• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2022

P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi.

 

 

Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, alyas “Ada”, 28, dalaga; Nur-Laila Capatagan y Alonto, alyas “Lala”, 20, dalaga;  at isang  Noralyn Macalangan, alyas “Naira Landua”, alyasa “Madam Tisay” , na nakatakas at pawang residente ng Lot 179, Block 10, Trogon St., Westwood Phase 1, Lancaster, Pasong Camachile 1, City of Gen Trias, Cavite

 

 

Sa ulat, alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ng pinagsanib ng pwersa ng  SOU 4A PNP DEG (na siyang lead unit) at Gen Trias CPS sa  Lot 179, Block 10, Trogon St., Westwood Phase 1, Lancaster, Pasong Camachile 1, City of Gen Trias, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Narekober sa kanila ang 1 kilogram ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000; P1,000 halaga ng buy bust money, isang kulay itim na Nokia Analog cellphone, isang kulay brown na shoulder bag na naglalaman ng Identification card ni Nur-Laila Capatagan y Alonto, isang brown wallet na naglalaman ng ID ni Eman Bongcarawan y Mabandus, at sia pang shoulder bag na naglalaman ng iba’t-ibang ID ni Norhanah Dirampatin y Didaagun.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakaharap ng mga suspek.(GENE ADSUARA)

LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.

 

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.

 

 

“I was really hoping that we will be able to resolve this controversy involving the intra-party dispute of this party before the end of March. We should be able to do that in order to raise any doubt,” sabi ni Garcia.

 

 

Ang mga kampo nina Cusi at Pacquiao, na parehong nagsasabing sila ang mga lehitimong pinuno ng partidong pulitikal, ay nagsumite sa parehong taon ng kanilang Sworn Information Update Statement (SIUS) sa Comelec para sa May 2022 polls.

 

 

Sinabi ni Garcia na hindi siya sasali sa pagresolba ng kaso.

 

 

“I’m not participating in the deliberation or in acting on the petition, simply because I used to be a lawyer of the PDP-Laban when both camps were still united…Prudence dictates that I should not participate,” ani Garcia

 

 

Kung hihilingin aniya ang kanyang guidance halimbawa, magbibigay ito ng kaalaman o historical backgrounds  ngunit hindi siya makikibahagi, hindi naiimpluwensyahan o anuman ang kalalabasan ng kasong ito.Dapat itong mapagpasyahan nang malaya nang walang kinikilingan ng Komisyon.

 

 

Ipinahayag din ni Garcia na may tunggalian pa rin kung alin sa pagitan ng Certificate of Nomination Acceptance (CONA) ng kandidato ang dapat manaig ng dalawang partido.

 

 

Nitong Miyerkules, sinabi niya na wala pang resolusyon kung aling grupo ang dapat kabilang sa PDP-Laban bilang isang partido.

 

 

“The resolution of this controversy is so important because there’s other certain implications or collaterals that will be resolved because of the resolution of this controversy,” ayon pa kay Garcia.

 

 

Kasalukuyang nahahati ang partido pulitikal sa dalawang magkaibang paksyon: ang isa ay pinamumunuan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao, at ang isa naman ay pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

 

Kamakailan ay nagpahayag ng suporta si Cusi sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nauna nitong sinuportahan ang kandidatura ni Senador Christopher “Bong” Go na kalaunan ay umatras. Ang isa naman ay sumusuporta sa pagkandidato sa pagkapangulo ni Pacquiao.

 

 

Nauna nang naghain ang Cusi wing noong nakaraang taon ng petisyon na humihiling sa poll body na ideklara ang pangkat ni Pacquiao bilang mga iligal na kinatawan ng PDP-Laban. GENE ADSUARA

Ads March 25, 2022

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

 

 

Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.

 

 

Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman kaya ang pasabog niya sa grand launch ni Bea?

 

 

Anyway, tiyak na tatanungin si Bea tungkol sa naging trip niya sa Spain, pati na rin ang update sa gagawin nilang movie ni Alden Richards.

 

 

Sila rin nga pala ang magkasama ni Alden sa TV series na gagawin ni Bea for GMA 7.

 

 

***

INANUNSIYO na ng Asia Centre, a research institute that aims to create social impact in the region, ang nagwagi para sa 2021-2022 Journalism for Equitable Asia award.

 

 

Ang theme ng ceremony this year ay ‘Inequality – Threat to Lives and Livelihoods.’

 

 

Ang tatlong winners out of 10 nominations ay sina Atom Araullo (First Place) para sa “The Hunger Pandemic”; Marielle Luceno (Second Place para sa article na “The Gold Trap: Covid-19 is pushing more Filipino children into hazardous work; and third place goes to Vantha Phoung, Lay Sopheavotey and Gerald Flynn for their work on “Locked Down and Out of Work: Desperation Sets in Among Garment Workers.”

 

 

Ang layunin ng Journalism for Equitable Asia award ay kilalananin ang  journalism that has highlighted the impact of the COVID-19 pandemic on the lives and livelihoods of disadvantaged groups including women, ethnic, religious and gender minorities, migrant and informal workers.

 

 

Eligible stories can cover a wide range of issues related to inequality including but not limited to access to healthcare, reproductive health services and COVID-19 vaccination, unequal access to education during the pandemic.

 

 

***

BISITA si former spokesperson Harry Roque sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery noong Lunes ng hapon.

 

 

Ayon sa dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte, welcome na welcome sa kanya ang pagkandidato ng ibang showbiz personalities for a Senate seat.

 

 

Pero sana raw ay handa ito sa trabaho sa senado which is to create laws.

 

 

Sina Robin Padilla at former QC Mayor Herbert Bautista ay kasama ni Sec. Roque sa senatorial line-up ng partido ng Team Unity.

 

 

Sec. Roque paid tribute to Filipino workers and to classical Filipino poet Jose Corazon de Jesus or Huseng Batute by reading his poem entitled ‘Manggagawa.’

 

 

Sabi ni Sec. Roque na ang poetry, arts and entertainment ay importante sa pag-unlad ng ating bansa.

 

 

Dahil isa human rights advocate, hiningi ang kanyang comment sa pananakit ng actor na si Kit Thompson sa gf niyang si Ana Jalandoni,

 

 

On a personal, note bilang isang lalaki, sinabi ni Sec. Roque na nahihiya siya sa ginawa ni Kit. At gusto niyang humingi ng paumanhin sa ginawa ng aktor.

 

 

“Hindi dapat nanakit ng babae ang isang lalaki,” sabi ni Sec. Roque.

 (RICKY CALDERON)

Transgender swimmer sa US na nangibabaw sa NCAA patuloy ang pag-ani ng batikos

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang batikos na natatangap ni transgender athlete na si Lia Thomas na nakapagtala ng kasaysayan ng magwagi sa NCAA swimming championship.

 

 

Si Thomas kasi ang unang transgender athlete na nakapag-uwi ng titulo ng magwagi sa 500 meter freestyle.

 

 

 

Isa sa mga naghain ng protesta ay si dating Olympic swimmer Reka Gyorgy kung saan sumulat ito sa US college sports governing body na kumukuwestiyon sa panalo ni Thomas.

 

 

Nakasaad kasi sa panuntunan ng USA Swimming na ang mga trans atlethes ay dapat sumailalim ng tatlong taon na hormone replacement therapy bago makasali sa anumang kumpetisyon.

 

 

Subalit sa kalagayan ni Thomas ay kulang pa umano ito ng anim na buwan pero nagdesisyon ang NCAA na hindi sundin ang ipinapatupad na panuntuna ng USA Swimming organization.

 

 

Sinabi ni Gyorgy, na naging pambato ng bansang Hungary noong 2016 Olympic na ngayon ay nasa Virginia Tech, na lubos na nakakagalit ang ginawang desisyon na ito ng NCAA.

 

 

Maging ang Save Women’s Sport, ang grupo na kumokontra sa transgender athlete ay nagsagawa n na rin ng kilos protesta.

P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.

 

 

 

Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang sentimyento ni Finance Secretary Carlos Dominguz III na siyang nagunguna sa paglalaan ng pananalapi para naturang programa dahil maaaring magkaroon ng problema sa pondo sa anim na buwan kung ipagpapatuloy ang pamamahagi ng P500 buwanang unconditional cash aid.

 

 

 

Kukunin aniya ang P500 na ibibigay sa loob ng tatlong buwan mula sa excess revenue na nakolekta ng DOF.

 

 

 

Ayon kay Canda, nakatakdang makatanggap ng cash aid ang nasa 13 million beneficiaries. Planong simulan ang pamamahagi ng subsidiya sa 4Ps sa susunod na buwan.

 

 

 

Ayon sa DBM, nasa P20 billion ang ilalaan para sa tatlong buwang pamamahagi ng P500 subsidy.

Ex-US first lady Hillary Clinton nagpositibo sa COVID-19

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating US first lady Hillary Clinton.

 

 

Sa kanyang social media account ay kinumpirma ng dating secretary of state at two-time presidential candidate na ito ay dinapuan ng nasabing virus.

 

 

Nagpasalamat na rin ito dahil bakunado na siya laban sa COVID-19 kaya hindi siya gaanong nakaranas ng matinding sintomas.

 

 

Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.

 

 

Hindi naman dinapuan o nakaranas ng anumang sintomas ang asawa nitong si dating US President Bill Clinton.

 

 

Pinayuhan niya ang mga mamamayan magpaturok na lamang ng bakuna laban sa COVID-19 para hindi sila madapuan ng virus.

10,196 public, private schools, nagpapatupad ngayon ng limited face-to-face classes — DepEd

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 10,000 eskuwelahan na naghahandog ng basic education sa buong bansa ang kasalukuyan ngayong nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alerts Levels 1 at 2.

 

 

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, base sa quick count “as of March 22,” may kabuuang 10,196 eskuwelahan ang nagpapatupad ng limited face-to-face classes.

 

 

“There is a total of 14, 396 public and private schools submitted by the regions that are nominated for the progressive expansion phase of the limited face-to-face classes with 2, 600, 773 learners,” ayon kay Garma.

 

 

Batay sa quick count hinggil sa bilang na nagpartisipang eskuwelahan na nagsimulang magpatupad ng ‘progressive expansion’ ng limited face-to-face classes, ang Region III ang may pinakamaraming bilang ng eskuwelahan na nagpatuloy na ang ‘in-person classes’ dahil mayroon itong 1,809 schools na naitala.

 

 

Sinundan ito ng Region VIII na may 1, 536 eskuwelahan; Region IX na may 1,333; at Region V na may 1, 164 eskuwelahan.

 

 

Sa National Capital Region (NCR), mayroong 292 eskuwelahan kung saan 265 ang pampubliko habang 27 naman ang pribado na nagpatupad ng limited face-to-face classes.

 

 

Sinabi ni Garma na nagpi-presenta ang DepEd ng data base sa quick count lalo pa’t binigyan naman ng kapangyarihan ang mga regional directors na pumili ng mga eskuwelahan na magpapartisipa sa progressive expansion ng limited face-to-face classes.

 

 

“However, we need to to validate and put some corrections on the numbers, but nevertheless, what we provide you are the actual numbers that come from our Regional Offices through our planning officers,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bodega ng Comelec binuksan sa publiko

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINUKASAN na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9.

 

 

Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD (Secure Digital Memory Card) cards na gagamitin sa mga vote counting machines habang sa NPO naman inililimbag ang mga balota.

 

 

“We already opened for public viewing the Sta. Rosa Comelec warehouse in Laguna where the SD cards are being configured and National Printing Office where the official ballots are being printed to different stakeholders including but not limited to political parties and the media,” ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

 

 

Aniya, nakataya sila sa pagiging tapat at malinaw ng mga proseso sa halalan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

 

 

Ito ang dahilan kaya pagkatapos niyang umupo ay pinayagan agad niya ang mga tagamasid sa ‘livestreaming’ sa kanilang mga aktibidad ng hindi nako-kompromiso ang seguridad ng mga dokumento at maging ang sistema ng Comelec.

 

 

Ngayong Huwebes, magtutungo muli sina Pangarungan at ibang opisyal sa NPO sa Quezon City at sa kanilang bodega sa Pasig City kasama ang mga stakeholders para sa ‘random sampling’ at inspeksyon ng mga naimprentang opisyal na balota.

Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan

Posted on: March 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan  City. Kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block 5, Lot 14, Pampano St., Brgy. 14.

 

 

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa naturang compound kung saan nakatira ang anim na pamilyang magkakamag-anak kaya’t hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay ang tatlong taon gulang na si Patrick Ace Francisco na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

 

Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang undercontrol ni F/Sr. Insp. Arvin Jude Rapano dakong ala-1:56 ng hapon habang idineklara itong fire-out bandang alas-2 ng hapon.

 

 

Ani fire investigator FO3 Mark Vincent Severino, anim na bahay ang tinupok ng apoy na naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang anim din na pamilya.

 

 

Nasa more or less P80,000 halaga naman aniya ng ari-arian ang natupok sa insidente habang inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog. (Richard Mesa)