• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 9th, 2022

Putin, nagpadala pa ng halos 100% forces ng pre-staged forces sa Ukraine – US official

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPADALA pa ng karagdagang pwersa ng Russia sa Ukraine si Russian President Vladimir Putin.

 

 

Ayon sa isang senior US defense official, ito halos nasa 100 porsyento ng higit sa 150,000 na pwersang naunang itinalaga ni Putin sa labas ng nasabing bansa bago pa man nito isinagawa ang pananalakay.

 

 

Samantala, ipinag-utos namn ng Pentagon ang pagtatalaga pa ng dagdag na 500 tropa sa Europa, na magdadala naman sa kabuuang bilang ng American forces doon sa humigit-kumulang 100,000.

 

 

Habang nilalayon naman ng Estados Unidos na magbantay laban sa naturang kaguluhan sa mga bansa na kabilang sa NATO.

12 SENATORIAL CANDIDATE, INENDORSO NG TUCP

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INENDORSO ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang 12 senatorial candidate para sa halalan sa Mayo 9, na binanggit ang kanilang mga plataporma at mga nagawang maka-manggagawa.

 

 

“We are confident that these 12 pro-workers (senatorial candidates) will carry the torch for working men and women as well as their families in the next Senate. Their presence will be critical in ensuring that the next Administration will address the need to create jobs that have been lost in a pandemic, and to ensure that workers will not fall victim to increased labor flexibilization, and to unfair wages,” sabi ni TUCP president Raymond Mendoza sa isang pahayag.

 

 

Idinagdag ni Mendoza na ang mga kandidato ay pinili pagkatapos ng “mahaba, masigasig, at masusing proseso ng pagsusuri, at sa konsultasyon sa mga miyembro ng ating mga pederasyon”.

 

 

“We believe that these (senatorial candidates) have platforms and programs that are truly aligned with our “Otso-Otso Agenda” which incorporate our priority eight Legislative Agenda and our eight Executive Policy Agenda,” dagdag pa ni Mendoza

 

 

Ayon pa sa grupo, aktibo silang  mangangampanya at magtatrabaho para sa tagumpay para sa mga sumusunod na kandidato:

 

— Senator Risa Hontiveros para sa pagpasa sa Expanded Maternity Leave Law, at pagtaguyod sa pagpapatibay ng Senado ng ILO Convention 151, na kinikilala ang karapatan ng mga manggagawa ng Gobyerno na mag-unyon at sama-samang makipagkasundo;

 

— Former Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar para sa pagsulong ng “Build, Build, Build initiative”, na lumikha ng mga trabaho para sa mga construction worker at nagpapataas ng kritikal na imprastraktura na kailangan upang buhayin ang ekonomiya;

 

— Human rights lawyer Neri Colmenares para sa kanyang panghabambuhay na pangako sa layunin ng mga karapatang pantao at mga karapatan sa paggawa, at para sa paggawa ng karaniwang layunin sa lahat ng manggagawa anuman ang ideolohiya o pagkakaiba sa organisasyon;

 

— Former Defense Secretary Gilbert Teodoro para sa kanyang mahabang pakikilahok sa propesyonalisasyon at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, at sa kanyang holistic at programmatic approach sa pagbuo ng isang mas epektibong disaster resiliency program sa isang bansang nahaharap sa hindi mabilang na mga bagyo, lindol, at pagsabog ng bulkan;

 

–Senador Joel Villanueva para sa kampeon sa seguridad ng panunungkulan at sa pagpasa ng Department of Migrant Workers (DMW), at sa pagiging katuwang ng TUCP sa lahat ng mga  legislative initiatives nito;

 

— Antique Rep. Loren Legarda para sa pagtatanggol sa layunin ng mga katutubo, kilusang pangkalikasan, at alternatibong enerhiya, lalo na sa solar, at pagtataguyod ng interes ng mga Pilipino sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang tagapangulo ng Senate Committee on Foreign Relations.

 

— Taguig Rep. Alan Peter Cayetano para sa pagpasa ng Iskolar ng Bayan Act at Magna Carta for Disabled Persons Act, at para sa patuloy na pagtutulak ng batas na nagtitiyak sa proteksyon ng mga marginalized na sektor;

 

— Labor leader Elmer Labog para sa kanyang paglilingkod at sakripisyo para sa mga manggagawang Pilipino at sa kanyang katapangan sa pagtahak sa landas ng hustisya sa paggawa;

 

— Human rights lawyer Chel Diokno para sa kanyang tunay na pagmamahal, dedikasyon, at sakripisyo upang itaguyod ang katarungang panlipunan at paggalang sa mga karapatang pantao sa harap ng malaking pagsubok;

 

— Former Mindanao Development Authority chairperson Emmanuel Piñol para sa pagiging isang tunay na pinuno ng Mindanao, na nauunawaan ang mga pangangailangang pang-agrikultura at mga alalahanin sa pag-unlad ng buong Mindanao;

 

— Senator Richard Gordon para sa palaging kabilang sa mga unang tumugon sa lahat ng mga sakuna at krisis, paglalagay ng mga pangangailangan ng mga biktima, mga homeless  sa pamamagitan ng kanyang mahaba at inspiradong pamumuno ng Philippine Red Cross;

 

— Former Senator Jinggoy Estrada para sa pagpasa ng Kasambahay Law, OWWA Act, at ng Special Program of Employment of Studies Act sa kanyang mahabang pamumuno ng Senate Committee on Labor.

 

Sinabi ni Mendoza na ang mga kandidatong ito ay nagpakita ng pagpapahalaga sa kung paano lumikha ng mga trabaho habang patuloy na nakikita ng bansa ang mataas na bilang ng unemployment at underemployment.

 

 

“The 10-month average for unemployment remains at 4 million unemployed. The 10-month average for underemployment is at 7 million. These numbers represent 11 million families, who along with workers in the informal sector, are at increased risk of hunger and falling more into poverty,” dagdag ni Mendoza.

 

 

Binanggit din niya ang pangangailangang tugunan ang seguridad sa trabaho kapwa sa gobyerno at pribadong sektor na kasalukuyang hinahadlangan ng kontraktwalisasyon.

 

 

“Contractualization in both sectors continues to be a dead-end for millions of workers who will forever be minimum wage earners, and therefore remain without hope, without social mobility, and without a future,”ani  Mendoza

 

 

Samantala, isinusulong ni senatorial candidate Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa dahil sa epekto ng coronavirus pandemic gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

 

 

Sinabi ng retiradong heneral na ilang taon nang hinihimok ng mga manggagawa sa national government na taasan ang kanilang pang-araw-araw na minimum na sahod.

 

 

Aminado naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na habang ang P 537 minimum wage ay hindi sapat, tumataas din ang alalahanin kung kayang bayaran ng maliliit na negosyo ang pagtaas ng suweldo para sa kanilang mga manggagawa

 

 

Bukod sa mas mataas na suweldo, nangako si Eleazar na magsusulong ng karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa, kabilang ang para sa kanilang kalusugan at edukasyon ng kanilang mga anak. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ace & Batman Meet in New ‘DC League of Super-Pets’ Trailer Kevin Hart’s ‘Ace’ the Hound meets the ‘Batman’, voiced by Keanu Reeves

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BATMAN works alone, or does he?

 

 

Find out in the new trailer of Warner Bros. Pictures’ DC League of Super-Pets which has just been launched by the studio.

 

 

Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film DC League of Super-Pets, from director Jared Stern.  

 

 

The film also stars the voices of Kevin Hart (the “Jumanji” and “Secret Life of Pets” films), Kate McKinnon (“Saturday Night Live,” “Ferdinand”), John Krasinski (the “Quiet Place” films), Vanessa Bayer (“Saturday Night Live”), Natasha Lyonne (“Show Dogs”), Diego Luna (“Rogue One: A Star Wars Story”), Marc Maron (“Joker”), Thomas Middleditch (“Godzilla: King of the Monsters”), Ben Schwartz (“Sonic the Hedgehog”), and Keanu Reeves (the “Matrix” and “John Wick” films).

 

 

In DC League of Super-Pets, Krypto the Super-Dog and Superman are inseparable best friends, sharing the same superpowers and fighting crime in Metropolis side by side. When Superman and the rest of the Justice League are kidnapped, Krypto must convince a rag-tag shelter pack—Ace the hound, PB the potbellied pig, Merton the turtle and Chip the squirrel—to master their own newfound powers and help him rescue the superheroes.

 

 

Stern, a veteran writer/consultant on the “LEGO®” movies, makes his animated feature film directorial debut, directing from a screenplay he wrote with frequent collaborator John Whittington, based on characters from DC, Superman created by Jerry Siegel and Joe Shuster.

 

 

The film is produced by Patricia Hicks, Dwayne Johnson, Dany Garcia, Hiram Garcia and Jared Stern.  The executive producers are John Requa, Glenn Ficarra, Nicholas Stoller, Allison Abbate, Chris Leahy, Sharon Taylor and Courtenay Valenti.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=w5YDDIahDMA

 

 

Warner Bros. Pictures Presents A Seven Bucks Production, DC League of Super-Pets and will be released by Warner Bros. Pictures in Philippine theaters on May 18, 2022.

 

(ROHN ROMULO)

After nang one month lock-in taping: KYLIE, masayang pinost ang mga photos na muling nakasama ang dalawang anak

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na pala ang one month lock-in taping ni Kylie Padilla para sa pinagbibidahan na GMA teleserye na Bolera.

 

 

Sa kanyang latest Instagram post, kasama na niya ang kanyang dalawang na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Huli kasing nakasama ng aktres ang mga anak noong January bago siya mag-lock-in taping.

 

 

“Missed these boys,” simpleng caption ni Kylie sa IG.

 

 

Kahit na nagtatrabaho si Kylie malayo sa kanyang mga anak, hindi siya nakakalimot na mag-video call sa mga ito gabi-gabi. Hindi raw nawala ang kanyang pagiging nanay kahit wala sa tabi niya ang dalawang boys nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

 

 

Nasabi nga noon ni Kylie na marami siyang kailangan isakripisyo para sa kinabukasan ng kanyang dalawang anak. At isa na rito ay ang malayo siya sa mga ito dahil sa trabaho.

 

 

Sa Bolera, bilang isang billiard prodigy ang role ni Kylie, marami siyang natutunan na billiard tricks kasama sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

PLANO ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina na masundan na ang panganay nilang si Baby Joaquin. 

 

 

Magtu-two years old na raw this year si Baby Joaquin at naghahanap na raw ito ng makakalarong kapatid sa bahay.

 

 

“Praying talaga. This year let’s claim it,” sey ni Dianne kay Rodjun na game na game nang magkaroon ng second baby.

 

 

Girl naman daw ang gustong baby ni Dianne para kumpleto na raw sila. Dalawang anak lang daw ang gusto nila ni Rodjun.

 

 

Sey ni Dianne: “Okay na kasi ako sa dalawang anak. Pero kung sakaling naging boy ang second baby namin, it’s okay dahul blessing yan from God. But I am hoping kasi na girl naman this time.”

 

 

Ang nakikitang problema lang daw ni Rodjun ay masyado raw silang busy na mag-asawa sa trabaho nila. Kung gusto raw nilang magkaroon ng second baby, kailangan walang stress sa kanilang dalawa.

 

 

“Sobra kaming nakatutok sa trabaho ni Dianne sa ngayon. Mas gusto ko sana na bawasan ni Dianne yung workload niya. Kasi grabe siya sa trabaho, sobrang seryoso siya na minsan napapagod, para makapagpahinga rin talaga siya,” diin pa ni Rodjun na napapanood sa GMA Afternoon Prime teleserye na Little Princess.

      (RUEL MENDOZA)

Kampo ni WNBA star Brittney Griner lubos ang pasasalamat sa mga suportang nakukuha matapos maaresto sa Russia

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance.

 

 

Sinabi ng kanyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito.

 

 

Humingi ito ng privacy sa tunay na pangyayari sa kaniyang asawa dahil patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para makalaya ito.

 

 

Base kasi sa inilabas na video ng mga Russian authorities, nahulian ang 31-anyos na si Griner ng pinagbabawal na substances mula sa cartridge ng kaniyang vape sa Sheremetyevo airport .

 

 

Naglalaro kasi bilang import ng Russian Euroleague si Griner.

 

 

Si Griner ay 1st overall pick ng 2014 WNBA Draft at isa sa best players sa liga.

 

 

Kabilang sa mga tagumpay nito ay ng makasama sa All-Star ng pitong beses, 2x Scoring Champ at 2x WNBA Defensive Player of the Year at WNBA Champion.

Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMIDA sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart.

 

 

Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103.

 

 

Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito.

 

 

Sa simula pa lamang ng laro ay tinambakan na ng Utah ang Thunder kung saan umabot pa ito sa 23 points.

 

 

Namayani si Nikola Jokic para tuluyang talunin ng Denver Nuggets ang New Orleans Pelicans 138-130.

 

 

Tumipa kasi ng Jokic ng 46 points, 12 rebounds, 11 assists at apat na blocks habang mayroong 18 points si Monte Morris, 11 points si Bones Hyland at 10 points si JaMychal Green.

 

 

Nakagawa naman ng season-high 44 points si Khris Middleton para talunin ng Milwaukee Bucks ang Phoenix Suns 132-122.

 

 

Ito na ang pang-apat na sunod na panalo ng Bucks.

 

 

Nagdagdag naman ng walong rebounds at limang assists ang three-time All-Star.

 

 

Nag-contribute naman ng 24 points at siyam na assists si Jrue Holiday habang mayroong 19 points at 13 rebounds si Giannis Antetokounmpo.

’Di lalahok sa debate may parusa – Comelec

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na papatawan ng parusa o sanction ang mga kandidato na hindi lalahok sa paparating na presidential at vice presidential debates na inorganisa ng poll body.

 

 

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Comelec acting chairperson Socorro Inting na ang debate skippers ay hindi na makagagamit ng opisyal na e-rally channels ng Comelec para sa natitirang panahon ng kampanya.

 

 

Ang nasabing sanction ay nakasaad sa ginawang kasunduan sa mga kandidato, ani Comelec spokesman James Jimenez.

 

 

Magtatalaga rin ng bakanteng podium ang Comelec para sa mga debate skippers.

 

 

Kaugnay nito, siniguro pa ni Jimenez na mananati­ling sikreto o confidential ang mga partikular na katanungan sa mga debate

 

 

Ang Campaign S.A.F.E. Comelec e-Rally Channel sa Facebook ay nagkakaloob ng online airtime sa mga kandidato para sa pagka-pangulo, ikalawang pangulo, senador at party-list groups ng mula tatlo hanggang 10-minuto.

 

 

Sa ngayon ay wala pang written confirmations na nakukuha ang Comelec mula sa mga kandidato hinggil sa pagdalo nila sa naturang debate.

 

 

Ang unang presidential debate ay nakatakda sa Marso 19 habang ang unang vice presidential debate ay sa Abril 3 na idaraos sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. (Daris Jose)

Rollback sa produktong petrolyo malabo, ayon sa DOE

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI PA  inaasahan ang pagbaba sa presyo ng produkto ng langis sa gitna ng oil shortage, pababang inventory at patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Department of Energy (DOE), Martes.

 

 

‘Yan ang sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad sa TeleRadyo ngayong ika-10 sunod na linggo na ng oil price hikes kung saan nasa P5.85 ang ipinatong kada litro ng diesel habang nasa P3.60/litro naman ito para sa gasolina ngayong araw.

 

 

“Wala tayong nakikitang ganoon [rollback sa presyo],” wika niya.

 

 

“Ine-expect po talaga natin unfortunately na tataas pa po ang price, until… meron pong colatilla lang diyan, until magkaroon po ng price destruction doon sa demand.”

 

 

Ayon sa ilang kritiko gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ito na ang pinakamalaking one-time increase sa presyo ng langis simula nang ipatupad ang oil deregulation law.

 

 

Inaasahan nina Abad na kasing taas pa rin ang mangyayaring adjustment sa presyo ng langis sa sususunod na linggo.

 

 

Halos isang linggo na ang nakakaraan nang sabihin ni Energy Secretary Alfonso Cusi na lalo pang lalala ang local oil prices kung magtatagal pa ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine — ang una, sinasakop ang ikalawa.

 

 

“‘Yung ongoing na shortage, daily shortage production na ang estimate ng (International Energy Agency) ay nasa 1 million. Pangalawa, hinuhugot na po yung supplement na ‘yan sa mga existing stored inventory na declining din, na pababa nang pababa dahil wala pong build up na nakukuhang pambalik doon sa inventory,” dagdag pa ng DOE official.

 

 

“At pangatlo, itong Russia-Ukraine, talagang kumakagat na talaga yung issue ng takot na magkakaroon ng dagdag na shortage galing sa Russian oil. Ang Russian oil ay ine-export, around 5 million barrels per day.”

 

 

Nananawagan naman ngayon si Abad sa mga kumpanya ng langis sa bansa na patuloy magbigay ng discounts sa mga motorista.

 

 

Hindi susundin ng Unioil ang mga big-time oil players gaya ng Shell, Petron, Caltex atbp. sa pagpapatupad ng P5.85/litrong dagdag sa presyo ng diesel at P3.60/litrong dagdag sa gasolina.

 

 

“Back-to-back increase?  We got you! We are slashing off our fuel price hike this week!” ayon sa Unioil sa isang pahayag, Lunes ng gabi. (Gene Adsuara)

PCOO, bumuo ng bagong panel para sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensiya

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sarili nitong Anti-Corruption Committee (ACC) bilang bahagi ng pagsisikap nito na sugpuin ang korapsyon sa ahensiya.

 

 

Sa isang simpleng seremonya Times Plaza Building sa kahabaan ng UN Ave. sa Ermita, Manila, inaunsyo ng PCOO ang kanilang partnership sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang lumikha ng sarili nitong ACC sa ilalim ng “Project Kasangga: Aksyon Laban sa Korapsyon” ng pamahalaan.

 

 

Nilagdaan ni PCOO Secretary Martin Andanar ang Special Order 22-35 ‘reconstituting the ACC to create a streamlined Complaint Action Center, which the public may communicate with or have access to through a hotline, help desk, and/or e-mail.”

 

 

Ang mga sumusunod na numero at e-mail address ay maaaring gamitin para mag-report ng kanilang corruption-related complaints: 0916 7378 212 (Globe), 0969 2609 853 (Smart), acc@pco.gov.ph.

 

 

Maliban sa nilikhang hotline, ang ACC ay inatasan na makipag-ugnayan sa mga ahensiya, burukrasya, at iba pang instrumentalities para sa tamang implementasyon at promosyon ng anti-corruption measures, mga polisiya at programa.

 

 

Ang komite ay responsable para sa implementasyon, monitoring at evaluation ng Action Plans na itinakda ng magpapartisipang ahensiya at dapat na mag-provideng periodic report sa kani-kanilang heads of offices at sa PACC.

 

 

Kailangan din na makipag-ugnayan ang ACC sa PACC, sa pamamagitan ng Information and Resource Management Office, para sa tamang referral ng impormasyon at incident reports ng korapsyon at kung ano ginawang aksyon.

 

 

Ang mga tanggapan at ahensiya sa ilalim ng PCOO ay kinabibilangan ng News and Information Bureau/Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, National Printing Office, Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang, People’s Television Network, at Bureau of Broadcast Services. (Daris Jose)

Kasama ang furnitures at parking space: Posh condo unit ni CARLA, binebenta na ng below market value

Posted on: March 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY Instagram post si Kapuso actress Carla Abellana, na for sale ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City. 

 

 

Kasama na raw sa selling price ang lahat ng furnitures, ganoon din ang parking space na umaabot ng one million pesos.

 

 

Reportedly, okey din kay Carla kung gustong i-rent lamang ang kanyang unit: “You can rent this beautiful property.  And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. 

 

 

It’s fully (and excessively) furnished.  If they are not your type, then go ahead and sell them to make money.  It’s totally up to you.”

 

 

Ang unit daw ay below market value now.  Kung sino ang interested, pwede ninyo silang ma-contact, nasa Instagram @carlaangeline ang pwede ninyong tawagan.

 

 

***

 

 

FOR Kapuso young actor Kelvin Miranda,  sa ilang projects na ring nagawa niya sa GMA Network, pinaka-mature role na ang character na gagampanan niya sa second episode ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

 

 

   “Ako po si Nestor Lorenzo sa serye, ang ideal boyfriend ni Irene Pacheco, played by Bianca Umali,” pagkukuwento ni Kelvin.

 

 

“Most mature role dahil po malayung-malayo ang pagkatao ni Nestor kumpara kay Kelvin Miranda.  Para magampanan ko ang role, binalikan ko kung ano ‘yung mga experiences ko sa buhay na makakatulong sa pagsasabuhay ko sa character ni Nestor.  

 

 

Kaya po, challenge sa akin ang pag-portray ko sa role na dapat ay katanggap-tangap sa TV audience.  Nag-research pa ako at pinag-aralan din ang role ni Bianca para hindi ako malayo sa edad nila rito ni Ken Chan. 

 

 

   “Pinag-aralan ko ang character ni Nestor kung paano siya mag-isip, kung paano siya kumilos, kung paano siya makipag-connect sa mga taong nami-meet niya, na talagang ideal man para kay Bianca.  Sana po ay naibigay ko ang character ni Nestor sa mga manonood.”

 

 

Ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, ay isang romantic-comedy series tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.  Kasama rin sa serye sina Teejay Marquez, Pokwang, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo at ilan sa mga Sparkling GMA Artists.

 

 

Sa Monday, March 14, ang world premiere ng serye, 9:35 pm, sa GMA-7, pagkatapos ng First Lady.

 

 

***

 

 

HALOS wala namang pahinga si Kapuso actress-comedian Pokwang, simula nang lumipat siya sa GMA Network.

 

 

Sunud-sunod ang paggi-guest niya sa mga shows ng GMA, drama man o comedy, at regular din siyang napapanood every Saturday sa Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento, at every Sunday naman sa All-Out Sundays. 

 

 

Kababalik din lamang ni Pokwang mula sa Dubai, UAE, matapos siyang mag-show doon last March 7, para maka-abot sa virtual mediacon ng kanyang first ever Kapuso drama series, ang second episode ng Mano Po Legacy na ‘Her Big Boss’.

 

 

     “I will play the role of Becca Pacheco, a devoted single mom ni Irene, played by Bianca Umali,” pakilala ni Pokwang.

 

 

“Thankful ako sa GMA na binigyan ako ng ganitong project.”

 

 

Pero hindi lamang sa GMA mapapanood si Pokwang, dahil may cooking show siya, ang Kusina ni Mamang, na mga fresh episodes na ang ipi-present niya simula sa Saturday, March 12, sa CH. 2 ng Cignal TV.

(NORA V. CALDERON)