina Kyle), Paul Dano (The Riddler); Jeffrey Wright (Lt. James Gordon) and Andy Serkis (Alfred Pennyworth).

 

Check out the photos below taken from the red carpet and watch “The Batman” exclusively in Philippine cinemas March 2.

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/4T7J-U0lacY]

 

About “The Batman”

 

From Warner Bros. Pictures comes Matt Reeves’ “The Batman,” starring Robert Pattinson in the dual role of Gotham City’s vigilante detective and his alter ego, reclusive billionaire Bruce Wayne.

 

Two years of stalking the streets as the Batman (Robert Pattinson), striking fear into the hearts of criminals, has led Bruce Wayne deep into the shadows of Gotham City.  With only a few trusted allies—Alfred Pennyworth (Andy Serkis), Lt. James Gordon (Jeffrey Wright)—amongst the city’s corrupt network of officials and high-profile figures, the lone vigilante has established himself as the sole embodiment of vengeance amongst his fellow citizens.

 

When a killer targets Gotham’s elite with a series of sadistic machinations, a trail of cryptic clues sends the World’s Greatest Detective on an investigation into the underworld, where he encounters such characters as Selina Kyle/aka Catwoman (Zoë Kravitz), Oswald Cobblepot/aka the Penguin (Colin Farrell), Carmine Falcone (John Turturro), and Edward Nashton/aka the Riddler (Paul Dano).  As the evidence begins to lead closer to home and the scale of the perpetrator’s plans becomes clear, Batman must forge new relationships, unmask the culprit, and bring justice to the abuse of power and corruption that has long plagued Gotham City.

 

Starring alongside Robert Pattinson (“Tenet,” “The Lighthouse”) as Gotham’s famous and infamous cast of characters are Zoë Kravitz (“Big Little Lies,” “Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald”); Paul Dano (“Love & Mercy,” “12 Years a Slave”); Jeffrey Wright (“No Time to Die,” “Westworld”); John Turturro (the “Transformers” films, “The Plot Against America”); Peter Sarsgaard (“The Magnificent Seven,” “Interrogation”) as Gotham D.A. Gil Colson; Jayme Lawson (“Farewell Amor”) as mayoral candidate Bella Reál; with Andy Serkis (the “Planet of the Apes” films, “Black Panther”); and Colin Farrell (“The Gentlemen,” “Fantastic Beasts and Where to Find Them”).

 

Reeves (“The Planet of the Apes” franchise) directed from a screenplay by Reeves & Peter Craig, based on characters from DC.  Batman was created by Bob Kane with Bill Finger.

 

Warner Bros. Pictures Presents a 6th & Idaho/Dylan Clark Productions Production, a Matt Reeves Film, “The Batman.”  The film is set to open in Philippine theaters on March 2; it will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheBatman

 

 

(ROHN ROMULO)

NCR at 38 iba pang lugar inilagay na sa ilalim ng Alert Level 1 simula Marso 1

Posted on: March 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA  Marso 1, Martes ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region.

 

 

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang NCR simula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022.

 

 

Ang iba pang lugar sa Luzon na inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022 ay:

  • Abra, Apayao, Baguio City and Kalinga sa Cordillera Administrative Region;
  • Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I;
  • Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino sa Region II;
  • Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga at Tarlac sa Region III;
  • Cavite at Laguna sa Region IV-A;
  • Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon sa Region IV-B; at
  • Naga City at Catanduanes sa Region V.

 

 

Sa Visayas, nasa ilalim din ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022 ay ang :

  • Aklan, Bacolod City, Capiz at Guimaras sa Region VI;
  • Siquijor sa Region VII; at
  • Biliran sa Region VIII.

 

 

Sa Mindanao, ang mga sumusunod na lugar na inilagay din sa ilalim ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022:

  • Zamboanga City sa Region IX;
  • Cagayan de Oro City at Camiguin sa Region X; at
  • Davao City sa Region XI.

 

 

Samantala, inilagay naman ng IATF ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng Alert Level 2 mula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022: Para sa Luzon– Cordillera Administrative Region: Benguet, Ifugao at Mountain Province; Region II: Nueva Vizcaya; Region III: Nueva Ecija at Zambales; Region IV-A: Batangas, Lucena City, Quezon Province at Rizal; Region IV-B: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan; at Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon;

 

 

Para sa Visayas– Region VI: Antique, Iloilo City, Iloilo Province at Negros Occidental; Region VII: Bohol, Cebu Province, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Negros Oriental; at Region VIII: Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City and Western Samar;

 

 

At para sa Mindanao– Region IX: City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay; Region X: Bukidnon, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental; Region XI: Davao De Oro, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental at Davao Occidental; Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat; Region XIII (CARAGA) : Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Butuan City at Dinagat Islands; at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) : Basilan, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City at Lanao Del Sur.