MAHUSAY si Carmina Villarroel sa kanyang role bilang Barbara sa bagong GMA series na Widow’s Web.
At bongga palagi ang outfit ni Carmina dahil isang super rich na madam ang kanyang role sa serye na dinidirek ni Jerry Lopez Sineneng.
Daring din si Carmina as Barbara dahil mayroon siyang male lover. At may supposed to be love scene sila na naudlot nga lang dahil may “maritess” na kumatok sa pinto.
Sabi naman ni Carmina, willing siya to do challenging roles, ‘yung mga hindi pa niya nagawa before.
To be fair, kaabang-abang ang acting ng female cast ng Widow’s Web dahil lagi may patalbugan sila sa husay.
At enjoy panoorin si Carmina dahil kayang-kaya niya na maging maldita.
***
KAHIT na may iniindang sakit, hindi nagpapigil si Kris Aquino at dumalo sa rally ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac noong Wednesday.
Kasama ni Kris ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Sorpresa ang pagdating ni Kris sa rally.
Sa kanyang IG account @krisaquino, she shared “Maraming ninerbyos pero tinanggap na lang na hindi talaga ako magpapapigil, Paalis na po kasi, isa pang XOLAIR sa Sunday, a few days of monitoring lilipad na.”
Naging maiinit naman ang pagtanggap kay Kris ng audience nang siya ay lumabas sa stage.
Matagal na rin naman siya kasi hindi nakikita ng mga tao. Siyempre, ikinatuwa ng mga Kakampinks ang pagsuporta ni Kris kay VP Leni na kaalyado ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.
Kris also shared na may nakita raw siyang sulat ni Noynoy for Leni kung saan sinabi ng yumaong pangulo na si Leni ang nakikita niya na siyang dapat magpatuloy ng mga nasimulan na dahil ito ay may vision.
Marami ang nagdarasal na gumaling si Kris at umaasa na may magagawang tulong sa kanyang health problem ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.
***
KAHIT na hindi siya binigyan ng acting tips ni Alexa Ilacad, gusto ni KD Estrada na pagbutihan ang acting niya sa 6-part series na Bola Bola, na unang major acting assignment ng PBB alumnus.
Bago pa raw siya lumabas ng Bahay ni Kuya ay in-offer na sa kanya itong Bola Bola kaya naman determined si KD to give his best.
Gusto raw niya na ma-impress si Alexa sa acting niya kaya he is giving it his best shot.
Masaya si KD dahil nabigyan siya ng chance ng Dreamscape para maging leading man ni Francine Diaz.
“I want to explore acting as well,” pahayag ni KD who is also a singer and a social media influencer.
Marami raw silang fun moments ni Francine sa taping dahil ginagawa raw ni Francine na madali ang trabaho nila.
Nag-meet na raw sila before ni Francine. He describes Francine as “madaldal at maraming kwento.”
“Kahit na sikat na siya, she remains level-headed and humble,” sabi pa ni KD.
(RICKY CALDERON)