• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 25th, 2022

‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

 

 

Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.

 

 

Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman kaya ang pasabog niya sa grand launch ni Bea?

 

 

Anyway, tiyak na tatanungin si Bea tungkol sa naging trip niya sa Spain, pati na rin ang update sa gagawin nilang movie ni Alden Richards.

 

 

Sila rin nga pala ang magkasama ni Alden sa TV series na gagawin ni Bea for GMA 7.

 

 

***

INANUNSIYO na ng Asia Centre, a research institute that aims to create social impact in the region, ang nagwagi para sa 2021-2022 Journalism for Equitable Asia award.

 

 

Ang theme ng ceremony this year ay ‘Inequality – Threat to Lives and Livelihoods.’

 

 

Ang tatlong winners out of 10 nominations ay sina Atom Araullo (First Place) para sa “The Hunger Pandemic”; Marielle Luceno (Second Place para sa article na “The Gold Trap: Covid-19 is pushing more Filipino children into hazardous work; and third place goes to Vantha Phoung, Lay Sopheavotey and Gerald Flynn for their work on “Locked Down and Out of Work: Desperation Sets in Among Garment Workers.”

 

 

Ang layunin ng Journalism for Equitable Asia award ay kilalananin ang  journalism that has highlighted the impact of the COVID-19 pandemic on the lives and livelihoods of disadvantaged groups including women, ethnic, religious and gender minorities, migrant and informal workers.

 

 

Eligible stories can cover a wide range of issues related to inequality including but not limited to access to healthcare, reproductive health services and COVID-19 vaccination, unequal access to education during the pandemic.

 

 

***

BISITA si former spokesperson Harry Roque sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery noong Lunes ng hapon.

 

 

Ayon sa dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte, welcome na welcome sa kanya ang pagkandidato ng ibang showbiz personalities for a Senate seat.

 

 

Pero sana raw ay handa ito sa trabaho sa senado which is to create laws.

 

 

Sina Robin Padilla at former QC Mayor Herbert Bautista ay kasama ni Sec. Roque sa senatorial line-up ng partido ng Team Unity.

 

 

Sec. Roque paid tribute to Filipino workers and to classical Filipino poet Jose Corazon de Jesus or Huseng Batute by reading his poem entitled ‘Manggagawa.’

 

 

Sabi ni Sec. Roque na ang poetry, arts and entertainment ay importante sa pag-unlad ng ating bansa.

 

 

Dahil isa human rights advocate, hiningi ang kanyang comment sa pananakit ng actor na si Kit Thompson sa gf niyang si Ana Jalandoni,

 

 

On a personal, note bilang isang lalaki, sinabi ni Sec. Roque na nahihiya siya sa ginawa ni Kit. At gusto niyang humingi ng paumanhin sa ginawa ng aktor.

 

 

“Hindi dapat nanakit ng babae ang isang lalaki,” sabi ni Sec. Roque.

 (RICKY CALDERON)

Transgender swimmer sa US na nangibabaw sa NCAA patuloy ang pag-ani ng batikos

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang batikos na natatangap ni transgender athlete na si Lia Thomas na nakapagtala ng kasaysayan ng magwagi sa NCAA swimming championship.

 

 

Si Thomas kasi ang unang transgender athlete na nakapag-uwi ng titulo ng magwagi sa 500 meter freestyle.

 

 

 

Isa sa mga naghain ng protesta ay si dating Olympic swimmer Reka Gyorgy kung saan sumulat ito sa US college sports governing body na kumukuwestiyon sa panalo ni Thomas.

 

 

Nakasaad kasi sa panuntunan ng USA Swimming na ang mga trans atlethes ay dapat sumailalim ng tatlong taon na hormone replacement therapy bago makasali sa anumang kumpetisyon.

 

 

Subalit sa kalagayan ni Thomas ay kulang pa umano ito ng anim na buwan pero nagdesisyon ang NCAA na hindi sundin ang ipinapatupad na panuntuna ng USA Swimming organization.

 

 

Sinabi ni Gyorgy, na naging pambato ng bansang Hungary noong 2016 Olympic na ngayon ay nasa Virginia Tech, na lubos na nakakagalit ang ginawang desisyon na ito ng NCAA.

 

 

Maging ang Save Women’s Sport, ang grupo na kumokontra sa transgender athlete ay nagsagawa n na rin ng kilos protesta.

P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.

 

 

 

Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang sentimyento ni Finance Secretary Carlos Dominguz III na siyang nagunguna sa paglalaan ng pananalapi para naturang programa dahil maaaring magkaroon ng problema sa pondo sa anim na buwan kung ipagpapatuloy ang pamamahagi ng P500 buwanang unconditional cash aid.

 

 

 

Kukunin aniya ang P500 na ibibigay sa loob ng tatlong buwan mula sa excess revenue na nakolekta ng DOF.

 

 

 

Ayon kay Canda, nakatakdang makatanggap ng cash aid ang nasa 13 million beneficiaries. Planong simulan ang pamamahagi ng subsidiya sa 4Ps sa susunod na buwan.

 

 

 

Ayon sa DBM, nasa P20 billion ang ilalaan para sa tatlong buwang pamamahagi ng P500 subsidy.

Ex-US first lady Hillary Clinton nagpositibo sa COVID-19

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating US first lady Hillary Clinton.

 

 

Sa kanyang social media account ay kinumpirma ng dating secretary of state at two-time presidential candidate na ito ay dinapuan ng nasabing virus.

 

 

Nagpasalamat na rin ito dahil bakunado na siya laban sa COVID-19 kaya hindi siya gaanong nakaranas ng matinding sintomas.

 

 

Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.

 

 

Hindi naman dinapuan o nakaranas ng anumang sintomas ang asawa nitong si dating US President Bill Clinton.

 

 

Pinayuhan niya ang mga mamamayan magpaturok na lamang ng bakuna laban sa COVID-19 para hindi sila madapuan ng virus.

10,196 public, private schools, nagpapatupad ngayon ng limited face-to-face classes — DepEd

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 10,000 eskuwelahan na naghahandog ng basic education sa buong bansa ang kasalukuyan ngayong nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alerts Levels 1 at 2.

 

 

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, base sa quick count “as of March 22,” may kabuuang 10,196 eskuwelahan ang nagpapatupad ng limited face-to-face classes.

 

 

“There is a total of 14, 396 public and private schools submitted by the regions that are nominated for the progressive expansion phase of the limited face-to-face classes with 2, 600, 773 learners,” ayon kay Garma.

 

 

Batay sa quick count hinggil sa bilang na nagpartisipang eskuwelahan na nagsimulang magpatupad ng ‘progressive expansion’ ng limited face-to-face classes, ang Region III ang may pinakamaraming bilang ng eskuwelahan na nagpatuloy na ang ‘in-person classes’ dahil mayroon itong 1,809 schools na naitala.

 

 

Sinundan ito ng Region VIII na may 1, 536 eskuwelahan; Region IX na may 1,333; at Region V na may 1, 164 eskuwelahan.

 

 

Sa National Capital Region (NCR), mayroong 292 eskuwelahan kung saan 265 ang pampubliko habang 27 naman ang pribado na nagpatupad ng limited face-to-face classes.

 

 

Sinabi ni Garma na nagpi-presenta ang DepEd ng data base sa quick count lalo pa’t binigyan naman ng kapangyarihan ang mga regional directors na pumili ng mga eskuwelahan na magpapartisipa sa progressive expansion ng limited face-to-face classes.

 

 

“However, we need to to validate and put some corrections on the numbers, but nevertheless, what we provide you are the actual numbers that come from our Regional Offices through our planning officers,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bodega ng Comelec binuksan sa publiko

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINUKASAN na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9.

 

 

Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD (Secure Digital Memory Card) cards na gagamitin sa mga vote counting machines habang sa NPO naman inililimbag ang mga balota.

 

 

“We already opened for public viewing the Sta. Rosa Comelec warehouse in Laguna where the SD cards are being configured and National Printing Office where the official ballots are being printed to different stakeholders including but not limited to political parties and the media,” ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

 

 

Aniya, nakataya sila sa pagiging tapat at malinaw ng mga proseso sa halalan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

 

 

Ito ang dahilan kaya pagkatapos niyang umupo ay pinayagan agad niya ang mga tagamasid sa ‘livestreaming’ sa kanilang mga aktibidad ng hindi nako-kompromiso ang seguridad ng mga dokumento at maging ang sistema ng Comelec.

 

 

Ngayong Huwebes, magtutungo muli sina Pangarungan at ibang opisyal sa NPO sa Quezon City at sa kanilang bodega sa Pasig City kasama ang mga stakeholders para sa ‘random sampling’ at inspeksyon ng mga naimprentang opisyal na balota.

Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan  City. Kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block 5, Lot 14, Pampano St., Brgy. 14.

 

 

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa naturang compound kung saan nakatira ang anim na pamilyang magkakamag-anak kaya’t hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay ang tatlong taon gulang na si Patrick Ace Francisco na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

 

Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang undercontrol ni F/Sr. Insp. Arvin Jude Rapano dakong ala-1:56 ng hapon habang idineklara itong fire-out bandang alas-2 ng hapon.

 

 

Ani fire investigator FO3 Mark Vincent Severino, anim na bahay ang tinupok ng apoy na naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang anim din na pamilya.

 

 

Nasa more or less P80,000 halaga naman aniya ng ari-arian ang natupok sa insidente habang inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog. (Richard Mesa)

Kiefer pinagmulta, sinuspinde sa B.League

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINARUSAHAN si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena ng pamunuan ng Japan B.League matapos ang ilang beses na unsportsmanlike fouls sa huling laro ng kanilang tropa sa liga.

 

 

Pinatawan ang Pinoy cager ng multa at suspensiyon dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls na nagawa nito sa laro ng Shiga kontra sa Kyoto noong Linggo kung saan natalo ang kanilang tropa sa iskor na 57-79.

 

 

Unang tinawagan ng unsportsmanlike foul ang dating Ateneo de Manila University standout sa first quarter may 4:51 minuto pang nalalabi sa naturang yugto.

 

 

Muling nabigyan ng unsportsmanlike foul si Ravena sa fourth quarter kung saan may 4:55 pang natitira sa oras dahilan para mapatalsik ito sa laro.

 

 

Kaya naman binigyan si Ravena ng isang larong suspensiyon kung saan hindi ito masisilayan sa Shiga kontra sa Osaka.

 

 

Pinagmulta rin si Ra­vena ng ¥50,000 o katumbas ng halos P25,000.

 

 

Isa si Ravena sa inaasahan ng Lakestars matapos magtala ng averages na 12.8 points, 5.9 assists at 2.1 rebounds kada laro kaya’t malaking kawalan ito sa tropa.

 

 

Nais pa naman ng Shiga na mapaganda ang kanilang 10-27 rekord sa liga para mapaangat ang kanilang kasalukuyang ika-10 puwesto sa standings.

 

 

Inaasahang babawi si Ravena sa oras na ma­ka­balik ito sa paglalaro.

Dahil sa pinost na dalawang diamond rings: KYLIE JENNER, may tsikang kinasal na sa ‘baby daddy’ niya na si TRAVIS SCOTT

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKAS ang bulung-bulungan na kinasal na si Kylie Jenner sa kanyang baby daddy na si Travis Scott.

 

 

Sa isang pinost na Instagram Story ng reality show star and cosmetic mogul, makikita ang kanyang left hand na hawak ang isang green Hermes Kelly bag ay may dalawang diamond rings. Isang Cartier Love Ring in yellow gold na nagkakahalaga ng $4,950. Ay isang identical Love Wedding Band may price tag naman na $7,300.

 

 

Kaya nag-conclude ang 319 million followers ni Kylie sa IG na baka nga secretly married na ito kay Travis.

 

 

Noong 2017 pa naman daw sila may relasyon a meron na silang 4-year old daughter na si Stormi at one month old baby boy na si Wolf.

 

 

Tanggap naman daw si Travis ng mga buong Kardashian and Jenner family kaya wala raw magiging problema kung totoong kinasal na sila. Hihintayin na lang daw nila na si Kylie mismo ang magsabi kung kasal na ba sila ni Travis o hindi pa.

(RUEL J. MENDOZA)

‘There is no such thing as red-tagging’ – Badoy

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NO ONE is “red-tagging.”

 

 

Ito ang inihayag ni National Task Force to end Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson for sectoral concerns at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy, araw ng Miyerkules.

 

 

Ani Badoy, ang “the term red-tagging is just a tool” of front organizations of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), to silence those who speak against them “to blow their cover.”

 

 

“There is no such thing as ‘red-tagging’. No less than the Supreme Court has ruled that there is no danger to life, liberty, and security when one is identified as a member of the CPP-NPA-NDF,” ayon kay Badoy.

 

 

Pinanindigan ni Badoy ang tungkulin ng NTF-ELCAC na magsabi ng katotohanan sa mga mamamayang filipino.

 

 

“The time for silencing us is long past. It is now time for the CPP-NPA-NDF to shut up,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Badoy na nililinlang ng CPP-NPA-NDF at iba’t ibang front organizations nito ang mga tao para pumayag na ma-recruit sa armed struggle.

 

 

“ [And] once in, lead them down the road to extremism with one goal and one goal alone—the violent overthrow of the government and the installation of communism in the Philippines. Countless lives have been sacrificed in the altar of the terrorist Joma Sison—our children, our indigenous peoples, the most vulnerable among us,” dagdag na pahayag ni Badoy.

 

 

Binigyang diin ni Badoy na ang trabaho ng NTF-ELCAC ay para tuldukan ang inilarawan niyang “tragic bloodbath” type ng communist armed revolution.

 

 

Ang anti-insurgency programs ng NTF-ELCAC, aniya ay nakapagsulong ng 24,000 rebelde na ibaba ang kanilang arams at magbalik-loob sa batas.

 

 

“Almost 24,000 Filipinos no longer killing fellow Filipinos, 24,000 Filipinos rejoining their families and once again leading peaceful, productive lives,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa pamamagitan aniya ng whole-of-nation and whole-of-society approach ng NTF-ELCAC ay nalansag ang mahalagang bilang ng guerilla fronts ng CPP, dahilan upang maging malinis ang maraming barangay sa buong bansa mula sa insurgency.

 

 

“This also brought to institutionalizing good governance within local communities, particularly the communist-infiltrated areas, as directed by President Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Badoy.

 

 

“We stand firm in ending this 53-year communist terrorist scourge and this also includes speaking the truth about politicians who form unholy alliances with the CPP-NPA-NDF and who lend them material support for their political ambitions at the expense of our country. We will be unstinting with the Truth and we will name them and not be a party to their cover-up,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Binigyang diin at tiniyak ni Badoy na ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng peace efforts sa mga kabukiran lalo na sa mga lugar na napasok ng communist terrorist groups (CTGs) at ng kanilang mga kaalyado.

 

 

“We will not be a party to anything that prolongs the life of this communist terrorist group that has brought untold grief and destruction to our country—on no small measure brought on by the alliances made by traitors in our midst who pretend to be public servants while selling us and our children to these terrorists in exchange for whatever votes they can get from rotten deals they make,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Badoy na “peace is no longer a distant dream in the Philippines.”

 

 

“In the countryside where numerous barangays have been cleared of the toxic presence of these terrorists, our countrymen are finally breathing the air of free men and women for the first time in decades. Peace has become a reality and it has made landfall in communities all over the country that have known nothing but the abuse and exploitation of the CPP-NPA-NDF,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)